Share

Chapter 7

"What are you talking about?" I looked at him with disbelief. Sigurado akong nagbibiro lamang siya.

"Why, don't you want to have a date with me?" He grinned.

Umirap ako. Pinasadahan ng mga daliri ang buhok. "Of course, not. Huwag mo akong igaya sa mga babaeng baliw na sinasamba ka. Don't try your luck on me, Mongreco."

"Ouch, that hurts." I glared at him darkly. A man with such a calibre like him could easily fool any woman. But my case is different. Alam ko kung anong klase ng lalaki siya. The typical playboy type. The one who just wants to fuck and leave.

"Ano na? Saan ba talaga tayo pupunta? I'm sure hindi lang simpleng sundo ang pinapagawa ni mom sa 'yo. Hindi ka naman isang driver."

"We will go to Cebu."

"Cebu!" My eyes widened. "Anong gagawin natin do'n? You must be kidding me!" inis kong saad at nagmartsa palayo sa kanya. I get my phone to contact my driver. Ngunit napamura na lang ako nang hindi niya yun sinasagot. Damn. Siya dapat ang nandito at hindi kung sinu-sinong tao. This is his job!

Reilan followed me. Tiningnan ko siya ng masama. "I'll go home on my own. Kaya ikaw, umalis ka na." Sabi ko at itinuon ang tingin sa daan. Nag-aabang ng bakanteng taxi.

"Listen, your mom is quiet busy. So in behalf of her, you need to attend a conference in Cebu. And I'll be going with you."

Napabuga ako ng hangin at hinarap siya. "If she wants me to attend, then I'll be going alone. Ayokong kasama ka. Maybe isasama ko na lang ang driver ko or si Bianca kung hindi siya busy. No need to bother youself."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pinapasama nga ako sa 'yo, di ba? Ano na lang ang sasabihin ni Tita kung hahayaan kitang pumunta doon ng mag-isa? Think of it, you brat."

"If that's your problem, kakausapin ko na lang siya." But I doubt I could convince her, though. Mahirap baliin ang utos ni mommy. Pero susubukan ko pa rin.

I dialed her number. Reilan just watched me while doing it. I waited, but no one answered. Kaya si Bianca na lang ang kinontak ko. Fortunately,  sinagot niya ang tawag.

"Yes, Miss?"

"Ibigay mo kay mom. I need to talk to her about the conference I will attend."

"She's currently on a meeting with the board members. Hindi siya puwedeng istorbohin. You can tell me about your concern as of the moment. Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya."

I sighed. "Huwag na nga lang!" Galit kong pinutol ang linya. Nothing would change even if I tell her, anyway.

"Looks like you've got no choice but to go with me." Reilan smirked, mukhang halatang-halata yata sa mukha ko na wala na akong mapagpipilian. 

"Follow me on my car." 

Nauna siyang naglakad. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. It would be nice to have some company, pero kung katulad niya lang rin naman ay mas mabuti pang walang kasama. Pero may magagawa pa ba ako?

I'll just swallow my pride this time.

My brow shot up as I saw his black luxurious car. It's too flashy to be ignored and for sure, it costs millions. Ngunit nawala iyon sa isip ko ng makapasok dito. Fragments of memories came back to my mind like a whirlwind. Uminit ang pisngi ko nang maalala kung anong nangyari nung una kaming magkita. That one heated night on his car! 

Shit.

Bumalik sa isip ko kung paano ako nawalan ng kontrol sa sarili. How he kissed me torridly with his hands moving around my body. And I hated it. I hate how that piece of memory affects me so much.

"Seat belt, Desire."

Nabalik ako sa katinuan. Ilang beses akong napakurap at napalunok bago inilock ang seatbelt. Inayos ko ang sarili at piniling mananimik nang buhayin niya na ang makina. Katahimikan ang pumagitan sa amin.

