Share

Chapter 5

Hacienda Buensuceso:

"Yaya ang papa?

   "Pumunta ng bayan anak may kakausaping buyer ng mga kabayo ng hacienda pero siguro pabalik na un bago lumubog ang araw" sagot ni yaya Lorie sa alaga.

    "Halika na at sabayan mo na ako mag meryenda nagluto ako ng paborito mong sapin sapin, san ka ba galing bata ka at pagkain ngbtanghalian nawala ka? dagdag nito.

    "Umikot lang yaya sa hacienda kasama si snow" sagot ni Emerald sabay upo sa harap ng dining table. Ang sinasabi nitong snow ay ang paboritong kabayo.

    "Wala ka paring pinagbagong bata ka basta pag andito ka sa hacienda hindi pedeng hindi mo iikutin ang buong hacienda" sermon nito sa dalaga.

    "Wag ka mag alala yaya hindi Naman na ako umaakyat sa mga puno hindi tulad nung bata pa ako" nangingiting sagot ni Emerald habang sumusubo ng sapin sapin.

     Ito ang namiss nya Ng todo habang nasa ibang bansa, ang personal na pagluluto sa kanya ng kanyang yaya Ng mga meryendang kakanin.

    "Oh Hala kumain ka pa, madami ako niluto dahil alam ko paborito mo yan" sabay lagay pa Ng sapin sapin sa plato ng dalaga.

    "Yaya, anong oras daw dadating si ate Kristina?

    "Dinig ko sa usapan ng Daddy mo at ni Kristina kanina umaga kung hindi madelayed ang connecting flight nya andito na kapatid mo bago gumabi tamang tama nakabalik na daddy mo Ng ganung oras" mahaba nitong sagot.

    "Ah okey, yaya akyat muna ako sa taas at magpahinga, gisingin mo na lang kapag dumating ang daddy" sabay inom ng tubig at punas ng napkin sa bibig.

    "Sige anak magpahinga ka muna sa taas, saka tamang tama dadating mamaya ang wedding planner dala ang wedding dress Ni Kristina at susuutin mong damit bilang maid of honor ng iyong kapatid"

     Tumayo na si Emerald at umakyat sa kanyang silid habang nililigpit ni yaya Lorie ang kalat sa mesa.

    Wala pang limang minuto na nakakaakyat sa kanyang silid si Emerald  isang wrangler ang pumarada sa harap ng mansion. Agad lumabas si yaya Lorie mula sa kusina ng marinig nito ang pag hinto ng isang sasakyan.

   Agad bumaba ng sasakyan si Vincent at dumiretso sa may main entrance Ng mansion nag makita nito si yaya Lorie.

    "Mano po yaya Lorie" nakangiting mano nito sabay kuha ng kamay Ng matada.

    "Kaawaan ka ng Diyos anak"

     "Andyan na po ba si Kristina" Tanong nito sa nakangiting yaya.

     "Wala pa anak, baka bago mag dilim andito na siya, pero si Emerald dumating na kahapon pa nasa silid nya nagpapahinga, halika pasok ka nag meryenda ka na ba? Yaya nito sa binata.

     "Tapos na po yaya, dumating na po si Emerald?" may kislap sa mga matang Tanong ni Vincent habang sinasabayan paglakad ang matanda na gumagala ang mata sa pag babakasaling makita ang kapatid ni Kristina na halos lampas limang taon nyang hindi nakita.

     Namiss Ng binata ang batang kapatid ng kanyang Nobya saloob loob ng binata na palaging masayang sumasalabong sa  kanya sa bawat araw na dinadalaw nya ang kanyang Nobya.

     "Uu anak at Nagpapahinga sa silid nya si Emerald marahil ay natutulog, magugulat ka sa laki ng pinagbago ng itsura Ng alaga ko" nangingiti nitong sagot.

      Hindi iyon pinansin ng binata, ang isip nito ay nasa pagdating Ng papakasalang Nobya.

    "Yaya pede ba ako mag antay sa silid ni Kristina habang hinihintay ko ang pagdating nya?

     "Mabuti pa kesa bumalik ka sa hacienda nyo,sa kanyang silid mo na lang siya antayin." Sabay senyas sa binata na umakyat na.

     Umakyat na Ng hagdan ang binata, kabisado na nya ang silid Ng Nobya dahil ilang beses na siya nakatulog dito kapag dinadalaw nya ang kanya future father in-law kapag nalulungkot sa dalawang anak na babae sa ibang bansa.

      Pagkasara ng pinto hindi na Niya ito inilock para kung sakaling dumating ang Nobya hindi na ito kumatok kung sakaling makaidlip siya.

     Hinubad ang jacket at itinira ang Sando saka ipinatong sa ibabaw Ng kama, hinubad lang Ng binata ang rubber shoes at   tinanggal sa pagkakabutton ang pantalon dahil masikip na pantalon ang naisuot nya, gamit ang isang unan na kinuha sa kama nahiga siya sa mahabang sofa na malapit sa queen size bed Ng nobya na nakadagan ang dalawang palad sa ilalalim ng ulo.

Sa kabilang silid..

   ... love look at the two of us, strangers...

      Bigla naalimpungatan si Emerald sa sa pagkakaidlip sa kanyang kama sa pagkarinig sa paboritong kanta na nagmumula sa mini component sa kanyang silid.

     Napatingin siya sa wall clock na nasa dingding, mag aalas singko nang hapon..nagiinat na bumangon ang dalaga at dumiretso sa comfort room upang mag shower anumang sandali darating na kapatid nya.

