Share

Chapter 26

"Baby!" Tawag niya ulit sa akin nang hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako  sa mabilis na paglalakad nang makabawi ako. Kahit na medyo nahihilo pa din ako ay hindi ko na inalintana.

Baby mo mukha mo! Kapal naman ng mukha mong bigla ka na lang babalik. Bumalik ka na lang dun sa Gab mo!

Patawid na sana ako nang matapilok ako kaya natumba ako. Ouch naman! Ang sakit ah! Nakakainis naman. Tatayo na sana ako nang muli na naman akong natumba. Para lalo tuloy akong nahilo.

“Are you hurt? Are you okay?” Nakalapit na nga siya at hinawakan niya ako sa braso pero agad kong iwinaksi ang mga kamay niya pero mapilit pa din siya.

“Bitawan mo nga ako! Umalis ka na nga at hindi kita kailangan dito!” Sigaw ko sa kanya pero kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa din siya nagpaawat at napasigaw na lang ako nang bigla niya akong buhatin!

“Ano ba! Ibaba mo’ko!” Sigaw ko at pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya pero hindi niya ako pinakinggan at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan niya.

Agad niya akong isinakay sa passenger’s seat at inilagay ang seat belt sa akin. Pero agad ko din itong tinanggal at bubuksan ko na sana ang pintuan nang mabilis syang nakasakay sa driver’s seat at pinigilan ako. Muli niyang isinuot sa akin ito.

“Bababa ako!” Singhal ko sa kanya pero napabuntong hininga na lang siya.

“Please baby. We have to talk.” Nagmamakaawa nitong pakiusap sa akin. Talk? Napaka galing din talaga! Siya nga itong parang bulang naglaho na wala man lang ni ho ni ha tapos talk?

“Talk? Galing mo din eh noh? Pababain mo’ko dito!” Gigil ko pang singhal sa kanya pero agad na niya pinaandar ang kotse!

“I’ll explain later. Please baby..” Mahina pa niyang sabi at sandaling tumingin sa akin habang nagmamaneho siya.

Napabuga na lang ako ng marahas dahil wala naman akong magagawa. Alangan namang tumalon ako sa sasakyan. Ugh! Galit nag alit talaga ako sa kanya!

Maya-maya ay narinig kong nag ring ang cellphone ko.  Agad ko naman itong kinuha sa bag ko at sinagot.

"Jeff." Sagot dahil nakita kong si Jeff ang tumatawag. Siguradong nag-aalala na amga yun sa akin.

"Jazzy! Where are you? Kanina ka pa namin tinatawagan!" Nag-aalala niyang tanong sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ako dahil na guilty rin ako at bigla ko na lang silang iniwanan pero sa lalaking to pa din ako napadpad. Samantalang siya ang inalisan ko doon.

"Don’t worry about me. I’m okay.” Sabi ko naman. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naririnig ko din si Jen at Max at mukhang nag-alala nga talaga sila masyado sa akin kaya napakagat labi ako. Napatingin naman ako kay Niko dahil napatikhim siya at ngayon ay naka tiim bagang nang nagmamaneho.

"Are you sure?" Paninigurado naman ni Jeff.

"Yeah. Take care.”

"Nakasakay ka ba sa taxi ngayon? Nakita mo ba ang plate number?" Nag-aalala pa niyang tanong. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko dahil sigurado akong magagalit sila sa akin.

"Uh J-jeff, k-kasama ko kasi si..si Niko.” Nauutal kong sabi sa kanya.

Narinig ko siyang napabuntong hininga sa kabilang linya. Sandali pa siyang natahimik bago muling nagsalita. "Alright. Just call me if you need me. Okay?” Mahina niyang sagot at nahimigan ko pa ang pagka dismaya niya.

"I..I’m sorry. Uh ikaw na ang bahala sa dalawa ha? Ingat kayo.”

Sumandal ako pagkababa ko ng tawag at ipinikit ang mga mata ko. Nafu-frustrate ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit para akong ipinagkakanulo ng sarili kong damdamin? Ayoko siyang makita pero bakit parang nagdidiwang naman ang puso ko? Ugh! Ayoko siyang makita at lalong ayoko siyang makasama! Pero sinong niloloko ko? Jazmin, parang awa mo na huwag na huwag kang magiging marupok!

Iminulat ko ang mga mata ko nang tumigil siya sa pagmamaneho at nagulat ako nang mamulatang hindi naman sa apartment niya ako dinala kundi sa vacation house nila! Kahit ayoko sanang kausapin siya, wala naman akong magagawa dahil kailangan kong itanong kung bakit kami nandito ngayon!

"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba ihahatid mo ako sa apartment?" Malamig na tanong ko sa kanya at hindi pa din ako lumilingon sa kanya.

Pero nang hindi siya sumagot ay napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kawalan at tila napakalalim ng iniisip.  Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Kapansin pansin na namayat siya at parang kulang sa tulog pero hindi pa din ito naging kabawasan sa kagwapuhan niya. Ipinilig ko naman ang ulo ko dahil baka kung saan na naman mapunta ang pag-iisip na to. Focus, Jaz!

"May taxi pa naman siguro sa ganitong oras dito." Malamig kong turan at agad ko ng binuksan ang pintuan pero agad niya akong nahawakan sa braso.

