Share

6 - Savior

Author: EristheIV
last update Last Updated: 2024-12-26 23:57:22

Hindi na muli pang umimik si Freya matapos ang ginawang iyon ni Creed, hindi n'ya maintindihan ang kanyang sarili dahil mabilis itong nataranta nang makitang nasaktan ang binata, bagay na hindi naman normal sa kanya. Isa pa ay pilit ding tinatago ng dalaga ang mabilis na pagtibok bg kanyang puso matapos nitong makita ang ngiti ni Creed sa kaninang pang-aasar nito.

'Ang cute-cute ng ngiti n'ya — ay ka, Freya! Anong cute?' Kaagad na kastigo ng dalaga sa kanyang sarili.

"S-saan ka ba bababa? Malapit na ako sa bahay ko.." mahina at tila naiilang na tanong ng dalaga.

Gwapong bumaling ang binata sa kanya, "It's fine, daan muna tayo sa bahay mo. Sa bandang dulo pa ako." Sagot ng binata

"Sa bandang dulo? Talipapa na ang pagkatapos ng village namin.." Sagot naman ni Freya

"Ah y-yeah.. sa tilapapa ang punta ko." Mabilis na sagot ng binata na mas lalo nagpagulo sa isip ni Freya.

'Anong gagawin ng lalaki na to sa talipapa ng ganitong oras?' Nagtatakang tanong ni Freya sa kanyang isipan.

"Talipapa hindi tilapapa." Pagtatama nito sa binata. Muling huminto ang kanilang sinasakyan dahil sa stop light kaya naman bumaling din ang dalaga sa pwesto ni Creed. "Anong gagawin mo sa talipapa ng ganitong oras?.." tanong ng dalaga habang bakas ang pagtataka sa kanyang tinig.

"Bibili ako ng pako, m-may kailangan kasi akong ipako sa bahay ko." Sagot naman ni Creed na naging dahilan upang mas lalong pagtakhan ng dalaga ang binata.

"Walang tindahan ng pako sa talipapa. Palengke yun himdi hardware." Paliwanag naman ni Freya dito.

Mabilis na nag iwas ng tingin ang binata ngunit hindi nakaiwas sa paningin ng dalaga ang tila pamumula ng pisngi ng binata.

"Saan ba talaga ang punta mo?" Muling tanong ni Freya ngunit tila nag taingang kawali ang binata dahil hindi na ito sumagot at nagkunwaring tulog na lamang.

Napapailing na muling nagmaneho si Freya at hinayaan na lamang ang binata na sumama sa kanya.

Ilang minuto pang ipinikit ni Creed ang kanyang mata, hindi na n'ya ito idinilat dahil nahihiya s'yang imulat ito. Muntikan na s'yang mahuli ng dalaga, he is kicking himself inside.

'What the hell is tilapapa, any fucking way?' Tanong n'ya sa kanyang isipan.

Hindi totoo na pupunta ang binata sa talipapa o tilapapa kung tawagin ng binata at mas lalong hindi s'ya nasiraan ng sasakyan, gusto n'ya lamang sumama sa dalaga upang malaman ang bahay nito. Gusto n'ya lamang na makasama ang dalaga at malaman ang lahat ng mayroon sa buhay ng dalaga.

Ilang minuto pang nanatili si Creed sa pagkakapikit, bukod sa iniiwasan n'ya ang tanong ng dalaga at nahihilo na din kasi ito. Allergic ang binata sa usok ng mga sasakyan at nasakto naman na binuksan ni Freya ang bintana ng sasakyan nito upang makapasok ang hangin kung kaya naman ay labis-labis ang pasasalamat ni Creed nang huminto na ang sasakyan ng dalaga bago pa man s'ya masuka sa loob ng sasakyan.

"A-anong ginagawa n'ya dito...?"

Napamulat ng kanyang mata si Creed matapos marinig ang tila nababahalang tinig ng dalaga at nang balingan n'ya ito bahagyang natutubig ang mga mata nito.

"Moya lyubov', what's wrong, baby?" Kaagad na tanong ni Creed sa dalaga, ngunit hindi naman s'ya tiningnan ni Freya.

He hates seeing Freya like this. Creed's face immediately darkened after he saw how her eyes watered more while her eyes were in front. Creed follows what Freya's looking at, and he saw a guy. Lalaki ang tinitingnan ni Freya habang naiiyak ito.

"Baby, what's wrong? Are you okay?... answer me, love.." masuyong tawag ni Creed sa dalaga. Naiiyak naman na bumaling si Freya sa kanya at saka sumagot.

