Share

MOH4

Ilang minuto rin ako nakipagtalo sa delivery boy. Hindi ko ito tatanggapin atsaka tumataginting na fifty million pesos ang binayaran ko sa package na ito na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano! 

"Ma'am we cannot do anything now about your purchase. Just sign the order received on the paper para matapos na po tayo," wika ng lalaki. I sighed and surrendered. I don't have a choice but to sign it. Wala rin namang magagawa pa ang makipagtalo pa sa kan'ya. Mukhang hindi rin naman ako makakahingi ng refund dahil may kontrata akong pinirmahan. Nag-de-deliver lang din naman siya at ako 'yong nag-order kagabi na wala sa sarili.

Naghihinala pa rin ako pero there's nothing I can do about it anymore. Nagbayad na ako and might as well check what I ordered for 3 million dollars! I swear, kapag figurines chuchu ito ay itatapon ko talaga. Umalis saglit ang delivery boy at may kung anong ginawang senyas ang lalaki sa mga kasamahan nito na nasa delivery van.

Nakita kong may dalawa pa pala siyang kasamahan. At infairness talaga! Ang guguwapo rin nila. Isang malaking box ang karga-karga nila sa likod at sa sobrang laki niyon ay halos hindi kayanin no'ng dalawa at kamuntik pang matumba. Buti na lang ay tinulungan sila no'ng nakausap ko. Hinayaan ko naman silang ipasok iyon sa bahay at inilagay nila ang napakalaking box sa may sala. Hindi rin naman na nagtagal pa 'yong mga nag-deliver at nagpaalam na sila kaya ngayon ako na lang at 'yong box na 'to ang natitira. Tinitigan ko nang mabuti ang anyo ng box. May malaking pulang ribbon ito naka-tie sa mismong box at halos dalawang pulgada ang taas. Kumuha ako ng gunting at inisa-isang ginunting 'yong mga tali nito at dahan-dahan kong binuksan.

"Hi, wife." Nahulog ang gunting na nasa kamay ko dahil sa gulat. Isang napaka-guwapong lalaki ang siyang sumulpot sa harap ko. Wala itong suot na pang-itaas kaya kita-kita ko ang abs nito sa tiyan. This man has tan skin and a very nice physique. 

"Who are you?!" natataranta kong tanong. Kinuha ko ang isang unan na nasa sofa at inihagis iyon sa lalaking n*******d. "Pervert! Help, help, help me!" sigaw ko.

Mukhang nagulat din ang lalaki no'ng nakita niya ang pagmumukha ko dahil bigla itong natulala at hindi na nakapagsalita pa. Nakatitig lamang ang misteryosong lalaki at nasiplatan ko pa ang pagkunot ng noo nito. 

"You! Sino ka? Mga akyat-bahay kayo 'no? Modus niyo 'to?!" galit kong tanong. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbakas ng galit sa mukha ng lalaki. Galit siya?! Hell! Siya pa ang galit ngayon?!

"Relax, wife… I'm your new husband," pagpapakilala pa nito. Agad napalitan ng isang malagkit na ngiti ang mukha nito atsaka lumabas mula sa box. Abnormal ata 'to. Bakit ang bilis naman atang mag-iba ng mood ng isang 'to?

"Arghhhhhhh!" sigaw ko. "M-manyak!" nauutal kong ani. Akalain mo 'yon? Gosh! This is stressing me so much. Halos hindi ko na nga kinaya no'ng nakita siyang walang suot na t-shirt tapos ngayon ay mas malala pa. Naka-boxer lang ang lalaki at kita-kita ko ang bukol nito sa hinaharap. Tinakpan ko ng mga kamay ang mata ko at napalunok ako ng laway. Pero char lang, sinilip ko nang konti ang lalaki. Mula ulo hanggang paa ay kinilatis kong mabuti ang pagmumukha nito. Out of all the man I've encountered from the past ay walang maihahalintulad sa karisma na mayroon ang lalaking ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-guwapo na lalaki. His body and face resembles a Greek god. This type of man is dangerous, dahil kapag nahulog ka sa tulad nila ay hindi ka na makakaahon pa. Sila 'yong tipo ng mga lalaki na magpapabaliw sa'yo. He is a total package and I can't deny that. 

"Hey, calm down. You can read the contract para mahimasmasan ka. Ako 'yong inorder mo kagabi." He's WHAT?! Joketime ba 'to? Binasa ko ulit ang kontrata na sinasabi niya at nakasaad nga roon ang do's and dont's. Shit, totoo nga talaga! Nag-order nga talaga ako ng isang ASAWA online!

"Is it clear to you now?" Nakatayo ang lalaki sa harap ko na wala pa ring ibang suot kung hindi ang boxer nito. Mas lalong sumakit ang ulo ko at parang dumoble pa nga. 

"Magbihis ka nga!" galit kong wika. "Bakit ba n*******d ka?!"

"Chill babe, syempre asawa mo na ako. You can do everything you want to me now and of course it includes my body," preskong tugon ng lalaki sabay kindat sa akin. Akmang lalapit pa ito sa akin ngunit agad ko ring pinigilan. Umarte pa akong nasusuka nang kumindat ito. 

"Sige! Subukan mong lumapit at basag 'yang bayag mo!" Napaatras naman ang lalaki dahil sa takot at napahawak agad sa hinaharap nito. 

"Grabe ka naman babe. Nakakasuka ba talaga pagmumukha ko? No'ng last time na tumingin ako sa salamin ay guwapo rin pa naman ako," may hinanakit nitong tugon sa sinabi ko. He's stressing me out! 

