Share

Chapter 1

"Marino! Nakung bata ka anong oras na at malelate kana sa klase mo, bumangon kana riyan!"

"Marita naku ang sinaing mo nangangamoy sunog na!"

"Hay naku!" Iba't ibang sigaw ang unang narinig ko ng magising ako. Bakit parang di familiar ang kwartong hinihigaan ko ngayon. Unti unti akong bumangon at agad na nakaramdam ng sakit sa bandang leeg ko.

Anong oras na ba? Shit baka kanina pa gising mga kapatid ko. Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at napatigil ng makitang di ko kilala ang mga taong nasa loob ng bahay.

"Gising kana pala Iha, Hindi ka dapat tumayo muna at baka mapaano ka." Nagtaka ako sa sinabi ng babae.

"Excuse me po." Napalingon ako at nakita ang batang lalaki na nakasuot nang uniform. Tumabi ako para makadaan ito.

Nasaan ako? Parang nagstop ang oras sa paligid ko at di ako makagalaw. Anong nangyayari? Bakit nasa ibang bahay ako? Nasaan ang mga kapatid ko? Si Leny?

"Iha naku sinasabi ko na nga ba at wag ka munang tumayo, naku Berto naestatwa na yung babae dito!"

"N-nasaan po ako?" Naguguluhang tanong ko.

"Nasa Isla Doquin ka, nakita ka ng asawa ko sa tabi ng bangka niya. Madaling araw pa lang ng oras na yun kaya madilim pa, ang akala niya ay patay kana dahil wala ng kulay ang balat mo pero humihinga ka pa kaya dali dali ka niyang iniuwi dito sa bahay. Isang linggo kang tulog. Gusto man namin dalhin ka sa hospital pero wala kaming pera."

"I-isang linggo!?"

"NAKAKAPAGTAKA iha, wag ka sanang magalit pero nilinisan ko ang iyong buong katawan at wala akong nakita ni isang galos pero sigurado ako na wala nang dugo ang katawan mo dahil sa kulay nito."

"W-walang dugo? Impossible po iyan kung ganun na nawalan ako ng dugo bakit buhay pa ako ngayon?"

"Wag kang magugulat sa sasabihin ko pero habang lumilipas ang araw bumabalik ang kulay ng balat mo. Iha may lahi ka bang diwata?"

"P-po!? hindi po, nanay naman ang tanda nyu na para maniwala sa mga ganyan." Ngumiti lang ang matanda at patuloy na ine-examine ang katawan ko habang nagtatanong tungkol sa akin.

"Napakalayo ng lugar mo paano ka napadpad sa lugar na ito." Tanong nito kaya ikinwento ko sa kanya ang nangyare.

"Naku! Hindi ko kaya ang mga ganyang pangyayare, napakadelikado na talaga ng panahon ngayon." Matagal akong napatitig dito dahil wala itong sinabi sa trabaho ko.

"Alam ko po pero kailangan ko na pong umuwi sa amin. Isang linggo na ang nakalipas at di ko alam kung ano na ang nangyare sa mga kapatid ko, matutulungan nyu po ba ako makabalik sa amin? Wala po akong pera—" Napatigil ako ng may inilahad itong maliit na papel sa akin, parang cheque iyon.

"Nakita ko ito na nakaipit sa damit mo, alam ko ang bagay na yan at napakalaking halaga ang nandyan. Hindi ko pinakialaman dahil alam kong kakailanganin mo sa oras na magising ka." Nagulat ako ng makita na parehong cheque iyong katulad sa ipinakita ni Wallace sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala ko sila.

"Walang bangko rito kaya hindi mo mawi-withdraw yan, mamayang hapon may luluwas na barko papuntang maynila pwede kitang ipakiusap sa kumpare ko, gagawan niya ng paraan at makalibre ka sa pagsakay." Napangiti ako sa saya at di mapigilang yakapin ito.

"Napabait nyu po, utang na loob ko po ang buhay ko sa inyo. Sisiguriduhin ko pong makakabayad ako sa kabutihan nyu sa susunod na bibisita ako sa islang to."

"Walang anuman iyon Iha hindi ko kailangan ng bayad. Nakikita kong mabuti kang kapatid lalo na't ikaw ang tumatayong magulang sa kanila, wag kang sumuko sa buhay iha nakikita kong nakasunod sayo palagi ang swerte." Sabi nito.

HINDI KO NA NAMALAYAN na nakarating na ako sa manila sa bilis ng oras. Huli kong naalala ang pagpaalam ko sa pamilyang nag-alaga sa akin sa loob ng isang linggo. Utang na loob ko ang buhay sa kanila, pero hindi na dapat malaman ng iba kung ano ang nangyari sa loob ng isang linggo.