Habang nasa biyahe patungong airport, tumawag si Bianca. Sinabi nito na may staff na mag-aabang sa amin doon para ibigay ang lahat ng kakailanganin. Including passports and clothes for a one night stay in Cebu. Tinanong ko siya kung paano ang klase ko kinabukasan kung bukas ng umaga pa ang uwi namin. She just told me that mom will call the teachers in my school. Ilang beses na rin itong nangyari pero hindi naman ako sinisita ng mga guro dahil sa impluwensiya ni mommy. 

Well, thanks of being a Fontana.

We checked in on a hotel when we arrived at Cebu. Dalawang presedential suites ang kinuha namin. Of course I wouldn't want to share a room with such kind of man. Isa pa, hindi pa ako namumulubi para makipagshare sa isang suite. At alam kong afford niya rin. All were charge to him, though. Kahit nag-insist ako na kaya kong bayaran ang sariling kuwarto ay hindi na siya nagpapigil pa kaya hinayaan ko na lang. It was convenient on my side, anyway.

"Anong oras gaganapin ang conference?" tanong ko sa kanya.

"Seven in the evening." Tumango ako at pumasok na sa suite na katabi lang ng sa kanya. I didn't arrange my things and just sat on the queen-size bed instead. Tiningnan ko ang wristwatch. It's almost five in the afternoon. Dalawang oras na lang pala ang meron ako bago magsimula ang conference na gaganapin lang din dito sa hotel. Mabuti na lang at dito kami nagcheck-in dahil hassle lang kung magtatravel pa.

I checked my phone. May mga messages na galing sa mga kakilala pero ang kay Louie lang ang binuksan ko.

From: Louie

Saan ang punta niyo? Are you okay with him? 

Agad akong nagtipa ng irereply.

To: Louie

Nasa Cebu kami. I'll be attending a conference in mom's behalf. At okay lang ako, don't worry. And also, I won't be able to attend the class tom. Bukas ng umaga pa kasi ang uwi namin.

Seconds later, another message from him popped up.

From: Louie

Are you sure you're okay? I can go there and accompany you instead. You don't have to compromise with him.

To: Louie

No need to do that. I can handle this. Isa pa, isang gabi lang naman kami dito. Don't worry too much. Mag-ingat ka rin kung sakaling may karera ka ngayon.

After that, I went to the bathroom and took a warm shower. Nagbihis at nag-ayos ng sarili. Kahit ayaw kong umattend ng conference or seminars, gusto ko namang makatulong kay mommy kahit paano. I know she's busy handling our business all by herself. Kaya kung maaari akong tumulong kahit man lang sa ganitong bagay ay gagawin ko.

Nag-aayos ako ng mga gamit nang may kumatok sa pinto. I opened it just to see a smiling jerk in a white polo and brown trousers. He looks fresh with damped hair. Halatang kaliligo lang.

"What do you need?" Imbes na sumagot ay nilakihan niya ang bukas ng pinto at walang pasabing pumasok.

Inis ko siyang tiningnan. "Did I told you to come in?" 

He shrugged. "No. Myself did." Sarkastikong sabi niya at sumalampak sa couch. Padabog kong sinarado ang pinto at naglakad palapit sa kanya.

"I don't want you here. Ni hindi nga kita kailangan. Kaya huwag kang magfeeling hari na nasa teritoryo mo. Bored ka ba sa suite mo? You should have invited that hotel staff who keeps smiling on you earlier."

"I don't like her," he said boredly. 

"I won't buy that." Umupo ako sa sofa na kaharap niya. "I know she's your type of girl. Big boobs and booties that will satisfy your manly needs. Don't you dare deny it."

Tumawa siya. "Why are we even talking about my type of women?"

Nagkibit-balikat ako. "Well, I'm just thinking na hindi ka sana nabobore ngayon kung nag-imbita ka ng babae sa room mo. Your stay would be worth it if you do that."

Nangingiti siyang umiiling-iling.

"Why would I do that? Nandito ka naman. Looking at you is enough to entertain me." Umangat ang isang kilay ko sa narinig. Trying his cheap antics on me, huh?

"Try harder, Mongreco." 