"S-s'ya.. S'ya y-yung ex ko... Anong ginagawa n'ya dito?... L-lasing s'ya... a-ayaw ko s'yang makita... W-wag.. U-Umalis na tayo... B-bumalik na tayo kila Mama! A-ayaw..." Nagsimulang umiyak si Freya hanggang sa naging tuluyan ang kanyang pag iyak na umabot pa sa puntong hindi na ito makapagsalita ng ayos. "A-ayaw ko d-dito... Hunter..! Umalis na t-tayo..!"

"Love.. baby.. look at me.. Shh... it's fine.. everything is fine, baby.. shh.." pagpapakalma ni Creed sa dalaga ngunit hindi ito tumigil sa pag iyak.

Nag break down ang dalaga matapos nitong makita ang ex n'ya, ito ang nagiisang bagay na malinaw kay Creed. Freya looks scared after seeing her drunk ex. She looks traumatised, and that thing is clear to Creed and that angered him even more.

"C-Creed... Hunter.. Umalis na tayo! Ayaw ko na dito...! Let's go! Umalis na tayo! Ayaw ko s'yang makita! He's drunk! He's mad! He's —hmmp..!"

Creed kissed Freya to stop her from breaking down. That is the only way he thinks of since this is the first time she comforted a woman. Hindi tumutugon si Freya nung una dahil nagulat ito ngunit kalaunan ay kanya ding tinugunan ang mga halik ng binata, at nang maramdaman ni Creed na kumalma na ito ay saka s'ya humiwalay sa dalaga

Sikretong pang napangiti ang binata nang bahagya pang hinabol ni Freya ang kanyang labi ng ihawalay nya ang kanyang labi.

"Are you okay no—ouch!" Natatawang umiiwas si Creed sa dalaga ng pagpapaluin s'ya nito matapos nitong makabawi. "Ouch, baby! I'm hurt!" Natatawang daing ng binata habang patuloy sa pag iwas.

"Nakakainis ka! Umiiyak na nga ang tao tapos ikaw naman nanghahalik ka pa!" Masama ang tingin na sabi ng dalaga, huminto na ito sa pagpalo mukhang napagod na din ang kanyang kamay. S'ya lang din kasi ang nasasaktan dahil ang matitigas lang din naman na muscle ni Creed ang kanyang natatamaan.

"Moya lyubov' I'm sorry! Hindi ko na alam ang gagawin ko, natataranta na ako e.." nakangusong paliwanag binata. "... I don't know what to do. You panicked after seeing that son of a bitch, why what's wrong, why did you panicked, Moya lyubov'..?" Creed become serious, he is eyeing Freya's ex like a hawk. And inside him, he wanted to beat that man already.

Mabilis na napaiwas ng tingin ang dalaga, kaagad na naintindihan ni Creed na ayaw ipaalam ng dalaga sa kanya kung ano man dahilan ngunit hindi papayag ang binata. Kailangan n'yang malaman ang dahilan upang malaman din n'ya kung paano bubogbugin ang ex ni Freya.

"Moya lyubov'... tell me.." Masuyong pakiusap ni Creed sa dalaga ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga. Napabuga ng mahinang hangin si Creed, "It's okay, love... Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Tell me when you can, okay? Andito lang ako palagi, you can always count on me.." masuyong ngumiti si Creed sa dalaga, ang tono ng kanyang boses ay talagang punong-puno ng pag intindi.

This is the first time Freya felt that, she never experienced any of that when he was with her ex. Being with Charlie is actually traumatising and painful for Freya pero hindi n'ya ito kayang iwanan noon kahit gaano pa ito ka-toxic.

Freya let a warm smile to Creed. "Thank you sa pag intindi, Hunter.."

Creed responded to her smile. He held Freya's hand. "You don't have to thank me, Moya lyubov'." Sagot naman ni Creed. "Let's go get your clothes, baby para makabalik at makatulog ka ng maaga." Hinalikan ni Creed ang tungki ng kanyang ilong at saka ito naunang bumaba ng sasakyan upang mag buksan si Freya ng pinto.

Freya sighed after feeling an unknown feeling inside her, hindi n'ya maitatanggi na ang mayroong kung anong masarap na pakiramdam sa kanyang loob sa tuwing tinatawag s'yang Baby, love, or Moya lyubov' ni Creed.

"Hop out, beautiful."

Mabilis namang sumunod si Freya at nagpasalamat.

"H-huy, hindi d'yan bahay ko..!" Nagugulat na hinatak pabalik ni Freya si Creed nang bigla na lang itong lumapit papunta sa gate ng kapit bahay nya at akma itong bubuksan.

Nang makita ni Freya ang bulto ng ex-fiance n'ya ay kusang huminto ang kanyang katawan, lalo pa nang makita n'yang tila lasing ito, kaya naman tatlong bahay pa ang layo nila sa bahay n'ya at nasa tapat bg mismong n'ya nakatayo ang ex-fiance n'ya na tila may hinihintay.

