Merong gumawa ng fake f******k account ko dahil pangalan ko ang nakalagay doon at may post pa na sinasabing yun ang bago kong account. Pinag a-add din nito ang mga friends namin. At ang higit na nakakaloka ay ang profile picture! Nakaakbay sa akin si Jeff at parang masayang masaya kaming dalawa. Iisipin talaga ng kung sino mang makakakita na mag boyfriend kami dahil saktong sakto na nakatingin kami sa isa’t isa at malaki ang mga ngiti sa aming mga labi.
Stolen shot ito at halatang naka zoom in lang. Itong yung gabi ng graduation namin na kung saan ay nag celebrate kami kasama ang family ni Jeff.
Naglolokohan kasi kami nun nila Jen habang hinihintay sila mommy sa labas ng pinagkainan namin. Nag rest room pa kasi sila nila tita.
"Jeff! Paano na ulit yung akbay ng najejebs?" Sabi ni Jen na tawa ng tawa. Si Jeff kasi dini-demonstrate niya ang iba't ibang klase daw ng akbay. Palibhasa ay babaero kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi at may iba’t ibang uri nga daw ng pag akbay.
Actually, kay Jen niya ginawa yung iba't ibang uri daw ng akbay. Parang loko-loko lang. Ganito naman kasi kami dati. Kung anu-ano lang mga pinagti-tripan.
"Ha? Nakalimutan mo agad? Teka, halika nga dito Jaz!" Tawag naman sa akin ni Jeff na game na game basta kalokohan.
Lumapit naman ako para hindi masabihang killjoy at agad naman niya akong inakbayan ng sobrang higpit.
“So, ayun na yun?” Tawang tawa pa ding tanong ni Jen.
“Oo, mahigpit kasi nagpipigil.” Mukhang engot niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilang matawa sa kalokohan niya.
“Yuck! Nakakadiri ka talagang lalaki ka!” Itinulak ko siya dahil kung anu-anong pinagsasasabi! Parang sira!
Meron akong napansin na flash ng camera habang naglolokohan kami pero hindi ko pinansin dahil may mga tao din naman sa paligid namin at malay ko ba kung nagpa picture lang din sila. Hindi ko akalaing may palihim palang kumuha ng litrato namin ni Jeff. Para saan?
"Artista na kayo ni Jeff! May paparazzi! Sosyal!" Tatawa-tawang sinabi ni Max nang makabawi siya. Napailing na lang ako. Ang lakas naman ng trip ng taong gumawa niyan at pinag aksayahan pa talaga kami ng panahon. Pinaliwanag naman namin sa kanila kung ano nga ba ang totoong nangyari sa picture na yan. Magaling din ang kumuha at nag-edit.
"Akala ko naman break na kayo ni gwapo! Naunang nagpalit si Gab ng profile picture kasama ang boyfriend mo kaya nagtaka na kami tapos sumunod naman ay gumawa ka ng bagong account na poser lang naman pala. Anong problema ni Gab? Alam naman niyang boyfriend mo yung tao, ginawa pa niyang profile picture yung jowa mo tapos napaka sweet pa nila. Napaka insensitive. Buti mabait ka Jaz kasi hindi uubra sa akin kung sa akin nangyari yun!” Hindi pa titigil sa kadadakdak si Karen kung hindi pa siya hinila ni Anne.
"Ah hehe paano, mauuna na kami sa inyo ha?" Nakangiwing sabi ni Anne at hinila na niya nang sapilitan si Karen na obvious namang gusto pang maki chika. Aba, naging instant artista pala ako. Galing.
"Uy pero in fairness ha totoo naman yung sinabi ni Karen. Napaka insensitive ni Gab! Anong nangyayari sa babaeng yun? Akala ko ba boyfriend nun si Dexter?" Sabi naman ni Max na nakahalukipkip na ngayon.
Hindi ako nakapagsalita pero kumabog na naman ng husto ang puso ko sa kaba, takot, at alinlangan. Paano nga ba kung totoong sila na ni Gab? Kakayanin ko ba?
Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Jen. Pagkatapos naming kumain ay umuwi muna kami sa apartment para magbihis. Hinatid kami ni Jeff at susunduin na lang daw kami kapag naka ready na kami.
Pilit kong iwinawaksi sa isipan ko si Niko pero inaatake na naman ako ng kalungkutan! Ayoko nang maramdaman ‘tong klase ng sakit na to. I don’t think I deserve this.
Nagsuot ako ng white fitted dress. Sleeveless to kaya pinatungan ko ng denim jacket. Napagkatuwaan lang namin bilhin to dati ni Max dati dahil white daw at bagay sa amin dahil nurse kami. Hindi ko aakalaing maglalakas loob akong isuot ito ngayon. Parang gusto kong mag rebelde!
"Oh my gosh! Jaz, you’re so pretty! Ganyan! Ganyan dapat! Go girl!" Pag chi- cheer sa akin ni Jen. Napangiti naman ako at halos hindi ko rin makilala ang sarili ko sa ayos ko.
"Ang sexy! Sana pala yung ganyang damit ko din ang sinuot ko para twinning tayo. Halika i-curl ko yang hair mo para mas bongga!" Tuwang tuwa namang sabi ni Max at pumapalakpak pa. Kung maka bongga sila eh halos pare-pareho din naman kami ng get up at ayos.
Maya-maya ay narinig na naming bumubusina si Jeff kaya agad na din kaming lumabas dahil naka ready na din naman kami.
"Hey! Ano yang mga suot nyo ha?! Magbihis nga kayo!" Naiinis na sita sa amin ni Jeff nang makita niya kami.
"Hoy! Wag kang kj diyan ha! Ngayon na nga ulit makakalabas noh!" Singhal ni Jen sa pinsan niya at sumakay na sila ni Max sa back seat kaya malamang sa harap ako.
"Wag sana akong mapaaway nito." Bubulong bulong pa na sabi nito nang makaupo ako pero wala na din naman siyang nagawa.
"Yeah! Let's party!" Sigaw ni Max na akala mo ay wala ng bukas pagkarating namin. Excited sila dahil medyo matagal din kaming hindi nadalaw dito. Nagsimula na din silang mag order ng drinks.
Nakakainis nakakailan na ako ng naiinom at nahihilo na pero hindi pa din siya mawala sa isipan ko! Ano ba Jazmin?! Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko.
"Jaz! Look oh! May nakatingin sayong gwapong lalaki doon oh. Ang gwapo!” Sabi ni Max sa akin sabay nguso sa lalaki sa kabilang table.
"Uy ano yan ha? Yan na nga ba ang sinasabi ko. Bawal ang lalaki at ayokong mapaaway." Pani-nermon sa amin ni father Jeff.
"Aysus! Wag mo nga kaming dinadamay. Porke wala kang babae ngayon eh." Sabi naman ni Jen sa pinsan niya.
"Hoy Jen! Parang wala kang boyfriend ha?" Singhal naman ni Jeff sa kanya.
"Bakit ba? Di naman ako nanlalalaki ah? Si Jaz ang hinahanapan namin. Di ba Max?" Sabi naman nito.
"Tumigil na kayo kung ayaw niyong iuwi ko na kayo ngayon mismo." Pagbabanta naman sa amin ni Jeff na napapailing na lang.
"Tse! Kj!" Irap sa kanya ni Jen.
"Tara! Sayaw na lang tayo!" Aya ko sa kanila dahil nakakairita lang yung pag-aaway nila sa harapan ko. Pakiramdam ko namamanhid na ang katawan ko sa dami ng alcohol na nainom ko. Kailangan kong sumayaw at nang ma shake na lahat ng kalungkutan sa katawan ko ngayon!
Nagkahiwa-hiwalay kami nang nasa dance floor kami dahil sa dami ng tao pero pinagpatuloy ko na lang ang pagsayaw. Naramdaman kong may sumasayaw sa likod ko at halos dikit na dikit na ang katawan niya sa akin pero hinayaan ko na lang dahil ganito naman talaga dito. Babalik na din ako sa table maya-maya dahil pakiramdam ko ay hindi rin ako nag-i-enjoy.