He just laughed. Kung iniisip niyang madadaan ako sa mga ganyan katulad ng ibang mga babae ay nagkakamali siya. I'm not that type of girl.

"Anyway, I'm hungry. I'm craving for a green salad and pineapple juice. Get me those foods para may pakinabang ka naman." 

Umangat ang sulok ng labi niya.

"Sounds bossy." Aapila pa sana ako nang tumayo na siya agad at lumapit sa telepono. Maybe he'd call some staffs to get my caprices. I smiled wickedly. May silbi naman pala siya kahit bilang utusan.

I just stood up and decided to continue what I'm doing a while ago. I also prepared the formal attire I will wear later in the conference. As mom's substitute who'll represent the Fontana Corp, I need to be presentable and professional-looking. With my corporate attire, height and curves, I know I would look older than my actual age. Kaya siguradong magmumukha talaga akong ganap na businesswoman.

Although business is not my line of interest, alam ko namang ako pa rin ang inaasahan ni mommy na papalit sa kanya. Kaya unti-unti, tinatanggap ko na lang na sa huli babagsak pa rin ako sa pagma-manage ng kompanya. Afterall, it's not a bad work.

And I know, the time will come that I'll learn to love this profession as much as how my mother treasures it.

Ilang minuto lang ay dumating ang pagkain namin. Reilan also ordered another foods and drinks. Tahimik lang akong kumain kasama siya. Though Im on a diet, he purposely teased me with his delicious steak. Kaya imbes na gulay lang ang dapat kong kainin, marami akong nakain na steak. I blamed him afterwards. Pero ang gago, tinawanan lang ako. 

"Mongreco," tawag ko sa kanya paglabas ko ng walk-in closet. Tapos na akong magbihis. Nakaupo sa kama ay nag-angat siya ng tingin sa akin. I smiled and showed off how I look with my black and white corporate attire. Nag-angat siya ng kilay. Amazement flashed in his jet black eyes.

"Would I pass for a hot businesswoman?" 

He smirked. Pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan. I gulped. My smile faded, feeling uneasy because of his eyes. Kanina lang ay confident akong ipakita sa kanya ang hitsura pero ngayong tinititigan na ako ng kanyang madilim na mga mata, may kung anong nagwawala sa aking sistema. The intensity in his stare stripped all the confidence I possessed.

Iniwas ko ang tingin at pasimpleng inayos ang buhok.

"You looked..." His eyes went back to mine. "...hotter." He said sensually with mouth half-opened. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi nakapagsalita. 

"O-Of course I am!" Kabado kong saad at tinalikuran siya. Kinuha ko ang bag sa mesa at inayos ang nasa loob nito bago muling bumaling kay Reilan.

"Stand up, aalis na tayo. Malapit ng magseven, ayokong malate." He stood up quickly, towering over me even I'm already wearing my four inched heels. Meanwhile, he's wearing a white long sleeves under a black tuxedo. Sasamahan daw kasi niya ako sa conference kahit di naman kailangan. Hinayaan ko na lang dahil baka gusto talaga niyang umattend. He's also a businessman, afterall.

Sinalubong kami ng ngiti at bati pagpasok sa venue. Some faces are familiar in the industry. Ang iba ay mga bagong mukha lang. Many know me as a Fontana, ngunit mukhang mas tanyag yata ang aking kasama dahil halos lahat ay kilala siya lalo na ang mga babae. And looking at those women, it's obviously showing in their eyes how much they want to please him.

Iginiya kami ng mga facilitators sa aming mesa. Pinaghila ako ng upuan ni Reilan na ikinaangat ng isang kilay ko. Acting like a gentleman, huh? Well, siguro'y isa lang 'yan sa mga taktika niya sa panloloko ng mga babae. 

"Dami mong fans. Halos mabali na ang leeg sa kakatingin sa 'yo." Mahina kong saad, sapat lang na marinig niya.

He chuckled and looked at me. Ngunit nanatili ang tingin ko sa unahan. 

"Are you bothered with that? Hindi ko naman sila tinitingnan pabalik." 

