MasukAt dahil sa nangyari ay nahuli ng kanilang ama si yanyan.
" Ikaw pala si yanyan, ikaw ba gumawa nito? "Tanong ni Zach sa bata.
" Opo ako ang gumawa nyan"tugon ng bata."wala na pong iba!"
" Sino yung mga kasabwat mo na yun?? "
" Hindi ko sasabihin sayo,bad ka!"sabay kunot ng noo at pinagbigkis ang mga braso sabay erap ng mata sa ama.
"Ako?bad? " Napangiti si Zach sa narinig, "Kung ganun, dahil hindi mo sasabihin sakin kung sino ang mga kasama mo...sabihin mo nalang sakin kung ano ang pangalan ng nanay mo?"
"Hindi ko rin sasabihin sayo," tugon ng bata na nakabusangot ang mukha.
"Okay, dadalhin nalang kita".
Nang marinig ito ni yanyan ay biglang nakaramdam ng takot at pangamba na tila aakmang iiyak.
Kaya ibinaba nalang sya ni Zach at inilapag sa sahig.
Nang makababa na sa sahig,paulit ulit nyang binubulong sa sarili ang makatakbo at makatas.
" Takbo yan yan takbo!"bulong nito sa sarili habang naghahanap ng tamang tyempo at pagkakataon.
Kaya ng maka hanap ng pagkakataon ay agad na humakbang palayo ngunit nahawakan sya ulit at binuhat.
Kinaway kaway ang mga paa sa sahig habang binibuhat pero walang syang magawa dahil sa ikli ng kanyang mga binti.
Pilit na kinukuha ni yanyan ang pagkakataon at buong kaya para makatakbo ta makatakas ngunit nabigo sya.
Sumimangot ang mukha ni yan yan na parang galit habang nakatingin kay Zach.
" Ang cute mong bata ka."bulong na sambit ni Zach.
Dinala nya ang bata papasok ng sasakyan at muling tinanong...
"Sabihin mo nga sa akin,Bakit mo ba ginawa yun?"
Hindi umimik si yanyan at nanatiling nakatikom ang bibig.
"Pakitawagan nga mga ang pulis" utos ni zach sa kanyang assistant.
"Yes sir!"
"Hintayin mong kuntakin ng mga pulis ang magulang ng bata." Tugon nya. Hindi pwedeng basta nalang iwan dito ang bata."dagdag pa nya habang nakatingin sa bata na kanina ay sobrang tapang na ngayon ay umiiyak na at natatakot.
Nakaramdam si yanyan ng kalungkutan at pag aalala na baka hindi na nya makita ang kanyang ina at agad namang umagos ang kanyang mga luha.
Madaling mairita si Zach kapag nakakarinig ng iyak ng bata sa kanyang harapan,ngunit habang tinitingnan nito ang malungkot nyang mga mukha habang umiiyak ay tila biglang lumambot ang kanyang puso sa bata.
"Teka bakit ka umiiyak?" Tanong nya sa bata,"Hindi kita sinaktan ah" dugtong pa nya.
"Hindi ko na makikita si mommy,dinukot nyo ako!ang bad mo!"umiiyak na halos hindi na makapagsalita ng maayos.
Kumunot ang noo ni Mia habang pinakikinggan ang iyak ng bata. "Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba sya umiiyak?" Tanong ni Mia kay Zach na naiinis.
Habang tahimik naman na tinitigan ni zach ang bata at nagsalita .
"Okay sige, tahan na!" Sambit nito. "Hahayaan kitang makawala kapag nakausap ko na ang mommy mo. " Dagdag pa nya. "Kaya sabihin mo na sakin kung ano ang pangalan ng nanay mo!"
Agad namang napatigil sa pag iyak si yanyan sabay punas ng kanyang mga luha sa mga mata gamit ang mabibilog na mga kamay nito.
"Talaga po?" Sambit nito habang nakangiti na nakatingin kay Zach.
"Oo pero kailangan mong sabihin sakin bakit mo ginasgasan ang kotse ko?bakit mo ginawa yun?"
Nagdududa pa rin si Yan yan sa sinabi Zach na papakawalan sya kaya kahit anong gawin ni Zach na pagtatanong ay nanatiling tikom ang mga bibig ng bata habang nakatingin ito sa kanya na parang sinasabing "wala kang makukuhang sagot sakin."
" Ang hirap naman kausap ng batang ito!" bulong nito sa sarili na parang naiinis na nagpipigil.
Sa di kalayuan kung saan nagtatago ang dalawa pang magkapatid na natataranta habang nakikita nilang walang magawa ang nakababatang kapatid para makatakas.
Akmang lalabas na sana si Mark para iligtas ang nakababatang kapatid ngunit kalmado syang pinigilan ng nakatatandang kapatid na si jero.
"Teka lang Mark sandali, Mahuhuli rin tayo
Kapag lumabas tayo....baka di natin sya mailigtas,magdudulot lang tayo ng problema kay mommy!"
