Share

Chapter 6

He tried to reach for my hand but I stepped backward. Nagsusumamo ang kanyang mga mata, ipinapakita sa akin ang labis niyang pagsisisi sa ginawa.

But it's all too late. 

"Des, please... I'll be good I promise. Hindi na ako mambababae. Hindi ko na 'yon ulit gagawin. J-Just give me another chance..."

Umiling ako.

"I don't give second chances, Harris. It's all over. Ayoko ko ng magkaroon pa ng koneksiyon sa 'yo. I'm done with you. So get your ass of here before I'll call the security. You know me, pag sinasabi ko ginagawa ko talaga." 

Ngunit hindi siya nagpatinag. Sinubukan niya akong hawakan, ngayo'y mas agresibo ang kilos kaya hindi ako nakaiwas. I tried to take off his hands on my both arms, but he's too strong for me. Lalaki pa rin siya kaya walang laban ang lakas ko sa kanya.

"Harris, get off me!" 

"Hear me out, Des. I know kasalanan ko, but it's a mistake. It's just a mistake babe... Let's start over again. I know you still love me, right?"

"What love are you talking about? Puwede ba, tumigil ka na sa kahibangan mo! Natapos na ang lahat sa atin simula sa gabing nakipagsex ka kay Janna! So please, get over it! Wala na sa akin ang lahat kaya huwag mo na akong guluhin pa. Go back to your cheap girls fucker!"

"Des–"

"I said, stop! Have you lost your mind? Umalis ka na dito at huwag kang gumawa ng eskandalo. This is my celebration, kaya huwag mong sirain. Kaya bitawan mo na ako habang hindi pa kita pinapakaladkad sa guards!"

"But babe–" Nagulat ako nang biglang natumba si Harris sa lupa. Someone pushed him forcely that made him sit on the ground.

"What are you doing, kid?" 

It was Reilan. His hawk-like eyes are dark, vicious and almost brutal. Hinawakan ko ang kanyang braso, refraining him from doing something to Harris. Baka kasi magkagulo pa at mauwi sa malaking eskandalo.

His brow shot up, looking at my hand on his arm.

"Don't do something stupid. Maraming bisita. I don't want to cause a scandal," paalala ko sa kanya.

Galit na tumayo si Harris. "Bakit mo ako tinulak? Gago! Huwag kang makialam sa amin! Girlfriend ko 'yan kaya huwag kang makialam!"

Dinuro ko siya, naubos na ang pasensiya sa kanyang pagiging walang-modo. "Shut up, Harris! I'm not your girl. Matagal na tayong wala kaya huwag ka ng manggulo dito!"

"So this is that Harris, huh?" Reilan said playfully. I glanced at him once. Madilim siyang nakatingin sa lalaking nasa harap.

"Wala naman pala kayo, ba't ka pa humahabol?" sarkastikong sinabi ni Reilan. Harris' fists clenched, gritting his teeth in anger.

"At sino ka naman para makialam dito? Stay out of this kung ayaw mong upakan kita!" Napalunok ako nang humalakhak lang si Reilan. Tila ba isang malaking biro lang ang narinig. No doubt that Harris would do that, he is a badass and a trouble-maker. But Reilan's frame is larger than him. Halatang dehado siya kung pisikalan ang pag-uusapan.

Pero hindi ko naman hahayaang umabot pa sa ganon. There are media, at hindi puwedeng magkagulo dahil siguradong pagpipiyestahan kami sa tabloids kinabukasan.

"Come on, do you think you can really do that?" Halata ang pagkainsulto sa mukha ni Harris. Natampal ko ang noo nang akmang susugurin na niya ng suntok si Reilan.

Buti na lang at dumating ang dalawang security guards kasama sina Marie bago pa tuluyang magkapisikalan ang dalawa. Hinawakan si Harris ng mga guards. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya magawang makawala habang kinakaladkad siya nito palabas.

"Huwag ka ng babalik dito, tarantado!" galit na sinabi ni Louie at sinundan ito ng nakakapatay na tingin. The girls immediately went towards me with worried faces.

"Are you okay?"

