Compartilhar

Chapter 75: I Love You

last update Data de publicação: 2026-10-26 21:56:49

Jasmine's Pov

“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!”

Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin.

“Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.

“Bakit naman?”

“Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.

Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.

“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 75: I Love You

    Jasmine's Pov“I love you, Jasmine Agosto Haz! Mahal na mahal kita!” Mabilis na sinita ko si Aston nabg sumigaw siya ng malakas. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka mamaya ay maingayan sa amin. “Huwag ka sumigaw,” sita ko pa sa kaniya.“Bakit naman?” “Baka may maingayan at masita pa tayo.” Kamot-noong sagot ko.Natawa naman siya at imbes na umupo sa tabi ko, sa likod siya pumwesto at niyakap ako pasandal sa kaniya.“Hindi ‘yan, Mine. Isa pa, gusto ko ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal.” Pinatong niya ang baba sa balikat ko.Medyo nakiliti pa ako dahil sa init ng hininga at lapit ng mukha niya. Ngumiti ako at hinayaan ang sariling sumandal sa kaniya.Itinaas ko ang kamay ko kung saan ang singsing. Kumikintab sa kinang ang diamante niyon. Hindi ko mapigilang kiligin habang tinitigan iyon. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Rogelio has never done this to me before.“Do you like it?” malamyos ang tinig na bulong ni Aston sa akin.Mabilis na tumango naman ako. Bahagya

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 74: Girlfriend

    Jasmine's Pov“I am beyond ready to conquer the world for you, Mine. Ganun ka ka-special sa akin.”Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aston. Para akong nanigas at kiniliti ang puso ko sa mga katagang binitawan niya. Walang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod niyon. Hindi mawala ang malawak at matamis na ngiti niya sa labi.“Hintayin mo ako rito ha? May kukunin lang ako sa loob ng tent natin. Babalik agad ako.” Bumangon siya at hindi na ako hinintay pang makapagsalita.Hinayaan ko na lang siya at saka naupo. Tiningnan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko na mahanap sina Hannah at Larry. “Saan naman kaya nagpunta ang dalawang ‘yon?” takang bulong ko.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay may message si Aston na ipinagtaka ko.“Hey, beautiful lady. Humarap ka sa likuran mo at makikita mo ang future asawa mon

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 73: Special

    Jasmine’s Pov“Kíngíná mo, Larry! Kung hindi ka ba naman sumigaw ng ahás, hindi ako madadamay!” Mabilis na iika-ikang tumakbo palayo si Larry nang akmang lalapitan na sana ito ni Aston. Parang hindi nasaktán ang mga ito kung magbangayan at sisihan. Napapakamot na lang kaming dalawa ni Hannah habang pinagmamasdan ang dalawa.“Babawasan ko ang sahod mo ngayong buwan!” panakot ni Aston sa kaibigang sekretarya.“Boss, naman! Huwag naman ganun! Alam mo namang nag-iipon ako, ‘di ba?” pagsuko ni Larry.“Ipon your áss!” asik ni Aston kaya sinaway ko na silang dalawa.Para kasing mga aso’t pusa kung magbangayan eh. Nang matahimik ang dalawa, pumasok naman si Itay na may dalang buko.Kumislap ang mga mata namin ni Hannah at mabilis na sinalubong si Itay. Kinuha namin ang mga buko na bukas na at pumunta sa kusina.“Salamat, Itay!” malawak ang ngiting pasalamat ko.Sumunod naman ang dalawang binata na nakabusangot.“Gusto niyo?” alok ko sa dalawa pero umiling lang mga ito.“Tito, oh… ayaw nila k

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 72: Nahulog

    Jasmine’s Pov“Aston, ayos ka lang ba?” Nataranta ako nang bumagsak sa lupa si Aston, gayun din si Larry na agad nilapitan ni Hannah. Puno ng kaba, dinaluhan namin ang dalawa na nakasalampak sa lupa. Nakatihaya si Aston samantalang si Larry ay màlálâ ang sinapit nito. Imbes na likod, padapa na bumagsak ito sa lupa.“Oh my gosh! Bebeloves, dumudúgó ang ilong mo!” hindi mapakaling sigaw ni Hannah nang malapitan ang binata.Mabilis na dinaluhan ko rin so Aston na parang hindi na gumagalaw. Nakatihaya pa rin ito, kahit ang kumurap ay hindi magawa. “A-Aston…a-ayos ka lang?” napapalunok na tanong ko at kinaway-kaway ang isang kamay ko sa mukha nito.“Patày na ba ako?” wala sa sariling tanong ni Aston, nakatulala.Nanginginig ang mga kamay na tinapik ko ang kaniyang pisngi. Doon lang siya kumurap at gumalaw.“Buhay ka pa uy! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” hindi mapakaling tanong ko kahit kitang-kita ko ang pamumula ng dibdib nito.“I’m not déad yet?” mahinang tanong niya.Ilang b

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 71: Buko

    Jasmine’s Pov“Larry, gusto ko ng buko! Can you get one for me?”Nakangiti at malambing anas ni Hannah nang lumapit kam isa dalawang binatang nag-uusap habang nakaupo sa ilalim ng puno ng rambutan. Parehong naka-sando lang at naka-casual shorts ang dalawa. Kakatapos lang din nila sa trabaho at ngayon ay nagpapahinga.“Hindi ako umaakyat ng niyog, Miss Dizon,” saad ni Larry.“Sige na, Bebeloves! Gusto ko ng buko! Kuhanan mo ako kahit isa lang!” Pamimilit ni Hannah at talagang niyuyogyog pa ang braso ng isa.Lumapit ako kay Aston na may malawak na ngiti bang makita ako. Hinila niya agad ako paupo sa kandungan niya.“Gusto mo rin ba ng buko?” masuyong tanong niya.Tumango naman ako sa kaniya. “Oo. Matagal na rin kasi akong hindi nakakain niyan.” Sumandal ako sa dibdib niya. Napangiti ako nang maramdaman ang takap niya habang pinapatakan ng hakik ang tuktok ng ulo ko.Napapikit ako at dinama ang ginawa niya. Ang sarap pala sa pakiramdam na mapunta sa tamang tao. Kahit ang mga maliliit na

  • My Sister Is My Husband's Mistress    Chapter 70: Malaman

    Jasmine’s Pov“Parang gusto ko na lang maging magsasaka kung laging may ganito, maganadang dilag na nagluluto at naghahanda ng masarap na pagkain sa hapagkainan.” Hirit ni Aston nang nang makaupo sila, samantalang kami naman ay naghahain ng mga pagkain sa mesa. Ang dami naming niluto para sa kanila. Umalingasaw pa ang mabango at nakakatakam na amoy ng adobong manok, inihaw na karne ng baboy, bulalo, hipon, at tuyong pusit. Gumawa pa ng sawsawan si Hannah na puno ng sili, sibuyas at kamatis. “Ang sarap at bango!” natatakam na anas naman ni Larry na agad inasikaso ng kaibigan ko matapos magdasal.“Bebeloves, ako na. Alam kong pagod ka,” nakangiting sabi ni Hannah at talagang kumindat pa.Namula tuloy ang tainga ni Larry at umiwas ng tingin. Natawa naman sina Inay at Itay na ngayon ay kumakain na rin. Hinayaan ko na lang sila at inasikaso ang katabi ko na hindi mawaglit ang ngiti sa labi.“Anong gusto mo?” nakangiting tanong ko, tinutukoy ang mga ulam.“Ikaw. Wala ng iba.” Kindat niya

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status