"Dun pa yung bahay ko, Hunter." Turo ni Freya sa kanyang baha mula sa kanyang kinatatayuan.

Napapahiya namang bumalik si Creed sa kanya at saka nito inakbayan ang dalaga at nagsimula nang maglakad.

"Baby, you are so mean to me.." nakangusong sabi sa kanya ni Creed nang makitang tumatawa ng mahina ang dalaga dahil sa ginawa n'ya kanina.

"Wala naman ako sinasabi ah.." Natatawang sagot naman ni Freya

Hindi maintindihan ni Freya ang kanyang sarili, kanila lang ay umiiyak s'ya at nagpa-panick ngunit ngayon naman ay tumatawa na s'ya dahil kay Creed.

"Tinatawanan mo ako, Moya lyubov'.."

"Eh nakakatawa ka naman talaga—

"Sino yang putang'nang yan, Freya?!"

Naputol at nawala ang saya sa mukha ni Freya ng may biglang sumigaw. Si Charlie ito, hindi namalayan ni Freya na nasa harapan na pala sila ng bahay n'ya at nakita na din ni Charlie si Freya at Creed na magka-akbay.

Muli nanamang umakyat ang takot sa kanyang sistema at saka wala sa sariling napakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit ni Creed nang makita ang galit na ekspresyon ni Charlie.

"Sumagot ka! Putangina! Ano lumalandi ka?! Baka nakakalimutan mong ikakasal ka sa akin! Tangina naman!" Galit na galit na sigaw ni Charlie at saka pinagsisipa ang kanyang mga halaman.

Napapapiksi si Freya sa tuwing humihiyaw at sinisipa ni Charlie ang kanyang mga halaman, natatakot s'ya na baka s'ya na ang susunod nitong saktan... katulad noon.

"Sumagot kang putangina ka—aack!"

Nanlaki ang mga mata ni Freya sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi n'ya napansing nakabitaw na sa kanya si Creed at nasuntok na si Charlie. Literal na tumalsik si Charlie sa isang suntok ng nanggagalaiting si Creed.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    31 - A Man

    "A-ano?!" Napaatras sa gulat si Freya matapos marinig ang sinabi ni Creed sa kanya"Use my shoulder to get that flag." Seryosong ulit ng binata"Nahihibang ka na ba? Gusto mo bang ma-dislocate 'yang balikat mo?!" Hindi talaga makapaniwala si Freya sa sinabi ni Creed at mukhang sa paningin ng dalaga ay talaga namang nahihibang na si Creed sa naiisip nito."Moya Lyubov', I am not crazy. That's the only way we can get that." Sagot naman ng binata dito, nanlalaki pa din ang mata ng dalaga dahil sa gulat. "Don't worry, hindi naman kita hahayaang mahulog. Trust me, okay?" Nakangising saad ng binata at saka ito kumindat ngunit nanatiling umaayaw ang desisyon ng dalaga"Hunter, mababalian ka sa gusto mong gawin. Mataba ako at kung hindi mo alam ay 85 kilos ang timbang ko," saad ng dalaga na para bang sa ganitong paraan ay matatauhan na ang binata sa kanyang gustong gawin ngunit nanatiling firm ang desisyon ni Creed."85 kilos is nothing. I told you, you and the barbell I carry when I am at

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    30 - shoulder

    "Ayos na ako, Hunter..." saad ni Freya kay Creed sa s'yang may hawak ng cold compress sa hita ni Freya.Naka upo si Freya sa kama ni Creed habang nasa harapan naman n'ya ang binata na nagtatagis pa din ang panga sa galit."You're fucking hurt, Moya Lyubov'." Giit naman ni Creed, "pano na lang kung sobrang init n'un? Edi nalapnos ang balat mo?!—I can fucking imagine what I will do if that happens." Galit pa nitong dagdagFreya touch his hair softly, "hindi naman sinasadya ni Sarah, Hunter. Walang may gusto sa nangyari, aksidente 'yun..""That ain't a fucking accident, Moya Lyubov'. Sinadya n'ya 'yun para matapon sa'yo,""Hindi ganun si Sarah, Hunter.. mabait 'yun. Hindi n'ya kayang gawin 'yon.." nanatiling kalmado at mababa ang boses ni Freya, pinapakalma pa din ang nangagalaiting si CreedCreed aggressively scoffed, "I've been leaving this world for quite a long time, and I've already met thousands of people, so, I know when a person is pretending or not, Moya Lyubov'.""Pero hindi

