Share

Chapter 2

"Ate Kira!?" Nagising ako sa gulat dahil sa matinis na sigaw na malapit lang sa akin.

"Ate Kira! Ate Kira! Si ate Kira nandito na yehey!" Kahit na inaantok pa at tamad pa akong bumangon ay bumangon ako para yakapin ang makulit na bata na nakapatong sa akin.

"Good morning baby..." Bati ko rito at hinalikan ito sa pisngi kaya napahagikgik ito, sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Akiro.

Nanlaki ang mata nito ng makita ako at agad na tumakbo papunta sa akin.

"You're already here!" Masayang sabi nito at yumakap sa akin.

"Sabi ko naman kasi sa inyo nagtrabaho lang sa malayo ang ate nyu at babalik rin agad sya." Sabi ni Leny na nakasandal sa pintuan ng kwarto.

"Where did you go?" Tanong ni Aki habang nakatingin ng mataman sa akin. Minsan tinatanong ko sarili ko kung kapatid ko ba to.

"Sabi nga ng ate Leny nyu nagtrabaho lang ako at saka stay in doon bawal umuwi, sorry kung di nakapagpaalam si ate sa inyo, pero wag kayong mag-alala di na babalik si ate doon." Pangako ko.

"Totoo po?" Ngumiti ako at tumango.

"How are you baby? May masakit ba sayo? Patuloy ba ang pag inom mo nang gamot?" Sunod sunod itong tumango.

"Don't worry ate Im taking care of her." Sabi ni Aki.

"Thank you kuya Aki" Nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok nito.

"Naku kung di ko lang kilala mga magulang nyu, iisipin ko talaga na may mga lahi kayu." Naiiling na sabi ni Leny.

"Tara na nga at lumabas na kayo ng kwarto at nakahain na ang breakfast natin." Nag uunahang lumabas ng kwarto sina Akiea at Aki kaya naman sumunod na rin ako.

"Aba nga naman ang ayos pala kapag may yaya dito sa bahay." Biro ko.

"B*ba! Umupo kana at kumain at baka ingudngod kita sa mesa, yaya mo mukha mo!" Natawa ako at umupo na rin.

"Kilala mo naman ako G na G ako magluto ng pagkain basta maraming stocks at isa pa may tumulong na gwapong lalaki sa akin." Sabi ni Leny at kinindatan si Hiro.

"Did you cook, Kuya Aki?" Amaze na tanong ni Akiea

"Yes, is it good?" Tanong nito kaya agad namang nagthumbs up si Akiea.

"Kahit na puro pagbabasa lang yang kapatid mo Kira, marunong ng magluto yan, minsan nakikita ko naglilinis yan dito sa bahay."

"Kuya Aki tried to wash my clothes too!" Bibong sabi ni Akiea at naghands up pa talaga.

"Ay oo dai! Kilala mo naman ako, hindi ako wife material kasi di ako marunong maglaba kaya nga nagpapalaundry lang ako. Kaya naman nung di ka nakauwi naubos ata yung mga damit ni Akiea at lahat marumi na kaya itong si Bigboy pinaglabhan ang kanyang little sis ng damit, nakakaproud diba!"

Ngumiti ako tumingin kay Aki na patuloy lang sa pagkain. Nalulungkot ako na naawa sa kapatid ko. Ang bata pa nila para mawalan ng magulang. Hindi pa dapat nila nararanasan ang magtrabaho at dapat nag aaral lang sila at naglalaro dahil bata pa sila.

Aki is already 10 dapat nag aaral na siya pero di ko pa kaya, oo libre nga sa public pero anong ibibili ko sa para sa uniporme nya, pano ang nga kakailanganin nila sa school pano ang mga bayarin? paano kapag may mga projects, activities at output nila. Alam kong konting halaga lang iyon, pero ang sweldo ko noon ay saktong sakto lang para sa pagkain namin buong araw.

"Aki gusto ko bang mag aral?" Nanlaki ang mata nito at alam kong dumaan ang kislap sa mga mata nito. Ngumti ito at umiling.

"Siguro po sa susunod na taon na ate. I don't want to leave Akiea here, she will be alone." Inosenteng napatingin si Akiea sa kuya niya.

" Alone? Im gonna be alone?" Tanong nito at sumimangot.

"Of course not. I will stay by your side until you grow up." Makungkot na ngumiti ako habang nakatingin sa mga kapatid ko.

"You can go to school naman Aki, you can leave Akiea to me. Ang hirap talaga minsan kausap si Aki mapapaenglish ka." Natawa ako sa sinabi ni Leny. This is the reason why I like Leny minsan sya nagbibigay ng magaang atmosphere sa bahay.

"I can't trust you ate Leny, sometimes you just fell asleep and let Akiea run outside." Napahawak si Leny sa dibdib niya at napatingin sa akin.

"Leny naman, alam kong pagod ka sa trabaho pero siguraduhin mo namang ilock palagi ang pinto." Tabing daan lang kasi ang bahay namin kaya ayaw kong pinapalabas si Akiea dahil baka masagasaan ng mga dumadaan na sasakyan.