“Let’s..let’s talk, Jaz. Please.” Pakiusap nito pero iwinaksi ko ang kamay niya at tuluyan na akong  bumaba sa kotse niya. Masakit pa din yung paa ko pero kaya ko naman. Medyo paika-ika nga lang ako maglakad. Nag-umpisa na akong maglakad palayo pero agad naman niya akong nahabol.

Nagulat ako nang iniyakap niya ang mga braso niya sa bewang ko mula sa likuran ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang pumalag. “I’m so sorry, baby. I know I deserve this.” Sabi nito at naramdaman ko na lang na namasa ang balikat ko. Umiiyak siya! Hindi ako nakahuma at patuloy lang siyang humihingi ng tawad sa akin.

Nang makabawi ako ay bumitaw ako sa kanya at humarap. Napatawa ako ng pagak nang makita ko ang itsura niyang umiiyak na lumong-lumo. Pinilit kong patigasin ang emosyon ko. “Sorry? Alam mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya sa malamig at mapait na tono.

"I..I’m really sorry. I..I got jealous. I’m sorry. Please forgive me, baby.” Pagmamakaawa nito sa akin.

"Jealous?” Nagtataka ko namang tanong sa kanya. Bigla naman akong natawa ng nakakaloko nang maalala ko si Jeff. Sigurado akong si Jeff ang pinagseselosan niya! “Kanino ka nagseselos? Kay Jeff? Niloloko mo ba ako ha?” Tumatawa kong tanong sa kanya. Baka naman gumagawa na lang siya ng rason niya at ginamit pa talaga si  Jeff!

“I..saw the..pictures.” Nakayuko nitong sabi ng mahina. Lalo naman akong natawa sa inis! Naniwala siya sa fake account? Seriously! Sinong niloko mo? Baka nga sila ni Gab gumawa noon eh para ako ang lumabas na masama sa relasyon namin at makapag simula na silang dalawa!

"Ah! Iyong fake account? Bakit? Hindi ba kayo ang gumawa ni Gabby nun? Huwag ka na ngang magkunwari, Niko! Nakuha mo na ako hindi ba kaya iiwan mo  na ako? Huwag ka namang gumawa pa ng ibang mga nakakatawang rason! Let’s be real! Huwag na tayong maglokohan!” Singhal ko sa kanya. Napatingala naman siya sa langit na tila siya nafu-frustrate pero wala akong pakialam sa kanya!

“I love you, Jaz. I can’t do that to you.” Sabi nitong napapasabunot na sa kanyang buhok.

“Bigla mo na lang akong hindi kikibuin. Ni ha, ni ho, wala. Dalawang buwan! Dalawang buwan akong parang mababaliw kaiisip kung anong nagawa ko sa’yo!" Hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang galit ko sa kanya at pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya. Napahagulhol na din ako sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Paulit-ulit siyang nag so-sorry at niyakap niya ako ng mahigpit kay ahindi rin ako nakawala.

“I love you so much.” Umiiyak nitong sabi sa akin.

"Love? Ang babaw pala ng letseng pagmamahal na yan! Ng dahil sa pictures mawawala ka? Paano ako maniniwala sa’yo ha, Niko?" Umiiyak kong sabi sa kanya at para akong hinang hina kaya hindi ko na din sinubukan pang magpumiglas. Hindi siya nakaimik agad at naramdaman ko ang paghalik halik niya sa ulo ko.

“I met an accident while on my way back here. Bumalik din agad ako but unfortunately..kinailangan kong..magpagaling. I’m really sorry.” Marahan niyang paliwanag sa akin. Para naman akong naitulos sa kinatatayuan ko!

"I didn't call you because I don’t want you to worry about me and I really feel so guilty so..” Dahan-dahan siyang bumitaw sa akin at pinanood ko lang siya nang inililis niya ang pants niya sa may left leg niya at may bakas nga ng operation doon! Napatutop ako sa bibig ko at hindi ko napigilang mapahugulhol muli. Paano na lang kung mas malala pala ang nangyari? Hindi ko kakayanin! Agad naman niya akong niyakap at gumanti ako agad ng mahihpit na yakap at umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin kapag mawawala siya sa akin!

Nang kumalma ako ay iginiya niya ako sa loob ng bahay kaya nagpatianod na lang ako. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng bahay ay agad niya akong isinandal sa pintuan at kinuyumos ng halik.

“How I missed you baby.” Namamaos niyang sabi habang hinahalikan ako. Agad din akong gumanti sa maiinit niyang halik. Kumapit ako sa balikat niya at pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Binuhat naman niya ako at dahan-dahang ibinaba sa sofa. “So beautiful, my baby. You are mine. Just mine.” Sabi nito ng namumungay ang mga mata at muli niya akong hinalikan. Halos sambahin niya ang buong katawan ko at muli niyang ipinadama sa akin ang init ng kanyang pagmamahal.

Nang makapagpahinga kami ay binuhat niya ako papunta sa kwarto niya at sabay kaming naligo. After that, no, we did not sleep. We made love again..and again.

"I love you so so much, baby.” Sabi niya at hinalikan ako sa aking noo habang nakaunan ako sa kanyang braso.

"I love you, more." Nakangiti kong sagot at lalo pa akong nagsumiksik sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status