Share

Chapter 3

Biglang nag quit ang kanyang secretary dahil sa ugali nitong hindi mo maintindihan. Kaya hindi na nakatiis ang kanyang secretary at bigla siyang umalis pagkatapos ng kanyang huling sahud. Halos lahat ng naging secretarya niya ay umaalis dahil kahit na kumakain pa ang secretarya nito palaging nag uutos. At palaging galit.

“Oh! C’mon kuya!” Pang ilang secretarya muna iyan?” Inis na sabi ni Ethan sa kapatid.

“Kung nagbibigay pa sana si papa?” I’m sure” na hindi lang sapak ang matatanggap mo”

Dagdag pa niyang sabi sa kuya niya..

At agad naman nilagok ni Dave ang isang boteng whisky na nakalagay sa lamesita nila.

Kahit palaging seryoso ang mukha niya ay halata paring napaka pogi niya at matangkad kayumanggi at sobrang tangos ng ilong.

“I’ll go ahead kuya.” Sabay tayo at nagtungo siya sa kanyang silid at iniwan mag isa si Dave.

Sila lang dalawa sa kanilang mansyon. Dahil ang kanilang ina ay sa state na ito namalagi. Mula ng mamatay ang kanilang Ama.

Galit parin si Aling Veronica sa ginawa ng kanyang anak sa kanyang manugang. Dahil kahit na anu pa ang sabihin ng mga tao kay Zara! Badoy pangit. Para sa kanya si zara lang ang pinakamaganda sa kanilang nayon……….

“Wala kabang balak na puntahan ang iyong asawa sa maynila.?” Sabi sa kanya ng kanyang ina habang siya ay nag hahanap ng mapapasukang trabaho sa internet. Gusto niyang magtrabaho sa maynila.

“Inay, siya po ang kusang umalis, kaya siya din po ang kusang babalik.” Sagot naman niya sa Ina. Ayaw ni Mateo na magpakasal noon kay Zara dahil sa pagka nerd nito. Pero dahil sa ina, kaya siya napilitan magpakasal dito kahit simpleng kasal lang sa simbahan.

Kung hindi lang sana siya ikinasal kay Zara. Isa na siyang ganap na enhinyero.

Tricia. Tawag niya sa kanya.

“Sir!” Sagot naman niya habang palabas na ito ng opisina niya.

“May kilala kabang tao na mahaba ang pasensya.?” Sabi niya habang titig na titig ito sa kanya.

“Uhm!” Uh! Bakit sir!?” Gulat naman niyang turan.

“Si kuya kasi.! Naubusan na yata ng pasensya yung secretarya niya kaya nag resign.” Bigla naman siyang sumagot dahil kailangan nga ng pinsan niya ang trabaho para makapag simula ulit.

“Yes sir!” Akong bahala may kakilala ako.” Ngiting sabi niya. Lalabas na sana siya ng bigla siyang tawagin ulit ni Ethan.

Pinaliwanag nito kung anung ugali ang mayroon ang kapatid niya. At alam din niya iyon.

Pagdating niya sa bahay. Agad niya binalita iyon kay Zara. Labis naman siya natuwa dahil sa wakas ay makapag trabaho na rin siya.

“Pero, pinsan. Si sir Dave. Hindi siya tulad ng boss ko! “pagmamalaki niya habang nangungusap ang mga mata. Dahil may lihim siyang pag hanga sa kanyang boss. Kaya lang may girlfriend na ito na isang anak mayaman din. Pero hindi rin siya nawawalan ng pag asa na mapapansin din siya ni Ethan. Kaya tudo pagpapaganda niya.

Pagkatapos niyang ipaliwanag lahat kay Zara kung anu iyong kailangan niyang gawin. Sinabi din ni Tricia kung anung ugaling mayroon si Dave.

Sadya naman mabait, masipag,maunawain si Zara kaya kahit sa isip niya na mahirap pakisamahan ang ganoon klasing tao. Malaki din ang tiwala niya sa kanyang sarili.

Ipinakilala ni Tricia si Zara kay Ethan at Dave. Gaya ng inaasahan nagkasalubong lang ang kilay ni Dave. Lalo na at mukhang senior citizen na ang kanyang bagong secretarya.

“Ikaw na magtuturo sa kanya kung anu yung gagawin niya dito. Sa lahat- lahat pahabol pa niyang sabi kay Tricia.

“Opo sir.!” Aniya

“Sabi kuna man sayo magsuot ka ng bagong damit.” Bulong naman niya agad sa pinsan.

Nakaramdam naman siya ng hiya. Lalo na ng mapansin niyang halos ayaw siyang tignan ng kanilang boss.

“Tricia?” Tawag naman ni Dave sa kanya.

“Wala kana bang ibang kakilala? Liban dito? Kasi i think’ dapat sa palengke siya nag trabaho kasi look? Sabay turo sa aura ng pinsan.

Sa kauna- unahan pagkakataon ngayon lang nakita ni Tricia na tumawa ng Malakas si Dave.

Manang na manang Baka isang tawag kulang e’ baka humarorot ng takbo.” Sabi pa niya habang humalaklak ito ng malakas pati ibang mga worker doon ay napapalingon sa kanila.

Agad naman nagsalita si Ethan. Kasi napansin niyang yumuko si Zara at napansin din niyang namumula ang kanyang mga pisngi.

“Okay kuya. Huwag kanang umarte.you hired“Aniya kay Zara.

Kahit ang hirap para sa kanya na tanggapin si Zara. Wala naman siyang choice.

“Nextime mag ayos ka ng naayon sa gusto ko. Ayaw kunang ganyang porma Zara.” Sabi naman agad ni Dave.

