Share

CHAPTER 72

LEEXIYA'S POV

HINDI KO MAPIGILAN ANG matulala. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina, kung paano kami iniligtas ni Clever sa kamatayan. Ang buong akala ko mamamatay na ako.

N'ong oras na pinapipili ng lalaking nagsasalita si Clever, ang akala ko pipili talaga siya. Hindi ko pa rin mapigilan ang takot dahil may chance na hindi naman niya ako piliin, mas importante pa rin ang kapatid niya.

Pero, pinili niya kaming iligtas pareho. Doon ko mas lalong nakita ang tunay niyang pagkatao, hindi niya pabababayaan ang taong naging parte sa buhay niya, naging parte na rin ako sa kaniya. Kaya mas lalong sumisidhi ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya, lalo na sa binigay niyang paunang halik na nagpawala ng nerbyos ko kanina.

Napatingin ako kay Claver, natutulog siya, mula kaninang pagdating namin ay hindi pa siya nagigising. Medyo nag-aalala na ako sa kaniya.

Bigla namang nagbukas ang pinto kaya tiningnan ko kung sino 'yon, napaayos ako ng upo nang makita kong si Ivo 'yon.

"How are you feel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status