LOGINDiane's POV
"Impakto talaga!" Naiinis na sabi ko sa loob loob ko. Hindi ko alam kung kilan ito dumating at saan ito tumutuloy na bahay. Basta isa lang ang alam ko, kahit anino nito hindi man lang nagawang magpakita sa akin simula ng bumalik ito ng pilipinas. "Teka? bakit pa ako nagtataka? ilang ulit na itong umuwi ng pilipinas pero hindi naman talaga ito umuuwi sa akin??!!!! Pagtatalong sabi ng magkabilaang utak ko. Dahil sa matinding inis ko, hindi na ako nag abala pang makipagkilala dito at bumalik kung saan ako nakaupo kanina. Ramdam ko ang mga mabibigat na tingin nito sa akin. "Hey, anong nangyari sayo? Bakit di mo man lang kinamayan yong isa" Mahinang bulong ni Margarette at mahina ding siniko ako. Mataray na binalingan ko ito. "Sino? Iyang impakto na yan??" Mahinang tanong ko habang nakatingin Kay Sevy na umuupo sa tapat ko. "Oo! Ang gwapo pa naman! Foreigner daw yan besty! At kahapun lang daw yan dumating galing America" Makulit na bulong ni Margarette sa akin dahilan para malakas na napatawa ako. "Tsk! Gwapo nga impakto naman??!!" Naiinis na sabi ko sa loob loob ko. Alam kong nagtataka si Margarette sa inaasta ko pero hindi ko pa ngayon magawang sabihin dito ang tungkol Kay Sevy. "Besty, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan?" Mabilis na napabaling ako ng tingin kay Margarette ng marinig ang boses nito. Napansin siguro nito ang pananahimik ko. "huh?? Yeah, I'm fine" Tipid na sagot at muling uminom ng alak. Kasalukayang nasa tapat ko pa rin nakaupo si Sevy. Masayang nagkwekwentuhan ang mga ito at nakikinig lang ako. "Sasayaw kami, halika sumama ka sa amin." Yayang sabi ni Margarette at nakita kong tumayo ito. "Kami? So silang lahat pati si Sevy? Ayoko nga!!" Sabi ko sa loob loob at muling tumingin sa gawi ng magaling na asawa ko. Gaya kanina, walang pakialam pa rin ito. Ni hindi man lang ako na kayang tapunan ng tingin nito. "No, Margarette. Dito lang ako kayo nalang ang sumayaw" Pagtangging sabi ko. Nagngingitngit sa galit ang puso ko pero sobrang bilis din ng pagtibok nito. Hindi ko alam kung bakit ako apektado sa kanya? Eh! Wala naman siyang pakialam sa existence ko. "Sige, ikaw bahala. Tama na yang pag inom mo ha? Magdadrive kapa pauwi!" Sermon na habol ni Margarette bago tuluyang umalis ito. Nakayukong hinihintay ko pag alis ni Sevy at pagsama kila Margarette pero nakikita pa rin siya ng gilid ng mga mata ko. "Shit! Ba't ang tagal niyang umalis??" Naiinis na mahinang sabi ko. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa table kaya napaangat ng tingin ako. As expected ganun pa rin ang aura ng mukha nito. Nakatuktok sa ibang direksyon ang mga mata nito at parang hangin lang ako na nasa tapat niya. "Impakto ka talaga Sevy!" Galit na galit na sabi ko at naikuyom ko ang kamao ko. Medyo tumama na ang alak sa buong sistema ko kaya pakiramdam ko nawala na ang tinatagong kong hiya sa loob loob ko. "Kumusta ang America??" Basag na tanong ko sa katahimikan naman pero wala man lang reaksyon ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng music or sadyang ayaw lang talaga akong pansinin at pakinggan nito. "Ganun mo ba talaga ako ka ayaw makita at pati pagsagot sa simpling tanong ko, hindi mo kayang sagutin??" Pigil na pigil sa galit na tanong ko. Nakita kong bumaling ito ng tingin sa akin. Deretso ang malamig na tingin nito sa mga