CHAPTER 20"Kumusta pala ang pag uusap nyo ni Trina? Okay na ba sya?" Tanong ni Aira kay Dave ng makarating na sila sa kanilang hotel room kung saan sila nagstay dito sa Korea."Nagsabi naman ako sa kanya ng maayos yun nga lang parang mainit pa rin ang ulo nya ng mga oras na yun kaya hinayaan ko na lamang sya. I'm sure naman na maiintindihan nya tayo kung bakit tayo tumuloy rito," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Aira kay Dave "Oo nga pala pag uwi natin ng Pilipinas ay sa sariling bahay na natin tayo dederetso," sabi pa ni Dave. Nangunot naman ang noo ni Aira dahil sa sinabi ni Dave dahil wala naman syang alam na may sarili na pala silang bahay."Sariling bahay? Anong ibig mong sabihin?" Tanong na ni Aira."Hindi ba nabanggit sayo nila mommy na may binili na silang bahay para sa atin. Kaya doon na tayo dideretso pag uwi natin," sagot ni Dave."Wala naman silang nababanggit sa akin. Pwede ba na umuwi muna ako non dahil wala naman doon ang mga gamit ko," sagot ni Aira."Hindi na k
CHAPTER 21Ilang araw pang namalagi sila Aira at Dave sa Korea. Kung saan saan pa sila namasyal doon at talagang naenjoy naman nila ang pagpunta nila ng Korea. Narelax din sila kahit papano. At nakalimutan nila kahit papaano ang kanilang mga problema."Ayos na ba yang mga gamit mo?" tanong ni Dave kay Aira. Pauwi na kasi sila ngayon ng Pilipinas."Oo ayos na to. Naparami ata ang napamili ko ah," sagot ni Aira at kakamot kamot pa eto sa kanyang ulo dahil pinilit nyang pagkasyahin ang mga pinamili nya sa isang maleta. Mga pampasalubong nya kasi eto at natuwa talaga syang bumili ng kung ano ano roon. " Ikaw ba naayos mo na mga gamit mo?" Tanong na rin ni Aira kay Dave."Oo ayos na rin ang mga gamit ko. Kung hindi na kasya dyan sa bagahe mo pwede mo naman ilagay yung iba rito sa aking maleta," sagot ni Dave dahil tinitingnan pa lang nya ang maleta ni Aira ay pakirmdam nya ay puputok na iyon."Sige salamat. Pero tingin ko naman ay ayos na eto rito," sagot ni Aira."Mabuti pa kumain na muna
CHAPTER 22Nasa bahay lamang nila ngayon si Trina. Tamad na tamad syang kumilos ngayon ni kahit paglabas ng kanilang bahay ay kinatamaran na rin nya. Halos maghapon na syang nakahilata na lamang sa kanyang kama. Maya maya ay nakaramdam na sya ng gutom kaya nagpasya na lamang siya na pumunta sa kanila kusina. Pagbaba naman ni Trina sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanilang kasambahay."Manang asan po sila mommy at daddy?" Tanong niya sa kasambahay dahil pansin nyang tahimik ang paligid at parang wala ang mga magulang nya."Ay ma'm Trina wala po ang mommy at daddy nyo. Ang alam ko po ay papunta po sila sa bahay nila ma'm Aira ngayon," sagot ng kanilang kasambahay."Kila ate Aira?" Tanong nya ulet dito."Opo ma'm yun po ang dinig ko kanina," sagot ng kasambahay. Tumango tango naman si Trina rito."Kung ganon nakabalik na pala sila Dave at ate Aira," kausap ni Trina sa kanyang sarili. Bigla naman siyang nabuhayan ng dugo ng malaman nya na dumating na pala si Dave kaya magana siy
CHAPTER 23Ramdam na ramdam na nila Dave at Aira ang pagod nila ngayon mula sa mahabang byahe kaya gusto na nilang magpahinga. Umakyat naman na sila sa taas ng kanilang bahay at pagdating nila sa tuktok ng hagdan ay nagkatinginan silang dalawa."San ang kwarto ko?" Tanong ni Aira. Kakamot kamot naman sa ulo nya si Dave dahil hindi rin nya alam."Hindi ko rin alam. Pasukin na lamang natin ang mga kwarto rito," sagot ni Dave at nagpatiuna na nang paglalakad papunta sa mga kwarto roon.Inisa isa nila ang apat na pinto na meron doon. Una nilang pinto na linapitan ay naka lock ganon din ang pangalawa at pangatlo. Nagkatinginan sila dahil isa na lamang ang hindi nila nabubuksan na pinto at pagpihit ni Dave sa door knob ay laking tuwa nila ng magbukas iyon. Pero nagkatinginan ulet sila ng pagpasok nila ay narealise nila na iisa lang ang bukas na kwarto."Nasaan ba ang mga susi dito? Bakit isa lang ang nakabukas?" Tanong ni Aira."Hindi ko rin alam Aira dahil pareho lang tayo na bagong dating
