LOGINBLURB: Si Desyrie ay lumuwas ng Maynila bitbit ang isang pangarap: ang makapag-aral at makatulong sa pamilya. Taglay ang ganda ng isang tipikal na Pilipina—morena, may mapungay na mga mata, at hubog ng katawang pang-modelo—madali sana siyang makakahanap ng mapapangasawa. Ngunit sumumpa siya: hinding-hindi siya magpapakatanga sa pag-ibig gaya ng kaniyang ina. “Bahala na kung tumandang dalaga,” ang madalas niyang bitaw na salita. Sa kabilang banda, si Lumiere Salvatiero ay isang bilyonaryong kinalimutan na ang salitang "pagmamahal." Matapos iwan ng kaniyang fiancée para sa ibang lalaki, ang dating butihing boss ay naging malamig, mabalasik, at lunod sa trabaho. Para sa kaniya, ang mga babae ay iisa lang ang habol: ang kaniyang yaman. Ngunit magbabago ang lahat sa isang hapon. Sa tapat ng kaniyang mansyon, isang napakagandang babae ang nakatayo habang binabasa ang poster: HIRING: YOUNG MAID. Sa isang sulyap, Lumiere was starstruck. Ngunit agad niyang iwinaksi ang nararamdaman. Para sa kaniya, isa lang din si Desyrie sa mga babaeng gagamitin ang ganda para makuha ang kaniyang pera. Doon magsisimula ang isang laro ng pangungutya, pagtitiis, at damdaming pilit itinatago sa likod ng mga malamig na titig. Will Desyrie’s fierce heart break Lumiere’s icy walls? O magiging isa lamang siyang biktima ng nakaraan ng lalaking ayaw nang maniwala sa pag-ibig? "I thought he was my forever, but he was just a lesson. My real hero was always right beside me."
View MoreDESYRIE’S POV:“So, she’s the one?” tanong ng lalaki.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Ewan ko, pero may kung anong nakakaloko sa tingin niya—para bang nang-aasar na hindi ko maintindihan.Lester just stood there, his presence heavy and warm behind me. Hindi siya mukhang nairita sa tanong ng kaniyang ama. In fact, he looked... glowy? Hindi ko alam kung sa lighting lang ba ng office o sadyang may kung anong pride na nakapinta sa mukha niya ngayon.“Yes, Father,” tanging sagot ni Lester. Tipid pero may diin.“I see. She is pretty enough to carry our name.”PUÑETA?! Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko. Kinuhaan kasi ako ni Lester kanina mula sa dispenser nang mapansin niyang tuyong-tuyo ang lalamunan ko pagkaakyat sa apat na palapag na hagdan. Pero sa narinig ko, parang gusto ko na lang malunod sa basong hawak ko. Anong carry the name?! Enrollment lang ang pinunta ko rito, hindi audition para maging asawa!Agad na gumalaw si Lester at hinagod a
DESYRIE’S POV:Kinabukasan, araw ng Biyernes. Day-off ni Lester kaya naman maaga kaming gumayak para pumunta sa University na pagmamay-ari niya. It wasn't as famous as the main Salvatiero Institute, but it was enough to be Lumiere’s silent rival.“This is L.J. Salvatiero University. One of the top-performing schools under the Salvatiero name, but this one... this is mine. I designed and organized this myself,” Pagmamalaki niya nang makababa kami sa tapat ng entrance. Inabot niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa isa sa mga security guard na agad na sumaludo sa kaniya.I looked around the campus. Napasinghap ako. It was huge—modern, sleek, and screaming with architectural genius. Sobrang lawak ng campus na sa pakiwari ko, mapupudpud ang sapatos mo kung lalakarin mo lang. Napansin ko rin ang mga modernized jeepneys na naka-park sa loob.Ang ganda ng atmosphere. Students were chilling on the manicured grass; may mga nagkukwentuhan, mga magbabarkadang nagtatawanan, at mayroon namang s
DESYRIE’S POV:Pag-uwi ko, mabilis akong naglakad pabalik sa condo building. Pilit kong nilulunok ang bawat hikbi para lang hindi makita ng mga tao kung gaano ako kahina. I tried to keep my head up, but my world was already crumbling. Pag-tingog ng elevator, kumaripas ako ng takbo patungo sa unit niya.Agad akong nagmukmok sa kwartong pansamantala kong inookupa. Isa pa ito sa mga pinoproblema ko—ang makahanap ng bagong malilipatan.Hindi naman sa ayaw ko rito. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay nasa sarili akong tahanan. Wala ring reklamo sa akin si Lester dahil tumutulong naman ako kay Manang Melia sa mga gawaing bahay, kahit na may tagalinis naman ng unit niya linggo-linggo. It’s just... nahihiya na ako sa kaniya. Sobra-sobra na ang naitulong niya.I slumped my body hard on the soft mattress, and there, I finally let it all out. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa hagulgol dahil sa pangarap na binasura sa isang iglap. I was once a loyal maid—devoted to her work and dreams. Pero da
DESYRIE’S POV: Hapon ng araw na iyon, nag-aayos ako ng sarili dahil pupunta ako sa University na papasukan ko. Pinagpaalam ko pa nga ito kay Lester kanina bago siya umalis, at gaya ng inaasahan, marami na naman siyang sermon sa akin. Kesyo mapapagod lang daw ako, o 'di kaya ay huwag na muna akong lumabas. Ngunit pinabayaan ko na lang muna ang mga babala niya. Malay natin, makapasok ako ngayong enrollment, 'di ba? Iyon na lang ang tanging pag-asang pinanghahawakan ko. Suot ang mumurahing Aeropostale shirt, black square pants, at ang white shoes na hindi pa man din lubos na natutuyo dulot ng nangyari kagabi, gumayak na ako palabas ng condo. Naghihintay na sa akin sa baba ang Grab car na pina-book ni Lester kanina paglabas ko. Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi ko na kailangang makipagsapalaran sa init at commute. The ride to the Salvatiero University Institute was not that long. Pagdating ko roon, agad akong nilapitan ng isang female guard para sa inspeksy











![Love Me Angel [Filipino]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews