Share

MS: Chapter 6

Sisimulan kona sana kumain ng lumapit samin si nanay belinda na nakangiti. May hawak itong tray na puro pagkain. Nilapag lang nito ang tray bago ako tinignan ng makahulugan bago umalis sa harap namin. 

"Huy! saan galing to? umorder kaba beshie?" Natutuwang tanong sakin ni beshie.

Hindi ko siya pinansin at nag type agad ng message. Siguradong siya ang umorder nito.

Me: Hey, dont tell me sayo galing tong mga pagkain??

Mr.Stalker: Yes, Ubusin mo lahat 'yan, Bigyan mona din bestfriend mo.

Me: Ang dami nito! Hindi naming to mauubos, tsaka sinabi ko bang bilhan mo ako ng pagkain ha?

Mr.Stalker: Kumain kana lang dyan, Mas ok yan, Kesa sa sandwich na kinakain mo kanina.

Me: Ayoko nga! Baka may kung ano kapang nilagay dito.

Mr.Stalker: Pagkain ng cafeteria yan, Si manang belinda ang naghatid ng pagkain, Sa tingin mo may lason yan? Tigilan muna nga ang pag iisip ng ganyang bagay.

Me: Kahit na.

Mr.Stalker: Ang tigas talaga ng ulo. Sige bahala ka, favorite mo pa naman lahat 'yan. Yung bestfriend mo ang dami na nakakain oh.

Me: Pati favorite food ko alam na alam mo? Ibang klase talaga.

Mr.Stalker: Kumain kana,Walang lason yan ok? Hindi kita ipapahamak vy.

Me: K.

Makalipas ang trenta minuto natapos din kami sa pagkain ni beshie. Agad akong napatingen sa phone ko ng mag vibrate ito. Alam kona agad kung sino ang nagtext, dahil siya lang naman ang text ng text sakin. Bibihira lang naman si kuya at beshie.

Mr.Stalker: See? naubos niyo din yung pagkain, Hindi mo matatanggihan kase favorite mo.

Me: Whatever. Napairap ako ng palihim, dahil sa text nito, hindi ko talaga matatangihan dahil lahat fav ko tapos sarap na sarap pa si beshie, safe din naman talaga dahil si nanay Belinda ang nagluluto nito.

Nang makapag pahinga na kami ng konti nagpasya na kami ni beshie na bumalik sa room papasok ako sa next subject ko, ayoko umabsent. Nakakailang hakbang palang ako naramdaman kona ang sunod sunod na pag vibrate ng phone ko. Ano na naman kaya ang text nitong stalker ko.

Mr.Stalker: Oh dahan dahan. Baka matumba ka. Papasok ka talaga?

Mr.Stalker: Umuwi kana lang  kasi Vy, Hwag na  matigas ang ulo.

Mr.Stalker: Sabi naman kaseng umuwi nalang para nakakapag pahinga ka, Tignan mo nasa second floor palang kayo hirap na hirap kana.

Napahinto ako sa paglalakad at binasa ang text niya. Sunod sunod na naman ang message niya. nakakainis talaga. 

Me: Argh! Hwag ka nga text ng text, Ang gulo mo e, papasok ako kahit anong mangyare. Ok?!

Mr.Stalker: Ok sige, dahan dahan lang, Hwag mo masyado i-apak yang isang paa mo. Alalay lang.

Me: Alam mo kung yan ginagawa  mong pagtetext at kakatingin sakin  sa malayo, Kung tinutulungan mo kaya ako ano? Ay, oo nga pala ayaw  mo nga pala magpakita sakin. Hwag mona nga muna ako itext para makaakyat na ako ng maayos!

Mr.Stalker: Hayy sige, papasok na din ako sa klase ko, Dahan dahan lang ha? Ingat sa pag akyat.

Buti naman para makapag focus na ako sa pag akyat. Text ng text hindi naman ako tinutulungan. Takot na takot na makita ko siya.

********

Nakakainis bakit ayaw pa mag-palabas ng prof namin? Ilang minuto nalang naman uwian na. Grabe! Gusto pa talaga niya saktong oras talaga.

Kinapa kapa ko ang phone sa bulsa ko ng mag-vibrate ito. Napasimangot ako ng si Mr.Stalker na naman ang nag text. 

Mr.Stalker: Hi, sabay pala kayo ng kuya mo uuwi?

Me: At paano mo naman nalaman? lahat nalang talaga tsk.

Mr.Stalker: Syempre ako pa ba? Nakasimangot na nga kambal mo e.

Me: Tss, baka naboboring lang kakahintay, Palalabasin na rin naman kami.

Mr.Stalker: Hindi siya naboboring naiirita siya sa mga babaeng nasa paligid niya.

Me: What!? nasaan ba 'yung kambal ko?

Mr.Stalker: Nasa baba ng building niyo.

Me: Ay, abno talaga ang  lalaking 'yon. Alam naman niyang patay na patay sa kanya ang mga babae dito e. Sige, Salamat palabas na rin ako.

Mr.Stalker: Welcome, Dahan dahan sa pagbaba ng hagdan ok? Hwag mag-madali.

Mukha ba akong magmamadali nito makababa? Sa lagay kong 'to? tsk!

Si kuya naman kase bakit dito pa ako hinintay alam naman niyang baliw na baliw sa kanya ang mga babae dito.

Iika ika akong lumabas ng room, 

Inabot din ako ng ilang minuto bago nakababa sa building namin, kitang kita ko agad ang mga mahahaderang babae. 

Yung iba todo picture pa kay kuya, Yung iba naman feeling close. Hindi ba nila nakikita ang itsura ng kapatid ko? Hindi ba sila marunong makiramdam tsk.

Kahit masakit ang paa ko, Sinikap kopa rin makalapit agad kela kuya.

"Hey, hey, tama nayan! Hindi niyo ba nakikita na naiilang na kapatid ko? Ang haharot niyo mag si uwi na nga kayo! oh titingin pa! Hala alis! mag-si alis na kayo!" 

"Oh ikaw? ano hindi kapa talaga aalis?"

"Abay ang sama pa tumingin, Nakarami kana ng kuha ng picture sa kapatid ko, ano hindi kapa makuntento ateng? hala alis! tsoo!"

Sa ganitong sitwasyon talaga nakukuha ko ang ugali ni beshie, nagiging amazona ako e,

"Lumayo layo na nga kayo sa kapatid ko! Para kayong mga linta ah! Hala mag-si uwi na kayo!" 

Mabilis naman silang nag-alisan, Yung iba inirapan pa ako. Wow akala mo ang gaganda psh. nang mawala na sila lahat Bumaling ako kay kuya na ngayon ay nakasimangot pa rin.

"Jeez, akala ko hindi kana bababa. Grabe ang mga babaeng 'yon. Hindi kona nga pinapansin. Todo kausap at picture pa rin. tsk" 

"Eh sino ba kase ang may sabi sayong dito mo ako hintayin sa baba ng building ko? Alam mo naman ang mga babae dito kapag nakikita ka."

"Para maalalayan kita. kaya dito na ako nag-hintay. Uh, wait lang twin, Papaalam muna ako sa team, Wait mo ako dito."

Tumango nalang ako at pinag-masdan siyang pumunta sa tropa niya. 

Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate ito. At nag text na naman siya.

Mr.Stalker: Cute. Hahaha grabe ka mang taboy ng babae, Inaway mo pa yung iba. 

Me: Tss, Ang landi e, Hindi nanga sila pinapansin ng kapatid ko. Hala sige pa rin

sa pa cute.

Mr Stalker: Pero kahit naiinis at nagagalit ka kanina ang ganda mo pa rin.

Me: Hwag mo akong binobola Mr.Stalker.

Mr.Stalker: Hindi kita binobola nagsasabi ako ng totoo.

Me: Tss ewan ko sayo.

Mr.Stalker: Why are you blushing?

Mr.Stalker: Oh ayan kana naman sa palingon lingon mo.

Me: Tsk. ewan ko sayo.

Mr.Stalker: Ganda mo lalo kapag namumula ka.

Mr.Stalker: Hey, Dahan dahan 'ka sa paglalakad, Yung paa mo.

Me: Shut up! Hwag mona nga ako itext! Bwiset!

Mr.Stalker: Pikon kana naman, Hintayin mo kuya mo, Nagpaalam lang sa barkada niya.

Me: Alam ko! Sa gate ko nalang hihintayin!

Mr.Stalker: Hwag kana sumimangot, Ayan na kuya mo. Ingat kayo pag-uwi.

Mr.Stalker: Pag uwi mo pahinga kana agad, para maging ok nayang paa mo.

Me: K.

Nakasimangot si kuya ng makalapit sakin.

"Sabi ko hintayin mo ako doon diba? bakit nauna kana dito?"

"Wala lang."

"Edi useless din pag hihintay ko sayo, Kaya nga kita hinintay doon sa building niyo para maalalayan ka, tapos mauuna kalang naman pala dito." Masungit na sabi nito.

"Eh ang lapit lang naman ng building namin sa gate kuya, Hindi naman malayo."

"Kahit na! sayang effort ko. Napaligiran pa ako ng mga babae."

"Wag kana nga mainis. Tara na! uwi na tayo."

"Sandali kukunin ko pa yung kotse sa parking lot."

"Ha? dala mo ba yung kotse?"

"Tsk oo, Dapat doon tayo dederetso sa parking lot. Kaya nga hinintay kita. kaso ewan koba bakit dito ka dumeretso sa gate."

"Eh hindi ko rin alam na dala mo yung kotse e. Sige na kunin muna para makauwi tayo."

"Hintayin mo ako dito, Baka saan kana naman pumunta ah."

"Hindi na po. hihintayin na kita dito."

"Sige. wait lang."

Naiiling nalang ako habang tinitignan na tumakbo si kuya papalayo. Ang daming sinasabi, Dala dala pala ang kotse namin. Akala ko pa naman mag taxi lang kami, kaya dito ako dumeretso sa gate. Imbyerna rin kase ang Stalker ko nayon. 

Maya maya pa tumigil na sa harap ko ang kotse namin, Sumakay na ako. Finally makakauwi na rin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jeanyfer Catap Selbor
c kuya nmn kunwari ayaw pero un ang like n like hahaha
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
ang cute maman ni kyle mang istalk......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status