"This is shit! I need to call your company now. This is a mistake." Kaya pala ang laki ng binayad ko ay dahil totoong tao pala talaga ang inorder ko. This is illegal. Human trafficking ata 'tong ginagawa nila. This isn't right. Hindi pa naman ako nababaliw para patulan ang sinasabi ng lalaking 'to sa akin. 

Nakatayo lamang ang lalaki sa harap ko na parang isang maamong aso na naghihintay sa amo niya. I dialed the number written in the contract at may ilang segundo pa itong nag-ring bago sinagot. 

"Hey, I ordered something from your website last night and I'm returning it now," bungad ko. 

"I'm sorry Ma'am, we have our company's policy. NO RETURN, NO EXCHANGE, it's in the contract you've signed," sagot no'ng kausap ko. 

"I don't care, just take him away from me. This is illegal. Your company is illegal and I can sue you," galit kong saad. 

"Our company is legal ma'am, and we have documents supporting our claim. You can check the legitimacy of our company on our website. You can also call our company lawyer for that," mahinahong sagot nito sa akin.

"Listen, I don't want him, okay? I won't ask for a refund or anything else. I just want you guys to take him, that's it!" 

"Did you read the whole contract ma'am? All answers to your questions are there," sagot nito. 

Natapos ang pag-uusap namin na wala akong napala. I glared at the man in front of me. Nakayuko lang ito at parang naghihintay ng sasabihin ko. 

"Huwag ka ngang yumuko," utos ko. He lifted his head at tumingin sa akin. "You can go, you don't need to be my husband. Go now!" pagpapaalis ko. 

Nagtaka pa ako nang hindi ito sumunod sa utos ko. Nanatiling nakatayo lamang ito sa harap ko na naka-boxer! At bakit may mukha ni Doraemon 'yang boxer niya? Ano siya? Bata?! Urgh, this is so frustrating. 

"What, now?" wika ko nang makita kong hindi ito gumagalaw mula sa kinatatayuan. "Go," ulit kong sabi at pinapaalis siya. Itinuro ko pa ang pinto para ma-gets nito ang ibig kong sabihin. 

Umiling ang lalaki at nagsalita, "Rule number 3, page 2" he replied. Kinuha ko ang kontrata at binasa ang sinabi nito sa akin.

"Rule number three, the online husband cannot go back to his own life for a year and the company won't compensate him if he won't do his job. The company will also fire him from his job and will sue him for breaching the contract with a two hundred million pesos penalty." Umawang ang bibig ko dahil sa nabasa. A year?! Wala na ba talagang ibang paraan para mapaalis ko 'tong lalaking 'to?

Two hundred million pesos is a big sum of money atsaka ano namang ibabayad ng lalaking 'to kapag nagka-ganoon? Kaya ko nga ba talagang makitang may taong magdusa dahil sa akin? I can pay that two hundred million pesos but is it worth it? Tapos matatanggal pa ang lalaki sa trabaho at makakasuhan. Pero paano ko naman 'to matatago from my parents and worst, from the media? This will be a huge scandal for me at baka ikasira ko pa ito. How am I going to hide his existence from everybody kahit one year lang?! Nalilito na ako and at the same time ay natataranta. What to do?

Kasalukuyan akong nag-iisip ng paraan nang tumunog ulit ang doorbell. 

"Yah!" mahinang sigaw ko. Nagulat kasi ako at parang nagka-phobia na ako sa mga nag-do-doorbell. "What is it this time?" mahinang tanong ko sa sarili. 

"Stay…" Tiningnan ko ang lalaki at pinaupo sa sofa. Sumunod naman ito sa sinasabi ko at umupo ang lalaki sa sofa. Kinuha pa nito ang isang unan at ipinangtakip sa hinaharap nito. 

Nang makalapit ako sa pinto ay tiningnan ko muna sa monitor kung sino ang nasa labas. Napaatras ako… Shit! Napaka-bad timing naman. Mom is here! 

"Fuck," mura ko. My mind is going crazy right now and I don't know what to do. Patakbo akong pumunta sa lalaki at hinila siya. "You need to hide and don't go out until I say so," mariin kong utos sa kan'ya. He just nod his head at nagtago ang lalaki sa bathroom dito sa first floor. 

I hurriedly went back to the door. Ayaw na ayaw pa naman ni mommy ang pinaghihintay siya. I let out a heavy breath to relax atsaka binuksan ang pinto.

"Mom! You're here," masiglang ani ko. Tiningnan ni mommy ang mukha ko at bumakas do'n ang pagka-disgusto sa naabutan nitong ayos ko.

"Argh, sorry about my appearance mom. I overslept because of tiredness at hindi ako nakapag-handa."

"Hmmm…" Dumiretso si mommy sa sala at sumunod naman ako sa kan'ya. Nanginginig talaga ako at kinakabahan. This is the first time I felt so nervous that I can feel my body trembling. Sino naman ang hindi kakabahan? May lalaki akong itinago rito sa bahay and if ever my parents will knew about this ay siguradong itatakwil ako nila.

"Mandy…" seryosong tawag ni mommy sa akin. Sasagot na sana ako ngunit para akong natuklaw ng ahas nang makita ko si mommy na hinahawakan ang malaking box sa na nasa sala ngayon. I forgot about the box! Hindi ko iyon naitago at ngayon naghihinala na ang ina sa malaking box. Shit! How will I explain this now?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status