Tumikhim ako. "I'm not, and I don't care if you look back to them. Siguradong gusto mo naman silang tingnan. They have big boobs na siguradong malulunod ka sa sarap–"

Natigilan ako nang mas lalo niyang nilapit ang sarili at nilagay ang isang kamay sa espasyo sa likod ng aking beywang. I heard his low laugh.

"What are you talking about? At malulunod? What the hell is that?" Natatawa siya. "Your choice of words is making me laugh, baby."

"Bakit, hindi ba? Sa laki ba naman ng mga hinaharap ng tipo mong babae ay gusto mo talagang malu–"

"Shh." He chuckled. "Let's just listen to the speaker. Kung anu-anong naiisip mo d'yan."

"Why are you even holding me?" I said, looking at the speaker in front who's already talking. Ngunit di naman ma-absorb ng utak ko ang mga pinagsasasabi niya. Distracted of the man beside me and what we just talked about.

"Because I want to and I can."

Bumuntong-hininga ako. Hinayaan na lang siya dahil ayokong makuha ang atensiyon ng ibang tao kung mag-aaway kami dahil lang sa isang maliit na bagay.

The conference lasted for almost two hours. I was just silent the whole time. Ganoon rin si Reilan. Ngunit sa tingin ko hindi naman nakatuon ang atensiyon niya sa nagsasalita sa harap. Panay kasi ang tingin niya sa 'kin. Nailang ako doon pero hindi ko na lang siya sinita at nanatiling tahimik na nakaupo. May isa pang hindi nakatakas sa mga mata ko, yun ang panay na sulyap ng mga babae sa kanya. They look thirsty dogs wanting so much to devour him.

I cursed in my mind because of those worldly thoughts.

"Tired?" Reilan asked. Naglalakad na kami papunta sa elevator, planong bumalik na sa suites para makapagpahinga.

"A bit. Nangalay ako sa kakaupo."

We're already walking on the hallway towards our rooms when a woman bumped on me. Dahil sa impact ay natapilok ako at bumagsak. Napangiwi ako sa sakit ng aking kanang paa. I think I just sprained my ankle! Damn!

"Oh my, I'm so sorry... I'm sorry."

Walang hiya! Todo kasi ang tingin kay Reilan kaya hindi na nakita ang dinadaanan. I wanted to curse her so bad but my ankle is badly hurt! Ni hindi ko nga ito maikilos ng maayos.

Agad akong dinaluhan ni Reilan. When the woman saw my furious eyes, she immediately walked away like nothing happened because of her stupidity.

"Saan masakit?" He asked gently.

"My right ankle!"

"I think you got sprained." 

"Wait, what are you–" Hindi na ako nakaapila pa nang buhatin niya ako. I gulped when I saw the way how the veins in his hands protruded while carrying me. Ang tigas ng kanyang katawan ay damang-dama ko, which made me wonder how much work out did he have gone through to earn such well-developed muscles. Yet I got more distracted of his pleasant smell. It's a manly perfume mixed with his natural scent that made me close my eyes for a second. 

Shit, ang bango niya. 

"Y-You don't have to do this," I said, doubtful with my own words. Sa sakit ba naman ng paa ko ay siguradong di ako makakalakad ng maayos. But my hurt pride won't just accept the fact that I need him even just once.

I felt him sniffed my hair and laughed a bit. "I love your smell..." Diretso akong napatingin sa kanyang mga mata. His lips are half-opened, tila ba nauuhaw sa kung ano.

"And I think... I'm addicted to it." Bumaba ang tingin niya sa aking labi. I was about to utter a word when his warm lips covered mine that almost made my whole system crumble.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Ella Gia Gonzalez
Wahhh sobrang mahal nmn ng nxt chapter. Nkakaloka.
goodnovel comment avatar
Nazzhli-hannaj Hazhymezikiah Allives-Fine
waaaaah... early kilig na nmn Ako hehehe... thanks Author sa story
goodnovel comment avatar
Maria Teresita Lim
need coins to open the next chapter ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status