"May ginawa ba si Harris? What did you two talked about?"

Bumuntong-hininga ako at naihilamos ang dalawang kamay. Hindi na nagsalita pa si Reilan at walang pasabing naglakad palayo, siguro'y babalik na sa bulwagan. My mouth was half-open while looking at him walk away. Gustong umusal ng salita para magpasalamat man lang, pero mas piniling itikom ang bibig.

I just sighed and told my friends about what happened.

"He forced me to come back to him. Nagsisisi daw siya, and he dumped Janna for me. Of course I told him that I already moved on. Yun naman talaga ang totoo, kaso nagmatigas siya. He was a bit aggressive..."

Napamura si Louie. "Sinasabi ko na nga ba. Dapat sinamahan ka na lang namin. Ang gagong 'yon! Kapal ng mukha e, siya naman ang nanloko."

"But it's okay now. If he'll try to pull that stunt again, I'll file a restraining order." Nakahinga sila ng maluwag sa sinabi ko. Pinahupa muna namin ang tensiyon bago bumalik sa loob.

It was a long night. May nangyari mang maliit na komosyon, at the end, the experience was still worth it. It was fun, especially the dancing part. Kahit wala ang aking ama para isayaw ako, I'm still glad that I have my boy bestfriends to dance with me instead. I also received a lot of praises and different kind of gifts, making the night memorable.

Balik-eskwela na kami ng mag-Lunes. Although waking up early is a bit tiring, wala naman akong ibang magagawa kundi ang bumangon ng maaga. With Manang as my alarm clock, siguradong maaga talaga akong magigising. Kung minsan ay nali-late pa rin dahil sa kabagalang kumilos.

Louie whistled and opened his car's door for me. Siya kasi ang sundo ko ngayon. Nag-aalala siya na baka muli na naman akong lapitan ni Harris. Parehas pa naman kami ng pinapasukan. Pero kapag inulit pa niya ang ginawa ay di talaga ako magdadalawang-isip na idemanda siya.

"You should tell us kapag muling nanggulo ang lalaking 'yon."

"Of course, Louie."

"I really hate that bastard." Mas humigpit ang hawak niya sa manibela.

I chuckled. "Chill ka lang, baka mabangga pa tayo."

"Anyway, si Reilan Mongreco pa rin ba ang tutor mo? Okay ka lang ba sa kanya? Wala ba siyang ginagawang masama?" 

"Hmm, yes. Wala naman siyang something weird na ginagawa. Well, except from being so arrogant. Para din siyang diktador kung makautos. Pero maliban dun, maayos naman siyang magturo. Magaling nga, e. Yung attitude lang talaga niya ang problema."

"Mag-ingat ka sa kanya. I can sense something dangerous in his personality..." Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganon. Ngunit imbes na sumagot, tumango lang ako at nanahimik.

Pagdating sa LIU ay naghiwalay na kami ni Louie at naglakad papunta sa kanya-kanyang locker. Karamihan naman sa nakakasalubong ay bumabati na sinusuklian ko rin. That's one of the perks of being a rick kid, I guess. Maraming nakakakilala sa'yo. Maraming gustong makipagkaibigan. Kahit ang totoo, gusto ka lang nila dahil maganda o mayaman ka. It's rare to find genuine people who'll like you for who you are and not just because of wealth or popularity. Sad to say, ganito katoxic ang henerasyon ngayon.

Palapit na ako sa sariling locker nang mabangga ako ng isang lalaki. Nahulog ang aking librong hawak dahil sa impact.

"Sorry." His voice was velvety. Nakahood siya ng itim at nakasunglasses. Bahagya niyang iniyuko ang ulo kaya mas lalong hindi ko nakita ang kanyang mukha. Hindi man lang niya pinulot ang libro ko at nagmamadaling umalis na para bang may nakakahawa akong sakit.

He looks weird. Estudyante ba 'yon? But he's not wearing a uniform. Baka new student? Tapos nakasunglasses sa loob ng building? 

Binalewala ko na lang ang nangyari at pinulot ang librong nahulog.