      Maya maya pa lumabas siya ng naka tapis ng bath towel na bra at panty lang ang suot na panloob. Dumiretso siya sa tukador upang maglagay ng moisturizer sa mukha,

   Where are you, bulong nya sa sarili habang hinahanap sa mga beauty regimen na nasa ibabaw ng tukador.

   Tiningnan nya sa kanyang luggage ngunit wala siya makita..oh gosh I forgot? Muli nitong bulong sa sarili. Hindi pede hindi siya pede hindi maglagay ng moisturizer sa mukha dahil malamig sa probinsiya Nila.

   Nagdesisyon siyang pumunta sa silid Ng kapatid dahil alam niyang maraming moisturizer ito sa kanyang silid. Hindi na siya nagbihis sa pag aakalang wala namang tao sa silid nito at siya lang Naman at si Aling Lorie babae na nasa loob ng mansion.

   Lumabas Ng silid si Emerald at tinawid ang pasilyo patungo sa silid ng kapatid na katapat kwarto nya na nagigitnaan ng Malaki nilang hagdan.

   Pinihit nya ang seradura ng silid Ng kapatid at binuksan ang pinto. Hindi nya inaasahan ang tatambad sa kanya.

V..Vincent....kusang bumukas ang Labi nya Ng banggitin ang pangalan ng lalaking na mula pagkabata ay nakaukit sa kanyang puso...di siya makakilos sa kinatatayuan. Di siya makapaniwala na nasa harap nya ang lalaking dahilan upang lumayo siya dahil maling mahalin ang lalaking ang Mahal ay ang kanyang kapatid.

    Marahang isinara ni Emerald ang pinto, hindi nya alam sa sarili kung Bakit unti unti siyang lumalapit sa binata. Sari saring emosyon ang kanyang nararamdaman ng mga oras na  iyon.

     Sa loob ng mahigit limang taon walang nabago sa nararamdaman nya para dito. Walang pinagbago sa itsura nito liban sa mas lalo itong naging gwapo sa kanyang paningin.

    Napatingin ang dalaga sa maamo nitong mukha,  ang medyo makakapal nitong mga kilay na binagayan Ng malalantik na pilikmata, ang matangos nitong ilong, ang maninipis nitong mga Labi na kahit natutulog ay Parang nakangiti.

      Ang malapad nitong katawan at mamasel na mga braso na lalong naging kaakit akit kay Emerald ang moreno nitong kulay, bumaba ang paningin ng dalaga hangang sa nakatanggal na botones na pantalon nito  na bahagyang nakababang zipper na Kita ang suot nitong kulay puting brief. Napalunok si emerald na pagmasdan ang Malaki at naninigas na bagay  na sobrang nakaumbok sa suot nitong brief na maging ang suot nitong fit na faded jeans ay hindi magawang maitago.

      

     Nag init ang pakiramdam ni Emerald at hindi nya alam sa sarili kung bakit unti unti siyang lumapit sa binata na himbing na himbing na natutulog.

    Bumalik ang paningin nya sa Parang nang aakit na mga Labi Ng lalaki. Hindi Naman siguro ito magigising sa pagkakahimbing kung sakaling nakawan nya ito ng halik tutal Naman ikakasal na ito sa kanyang kapatid,bago man lang ito inasal sa kapatid maramdaman  nya ang mga Labi Ng binata kahit saglit lang. Alam ng Diyos kung gaano nya kamahal ang lalaking ito.

    Sa ibaba nagmamadaling pumasok sa loob  ng mansion ang bagong dating na si Don Enrico.

    "Buti dumating ka na, nasa taas si Vincent sa silid ni Kristina nagpapahinga habang hinihintay ang panganay mo" pagpapabatid ni Aling Lorie sa bagong dating Na Don. "Oh Bakit ganyang itsura mo masama ba pakiramdam mo?"

    "Samahan mo ako sa taas yaya Lorie sa silid ni Kristina, ipaalam natin kay Vincent na madedelay ng limang oras ang connecting flight ng kanyang Nobya sa Hongkong" sagot nito na hindi pinansinang huling Tanong Ng yaya.

     "Mabuti pa.." at sabay na umakyat ng hagdan ang dalawa.

     Hindi na napigilan ni Emerald ang bugso ng damdamin dahil sa sobrang pananabik sa binata na matagal niyang itinago sa kanyang puso.

   Unti unting bumaba ang mga Labi Ng dalaga sa mga Labi Ni Vincent.

   Hindi alam ni Vincent kung ilang oras siyang nakatulog sa pagkakahiga, basta naramdaman na lang niya na may malalambot na mga Labi na lumapat sa kanyang bibig, amoy na amoy Niya ang napaka bangong amoy na nangagaling sa katawan ng kung sinuman ang nag mamayari. Hindi siya nagmulat Ng mga mata sa pag aakalang si Kristina ang kanya pinakamamahal na Nobya ang nag mamay ari ng swabeng amoy at ng napakalambot na mga Labi. Pilit pa rin ang mata kusang pumulupot ang kanyang mga braso sa bewang ng babaeng nangahas na siya ay halikan  sa pag aakalang ito ay ang kanyang Nobya.

    Doon bumukas ang pinto Ng silid ni kristina at iniluwa sina Don Enrico at sa likod nito si yaya Lorie.

    Dahil sa sobrang gulat sa nasaksihan na  nasa harapan Ng don hindi ito makagalaw at sapo ang dibdib na bumagsak sa sahig ng silid.

     

   

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status