Share

Kabanata X

"Señorita, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Perlita nang makita akong nakadungaw sa bintana sa kalaliman ng gabi.

Hindi ko siya pinansin. Feeling ko ang habang oras sa panahong ito, bawat segundo parang oras ang katumbas. Ganun yata kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo or sa case ko napuntahan kong panahon.

Lucia. Lucia. Lucia. Bakit mo naman kasi sinumpa ang angkan mo? Para sa lalaking hindi ka mahal. Dagukan nalang kaya kita baka sakaling matauhan ka.

Paksht ka! Ang dami mong sinirang buhay dahil sa pagiging bitter mo. Bwisit ka.

"Perlita." Sabi ko nang tumabi siya sa akin. "Anong klaseng babae ako noon?"

Ngumiti si Perlita. "Masunurin kang anak, mapagmahal at malambing kaya naman paborito kang anak ni Señor at Señora. Sinubukan mong magsanay kung paano maging isang maybahay ngunit nahirapan ka dahil hindi ka naman sanay sa gawaing bahay.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status