INICIAR SESIÓNHindi kailanman inakala ni Mireya Sarmiento na ang pagbubuntis ang magiging sagot sa pinakamalaking problema ng pamilya niya. For ten million pesos, pumayag siyang maging surrogate ng isang billionaire couple. Simple lang dapat ang arrangement. Dadalhin niya ang anak nila sa loob ng siyam na buwan, kukunin ang perang kailangan niya, then she would walk away. No attachments. No complications. At lalong walang feelings. Pero hindi sinabi sa kanya na ang lalaking magiging ama ng batang dinadala niya ay si Darius Valmonte—isang dangerously attractive billionaire na tila masyadong interesado sa babaeng pinili nitong maging surrogate. At mas lalong walang nagsabi kay Mireya na ang asawa nito ay si Celestine. Her half-sister. Ang babaeng buong buhay siyang sinisi sa pagkasira ng pamilya nito. Biglang hindi na lang pera ang nakataya. Habang lumalaki ang batang nasa sinapupunan ni Mireya, mas lalo rin siyang napapalapit kay Darius. Ang concern nito ay nagiging possessiveness. Ang simpleng pag-aalaga ay nagiging mga tingin at haplos na hindi na maipaliwanag bilang responsibilidad lamang. At sa bawat pagkakataong pinipili siya ni Darius, mas lalong nagiging malinaw ang isang katotohanang ayaw nilang harapin. Hindi masaya ang kasal nina Darius at Celestine. At baka hindi lang anak ang gusto ni Darius mula kay Mireya. She knows wanting her sister’s husband is wrong. But how long can Mireya keep calling herself innocent when she secretly wishes Darius would choose her instead? Because she was only supposed to carry their baby. She was never supposed to fall for the father. And Darius was never supposed to make her feel like the wife was the other woman.
Ver más“Sir, hindi po kasama sa approved proposal ang Italian marble tiles.” Pinanatiling kalmado ni Mireya Sarmiento ang boses kahit halos isang oras na silang paikot-ikot sa parehong problema.
Nasa conference room sila ng isang upscale hotel sa Makati para sa final presentation ng renovation project ng client nila. Two weeks nilang inayos ang design, materials, at budget, pero ngayon lang binanggit ng project manager na gusto nitong palitan ang halos kalahati ng approved materials.
“The client wants something more luxurious,” sagot ng lalaki.
“We can do that, pero kailangan nating baguhin ang budget. Hindi puwedeng same price kung imported materials na ang gagamitin.”
Napansin ni Mireya ang tingin ng senior designer na katabi niya.
Huwag masyadong kontrahin ang client. Alam niya ito, oo, pero hindi rin siya magician.
Ngumiti siya. “I'll prepare two revised proposals. One within the approved budget, then another using the materials the client requested.”
“Better.”
Tumango si Mireya at isinara ang folder sa harap niya.
Pagkatapos ng meeting, mabilis niyang inayos ang laptop at papers niya. Gusto na niyang makabalik sa office bago pa may maisip na panibagong request ang client.
Paglabas niya ng conference room, saka niya nakita ang anim na missed calls mula sa mama niya. Agad siyang tumawag. “Mama?”
“Mireya, tumawag ulit 'yong bank.”
Napabagal ang lakad niya. “Akala ko hanggang next month pa tayo?”
“May final notice na raw. Kapag hindi tayo nakapagbigay kahit partial payment, baka kailangan na nating ibenta ang property.”
Napatigil siya sa hallway.
Ang maliit na commercial property ng mama niya sa Parañaque ang pinakamalaking naipundar nito sa loob ng maraming taon. Apat lang ang commercial units, pero sapat ang renta para magkaroon silang mag-ina ng komportableng buhay.
Hindi sila mahirap. Hindi rin sila mayaman. Maayos lang. Hanggang sa nagtiwala ang mama niya sa maling tao.
Ginamit ang property bilang collateral para sa negosyong pinasok nito kasama ang isang business partner. Nang bumagsak ang negosyo at biglang mawala ang lalaki kasama ang malaking bahagi ng perang hiniram nila, naiwan sa mama niya ang obligasyon.
More than six million pesos.
“Mireya, baka mas mabuting ibenta na lang natin habang may matitira pa sa atin.”
“No.”
“Anak—”
“Hindi natin ibebenta.”
“Hindi mo kailangang akuin lahat.”
Napapikit siya. “I know. Pero huwag ka munang pipirma ng kahit ano, okay? Give me a little more time.”
“May paraan ka ba?”
Hindi agad siya nakasagot. “I'm working on it.”
Pagkababa ng tawag, ilang segundo siyang nanatiling nakatayo. Saka niya napansin ang email notification sa cellphone niya.
CONFIDENTIAL FERTILITY PROGRAM.
Ilang araw na niyang iniiwasang buksan iyon.
Huminga siya nang malalim at nagsimulang maglakad habang binabasa ang email. Hindi niya namalayang mali pala ang hallway na napasukan niya.