Pagtapat ko sa locker ay agad kong kinuha ang bag sa susi. I quickly opened it afterwards and got my book in Physical Science. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nakalagay sa cover ng libro.

My lips parted, shocked and scared of what I'm seeing. Nanindig ang mga balahibo ko sa kilabot na nararamdaman.

It's a stolen picture of me.... with blood all over it.

Pulang-pula ang likidong inilagay sa larawan. And I'm sure, it is real blood. Is this a threat? Pero bakit may magbabanta naman sa akin? It couldn't be, right?

Siguro may baliw na estudyanteng nangprank sa akin kaya ginawa ito. Yeah, that's what I should think.

Bumuntong-hininga ako at sa huli'y piniling itapon ang picture sa basurahan. Ang aking kamay na nabahiran ng dugo ay agad kong pinunasan gamit ang sariling panyo na itinapon rin pagkatapos.

Napalunok ako. Mabilis na naglakad patungo sa classroom, slightly tensed of the thing that I just saw.

"Malling tayo?" tanong ni Marie pagkatapos ng klase. We are on our usual spot in a café near the university. Dito kami madalas tumambay pagkatapos ng klase para makapag-usap o di kaya'y magplano ng mga group outputs. Habang nasa ganoong posisyon ay bumabagabag pa rin sa utak ko ang larawan kaninang umaga. Mas pinili kong hindi sabihin sa kanila, because knowing them, they'll just overeact. At paano kung prank lang nga 'yon? Baka lumaki pa ang maliit na issue.

"That sounds so girly, Marie," si Louie.

"Killjoy ka Louie. Ganon naman talaga ang gusto naming mga girls. Kung sabagay, di ka naman makakarelate dahil wala kang girlfriend na ite-treat," saad ni Lilian. Si Marcos ay nanatiling tahimik, panay ang tingin sa cellphone. Mukhang may katext yata.

"Si Cheska 'yan no?" usisa ni Lili sa nanahimik. Ngunit sa tingin ko hindi na 'yon dapat pang itanong. Sa ngisi ba naman niya ay siguradong si Cheska ang pinagkakaabalahan.

"Huwag mo ng tanungin Lil, halata naman," I said, half-smiling. Pilit na ipinagsasawalang-bahala ang picture na iniisip. I know it's nothing serious. Baka yung naiinggit lang sa akin at gusto akong takutin. Pero sigurado akong hanggang ganoon lang ang magagawa ng isang estudyante.

"Bar tayo tomorrow night? Isama mo na rin si Cheska, Marcos," syhestiyon ni Marie. But I doubt if Cheska's parents would allow her to have a night out. Naalala kong sinabi niya nun noong pumunta kami sa bahay nila na hindi siya pinapayagang lumabas. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay baka araw-araw akong tumatakas. I can't imagine myself being a prisoner in my own house.

Well, siguro'y ganoon lang ang opinyon ko dahil magkaiba ang aming nakasanayan.

"Her parents wouldn't allow her."

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at nakitang si Bianca ang tumatawag. Ilang beses ko pang kinurap ang mga mata bago naisipang sagutin. What does she needs this time?

"Yes, Bianca. May pinapasabi ba si mommy? Bad news o good news?" 

Bumuntong-hininga siya. "I guess, it's a bad news for you." Kailan ba ako nakarinig ng good news sa kanya? Messenger lang naman siya ni mommy kaya sumusunod lang ng utos. 

"Spill it." 

"Nasaan ka ngayon?" My forehead creased at her question. Ano, pupuntahan ba niya ako?

"Bakit?"

"Just tell me, Miss Desire." I rolled my eyes at her calm voice. Kalmado lang ang boses nito kahit sa totoo'y nawawalan na ito ng pasensiya. But that's what I like about her, though. She's not bitchy and very professional.

"I'm in the nearest café in LIU. Don't tell me you're planning to come here? Susunduin mo ba ako?"

"Not me." My brows furrowed.

"What do you mean?"

"Mr. Mongreco will be there in any minute. Siya ang susundo sa'yo." Umawang ang labi ko sa narinig.