CHAPTER 24Inihatid naman ni Karen si Trina sa bahay neto. Naka ilang door bell pa siya bago sya pinagbukasan ng gate ng kasambahay nila Trina. Nagising naman sila Ramon at Cheska dahil sa sunod sunod na pagtunog ng kanilang door bell.Sakto naman na pagbaba nila Ramon at Cheska ng hagdan ay pagpasok ni Karen na akay akay si Trina na lasing na lasing."Anong nangyare?" Tanong ni Ramon ng makita nya sila Karen at Trina. Napatingin naman si Kren sa nagsalita."Tito pasensya na po kung nagising ko po ata kayo. Inihatid ko lamang po si Trina," sagot ni Karen. Agad naman na nilapitan ng mag asawa si Trina."Ano ka ba namang bata ka. Bakit ka ba naglalasing ng ganyan," nag aalalang sabi ni Cheska kay Trina. Wala namang naging tugon dito si Trina dahil lasing na lasing na nga eto."Salamat hija sa paghatid kay Trina Kami nang bahala sa kanya," baling naman ni Cheska kay Karen."Sige po tita tito alis na po ako," sagot ni Karen saka niya tinalikuran ang mga magulang ni Trina. Napabuntong hin
CHAPTER 25Matapos maglibot nila Dave at Aira sa buong bahay ay naupo na muna sila sa upuan na nasa garden ng kanilang bahay. Kumuha naman na muna si Dave ng maiinom nila ni Aira roon."Natawagan mo na ba si Trina?" Tanong ni Aira bago sumimsim ng juice na ibinigay ni Dave."Hindi pa. Siguro mamaya ko na lamang sya tatawagan dahil baka mainit pa ang ulo non," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Aira rito."Paano pala ang magiging set up natin neto?" Tanong pa ni Aira."E di magsasama na tayo dito sa bahay dahil wala na rin naman tayong magagawa pa eh. Kasal na tayo at hindi naman papayag ang mga magulang natin na hindi tayo magsasama sa iisang bahay. Napag usapan na rin naman natin ang tungkol sa amin ni Trina na itutuloy namin ang relasyon namin kahit kasal na tayo," sagot ni Dave."Dave binabalaan na kita ngayon pa lang ha mag iingat kayo ni Trina kung sakali man na magkikita kayo. Hindi ko naman kayo tututulan sa relasyon nyo pero sana ay mag iingat kayo dahil malaking gulo tala
CHAPTER 26Nag uusap pa sila Dave at Aira sa kanilang garden nang biglang dumating sila Cheska at Divina sila lamang dalawa ng pumunta roon dahil nasa opisina ang mga asawa nila. Hindi naman napapnasin nila Dave at Aira ang pagdating ng dalawa."Mukha namang maayos na silang dalawa at nagkakasundo na rin sila. Magandang senyales eto na tama ang naging desisyon natin na ipakasal nga silang dalawa," sabi ni Divina kay Cheska na halos pabulong pa para hindi sila kaagad mapansin nila Dave at Aira."Oo nga. Sa tingin ko rin ay ayos na sila," sagot naman ni Cheska."Sana ay mabigyan na nila tayo ng apo dahil sabik na sabik na talaga akong magkaroon muli ng bata sa aming pamilya," nakangiting sabi ni Divina."Ako rin gusto ko ng mag alaga ng apo. Sana nga ay mabigyan na nila tayo," nakangiti rin na sagot ni Cheska kay Divina. Nanatili pa silang nakatingin kila Dave at Aira. Pinagmamasadan nila ang dalawa at sa nakikita nila ay mukhang magkasundo na talaga ang mga eto."Ehem," bigla naman tu
CHAPTER 27Pagkapasok nila Dave at Trina sa loob ng hotel room ay agad na pumunta si Trina sa CR. Hinayaan naman eto ni Dave. Habang si Dave naman ay naupo sa isang sofa roon.Naipikit ni Dave ang kanyang mata dahil parang inaantok sya dahil siguro sa medyo naparami ang kain niya ngayon bago siya umalis ng kanilang bahay ay kumain na siya at ngayon ay kakakain pa lamang ulet niya.Tinatangay na si Dave ng antok nya ng marinig nyang bumukas ang pintuan ng CR. Hindi na sya nag abala pa na magmulat ng mata dahil alam naman nyang si Trina lamang yun dahil wala naman silang ibang kasama roon.Maya maya ay naramdaman na lamang ni Dave na may humahalik sa kanya nang bumitaw eto sa paghalik ay napadilat siya ng mata at nakita nya si Trina na namumungay na ang mga mata at nagulat pa sya ng pagtingin nya kay Trina ay naka bra at panty na lamang eto habang nakadagan sa kanya."What are you doing Trina?" kunot noong tanong ni Dave rito.Ngunit imbes na sagutin ni Trina si Dave ay hinalikan nya ul