“You're not supposed to be here.”
Napatingala siya.
May lalaking nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Dark suit. Matangkad. Malapad ang balikat. Maayos ang buhok at mukhang masyadong seryoso para sa oras ng araw.
Hindi siya mukhang hotel employee. Pero kung makatingin sa kanya ay parang personal nitong pag-aari ang buong floor. “Excuse me?”
“This area is private.”
Doon niya napansin ang maliit na signage sa pader.
RESTRICTED ACCESS.
Napatingin siya ulit sa lalaki.
“Okay. My mistake.”
Tatalikod na sana siya nang magsalita ulit ito. “The public elevators are on the other side.”
Napalingon siya. “I know where the elevators are.”
“Apparently not.”
Napakunot ang noo niya. Pagod siya. May anim na milyong problemang nakapatong sa utak niya at wala talaga siyang pasensiya para sa isang estrangherong mukhang hindi sanay na may sumasagot dito. “Do you always talk to strangers like they're incompetent?”
Bahagyang tumaas ang kilay nito. “Only when they walk into restricted areas while staring at their phones.”
Napatingin siya sa cellphone niya. “And do you always monitor hotel hallways for a living?”
“Sometimes.”
Hindi niya malaman kung seryoso ba ito. “Good for you.”
Nilampasan niya ang lalaki.
“Mireya.”
Agad siyang napalingon. For one stupid second, kinabahan siya. “How do you know my—”
Saka niya nakita ang visitor ID na nakasabit sa leeg niya.
SARMIENTO.
May bahagyang amusement sa mga mata ng lalaki. “Next time, look where you're going.”
“Next time, try saying, ‘Ma'am, private area po ito.’ Mas polite.”
Bahagyang gumalaw ang gilid ng labi nito. “Noted.”
Hindi na siya sumagot.
Pagdating sa café sa lobby, umorder siya ng iced coffee at umupo sa sulok. Saka niya tuluyang binasa ang email. She had been shortlisted.
Tatlong buwan na mula nang mag-apply siya sa confidential gestational surrogacy program.
Noong una niyang nakita ang advertisement, curiosity lang iyon. Malaki ang compensation, pero hindi naman siya seryosong naghahanap ng ganoong arrangement.
Then the bank started calling. Lumaki ang penalties. Unti-unting nauubos ang options nila.
Tinapos niya ang application. Ngayon, nasa harap niya ang dahilan kung bakit.
MAXIMUM TOTAL COMPENSATION: ₱10,000,000.
Matagal na nakatitig si Mireya sa screen.
Ten million.
Sapat para bayaran ang utang. Sapat para hindi ibenta ng mama niya ang property. Sapat para mawala ang problemang ilang buwan nang gumigising sa kanya sa madaling-araw.
Pero hindi iyon libreng pera. Siyam na buwan niyang dadalhin ang anak ng ibang tao.
Gestational surrogacy.
Hindi kanya ang egg. Wala siyang magiging genetic connection sa bata, pero katawan pa rin niya ang daraan sa pregnancy.
Tinawagan niya ang coordinator.
“Ms. Sarmiento, we were hoping you'd call.”
“Kapag pumunta ako sa final interview, hindi ibig sabihin no'n na pumapayag na ako?”
“Of course not. You can still withdraw before signing. It’ll be tomorrow afternoon.”
Napatingin ulit siya sa halaga. “Send me the address.”
Kinabukasan, halos umatras siya nang tatlong beses. Pero tuwing pumapasok sa isip niya ang mama niya, bumabalik ang dahilan kung bakit siya naroon.
Nasa isang discreet medical building sa BGC ang fertility clinic. Walang malaking signage sa labas at tahimik ang buong floor.
Isang babaeng nagpakilalang Andrea ang sumalubong sa kanya. “Nervous?”
“A little.”
“Normal lang 'yan. Remember, wala ka pang obligation hanggang wala kang pinipirmahan.” Ngumiti naman si Andrea. “The intended father is. He requested to participate personally.”
Napakunot ang noo ni Mireya. “Normal ba 'yon?”
“Some parents want to be involved in the selection.”
Hindi niya alam kung mas gumaan o mas bumigat ang pakiramdam niya.
Huminto sila sa isang consultation room.
Binuksan ni Andrea ang p***o. “Sir, Ms. Sarmiento is here.”
Pumasok si Mireya ngunit kaagad siyang napatigil.
Nakatayo sa tabi ng bintana ang lalaking nakasagutan niya kahapon sa hotel. Parehong dark suit, controlled expression, pero ngayon, may isang bagay na agad niyang napansin.
Hindi ito nagulat. “Ikaw?” Nanatili ang tingin nito sa kanya.
Hindi katulad ng isang lalaking aksidenteng nakasalubong ulit ang babaeng nakaaway nito kahapon. Parang alam nitong darating siya. Parang hinihintay siya nito.
“What exactly is going on?”