"What? Pero bukas pa ang schedule ng session namin!" Napatingin sila sa akin ngunit nanatiling tahimik.

"It's not a tutoring session, miss. Si Mr. Mongreco na lang ang magsasabi sa'yo pagdating niya diyan. Be sure to follow what he will say, dahil sinusunod niya lang ang utos ng mommy mo."

"What the hell? At paano naman siya nautusan ni mom? He's not under her supervision! Bakit kailangan ko pa siyang makasama? At sundin? Seriously, Bianca?"

"Basta yun ang kailangan mong gawin. Just do it, miss. Anyway, I'll hang up now. Marami pa akong kailangang asikasuhin dito sa opisina."

"But, wait---"

Napamura ako nang agad niyang pinutol ang tawag. Alalang tumingin sa akin ang mga kaibigan, napansin ang busangot kong mukha.

"Ano ba ang sinabi?" Marie asked. Medyo nahihirapan pa ito sa nginunguyang cake. Tumigil si Louie sa pag-inom ng kanyang espresso at nag-angat ng tingin sa 'kin.

"Susunduin daw ako ni Reilan." Naubo si Marie, muntik ng mabulunan. 

"Wait, di ba bukas pa ulit ang session niyo? Ba't ka niya pupuntahan?" takang tanong ni Lili. 

"Hindi sinabi ni Bianca. But as what she have told me, si mommy daw ang nag-utos." Nagsalubong ang kilay ni Louie, hindi sang-ayon sa narinig. Pareho kasi kami ng pakiramdam tungkol kay Reilan kaya siguro hindi siya nagtitiwala sa tao.

"Bakit naman siya ang nautusan ni tita?" Tanong ni Marcos. "As what I've heard, mahirap utusan ang Mongreco na 'yon. Masyadong mailap at busy sa pambabae. At kung pera lang rin naman ang kapalit ng serbisyo niya, he has a lot of it."

Marie slowly tapped the table with her fingers, maybe analyzing the situation.

"Baka favor lang? You know, businesswoman si tita. And for sure, magkakilala sila ng mga matandang Mongreco. At siguradong hindi lang siya makatanggi sa favor ng isang malaking business-associate." Paliwanag niya. 

Well, that makes sense.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin ko ang pagpasok ng pamilyar na lalaki sa café. Women's eyes went to him, mesmerized by his manly stance. May tinanong siya sa isang waiter at tinuro naman nito ang direksiyon namin. He didn't throw even a glance to any girl, imbes ay diretsong tumingin sa akin. Wearing a black polo tucked in his jeans, he walked proudly towards me.

"Oh my, he's here..." Lili uttered, looking at the same man I'm staring.

"Guwapo niya talaga."

"Mas marami pang mas guwapo diyan Marie," iritadong sabi ni Louie. Imbes na magsalita pa ay inayos ko na lang ang mga gamit. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na siya.

"Mauna na ako sa inyo guys. Let's just catch up some other time." I stood up with my things, meeting Reilan halfway.

"Hindi mo man lang ako hinintay na marating ang table niyo. Can't wait to be with me, huh?" He smirked playfully. Inirapan ko siya at dire-diretsong naglakad palabas.

"Don't be dreamy, Mongreco." Rinig ko ang halakhak niya. I stopped when we're already outside and faced him. Bahagyang inangat ang ulo dahil kahit may takong ang sapatos ay hanggang leeg lang niya ang tingin ko.

"Why are you here, anyway?"

"Hindi ka sinabihan ni Tita?" 

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. "Her secretary just told me you're coming to pick me up. She didn't include the exact details."

He didn't answered. Imbes ay bumaba ang mga mata niya sa aking uniporme. His brow shut up, displeased.

"What's wrong–" 

His hands went to my uniform. Aatras sana ako ngunit nang makitang inaayos niya lang ang pagkakabutones nito ay napabuga ako ng hangin. The beating of my heart became erratic, tensed by his action. I gulped when I noticed how his veins portruded while doing it.

"N-No need to do that... Kaya ko naman." 

He sighed and just looked at me darkly.

I cleared my throat. "Anyway, where are we going?"

"We will have a date."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status