mata ko. "It's not obvious??" Sarkastikong tanong nito at tumingin naman sa ibang dereksyon ang mga mata nito. Umosbong ang galit sa puso ko. Tumayo ako at nilapitan ito, pumuwesto ako sa harap kung saan nakatingin ang mga mata niya. "Kung ganun bakit? Bakit ayaw mong makita ang mukha ko? Hindi naman siguro ako sobrang pangit para mandiri ka sa hitsura ko?" Sunod sunod na tanong ko. Tumingala ito ng tingin sa akin. Naghihintay ako ng sagot pero tiningnan lang ako nito at binalingan na naman sa ibang dereksyon ang mga mata niya. "Shit!!!" Murang sabi ko at naikuyom ko ang kamao ko. Pakiramdam ko napahiya ako ng sobra sa harap nito. Dahil sa inis, may tumulong isang butil ng luha sa mga mata ko. "Fine! Naiintindihan ko na. Kung ayaw mong sagutin ang mga tanong ko. Maghahanap ako ngayong gabi ng lalaki sa bar na ito para may sumagot sa mga tanong ko!" Malakas ang boses na sabi ko. Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para malinaw na marinig nito. Marahas na pinapahiran ko ang luha ko habang nakakaramdam ng hilo papuntang banyo. Gusto ko lang sanang malaman ang kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ko pero tulad ng dating ginagawa nito. Walang pakialam pa rin ito sa akin. "Hey, Ms. Are you okay??" Isang matangkad at gwapong lalaki ang nabangga ko sa gitna ng maraming taong nagsasayawan. Medyo nahihilo na ako dahilan para matumba ako ngunit buti nalang at nahawakan nito ang braso ko. Dahil sa iba ibang kulay ng disco lights kaya mas lalong nadagdagan ang pagkahilo ko. "Ye-yeah, I'm okay thanks!" Sabi ko at akmang kukunin ang kamay nito sa braso ko subalit may isang kamay naman ang humila pa sa isa pang braso ko. "Se-sevy?" Di makapaniwalang tanong ng kabilang bahagi ng utak ko. Galit na galit na nakatingin ang mga mata nito sa lalaking nakahawak sa kabilang braso ko. Tinabig niya bigla ang kamay ng lalaki at hinapit ang bewang ko palapit sa katawan niya. Pakiramdam ko kinukuryente ako sa sobrang init ng magdikit ang katawan namin. Sa loob ng 3 years na pagiging mag asawa, ngayon lang ako nadikit sa katawan nito. "Ahh-aray! Ano ba! bitawan mo nga ako!" Sigaw ko ng kaladkarin ako nito. "Ouch!" Daing ko ng marahas akong tinulak nito sa pader. "Are you out of your mind???!!" Sigaw na tanong nito. Nanlilisik sa galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Y-yes! And it's none of your business!" Matapang na sagot ko. Siguro dahil sa alak kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob para sigawan din ito. Nang akmang magsasalita na ito mabilis naman akong humakbang papuntang banyo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makapasok ako sa loob ng banyo. Ngayon ko lang na experience masigawan ito kaya napangiti ako. "After 3 years napansin mo rin ako Sevy!!" Sabi ko habang tinitingnan ang reflection ko sa harap ng salamin.Diane's POV Hubot hubad na nakadapa ako sa ibabaw ng kama habang nanonood sa asawa ko. Kasalukayang nagtitimpla ito ng kape at kakatapos lang din namin mula sa isang intimate na gawain. Ito na ang pangatlong araw namin rito sa Maldives. At sa tatlong araw na iyon. Halos walang pahinga ang perlas ko kay Sevy. Walang araw at gabi na walang nangyayari sa amin. Siguro at dahil nga buntis ako. Kaya kahit pa pagod na pagod na. Nakakaya ko pa ring sabayan ang stamina niya. "Here's your coffee my queen" Inilagay nito ang kape sa ibabaw ng maliit na lamesa malipat sa kama kung saan ako nakahiga. Nakatayo ito sa harap ko habang naglalagay ng kape kaya dumako ang paningin ko sa nakakalaway na katawan nito. "Bakit nagboxer pa siya??" Naiinis na sabi ko ng makita ang malaking umbok sa loob ng boxer nito. "Come on wifey, kumain kana ng breakfast" Inalalayan ako nitong bumangon sa kama at pinaupo. Hindi ko alam pero kapag andito lang siya sa tabi ko. Pakiramdam ko ang tamad tamad ko at parang i
