SAGA"Ano ba, Saga! Bingi ka ba? Answer me right now! Are you hurt?"Marahan akong umiling sa tanong niya. "I'm fine."Hinawakan ko siya sa pisngi at pilit na nginitian. I don't know why but I can feel it, somehow, he's worried about me. Kita ko iyon sa mga mata niya.Marahan niyang ibinaba ang kamay ko saka nagbuga ng hangin. "Okay ka naman pala!""Bakit mo tinatanong kung naaksidente ako?"Nakita niya ba ako kanina? Pero kung nakita niya nga ako, bakit hindi niya man lang ako nilapitan?"At saka, bakit nandito ka? You said you had to go to a business trip?""Na-move ang flight ko bukas." Inis niya akong tinalikuran at naglakad palayo.Sinundan ko siya hanggang sa makaakyat kami ng hagdan. "You should have called me. Hindi ko alam na uuwi ka.""Saan ka ba nagpunta!" Nilingon niya ako nang may matatalim na mga mata.Bakit parang siya na naman ang galit? Ako ang dapat na nagagalit sa kaniya ngayon sa mga kasinungalingan niya."May party bukas ng gabi, puwede mo ba akong samahan?" Hindi
SAGAMALAKAS kong binagsak sa table ang bote ng alak. Nakatulala ako sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari kanina.Akala ko, said na ang mga luha ko at pagod na rin akong umiyak. But after what happened? I couldn't help not to cry. It was so embarrassing and at the same time, painful.Bakit pa ba ako pumunta sa party na iyon?"Bakit ba lagi ka na lang umiiyak? Nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ng babaeng umiiyak. Pasayahin kaya kita?"Nakuha ni River ang atensyon ko dahil sa mga sinabi niya. Nagkatitigan pa kami nang matagal.Natatawa akong nagbawi ng paningin at muling uminom. Kahit anong pilit ko, I can't really like the taste of alcohol. Mapait at hindi pa healthy sa katawan. Why do people like this?"Nagugutom ka ba?""Me?""Hindi, ako." Natawa siya bago kinuha ang kamay ko. "Halika. Kumain tayo! Huwag kang maarte, ha? Walang saya sa pag-iinarte.""Hindi naman ako maarte.""Kung ganoon, kumakain ka ba ng paa ng manok?" Tumigil kami sa paglalakad nang marating ang mga street
MARLON"Putangina!"Malutong na mura ang pinakawalan ko habang naghihintay ako sa sala ng mansion. Mula kagabi, hindi pa umuuwi si Saga.I've been waiting for her since last night! Fuck! Saan ba nagpupunta ang babaeng iyon?"Sita!"Tarantang lumabas mula sa kusina si Sita at patakbong lumapit sa akin."Ano? Hindi pa ba sumasagot ang ma'am mo?"Kabado siyang umiling. "H-hindi pa, sir. Ring lang nang ring ang cellphone ni Ma'am! Nag-aalala na nga po ako. Paano kung may nangyari na sa kaniyang masama?"Nailing ako sa sinabi niya. Alam kong maingat ang babaeng iyon kaya hindi siya gagawa ng ikapapahamak niya."Sir Marlon, bakit hindi n'yo kaya tawagan? Baka kapag kayo ang tumawag, sagutin ni Ma'am?"Inis ko siyang sinenyasan na umalis na. Ayaw kong tawagan si Saga dahil baka isipin pa niyang nag-aalala ako sa kaniya. Napauwi na nga ako kahapon nang wala sa oras dahil akala ko, naaksidente siya."Fuck that photographer!"Dinampot ko ang baso ng alak at inisang lagok ang natitirang laman ni
MARLONMAAGA akong umalis ng opisina para makauwi sa mansion, pero pagdating ko rito, sinalubong ako ng nakabibinging katahimik.I was so used to Saga's presence everytime I got home. Minsan, nasa gate pa lang ako, nakatayo na siya sa bungad ng pintuan at nakangiting naghihintay sa akin.Pero ngayon... wala siya.Pumasok ako sa kusina. Natagpuan ko sa loob si Sita, abalang nagluluto."Nasaan ang ma'am mo?""Ay! Ikaw pala, sir! Hindi pa po umuuwi si Ma'am!""Talaga? Kailan pa siya umalis?""Kaninang umaga ho."Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa narinig. "Kaninang umaga pa?""Opo, sir."Mabilis akong umakyat sa kuwarto at dumiretso sa built-in cabinet namin. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang naroon pa ang mga damit ni Saga."Fuck!"Ano bang nangyayari sa akin? Buong araw sa trabaho, wala ang focus ko. Puro si Saga na lang ang laman ng isipan ko.Nakakainis naman kasing babae iyon! Tangina, napakalandi! Binigyan lang ng atensyon ng isang lalaki, nawala na sa sarili. Kung saan-sa
MARLONNAKATAYO ako sa labas ng isang coffee shop. Tanaw ko mula rito si Saga habang abala nitong inaasikaso ang mga customers."Magdadalawang linggo na pong nagtatrabaho rito ang asawa n'yo," paliwanag sa akin ng taong binayaran ko para sundan si Saga.Kaya pala lagi siyang late umuwi at araw-araw nang umaalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Lagi na lang niyang pinapainit ang ulo ko."Who's the owner of this shop?""Si River Bautista, sir.""What?" Gulat kong nilingon ang tao ko dahil sa pangalang binanggit niya.Lalong nag-init ang ulo ko sa nalaman. So, nagtatrabaho siya sa basurang lugar na ito nang dahil sa lalaking iyon? Damn it! Ginagalit mo talaga ako, Saga!"Kunin mo ang pangalan at contact details ng may-ari ng building at lupang kinatitirikan ng shop na ito. Negotiate with them! I want to buy this building as soon as possible!""Yes, sir!"***Mabilis akong umibis ng kotse nang makitang lumabas ng coffee shop si Saga. Hapon na at kanina pa ako naghihintay ri
MARLONHALOS sumabog ang dibdib ko sa galit nang makitang pumasok ang dalawa sa loob ng hotel. Mabilis akong umibis ng sasakyan para sana sundan ang mga ito, pero bigla rin akong natauhan.Ito ang gusto ko. I fucking wanted this to happen! Pero bakit ngayon ganito ang kinikilos ko? Bakit ako nagagalit kapag magkasama sila ni River?"Damn that woman!"Bumalik ako sa kotse at malakas na pinagsusuntok ang manibela ng sasakyan. Oo, ginusto kong maghiwalay kami, but how dare she cheat on me?"Tangina!"Palabas lang dapat ang gagawin ni River! Aakitin niya si Saga but not to the point na dadalhin niya sa hotel ang asawa ko! Anong gagawin nila sa loob? Malamang, hindi para maglaro!"Putangina! Putangina!" Mabilis kong dinukot ang cellphone sa loob ng bulsa ko. Tinawagan ko si Saga pero muli akong napamura nang hindi niya sagutin ang tawag. "Tangina mo, Saga!"Pinaharurot ko palayo ang sasakyan hanggang sa marating ko ang isang bar. Nasa isang VIP table ako at nagpapakalunod sa alak."Gagong
SAGANAGMAMADALI akong pumasok sa loob ng coffee shop at naupo sa harap ng mesa kung saan nagkakape si River."He's here."Nagsalubong ang mga kilay niya. "Who's here?""My husband. He's outside."Matagal siyang natigilan bago tumayo at palihim na sumilip sa labas. Pagkabalik niya sa mesa ay hindi na ako mapakali."Hindi ko maintindihan. Bakit nagpunta pa siya rito? At bakit siya ganoon? Galit na galit siya.""Galit?"Ilang ulit akong tumango. "Yeah! He wanted me to go home. Bakit kaya?""Baka nami-miss ka?"Matagal akong natigilan sa sinabi ni River. Si Marlon? Nami-miss ako?"Hindi, imposible, e!"Talagang imposible!"Hindi ganoon si Marlon. Mas malaki pa ang pride no'n kaysa sa puso niya. Baka nagagalit lang dahil hindi na niya ako nakikitang nahihirapan? Nalilito ako."Matagal akong tinitigan ni River habang parang nag-iisip siya. Muli pa siyang tumingin sa labas."I must say, your husband is quite handsome. Kaya naman pala babaero."Wala sa sariling napangiti ako. Nagmamalaki pa
MARLON HINDI na ako nakatulog kagabi matapos dumating ni Saga. Binabantayan ko ang bawat galaw niya sa takot na baka bigla na lang siyang mag-impake at umalis. I don't know why I'm being paranoid, siguro dahil hindi ko inaasahan na madali siyang bibigay sa mga pinaggagawa ni River. Kinabukasan, natagpuan ko siyang umiinom ng juice sa harap ng dining table. I quietly sat next to her. She was busy on her phone and hardly noticed my presence. Nagbago na nga talaga ang asawa ko. "Hindi ka magluluto?" "Nagluluto na si Sita," tugon niya. Hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin. "Gusto ko ng luto mo." Sandali siyang natigilan. "Busy ako. Papasok pa ako mamaya sa trabaho." Damn it. Linggo pero may trabaho? Tumayo na siya at lumabas kaya mabilis ko siyang sinundan. "Linggo ngayon, busy ka? Ano ba iyang trabaho mo?" Inis siyang tumigil sa paglalakad at lumingon sa akin. "Huwag mo akong umpisahan, Marlon. At saka, bakit ka ba nandito? E, palagi kang wala sa bahay tuwing Linggo, ah?