King Cross: The Billionaire's Housemaid

King Cross: The Billionaire's Housemaid

last updateLast Updated : 2026-10-22
By:  Cerene WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Series title: King Cross She make out with him, and then ghosted him. Alexandria Salvador is a secret agent, and she has only one goal... Is to never get attached. Kaya naman nang makipag-hookup siya kay Preston ay bigla na lang siyang naglaho at naging multo nito. Unfortunately, isang bagong misyon ang kanyang papasukin. Her new undercover is a housemaid, a housemaid of Fuego's mansion, which is Preston's home. She has no idea. She thought he was just a bartender in a bar... She never thought that Preston Fuego is a young billionaire who didn't deny his desire to have her. And now she was torn between lying to him... Or getting laid by the Billionaire.

View More

Chapter 1

Prolongue

Prologue

"Are you sure about this, Alexa?" tanong ng boss ni Alexa na si Orlando. "This will be your first time getting a long quest."

Mula sa folder na hawak ni Orlando ay tiningnan siya ni Alexa sa kaniyang mukha. Basang-basa niya na nagdadalawang-isip pa rin si Orlando na ibigay sa kaniya iyon. Huminga siya ng malalim at pinag-cross ang kaniyang mga braso, habang nakataas ang kilay kay Orlando.

"Sigurado na ako, ikaw na lang ang hindi."

Naiintindihan naman naman niya ito. Para niya nang nakatatandang kapatid si Orlando, magmula nang kupkupin siya ng mga magulang nito noong twelve years old pa lang siya. Her name was not Alexandria. Her real name was Rachel Gracie Moore, but when they adopt her, they changed her name into Alexandria Salvador, they give her their name.

Bata pa lang siya nang isang gabi ay may umatake sa kanilang bahay at pinatay ang mga magulang niya. Orlando's father rescued her, sa kaniyang pamilya ay siya lang ang natira. Ang sabi ng mga ito sa kaniya ay nasa danger pa rin ang buhay niya, hinahanap pa rin siya ng mga pumatay sa kaniyang magulang. To protect her, they had to change her name and adopt her as their daughter.

Magmula niyon ay ni-train na siya upang paglaki niya ay maging kabilang siya sa kanilang mga secret agents na dati ring trabaho ng ama niya. She was twelve that time, at nagsimula siyang tumanggap ng mga mission or cases noong nag-eighteen na siya. Ngayong twenty-one na si Alexa ay finally, binigyan na rin siya ng long term mission na matagal niya nang hinihintay na magkaroon.

Matagal niya nang gustong magkaroon nito, dahil sa lahat ng secret agents sa kaniyang generation ay siya ang pinakamatagal na, pero siya rin ang pinaka kulang sa experience dahil siya na lang ang hindi pa nararanasan magkaroon ng long term quest. Kung saan hindi pang isang gabi o ilang araw lang na serbisyo ang kailangan niyang tapusin, kundi pang matagalan na minsan ay umaabot pa ng higit isang taon. Depende sa case. At kahit anong husay niya ay hindi pa rin talaga siya nabibigyan niyon, just because Orlando is worried about her. She's his little sister.

Pinag-aralan nito ang mukha ni Alexa, naniniguro. Umikot na ang mga mata niya at basta na lang inagaw ang folder sa kamay ni Orlando. Tinitigan niya ang long folder na iyon at niyakap. Sabik siyang mahawakan iyon, dahil iyon ang unang beses na makahawak siya ng long folder, puro short folder lang ang lagi niyang nahahawakan.

"Aaralin ko na ang roles ko. See you!"

Iikot pa lang sana siya upang iwanan si Orlando sa office nito nang muli itong nagsalita.

"You are supposed to read it and tell me if you are in?"

Sumimangot siya sa kaniyang kapatid. "I'm in."

"You haven't-"

"I'm in, kahit ano pa ang laman ng folder na ito. At papatunayan ko sa 'yo, na deserve ko ang long quest na tatlong taon na ipinagkait mo sa akin," ngumisi siya sa kaniyang huling sinabi.

Napailing si Orlando sa kaniya at umupo na sa kaniyang swivel chair. "Fine, go ahead. But take my advice; samantalahin mo na ang pagkakataong free ka pa. Kapag sinimulan mo na ang quest mo, wala ka nang social life. Do you understand?"

Nanliit ang mga mata niya, dahil pakiramdam ni Alexa ay gusto siya ni Orlando na umurong. Well, she won't.

Pagkalabas niya ng opisina ni Orlando ay doon niya lang binuksan ang folder. Habang binabagtas ang hallway ng headquarter ng kanilang organization ay tahimik niya iyon binasa, at halos mamutla siya sa kaniyang nabasa.

She needs to pretend as Caroline Reyes, a housemaid in Fuego's Mansion. A known family in the Philippines as the most influential Businessman.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status