"Pero paano...? Anong gagawin natin kuya? Kawawa naman si yan yan!" Nanginginig na tanong nito sa kanyang kapatid habang nakayuko at nagtatago.
"Hanapin mo muna si mommy." Tugon nito.
Biglang tumunog ang phone ni mark.
"Kuya ...kuya si mommy tumatawag! Paano na?ano ang sasabihin ko?"
Labis na nag aalala si Vhianne dahil Kahit ano gawin nya ay di nya sila mahanap kaya napatawag nalang ito.
"Sagutin mo!"
Agad namang sinagot ni mark ang tawag ng kanyang ina.
"Mark! Jero? Saan kayo nagpunta..? Nasaan kayo?asaan kapatid nyo...??" Sunod sunod na tanong ni Vhianne na labis na pag aalala.
" Mom....Mo...Mommmy!!"nanginginig at utal na sagot ni Mark.
" Mommy...si yanyan po kinuha ni Bad daddy!" Kalmadong sagot ni Jero.
Matapos marinig ito ni Vhianne ay napaisip sya kung meron bang problema .
Sandaling hindi nakapag salita dahil sa pagkagulat sa kanyang narinig.
"Huh? Ano...? " Balisang tugon ni Vhianne sa anak. "Nakilala ka ba nya?? Dugtong pa nya.
" Hindi po.! "Sagot nya.
"Okay, bumalik na muna kayo dito...! Magiisip ng paraan si mommy."
"Opo!" Tugon ng panganay na anak na si Jero.
Matapos ibaba ang tawag ay nakatanggap ulit sya ng tawag gamit ang ibang numero, kinakabahan si Vhianne habang dahan dahang sinasagot ang tawag.
Sa puntong ito ay nakuha na ng assistang na ni Zach na si Gian ang numero ng telepono ni Vhianne.
Nang marinig nya ang malamig na boses ng lalaki na nasa kabilang linya ay mas lalo pa siyang nanginig at nabalisa.
"Ikaw ba ang Ina ng bata....? Nasa akin ang anak mong babae."
Matapos nyang marinig ang boses ay pumasok sa kanyang isipan ang isang pamilyar na tinig na mas lalong nagpakabog ng kanyang dibdib.
" Wag mong sasaktan ang anak ko!! "Sigaw nito sa kabilang linya.
Habang naririnig ang paglakas ng iyak ng bata na mas lalong nagpabalisa sa kanya.
" Magkita tayo sa Five start Hotel" saad nito.
"Naiintindihan ko..Pag usapan natin to ... Basta wag mo lang sasaktan ang anak ko!" Tugon nya. "Babayaran kita." Dagdag pa nya.
Kumunot ang noo ni Zach matapos marinig ang boses na parang pamilyar sa kanyang pandinig habang ibinababa ang tawag.
Samot saring emotion ang nararamdman ng batang babae dahil sa takot at kaba nito.
Kinabukasan... Maagang nagising si Yanyan nang normal lang at patuloy na inaalagaan ni Tiya Beth na gaya pa rin ng dati. Pinaliguan, binihisan ng magandang damit at inayusan ng buhok at pinakain. Matapos ang pag aayos, lumabas si Yanyan ng silid na parang walang kasunduan na nangyari kagabi. Nakasalubong niya si Zach na papunta na sana sa trabaho. Nabigla si Yanyan at napatawag itong "Bad daddy". Matapos ang ilang segundo ay napatakip agad ito sa kanyang bibig ng dalawang kamay matapos na mapagtanto ang kanyang ginawa. Bago pa man nya magawa ito, ay nakatuon na sa kanya ang paningin ni Zach. Malinaw na narinig ang kanyang sinabi pero umastang wala ito masyadong naintindihan sa kanyang narinig. Sabay na nagkatinginan ang mag ama, "nako po,hala anong gagawin ko narinig yata ni daddy ang sinabi ko." Bulong nito sa sarili habang nakatakip ang mga kamay sa bibig at nakatingin sa mga mata ni Zach na pinapanood rin sya. Nanatiling nakatayo sa harap ni Zach si Yanyan na gula
"Yes po sir" ... Samantala, mas lalo pang lumala ang ekspresyon ni Mia dahil sa kanyang narinig. "Vhianne!" Bulong nito. Sa puntong ito, tumindi pa ang galit at paghihinala ni Mia kay Vhianne na sya ang may kagagawan nito at sya rin ang nasa likod ng lahat ng ito. Dahil sa pangyayaring ito, di pa rin mawala sa isipan ni Mia na mayroon pa ring kinikimkim na galit sa puso si Vhianne noon na hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya kaya gumawa sya ng eskandalo sa pagitan ng pamilya ni Zach at Mia. Pero sa pakiramdam niya ay mukang malabo rin na si Vhianne ang nasa likod ng lahat dahil sa kasama niya ito sa bahay habang kasalo na kumakain nung mangyari ang eksena. Pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang lahat na si Vhianne lang ang tanging makagagawa nun dahil sya lang naman ang nagiisang babaeng may galit sa kanila. Agad na nag-ngitngit ang paningin ni Mia kapag naririnig at naalala niya ang pangalan ni Vhianne."Ang babaeng iyon, Alam kong sya ang may kagagawan
