LOGINSYNOPSIS Noong kolehiyo, naging tapat ang pag-iibigan nina Lori at Gabriel. Si Lori ay iskolar sa pamantasan na pagmamay-ari ng pamilya ni Gabriel para sa mga mahihirap, habang si Gabriel naman ay nag-aaral doon para maranasan ang maging simpleng estudyante. Ngunit nang matuklasan ni Lori na si Gabriel pala ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa, lumayo siya at naglahong parang bula pagka-graduate, na walang kahit anong pasabi. Makalipas ang limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas sa ospital nang isugod ni Lori ang kanyang limang taong gulang na anak na babae na inatake sa sakit, habang kasunod ang isang lalaking may hawak namang batang lalaki. Habang si Gabriel ay may kasamang magandang doktor. Tila tumigil ang mundo nila sa akalang may kani-kaniya na silang pamilya. Nang masuri ang bata, pinaalam ng doktor kay Lori na kailangan agad operahan ang bata at si Gabriel lamang ang tanging may kakayahang gumawa nito, lumapit at humingi ng tulong si Lori. Pumayag si Gabriel dahil tungkulin niya ito bilang doktor at hiwalay ito sa sakit na idinulot ni Lori sa kanya. Habang sinusuri ang bata para ihanda sa operasyon ay nakaramdam si Gabriel ng lukso ng dugo, Ngunit hindi iyon pinansin ni Gabriel, kahit nalilito siya sa nararamdaman. Bago ang nakatakdang operasyon, umuwi si Gabriel sa kanila, naabutan niya ang mga magulang na masayang nagbubuklat ng mga lumang album. Naupo siya’t nakitingin nang biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sa larawan nakita niyang kamukha niya ang kambal ni Lori, doon na sumagi ang katanungan sa kanyang isip na hindi kaya anak niya ang kambal? Para makakasiguro pinaimbistigahan ni Gabriel ang buhay ni Lori, five years ago, at doon niya natuklasan ang bagay na magpapabago sa galit na matagal na niyang kinikimkim.
View More“Dok! Tulong! Pakiusap, ‘yung anak ko hindi na nakakahinga!”
Bumalot ang kaguluhan sa malamig na pasilyo ng Emergency Room nang mabilis na pumasok ang isang stretcher. Nakakapit doon si Lori Santiago, nanginginig ang buong katawan at basang-basa ng luha ang mga pisngi habang patuloy na sumusunod sa mabilis na takbo ng stretcher.
Sa ibabaw ng kama, ang limang taong gulang niyang anak na si Mishael ay namumutla, nanghihina, at habol ang bawat hininga. Ang maliit nitong labi ay nagsisimula na itong magkulay-pasa.
“Mishael, baby, nandito si Mommy,” umiiyak na pakiusap ni Lori habang mahigpit na hawak ang napakalamig na kamay ng anak. “Huwag kang pipikit, ha? Tumingin ka kay Mommy!”
“Lori, kumalma ka… Makakaya ito ni Mishael,” pabulong na alalay ni Kiven mula sa kanyang likuran.
Hawak ni Kiven ang kabilang kamay ng kambal ni Mishael na si Malachi. Bagamat limang taong gulang pa lamang, ay walang kaimik-imik ang bata ngunit bakas ang matinding takot at pag-aalala sa malalaking mata nito.
“Baby, please, stay with Mommy,” hagulgol ni Lori habang hawak ang kamay ng anak. “ Baby, M-Mishael, Dada, Malachi and I are right here… Please, my darling, don’t close your eyes, look at Mommy.”
Agad na pinalibutan ng mga nars at medics ang kama ni Mishael. Mabilis ang bawat galaw ng mga nakaputi at maingay ang kalansing ng mga aparatong medikal sa paligid.
“Kabitan ng oxygen mask, fast!” sigaw ng tumanggap na doktor. “Check the vital signs! Masyadong mababa ang oxygen saturation niya, bumabagsak sa 70!”
“Pakiatras muna nang kaunti, Ma’am!” pakiusap ng isang nars habang pilit na itinutulak ang p***o ng trauma bay. “Kailangan po namin ng space!”
“Pakiusap, iligtas niyo ang anak ko!” sigaw ni Lori habang inilalayo siya ng mga medics.
Napasandal si Lori sa malamig na pader sa tapat ng Nurse’s Station. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at parang wawarakin ang kanyang dibdib sa matinding takot. Sa gitna ng kaguluhang ‘yon, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin—at doon ay biglang tumigil ang ikot ng kanyang mundo. Sa kabilang dulo ng pasilyo, nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng malinis na white coat.
“Dr. Del Fuego, an additional clinical report regarding the patient in Room 402 is now available for your report,” malambing na pakikipag-usap ng isang magandang doktora habang hawak ang braso ng lalaki.