Nagulat na lang ako nang inilapit ng lalaki sa likuran ko ang bibig niya sa tenga ko.
"Hi beautiful!" Kinilabutan ako kaya napalingon ako sa kanya. Yung gwapong lalaki na nakatingin sa akin kanina!
Pero bago pa ako nakahuma ay bigla na lang siyang bumagsak sa floor! May sumuntok sa kanya! Nagkagulo naman ang mga tao sa biglang panggugulo ng kung sino. At lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita si Niko na akmang susuntukin pa ulit ang lalaki kung hindi pa siya nahawakan ng bouncer! Nang makabawi ang lalaki ay agad niya ding ininduyan ng suntok sa mukha si Niko! Buti na lang at may umawat ng bouncer at tinulungan pa siya ng ibang mga lalaki.
Dahil hindi ako nakakilos agad ay nagulat ako nang biglang may humablot sa braso ko at hinila ako palayo sa dance floor.
"Are you okay, Jazzy?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jeff at agad niya akong pinaupo nang makarating kami sa table namin. Humahangos ding dumating si Jen at Max na nag-aalala.
"Oh my! Are you okay, Jaz?" Tanong din nila pero hindi ako makasagot sa pagkabigla. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang dumating si Niko at hinila ako patayo.
"Hey! Take your hands off her!" Galit na sigaw ni Jeff sa kanya na napatayo na din at itinulak si Niko.
"Wag kang makialam dito pare! Im taking her home!" Sabi naman sa kanya ni Niko at hindi niya ako binitawan.
"What the fudge?! Are you serious? Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na basta basta mo na lang kakaladkarin si Jazzy?" Sigaw ni Jeff sa kanya at nakakakuha na kami ng atensyon sa crowd. Hinawakan na din niya ako sa kabilang kamay para bawiin kay Niko. Para akong laruan na pinag-aagawan!
Nang makabawi ako ay hinila ko ang mga braso ko sa kanila. "Ano ba?! Tigilan niyo nga ako!" Galit kong sigaw at agad kong kinuha sa upuan ang purse ko at mabilis na naglakad paalis.
"Jaz!" Tawag nila sa akin pero dire-diretso na akong lumabas. Buti na lang at merong bumaba sa taxi pagkalabas ko kaya agad idn akong nakasakay.
"Manong, session po." Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Ayoko munang umuwi dahil baka susundan nila ako sa apartment. Gusto ko munang mapag-isa!
Seriously, Jazmin, ganyan ang itsura mong pupunta sa session sa alanganing oras?! Late ko nang na-realized na naka sexy dress nga pala ako tapos nahihilo pa! Pagkababa ko ng taxi ay may mga mangilan ngilan pang tao sa session at di maiwasang mapatingin sa akin. Hinayaan ko na lang tutal nandito na din ako at dumiretso na lang ako sa 7/11 para bumili ng coffee para kahit papaano ay mahimasmasan! Para kasi akong lutang at hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko.
Lumabas naman ako agad pagkatapos kong bumili dahil nakakatawag atensyon din ako sa loob. Maglalakad na lang akong uuwi sa apartment. Therapy ko kasi ang paglalakad pero ano ba Jaz. Sa ganitong itsura pa talaga, idagdag mo pang naka heels ka. Baguio to uy. Hindi patag ang daan. Ipinagkibit balikat ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Para na akong loka-loka pero wala na akong pakialam.
Hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina sa akin na diko kilalang sasakyan at tumigil sa harapan ko. Hindi ko pinansin at patuloy lang akong naglakad at binilisan ko pa. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan at mukhang bumaba ang sakay nito pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Bigla akong kinabahan at baka ma kidnap ako! Napaka careless mo kasi Jaz!
"Baby!” Tawag nito sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.
Si Niko!
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b