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    29 - Eyes only for you

    "Teh! Buti naman at nakabalik ka na! Saan ka ba nanggaling at ginabi ka na?" Bungad ni Jennie kay Freya kinagabihan Buong maghapon silang mag kasama ni Creed sa hotel room nito kaya naman ala syete na s'ya ng gabi nakabalik sa kanilang hotel room. Ayaw pa s'yang pabalikin ng binata dahil gusto nitong sa hotel room n'ya na lamang matulog ngunit hindi pumayag si Freya na naging dahilan kung bakit halos 30 minutes din silang nagpilitan ng binata. "Grabe te, anong klase bang hangin ang hinanap mo at inabot ka ng ala syete?" Biro pa ni Sarah kay Freya, nakaupo ito sa kanyang kama, "Parang naubos mo na ata yung hangin, Frey! Ang tagal mo bumalik e," dagdag pang tudyo ni Patricia dahilan upang magtawanan na lamang silang apat. "Saan ka ba kasi nagpahangin, Frey? Bakit parang sa labi mo humalik ang hangin at namamaga 'yan," tudyo pang muli ni Jennie kay Freya Kaagad na napaiwas ng tingin si Freya at wala sa sariling napahawak sa kanyang labi. Ayaw kasi tantanan ni Creed ang labi

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    28 - plush toys

    Nang marinig ni Freya kay Range na mayroong lagnat si Creed ay kaagad s'yang gumawa ng excuse sa mga kasama n'ya upang makapunta kay Creed.Hindi nito sinabing si Creed ang kanyang pupuntahan bagkus ay sinabi n'yang magpapahangin lamang sandali sa labas."Hello, Range.. sorry sa pagtawag ko pero pwede ko bang malaman kung nasaan ang kwarto ni H-hunter?.."Nasa lobby si Freya ng resort at muling tumawag kay Range matapos nitong maalala na hindi n'ya alam kung nasaan ang kwarto ni Creed. "Presidential Suite, Freya. Just enter when you get there.""Thank you, Range.."Matapos magpaalam ay pinatay na ni Range ang tawag saka lumapit si Freya sa elevator upang makapunta sa presidential Suite. Hindi din nagtagal ay kaagad na nakarating si Freya sa kanyang destinasyon, at halos lumuwa ang kanyang mata matapos tumambad sa kanyang mata ang presidential suite ng hotel na pagmamay ari ni Luca.Pagkalabas ng elevator ay pintuan na kaagad ng PS ang bubungad at tanging ang presidential suite laman

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    27- Fever

    Nagising si Freya na magaan ang kanyang pakiramdam, mayroong mainit ngunit komportableng bagay ang nakayakap sa kanya at nang tingnan n'ya ito, ay walang iba kundi ang mga braso ni Creed.Nakasandal ang binata sa kanyang kinauupuan habang nakasandal naman ang ulo ni Freya sa dibdib ni Creed, ang mga braso ng binata at nakapulupot sa kanya at tila ba ayaw s'yang pakawalan. Napangiti na lamang si Freya, ayaw man n'ya aminin ay tila may kung ano sa kanyang loob na masaya na tila ba ayaw s'yang pakawalanan ng binata. She feels secured.Ngunit ang maliit na ngiti ni Freya at kaagad na nanawala at napalitan ng pag aalala matapos nitong maalalang hindi lamang sila ng binata ng nasa loob ng van, wala s'ya sa sariling napatayo mula sa kanyang kinauupuan at tumingin sa kanilang mga kasama. Kaagad naman s 'yang nakahinga ng maluwag matapos makitang tulog ang lahat ng kanilang kasama.Muli s'yang dahan-dahan na bumalik sa kanyang kinauupuan, bumaling din sa kanya ang nagising na si Creed dahil s

  • My Stepbrother's Forbidden Desire    26 - sandwich

    "Moya Lyubov' are you sleepy?" Mahinang tanong ni Creed kay Freya Isang oras na silang nasa byahe at mayroon pa silang apat na oras na bububuin bago makarating sa isla, ang mga kasama naman nila ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.Mayroong panay ang picture katulad Patricia, Sarah, Jennie, at Miss Poosh. Mayroon din namang natutulog na katulad ni Luca, si Range naman ay naglalaro sa kanyang phone. Si Axel ay nags-soundtrip at si Mayon na mayroong kausap sa phone at tila kinikilig"Hindi naman, Hunter.. ikaw ba?" Mahinang balik ng dalaga ditoKaagad na umiling si Creed sa dalaga, "but I'm hungry, Moya Lyubov'.. kaunti lang nakain ko kaninang breakfast," Nakanguso ito sa dalaga at mukhang gutom na talaga dahil kasunod nito ay ang pagtunog ng tyan ng binata.Mahinang natawa si Freya matapos itong marinig, "wala ka bang dalang pagkain?" Muling umiling ang binata, "meron akong pagkain pero nasa sasakyan ko, I only have my duffle bag with me.." Kaagad na naawa si Freya sa binata matapos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status