... Biglang nakaramdam si Vhianne ng labis na kalungkutan sa kanyang puso, at namutla ang kanyang mukha dahil sa pakiramdam na mukhang di na niya matatakasan pa si Zach at wala na siyang mitatago pa. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa mga mata ni Zach habang namumutla at sinabi. "Ano ba ang gusto mo na dapat kong ipaliwanag sayo? “ aniya na nanginginig ang boses. Tinitigan ni Zach si Vhianne sa mga mata na may namumuong galit sa kanyang mukha at may kakaibang titig nito sa kanya. Hindi niya lubos na inaasahan na ang taong makagagawa nito ay wala iba kundi si Vhianne. " Wala na akong dapat na ipaliwanag pa sayo Zach!, ano pa ba ang gusto mo? " Sambit ni Vhianne. Kahit na nanginginig ang boses ni Vhianne, ay pilit niyang pinapakalma ang sarili at kumikilos na parang hawak ang sariling mundo at katatagan. Mas lalong nakita sa mga titig ni Zach ang pagkagalit nito sa kanyang puso na agad namang naramdaman ni Vhianne ang kakaibang init nito sa kanya
"sir, nandito po ba tayo para mag paternity test? Tanong nito habang hawak ang telepono na naka on call. " Uhmm.... " " Sir.. sino po ang kasama? "Tanong nito habang naguguluhan sa nangyayari. " Bakit ba ang dami mong tanong, manahimik ka nalang diyan at sumunod. " " Pero sir, may nangyayari po sa kumpanya, mukhang mas mahalaga po ito na malaman nyo at kayo po mismo ang mag ayos personal." Sambit ni Gian habang takot at nangangamba sa mga nangyayari sa loob ng kompanya. Kumunot ang noo ni Zach at tumaas ang kilay," Bakit, ano ba yun? Anong nangyayari sa kompanya?"Tanong niya. Sa mga sandaling ito, patuloy ang pag play ng video sa malaking screen sa loob at labas ng gusali na pag mamay ari ng Luther Corp. Isang uri ng video na nakasuot ng pang kasal sina Zach at Mia na edited at pawang mga gawa sa AI Animation.Malakas ang tugtog ng speaker ng screen sa lobby at malinaw na kitang kita ang mga mukha nina Zach at Mia na AI generated at sumasayaw na parang mga baliw at lok
Kinagabihan, nagsalo salo ang lahat para sa isang hapunan, hiniling ng matanda kay Vhianne na pagkatapos niyang maghapunan ay mamalagi na muna siya sa bahay. Ngunit, tinanggihan ni Vhianne ang alok ng matanda dahil nag aalala rin ito sa dalawang anak na lalaki na nasa lumang bahay niya ngayon. At kapag mas tumagal pa siya sa bahay ay baka mas lalong maghinala ang matanda at si Zach. "Hindi na po lolo,aalis na po ako pagkatapos ko." Magalang na sagot nito sa matanda. Aalis din naman si Mia kaya panatag ang kanyang loob na iwan muna si Yanyan sa Kamay ni Zach. "Oh sige, kung yan talaga ang gusto mo, di na kita pipilitin pa." Sagot ng matanda, "mag iingat ka." "Opo." Pagkatapos ay tumayo na si Vhianne at kinuha ang kanyang gamit matapos na kumain. Palihim namang sumulyap si Vhianne kay Yanyan. Habang paalis na si Vhianne, agad naman na nagpaalam si Yanyan kay Vhianne. "Paalam po tita!" Sigaw nito habang kinakaway kaway niya ang kanyang mga kamay na nakataas. Ngumiti si Vhianne at
Tumango ang matanda. "Oo, ganun na nga." "Kapag natapos na ang paternity test, tiyak na magiging malinaw at maayos na ang lahat, masasagot na ang lahat ng mga paghihinala at pagdududa." Tahimik na nakakunot ang noo ni Zach at sandaling nag isip. "Ang sabi mo, hindi pa naman nakokontak ang magulang ni Yanyan. Ngayong nakabalik na si Vhianne, ang pagdating ni Yanyan mag isa sa airport, hindi ba't kahina hinala iyon?“ dahan dahang sambit ng matandang lolo. Gayunpaman,sa kabila ng mga kahina hinalang ito, palaging may makatwirang paliwanag dito kaya hindi malaman agad ang totoo sagot. " Wala naman sigurong mawawala diba, kung susubukan natin, kaya marapat lang na gawin natin ang paternity test para malaman natin ang totoo. Iyon nalang ang nakikita kong sagot para malutas ang lahat ng pagdududang iyan." Paliwanag ng matanda. Tumango si Zach. "Naiintindihan ko." Sumang ayon si Zach sa gusto mangyari ng matanda. Pagkatapos nilang mag usap ay agad na tumayo so Za







