INICIAR SESIÓNJasmine's Pov“Oh my gosh! Besh, ang sexy mo! Bagay na bagay sa ‘yo ang bikini na suot mo!” Nahihiyang napakamot ako ng noo sa sinabi ni Hannah nang makita niya ako pagkatapos ko magpalit. Maliligo kami sa dagat dahil bukas babalik na kami ng Maynila. Mahigit isang linggo na kami rito at alam kong tambak na ang mga gawain ng dalawang boys sa opisina. Kaya susulitin namin ang araw na ito. “Hindi naman, Besh, parang nakakailang nga eh.” Nahihiyang sabi ko at pinasadahan siya ng tingin. “Ikaw ang sexy tingnan. Ang ganda ng katawan mo. Bagay sa ‘yo ang bikini mo!” nakangiting sabi ko kaya natatawang nilapitan niya ako.“Ano ka ba! Alam kong sexy ako pero dapat confident ka rin sa ganda ng katawan mo. Kung tutuusin, mas maganda ang katawan mo kaysa akin, Besh!” Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa dagat dahil nauna na roon ang boys.Akala namin ay naliligo na ang mga ito pero hindi pala. Parehong nakatayo sa dalampasigan, nakaharap sa malawak na karagatan habang na
Jasmine's Pov“Good morning to my amazing beautiful queen in the world!” Napamulat ako nang mata nang may humalik-halik sa mukha ko. Sumalubong agad sa akin ang guwapong mukha ni Aston. Ang lawak ng ngiti niya. Ang saya-saya niya tinginan kahit magulo ang buhok niya.“Good morning, Mahal!” nakangiting bati ko sa kanya dahilan upang matigilan siya.Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Halatang hindi niya inaasahan ang itinawag ko sa kaniya.“W-what did you just call me?” priceless ang reaksyong tanong niya.“Mahal…” malambing na tugon ko.Namula ang mukha at tainga niya. “Mahal…” ulit niya, titig na titig na naman sa akin. “It's like music to my ears.” Tinawanan ko lang siya sabay sundot sa pisngi niya. Napakagat-labi pa siya nang bumaba ang mukha niya sa akin at mabilis na ninakawan ako ng halik sa labi.“Mahal, wala pa akong sipilyo!” sita ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya at biglang humiga sa tabi ko sabay yakap sa akin.“Ano naman ngayon? You still taste good and smel
Jasmine's Pov“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!” Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin. “Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.“Bakit naman?” “Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko.Medyo nakiliti pa ako dahil sa init ng hininga at lapit ng mukha niya. Ngumiti ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kaniya.Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang singsing. Kumikintab sa kinang ang diamante niyon. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitigan iyon. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Rogelio has never done this to me before.“Do you like it?” malamyos ang tinig na bulong ni Aston sa akin.Mabilis na tumango naman ako. Bahagya
Jasmine's Pov“I am beyond ready to conquer the world for you, Mine. Ganun ka ka-special sa akin.”Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aston. Para akong nanigas at kiniliti ang puso ko sa mga katagang binitawan niya. Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod niyon. Hindi mawala ang malawak at matamis na ngiti niya sa labi.“Hintayin mo ako rito ha? May kukunin lang ako sa loob ng tent natin. Babalik agad ako.” Bumangon siya at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.Hinayaan ko na lang siya at saka naupo. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko na mahanap sina Hannah at Larry. “Saan naman kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?” takang bulong ko.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay may message si Aston na ipinagtaka ko.“Hey, beautiful lady. Humarap ka sa likuran mo at makikita mo ang future asawa mon
Jasmine’s Pov“Kíngíná mo, Larry! Kung hindi ka ba naman sumigaw ng ahás, hindi ako madadamay!” Mabilis na iika-ikang tumakbo palayo si Larry nang akmang lalapitan na sana ito ni Aston. Parang hindi nasaktán ang mga ito kung magbangayan at sisihan. Napapakamot na lang kaming dalawa ni Hannah habang pinagmamasdan ang dalawa.“Babawasan ko ang sahod mo ngayong buwan!” panakot ni Aston sa kaibigang sekretarya.“Boss, naman! Huwag naman ganun! Alam mo namang nag-iipon ako, ‘di ba?” pagsuko ni Larry.“Ipon your áss!” asik ni Aston kaya sinaway ko na silang dalawa.Para kasing mga aso’t pusa kung magbangayan eh. Nang matahimik ang dalawa, pumasok naman si Itay na may dalang buko.Kumislap ang mga mata namin ni Hannah at mabilis na sinalubong si Itay. Kinuha namin ang mga buko na bukas na at pumunta sa kusina.“Salamat, Itay!” malawak ang ngiting pasalamat ko.Sumunod naman ang dalawang binata na nakabusangot.“Gusto niyo?” alok ko sa dalawa pero umiling lang mga ito.“Tito, oh… ayaw nila k
Jasmine’s Pov“Aston, ayos ka lang ba?” Nataranta ako nang bumagsak sa lupa si Aston, gayun din si Larry na agad nilapitan ni Hannah. Puno ng kaba, dinaluhan namin ang dalawa na nakasalampak sa lupa. Nakatihaya si Aston samantalang si Larry ay màlálâ ang sinapit nito. Imbes na likod, padapa na bumagsak ito sa lupa.“Oh my gosh! Bebeloves, dumudúgó ang ilong mo!” hindi mapakaling sigaw ni Hannah nang malapitan ang binata.Mabilis na dinaluhan ko rin so Aston na parang hindi na gumagalaw. Nakatihaya pa rin ito, kahit ang kumurap ay hindi magawa. “A-Aston…a-ayos ka lang?” napapalunok na tanong ko at kinaway-kaway ang isang kamay ko sa mukha nito.“Patày na ba ako?” wala sa sariling tanong ni Aston, nakatulala.Nanginginig ang mga kamay na tinapik ko ang kaniyang pisngi. Doon lang siya kumurap at gumalaw.“Buhay ka pa uy! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” hindi mapakaling tanong ko kahit kitang-kita ko ang pamumula ng dibdib nito.“I’m not déad yet?” mahinang tanong niya.Ilang b