Matagal akong nakatitig sa cheque na hawak ko ngayon. Nagdadalawang isip ako kung iwi-withdraw ko ba ito o hindi. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim at saka dumiretso sa loob ng bangko.

"Leny!?" Nilakasan ko ang katok sa pinto dahil kanina pa ako dito sa labas at nilalamok na ako.

"Teka lang naman! P*tangina naman gabi na may nambubulabog pa!" Rinig kong reklamo nito mula sa loob.

"Ano bang kai—Ay multo! Gaga! buhay ka!?" Di ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon nito. Gulat na gulat ito pero sunod sunod yung tanong.

"G*gu namamalikmata ba ako? Kira ikaw ba yan? O nagpaparamdam kana kasi di ko nireport sa pulis pagkawala mo? Patawarin mo ako girl, binantaan ako ni boss na wag magsalita. Mawawalan ako ng trabaho girl kapag nagreport ako at kapag nawalan ako ng trabaho di ko maalagan mga kapatid mo, patawarin mo ako friend. Manahimik na sana ang kalulu—Aray p*tangina naman! Kahit na multo kana nanakit ka pa rin Kira!"

"Pinatahimik ka ng boss mo? May alam ba sila sa nangyari sa akin?" Sabi ko at pumasok sa bahay.

"Hoy teka wag ka munang pumasok baka kung anong dala mong........ G-groceries? Nag-grocery na pala ang mga multo ngayon?"

"Gaga di ako multo at higit sa lahat di pa ako patay!"

"Totoo? Hindi ka nang e-eme lang?" Sabi nito at unti unting lumapit sa akin.

"Hala girl totoo ka nga!" Masayang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"L-leny ano ba bitaw nga! Nakakasakal ka na."

"Wow girl Oa mo!" Sabi nito at umupo sa upuang de kahoy.

"Chika kana girl, ano bang nangyari sayo at bigla kang nawala ng isang linggo. Hindi ko alam pano magpaliwanag sa nga bagets kung anong nangyari sayo, lalo na kay Akiea iyak ng iyak palagi sa gabi dahil di ka umuuwi." Agad akong napatayo at pumasok sa kwarto namin.

"Tulog na sya girl mamaya mo na kausapin chika ka muna sa akin." Tiningnan ko ng masama si leny pero nagpeace sign lang ito at ngumiti ng nakakainis.

"TOTOO! hala girl nabiyak kana! Di kana virginita ang masaklap pa narape ka dai! naku kailangan natin mgareport sa puli— Ay di pwede! No NoNo ayaw ko pang mategi!" Oa nitong react pagkatapos kong magkwento.

"Alam ko kasalanan ko to eh, kung di lang kita pinilit na sumama sa akin sa trabaho edi sana hindi nangyari sayo. Sorry Kira..." Ngumiti ako at umiling.

"Nangyari na ang lahat Leny wag na tayong magsisihan dito. Naubos ko na lahat ng luha ko sa isla. Ayoko na sanang malaman to ng iba Leny lalo na sa mga kapatid ko." Tumango ito at niyakap ako.

"Tungkol pala sa boss ko wala silang kinalaman sa nangyari sayo, pinatahimik lang nila ako dahil alam nilang Williams ang dahilan kung bakit nawala ka. Hindi mo man kilala ang mga taong nasa likod ng mga Williams pero may ideya ka kung ano sila kayaman. Halos lahat ng business dito ay hawak nila, isa na dun ang bar na pinagta-trabahuhan ko." Kwento nito habang hinahanda ang mga pagkain sa mesa.

"Alam ko ang bagay na iyan Leny, alam kong mababasura lang ang kaso kung sakaling magsampa tayo. Nakakapagtaka ba at palaging may nababalita na may namamatay na babae pero walang ginagawang imbestigasyon ang mga pulisya? Alam nating lahat kung sino ang nasa likod nun."

"Paano ba naman magtaka ang iba eh nakikita yung mga bangkay sa iba't ibang lugar" Agad nitong sagot.

"Hindi kaya delikado para sa buhay mo ngayon dahil di ka nila napatay?" Nag-alalang tanong nito

"Hindi ko alam pero wala akong pakialam..." Napatitig ito sa akin at alam kong nahiwatig nito ang ibig kong sabihin.

"About pala kay Akiea—"

"Wag mo ng intindihin, si boss ang nagbayad sa hospital basta matahimik lang ako, pero teka saan galing ang pera na pinangbili mo sa grocery? Binigyan kaba ng pera ng matanda bago ka umalis sa kanila?" Tanong nito. Umiling ako at pinakita sa kanya ang bag na puno ng pera.