WARNING SPG ALERT 🔞🔞🔞Sevy's POVKasalukuyang kakarating lang namin dito sa bahay. Matapos ang usapan namin ni grandma. Hindi pa ito pumayag na umuwi kami agad dahil doon pa kami ng dinner sa kanila. Naalala ko, nang ipatawag niya ako kanina. Buong akala ko galit pa rin ito sa akin. Subalit iba ang pinag-usapan namin. Nalaman na niya ang tiwaling nangyayaring nakawan sa kumpanya. At ayon sa kanya nagsagawa din pala siya ng imbestigasyon at nalaman niya kung sino ang ugat at salarin nito. Lumabas sa imbestigasyon na si Oliver ang pasimuno at traidor sa kumpanya. Nang malaman ko ito halos gusto kung puntahan at sugurin si Oliver. Kaso pinigilan ako ni lola. Kahit papano kadugo pa rin namin si Oliver. Nakiusap si Lola sa akin, na siya na ang aayos sa problema at bago pa makauwi kami ng aking asawa mula sa Maldive sisiguraduhin niyang mapapanagot na ito. "Hubby? A-anong iniisip mo???" May dalawang braso na pumalibot sa bewang ko. Amoy pa lang, alam ko ng asawa ko ito kaya hinawakan k
Diane's POV Hindi ako mapalagay habang naghihintay kay Sevy na kausap nito ang lola niya. Pinaghalong konsensya at awa ang nararamdaman ko sa asawa ko. Buong gabi kong pinag-isipan ang nangyari at napagtanto ko na may mali rin ako. Emosyon ang pinairal ko at hindi agad sinuri ang totoong dahilan. Alam ko sa sarili kong hindi naging malawak ang kaisipan ko at nanginginabaw sa akin ang galit at nahusgahan ko agad ito. "Diane iha? Okay ka lang dyan??" Tanong ni tita Amalia sa akin. Kasalukuyang nasa living room na kami kasama ang kambal. Buhat buhat ni tita si Aria habang nasa akin naman si Amara. "Tita, kumusta na kaya ang usapan nila Sevy at lola??" Hindi mapigilang tanong ko. Nakita kong tumayo si Tita Amalia at nginitian ako. "Sos, wag kang mag alala don. Pupunoin lang naman ni mama ang tenga ng mokong na iyon para matutu sa pagkakamali niya" Sagot ni tita sa akin at muling ibinaling ang atensyon kay Aria. "Diosko! Hindi ko ata kayang maghintay lang dito!" Pagsukong sa
Sevy's POV "Sir, sir gising po" Isang pagyugyog sa aking balikat ang nagpagising sa diwa ko. Dahan dahan akong umangat ng tingin at nakita kong isa ito sa mga guard ng mansion. Simula ng matapos kaming mag-usap ng asawa ko kagabi. Dito na ako natulog sa harap ng gate ng mansion. "Umaga na po sir, hindi po kayo nahihirapan dyan??" Tanong nito at bakas ang pag aalala sa akin. Hindi ako sumagot at nakita kong bukas ang gate. Mabilis akong tumayo at humakbang saka walang sabi sabing pumasok agad sa loob nito at tuluyang pumasok sa loob ng mansion. "What are you doing here???" Napatigil ako sa paghakbang ko at nakita kong si Grandma ito. "Guard! Bakit napasok ito dito??" Tawag nito sa mga guard. Wala na kong oras at sa tingin ko. Gagawin talaga ni grandma na harangan ako kaya tumakbo ako paakyat sa taas. "I'm sorry grandma but I need to see my wife" Sigaw ko at hindi nagpapigil na umakyat sa taas. "Severino!!"Malakas ang boses na sabi nito pero binaliwala ko. Patuloy ako