Lumapit ang lalaki sa mesa. “So you're Mireya Sarmiento.”
Nanikip ang mga mata niya dahil bigla niyang naalala ang tingin nito sa kanya kahapon. Hindi pala simpleng curiosity iyon, at sa unang pagkakataon, pumasok sa isip ni Mireya ang isang tanong na hindi niya alam na kailangan pala niyang itanong.
How much did this man already know about her?
By eight in the morning, nakapag-empake na si Mireya.Hindi niya kailangang manatili roon. Maraming hotel malapit sa clinic, at mas gugustuhin niyang gumastos kaysa salubungin ang asawa ni Darius habang nakatira siya sa bahay nito.Isang gabi lang sana ang kailangan niyang tiisin, pero matapos ang nangyari sa kitchen kagabi, hindi na rin niya kayang magkunwaring normal pa ang lahat sa pagitan nila.“Where are you going?”Napalingon siya. “Hotel.”Nakatayo si Darius sa pintuan, nakasuot ng white polo na nakarolyo hanggang siko. Basa pa nang kaunti ang buhok nito at mukhang kagagaling lang sa shower. “No.”Napakunot ang noo ni Mireya. “You don't get to say no.”“Your appointment is tomorrow morning. And besides, you had bleeding less than a week ago.”“I’ll attend it, Darius. Okay lang ako oh.”Lumapit si Darius sa kama at hinawakan ang handle ng maleta niya. “Stay until tomorrow. If the doctor clears you, I'll take you home.”Hinila ni Mireya ang luggage pabalik. “Your wife is coming h
Darius Valmonte wasn't simply rich.Iyon ang unang naisip ni Mireya nang makita niya ang pangalan nito sa isang business article habang nagtatrabaho sa apartment niya.DARIUS VALMONTE LEADS VALMONTE HOLDINGS' ₱48-BILLION EXPANSION.“Forty-eight billion?” bulong niya bago binuksan ang isa pang article.Hotels, luxury residences, logistics, infrastructure at property development. Halos bawat article tungkol sa Valmonte Holdings ay may litrato ni Darius na naka-dark suit at parehong seryoso ang mukha.Tumunog ang cellphone niya.Si Darius, tumatawag na naman.Sinagot iyon ni Mireya. “Darius, did you know that when people search your name, lumalabas ka sa business news?”“Good morning to you too.” Darius replied mockingly. Dire-diretso ba naman kasi si Mireya.“You're a billionaire.”“So I've been told.”“You never said that.”“You never asked.”Napatingin siya sa laptop. “Who asks someone, ‘By the way, billionaire ka ba?’” “What happened?”“Nothing. I searched you.” Napairap si Mireya b
“Hindi ako umiinom niyan.”Tiningnan ni Mireya ang berdeng inumin na inilapag ni Darius sa harap niya. Tatlong linggo na mula nang pumirma siya sa contract, at sa loob ng panahong iyon ay may isang bagay na agad niyang napansin tungkol sa lalaki.Masyado itong involved.Nandoon ito sa first blood test niya, dumating sa ultrasound at sumama pa sa consultation tungkol sa hormonal medications. At ngayon, pati iniinom niya ay parang gusto nitong bantayan.“It's part of your nutrition plan,” sabi ni Darius.“May nutritionist ako.”“She recommended it.”Kinuha ni Mireya ang bote at binasa ang label bago siya muling tumingin dito. “And you personally delivered it because?”“I was coming here anyway.”“Darius, you're a CEO. Wala ka bang trabaho?”Tiningnan nito ang relo. “I have a meeting in eleven minutes.”“Then why are you here?”“Because I want to be.”Napailing siya. Iyon ang nakakainis kay Darius. Kapag tinanong mo ito, sasagot ito nang eksakto lang sa tanong. Hindi nito kailangang magp
“Magkakilala na kayo?” tanong ni Andrea.“No.”“Yes,” sabay nilang sagot.Mabilis na nilingon ni Mireya ang lalaki. “Excuse me?”“We met yesterday.” Umupo ito sa kabilang side ng mesa at iniabot ang kamay sa kanya. “Darius Valmonte.”Saglit iyong tiningnan ni Mireya bago tinanggap. Firm ang handshake nito at kontrolado ang bawat kilos, dahilan kung bakit hindi siya komportable rito.“So you're the intended father?”“Yes.”“Meaning you're married.”“Yes.”“Nasaan ang asawa mo?”“Abroad.”Walang paliwanag ang sagot, kaya napatingin si Mireya kay Andrea.“You can ask me directly,” sabi ni Darius.“Fine. Did you know yesterday that I was one of the applicants?”“Yes.”Hindi niya inaasahan ang mabilis na pag-amin. “You knew?”“I had already reviewed the shortlisted candidates.”“At hindi mo sinabi?”“We were standing in a hotel hallway. It wasn't the place to discuss a confidential program.”May punto ito, pero hindi iyon ang bumabagabag kay Mireya. “So when you saw me, alam mo na kung sin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.