Bahagyang tumango ang lalaki, ngunit dahan-dahang napalingon sa direksyon ng kaguluhan kung nasaan si Lori. Nakita niya sa anyo ng lalaki na wala na ang dating Gabriel na nakilala niya five years ago, ang nasa harapan niya ngayon ay si Dr. Gabriel Del Fuego—matipuno, may matitigas na anggulo ng mukha, at nagtataglay ng malamig na awtoridad. Nagkasalubong ang kani-kanilang mga mata sa gitna ng maingay na na ER.
“Gabriel…” mahinang usal ni Lori na halos hindi lumabas sa kanyang bibig.
Walang ngiti sa mga labi ni Gabriel, walang kahit anong bakas ng pagkagulat. Tanging pader ng galit, pait, at katigasan ang ibinato nito sa kanya, bago dahan-dahan na nag-iwas ng tingin.
“Dr. Enid, please continue what you were saying,” malamig na utos ni Gabriel sa kasamang doktora, at hindi na pinansin si Lori na para bang wala ang babae roon.
Napayuko si Lori habang pumapatak ang panibagong luha sa kanyang pisngi. Napakahigpit ng kapit niya sa sariling damit. May iba na siya… bulong ng kanyang isip.
Ngunit wala siyang karapatan na masaktan. Siya ang naglaho limang taon na ang nakaraan nang matuklasan niyang ang lalaking minahal niya ay tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Nabasag ang kanyang pagdadalamhati nang lumapit sa kanya ang attending physician ni Mishael matapos suriin ang bata.
“Misis Santiago…” mahinang panimula ng doktor. “Kailangan ninyong magpakatatag.”
“D-dok… kumusta po ang anak ko?” pautal-utal at nanginginig na tanong ni Lori. “Anong nangyari sa kanya? Makakaya po niya ito, ‘di ba?”
“Misis, kumalma po muna kayo,” ani ng Doktor.
“Paano ako—!” napahinto siya’t napatingin sa paligid. “Paano po ako kakalma dok?”
Hinawakan siya ni Kiven sa braso at pinakalma. “Lori, please—allow the doctor to explain. I kindly ask you to remain calm... Please.”
Napatango na lang si Lori at humilig bahagya sa braso ni Kiven, habang hawak ng lalaki si Malachi na tila handa ring makinig sa sasabihin ng doktor.
“Pagkatapos naming suriin ang kanyang mga vital signs, natuklasan naming mayroon siyang malubhang estado ng Complex Congenital Heart Defect,” seryosong paliwanag ng doktor. “Ang pag-atake niyang ito ay senyales na hindi na kayang suportahan ng kanyang puso ang sirkulasyon ng dugo. Kailangan siyang ma operahan sa lalong madaling panahon—bago mahuli ang lahat.
Napahawak si Lori sa kanyang dibdib, halos bumagsak siya sa sahig kung hindi pa siya mabilis na naisandal ni Kiven.
“Dok, pakiusap! Gawin niyo ang lahat!” pagmamakaawa ni Lori na halos lumuhod na sa harap ng doktor. “Magsusumikap ako, kahit magtarabaho ako gabi-gabi, iligtas niyo lang ang anak ko! Kahit magkano po…”
“Hindi pera ang pangunahing problema rito, Misis Santiago,” malungkot na umiling ang doktor. “Ang kaso ng anak mo ay lubhang komplikado. Sa buong ospital na ito—at sa katunayan, sa buong bansa—iisang dalubhasa lang ang may ganitong uri ng kasanayan upang gumawa ng ganito kadelikadong operasyon sa isang limang taong gulang na bata.”
Napatigil ang paghinga ni Lori. “S-sino po? Sino po ang doktor na ‘yon? Pakiusap po, ituro ninyo sa akin!” tuluyan na siyang napaluhod at napahawak sa lab coat ng doktor.
Dahan-dahang itinuro ng doktor ang pwesto ng lalaking nakatayo sa dulo ng pasilyo. “Ang aming Chief of Pediatric Cardiothoracic Surgery…” saad ng doktor. “Si Dr. Gabriel Del Fuego.”
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori. Napatitig siya sa dulo ng pasilyo kung saan nakatayo si Gabriel—malamig, matipuno, at tila hindi na niya maabot pa. Ang lalaking minsan niyang sinaktan at iniwan nang walang paalam.
Ang lalaking nagtataglay ngayon ng tanging susi upang manatiling buhay ang kanyang anak. At ang lalaking walang kahit anong kamalay-malay… na ang batang nakatali ngayon sa mga tubo at makina… ay ang sarili nitong anak.