Parang biglang nagkaroon ng pesos sign sa mata ni Leny at inagaw sa akin ang bag.

"T*ngina totoo ba to? Or fake lang to? Print lang ba to girl at bigla kang magsasabi ng prank?" Natawa ako at umiling. Pinaliwanag ko sa kanya kung saan nanggaling ang pera.

"Bayad ba yun sa pagrape nya sayo? Hindi ko maimagine ang mukha ng nagrape sayo, siguradong kulubot na iyon at matabang matanda. Mga mayayaman nga naman mga halang ang bituka at demonyo pa kesa kay sat*nas! Nakakagigil sila naku! kapg nagkaroon ako ng pagkakataon lalasunin ko sila!" Gigil kong sabi.

Natahimik ako at biglang bumalik sa isipan ko ang mukha niya. Hindi ko sya kilala pero natatandaan ko ang mukha niya.

"Leny naniniwala ka ba sa nga bampira?" Napakunot noo ito at di makapaniwalang tumingin sa akin.

"Bakit naman bigla mong natanong yan? Kapag lumabas sila sa libro, oo maniniwala ako pero friend walang ganyan dito nga baliw lang ang naniniwala sa ganyan." Napatango na lang ako at di na nagsalita.

"Taray eto na! Ready na ang chibog girl, lika na kain na tayo." Excited nitong aya kaya lumapit na ako sa mesa.

"Kumain na ang mga kapatid mo kaya wag mo na silang alalahanin, ako rin naman kumain na pero masarap yung mga dala kaya kakain ulit ako." Sabi nito at humalakhak ang gaga.

"Nga pala anong plano mo sa pera?" Napatigil ako sa pagsubo at napaisip.

"Bakit di ka magtayo ng store girl yung maliit lang basta magkabusiness ka tapos paayos mo ng konti yung bahay, 100k yan girl kering keri ang budget nyan. "

"Gusto ko sanang bumalik sa pag-aaral hanggang grade 11 lang kasi ako, gusto ko sanang makapagtapos kahit sa senior lang. Ang hirap kasi maghanap ng trabaho na malaking sweldo kapag di ka graduate. Kung sakali man na makapagtapos ako ng senior high man lang makakapag-apply ako sa call center."

"Ay perfect yan sis! Ngayong may pera kana di mo na kailangan magtrabaho sa kung saan saan para lang may pagkain kayo pang-araw araw. Alam ko namang napilit lang kita na pumasok doon sa bar dahil nahospital si Akiea."

"Salamat sa ideya Leny maganda ngang magbusiness ako para kung sakali na maubos na ang pera ko may tindahan naman ko na pagkukuhanan ko ng kailangan ko sa bahay pero ang problema walang magbabantay." Nanghihinayang kong sabi.

"Ano ka ba girl!" Inis nitong sabi at hinampas ako kaya tinignan ko ito ng masama.

"Like hello! Sino ba nag aalaga sa mga kapatid mo habang nagta-trabaho ka?"

"Ikaw..."

"Correct girl! Perfect score ka sa akin. Ano bang pino-problema mo? Ang tindahan mo nandito lang naman at ang kapatid mo? Edi ako na magbabantay hindi naman masyadong makulit mga kapatid mo kaya di stress kaya keri ko to!"

"At saka si Aki girl malaki na sayang nga at di nag aaral ang gwapitong iyon. Ang tali-talino pa naman, sure akong kaya niya magbantay ng tindahan mo kasi syempre need ko rin pahinga minsan girl kasi nagmamaneho ako tuwing gabi." Malanding sabi nito at kinindatan ako. Napangiwi ako dahil alam ko ang ibig sabihin nito.

Pagkatapos naming mag usap ni Leny ay naglinis na ako ng katawan and here I am again crying out of pity. I was so ashame to my self na nagpadala ako sa pera. I should have known, pero wala na akong magagawa. I was already raped and dirty. I can't even look at my self in the mirror. How can I hug my sister and brother if I am so f*cking dirty!

'Nakikita kong nakasunod sayo ang swerte" Damn that was funniest thing I've heard. I got raped but then she told me that I am lucky? How fucking funny is that. Since, my parents died I already know that I don't have luck in my life, but for my brother and sister. I will believe in luck that she said to me. I hope I have one...

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim saka nagmulat ng mata at tumititig sa salamin kung saan ko nakikita ang buong pagkatao ko.

This horrible thing that happened to me. Is this a curse? or a way to make myself stronger and to start a new life?

Maybe she's right I always got luck beside me because Whatever danger things strike me. They can't hurt me physically...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status