“Please Tricia teach her okay?” Mahinahong sabi niya. Tumango nalang siya bilang tugon.

Mula ng lukuhin ni Mateo si Zara palagi nalang umiiwas si Agnes kay Veronica.

Hindi naman siya pinapatulan ni Veronica dahil mabait at maunawain ito. Sadyang hindi lang niya ginusto na lukuhin ng kanyang anak si Zara.

Taga maynila naman si Elane. Noong bata siya sa probinsya siya nag aral. Pero pag sapit ng dalawang taon bumalik sa maynila ang kaniyang mga magulang kasama siya. Pagkaraan ng isang taon bumalik naman si Veronica sa kanilang probinsiya at dala- dala si Mateo anak niya sa pagka dalaga noong mag work ito sa maynila nabuntis siya ng anak ng kaniyang amo.

“Inay, pupunta po ako ng maynila. Sabi ni Mateo sa ina na siya naman ikinatuwa ng Ina.

“Hanapin mo doon ang asawa mo.?” Ngiting sabi ng Ina.

“Maghahanap po ako ng trabaho doon inay’ at kasama ko po si Elane.!” Sagot niya sa Ina habang busy ito sa kaka impaki ng kanyang mga gamit.

“Seryoso kaba?” E’di pa nga kayo hiwalay ng asawa mo? Tapos kung umasta ka Parang binata” Galit na sabi ng ginang.

“Inay, patawad po! Pero diko po mahal si Zara.” Sabi pa niya na halatang seryoso sa kanyang mga sinasabi.

Kahit anung pilit niya sa anak. Talagang pinagpilitan parin nitong di na niya mahal ang asawa.

Kahit mahirap para sa kanya ang gagawin ng anak. Wala na rin siyang nagawa. Nagdasal nalang siya na maging maayos din ang lahat pagdating ng tamang panahon.

Noong bata pa si Mateo palaging nagtatanung ito sa kanyang ina Veronica. Kung nasaan ang kanyang ama. Madalas kasi noon na hinahanap ang tatay para gumabay sa mga anak. Lalo na sa eskwelahan. Madalas si Veronica ang kasama niya. Siya ang naging Tatay at Nanay. Hanggang sa lumalaki siya nasanay na siyang walang tatay sa tabi niya.

Ikinahiya ni Veronica ang kanyang kapalaran noon, na naging kabit siya. Sa ka una unahang pagkakataon, umibig siya sa lalaking may sabit na. Lalo na at isa lamang siyang katulong at anak pa ng kanyang amo.

Noon, madalas nagbabakasyon si Fabio sa mansyon ng kaniyang mga magulang. Isinasama niya palagi ang kanyang pamilya.

Madalas hindi kasama ang asawa ni Fabio. Ang kanyang dalawang anak lang isinasama. Ang asawa nito laging nasa America, Lalo na at sa America na nakatira ang parents nito at mga kapatid.

Kaya dahil doon nahulog ang loob ni Fabio kay Veronica, lalo na at maganda at sexy ito.

Pero noong mabuntis ito, at nalaman ng asawa ni Fabio. Pinalayas niya si Veron. Walang nagawa si Fabio. Dahil ayaw din ni Fabio na masira ang pamilya nito.

Maraming galit kay Veron. Mga magulang ni Fabio at iba pang kamag anak.

Pinalayas siya at napilitan mangupaan. Noong una palaging pinapadalhan ni Fabio ng panggastos si Veron para sa panganganak nito.

Pagkatapos nitong manganak. Pagkaraan ng isang taon. Naisipan niyang bumalik sa kanilang probinsya.

Pagsapit ni Mateo sa idad na isang taon at kalahati. Biglang naputol ang kanilang kumunikasyon sa isa’t isa.

Hanggang nagbinata na ito. Wala ng parang bola ang kanilang koneksyon sa isa’t isa. Hindi niya alam kung buhay paba ito o wala na.

Nilibing na rin niya sa limot ang kanyang karanasan sa buhay.

“Anak, sigurado kana bang luluwas ng maynila.?” Mahinaong sabi nito sa anak at may hawak itong picture na pinaka iingatan niya. Dahil iyon lamang ang tanging alala niya kay Fabio.

Habang si Mateo busy sa kakachat niya sa kanyang kaibigan sa maynila.

“Opo, Inay ” Tugon niya sa ina.

Maya’t maya pa binigay niya ang picture ni Fabio sa kanya.

Nabigla naman si Mateo.

“Inay, sino siya. Ba’t niyo naman po binibigay saakin ito.?” Ngiting sabi pa niya sa ina.

“Si-si-siya ang i-yong a-ama. “nauutal niyang sabi.

“Huh?” Biglang sabi niya sa ina.

Hindi siya makapaniwala na sa tagal ng panahon na palagi niyang kinukulit ang ina. Tungkol sa ama, ngayon lang ito nagbigay ng ganap na kasagutan.

“Anak, sorry” kung ngayon lang ako nagkusang loob na ipagtapat sayo ang totoo.” Diko alam kung buhay paba siya o patay na, wala na kaming kontak sa isa’t isa.

Ipinagtapat lahat ni Veronica sa anak ang naging buhay niya noon. Kung paano sila nagkakilala sa ama nito.

Naawa siya sa Ina sa naging karanasan niya noo.

Pagkatapos ibigay ni Veron ang buong pangalan ni Fabio. Agad siyang nag search sa kanyang account.

Subalit walang Fabio Delos Reyes.

At hindi lang picture ang binigay ni Veronica sa anak, pati address nito kung saan nakatira sa maynila.

Sabay lumuwas ng maynila sina Mateo at Elane.

Pagdating nila ng maynila. Sinundo sila agad ng kaibigan niya na si Jun.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status