Ngunit bago pa man magpatuloy ang magandang sandali ng pamilya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng silid. Mabilis na pumasok si Enid na may hawak ng tablet, kunwaring nag-aalala ang mukha.“Gabriel! Lori!” nagmamadaling tawag ni Enid. “May malaking problema sa labas ng ospital!”“Ano ‘yon, Dr. Delmonte?” kumunot ang noo ni Gabriel habang tumatayo.Ipinakita ni Enid ang screen ng tablet kung saan nakasulat ang isang trending headline sa mga news site:“SECRET FAMILY OF BILLIONAIRE SURGEON DR. GABRIEL DEL FUEGO EXPOSED? SCHOLAR FROM THE PAST CLAIMS TO HAVE HIS TWINS FOR MONEY!”Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lori nang mabasa ang artikulo. Sinisiraan siya roon at pinalabas na ginagamit niya ang mga bata upang makahingi ng pera sa pamilya Del Fuego.“G-Gabriel… hindi ko ginawa ‘to…” umiiyak na giit ni Lori habang nanginginig ang buong katawan. “Wala akong pinagsabihan na kahit sino!”Tumingin si Enid kay Lori nang may halong paninira. “Misis Santiago, marami nang reporte
Tahimik ang silid. Tanging ang mahinang tunog ng mga makina at ang nanginginig na paghinga nina Gabriel at Lori ang bumabasag sa katahimikan matapos ang kanilang matinding pagtatalo.“Karapatan ko, Lori…” pabulong ngunit may matinding diin na ulit ni Gabriel. Dahan-dahang lumambot ang kanyang pagkakahawak sa mga balikat ng babae, ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang boses. “I-I suffered for five years, thinking you just threw me away like I was worth nothing. But it hurts even more to realize that for those five years, my children grew up without me beside them.”Mabilis na pinunasan ni Lori ang mga luhang mabilis na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Umiling siya habang napapaatras.“Hindi mo alam kung gaano kahirap, Gabriel,” pait na tugon ni Lori. “Nang nalaman ko ang totoong pagkatao mo, narealize ko kung—kung gaano ka layo ang agwat ng mundo natin,” bahagya siyang natahimik at lumunok dahil sa sakit na nararamdaman. “Isa lang akong scholar na walang maipagmamalaki, samantalang
Matapos ang tatlong mahabang oras ng nakapapagod na operasyon, bumukas ang pinto ng Operating Room. Unang lumabas si Gabriel, at dahan-dahang tinatanggal ang kanyang surgical mask. Bakas ang matinding pagod sa kanyang mukha, ngunit naroon ang isang pambihirang kaginhawaan sa kanyang dibdib.Agad na patakbong lumapit si Lori, kasunod nito si Kiven at Malachi.“Gabriel! Dok… kumusta po ang anak ko? Ligtas ba si Mishael… m-maayos po ba siya?” umiiyak at nanginginig na tanong ni Lori, hawak ang sariling mga kamay na tila nananalangin.Tinitigan ni Gabriel si Lori. For the first time in five years, the coldness in his eyes changed—replaced by the familiar warmth that he had long buried away.“The operation was complete success, Lori,” mahinang pahayag ni Gabriel. “Ligtas na si Mishael.”Sa sobrang kagalakan at labis na ginhawang naramdaman, hindi na napigilan ni Lori ang sarili. Napahagulgol siya at mabilis na napayakap nang mahigpit sa leeg ni Gabriel.“Salamat… Maraming salamat, Gabriel!
Araw-araw nakikita ni Gabriel si Lori sa pasilyo ng ospital. Bawat pagtatagpo ng kani-kanilang mga mata ay may dalang matinding digmaan sa kanyang dibdib. Despite the anger and bitterness of the past that he desperately tries to let prevail—yet he diligently hides it behind cold words and formal demeanor.Habang naglalakad si Lori sa pasilyo bitbit ang isang basong tubig, ay bigla siyang hinarangan ni Dr. Enid Del Monte sa gilid ng nurse’s station.“Misis Santiago,” malamig at puno ng pang-uuyam na bati ni Enid. “Hindi mo ba naisip na nakakagulo ka sa focus ni Dr. Del Fuego? Palagi kang nakabuntot at nakatitig sa kanya.”At ako pa talaga ang palaging nakabuntot, samantalang siya itong parang inasinan kapag nawawala si Gabriel sa paningin niya. Bulong ni Lori sa kanyang isip.Tumingin si Lori kay Enid, pilit na pinapatibay ang sarili. “Narito ako para sa anak ko, Dr. Delmonte. Wala akong ibang hangarin kundi ang gumaling si Mishael.”“Talaga ba?” pabalang na ngumisi si Enid habang daha

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.