Diane's POV Gaya ng sinabi ni lola. Natupad nga ito at kasalukuyang nasa mansion na kami ngayon kasama ang kambal. Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Ang bilis ng pangyayari at hindi ko inaasahan ito. Alam kong mabait ang pamilya niya. Pero hindi ako makapaniwala na imbes si Sevy ang kampihan nila pero ako nilabanan ni Lola. "Iha, don't feel uncomfortable here. Isipin mong bahay mo na rin ito okay??" Hinahawakan nito ang kamay ko at pinisil pisil. Halos magwala si Sevy kanina, pag alis namin pero kalaunan wala siyang nagawa sa Lola niya. "Grandma, si Se-Sevy bak-" "No,wag mong isipin ang mokong na iyon. Kailangan natin siyang bigyan ng leksyon para matutu siya na ang pag-aasawa. Hindi dapat umaayon sa paraan na gusto niya" Sagot nito at parang may kinuhang papel sa table at binigay sa akin. "A-ano po ito??" Nagugulahan na tanong ko. "That's the information of Sophia Jalondoni. I must say na hindi naman nagsisinungaling si Sevy dahil tugma ang lahat ng information dyan sa s
Diane's POV "Lo-love, no! I'm not lying to you. Listen to me. I'll explain everything" Tinanggal ko ang kamay nito na nakahawak sa bewang ko. Karga karga ko si Amara kaya medyo nahirapan pa ako bago makuha ng tuluyan ang kamay nito. "A-ano pang sasabihin mo. Punong puno na ako Sev. Akala ko wala ka ng koneksyon sa babaeng yon pero bakit lihim mo pa rin siyang kikitain na hindi ko alam" Nanginginig ang boses na sabi ko at pigil pigil na umiyak sa harap nito. Kanina pa ako iyak iyak simula ng umuwi ako. Subalit napagtanto kong hindi pwede akong magpadala sa sitwasyon. May mga anak ako at kailangan kong magiging matatag para sa kanila. "Hi-hindi! Hindi ganun yon Diane. Huminahon ka muna please" Sabi nito habang nagmamakawaa ang tono. Nakita kong naglalakad ito palapit sa akin kaya umaatras din ako palayo sa kanya. "That's enough Sev! Sa part na hindi mo sinabi sa akin na may namamagitan pa sa inyo ng babaeng yon. Niloloko mo na ako. At ang sakit non para sa akin!!" Hindi ko na pi
Diane's POV "Of course lola. Ikaw pa ba?? eh mahal na mahal kita" Lumapit ang lalaki kay Lola at yumakap ito. Pagkatapos nakita kong binigay nito ang kanyang dalang regalo. "Oh sya! Kumpleto na tayo. Sige na kumain na tayong lahat" Inalalayan ako ni Sevy na umupo at nakita kong hinila nito ang
Sevy's POV Dere-deretsong naglalakad ako papasok ng mansion habang pigil hiningang wag lingunin si Diane. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta na lamang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito. Ramdam ko mula kanina ang pagkailang nito sa akin. Naiintindihan ko na bago ito sa kanya.
Sevy's POV Kinakabahan na pabalik na ako sa loob ng opisina ni Diane. Halos lakad takbo na ang ginagawa ko para lang mabilis na makarating sa loob ng opisina nito. Hindi ko alam kung bakit? pero sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkauntog nito sa lamesa. Ramdam ko pagkailan
Diane's POV Tahimik na kumakain kami ni Sevy sa pagkain na dala nito. Hindi ko alam kung anong sumanib sa impaktong ito at nagdala ng pagkain sa loob ng opisina ko.Gusto ko sanang tanggihan ang alok nito pero natalo rin ako ng gutom na nararamdaman ko. Mas nanaig ang gutom kaysa sa pride at ego ko