"Sorry girl isang beses lang naman nangyari yun, nalaman ko lang rin ng narinig kong umiiyak si inday kulit dahil pinagalitan ni bigboy. Nagising ako sa ingay nila." Napabuntong hininga ako at napatingin kay Akiea

"Matagal kasi na mawala ang sugat ni Akiea di tulad sayo." Bulong ni Leny.

"Baby." Tawag ko rito. Napanguso ito at napayuko.

"Im sorry di ko na po uulitin." Mahinang sabi nito.

"Naku po wag mo ng pagalitan girl, ang cute cute ng baby Akiea oh..." Napairap ako sa sinabi ni Leny.

"Kapag ginawa nya pa ulit iyon Leny, don't give her candies." Napasinghap ito at nanubig ang mga mata nito.

"I promise I won't do it again!" Matinis nitong sabi kahit na naiiyak, nagtaas pa ito ng kamay na parang nanunumpa.

"Yes, for the sake of your candies." Sabi ni Aki at ginulo ang buhok ng kapatid.

Pagkatapos ng agahan namin ay nag usap kami ni Leny at nagpa-plano kung saan ipe-pwesto ang tindahan.

"Bakit kaya di mo muna asikasuhin yung pag-enroll mo. Malapit ng pagbubukas ng klase baka malate ka. Nandyan pa naman siguro yung mga card mo nung grade 11 ka diba? yun lang naman ata ang kailangan at saka yung birth cert. mo na rin."

"Hanapin ko mamaya sa lumang bag." Sagot ko habang naglilista ng mga dapat na bibilhin na materyales.

Naging mabilis lang ang araw at ngayon ay patapos na ang tindahan na pinagawa namin ni Leny, ngayon ang pag-eenroll ko na naman ang inaasikaso ko.

"Ako na ang bahalang maglinis at maghugas ng pinggan, patulugin mo na si Inday kulit." Sabi ni Leny pagkatapos naming kumain ng hapunan.

"Ako na Leny, mabuti pa maligo kana kasi alam kong may trabaho ka ngayon." Sabi ko at inagaw sa kanya ang mga pinggan.

"Ano ka ba naman girl mamaya pa duty ko ayokong tumunganga lang no, sige ka kapag di pinatulog yung makulit na yun mahihirapan kang paamuhin yun mamaya at wala kang oras sa pag iyak." Napatigil ako sa huling sinabi nito.

"Iyak? Pinagsasabi mo?" Natatawa kong sabi. Napatingin ito sa akin at seryosong tinignan ako.

"Akala mo ba di ko alam? Minsan akong umuwi ng madaling araw Kira at rinig na rinig ko ang iyak mo na parang nababaliw ko, muntik na akong pumasok sa kwarto nyu ng marinig ko na parang sinasaktan mo ang sarili mo. Ang saya mo sa umaga na parang wala kang problema na dinadala na parang okay lang ang lahat pero yun pala ay hindi ka natutulog para ilabas lahat ng sakit na dinadala mo." Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin.

"I-isang beses lang yun." Depensa ko.

"Kira kapag kailangan mo ng kausap nandito lang naman ako, wag mo namang sarilinin yang bigat na nararamdam mo, kapag hindi mo na kaya wag kang mahiya na umiyak sa akin. Alam kong di pa naalis sa utak mo ang nangyari sayo at alam kong nararamdam mo pa rin ang pandidiri na ginawa sayo kaya naiintindihan kita, so please Kira labanan mo ang lahat nang yan, wag mong hayaan na umabot sa depression o nandun ka na nga?" Napailing ako at pilit na ngumiti.

"Okay lang ako Leny, kakayanin ko to dahil may dalawa akong kapatid na kailangan ako. Hindi ako magpapadala nang dahil lang sa nangyare at tigilan mo na ang paghahanap sa taong gumawa nito sa akin, wag mong ilagay sa panganib ang sarili mo."

"Alam mo pala." Sabi nito at tumawa ng malakas. Napailing ako dahil ang bilis umiba ng nararamdaman nito.

"Marami kasi akong kliyente na mayaman girl baka sakaling malaman ko kung sino magawan ko ng paraan at malason ko sila." Sabi nito at humagikgik.

Alam kong tumatawa lang ito pero alam kong seryoso ito. "Wag na wag mong gagawin yan, Leny."

"Hayaan mong diyos ang magbigay ng parusa sa kanila." Mahinang sabi ko.

"Oo na! Alis na dito at patulugin mo na ang isang yun." Sabi nito at tinuro si Akiea na sumasayaw sa harap ng maliit na TV namin.

"Hey baby It's time to sleep come on." Agad na sumimangot ito pero nagpabuhat naman agad.

"I want to go with you at your school tomorrow, Can I?" Nakangiting tanong nito at humalik sa pisngi ko, nagpapalambing na naman para masunod ang gusto.

"I would like to baby but I can't. Maraming tao ang pupunta doon bukas, you don't like crowded places right?" Napasimangot ito at napaisip.

"Really? But Im so so so bored here. Kuya Aki always reading and Im just playing with my doll all day, can you let me play with Gina in her house tomorrow? I promise I won't go outside, I'll just stay in her house."

"No." Agad kong sagot. Nanubig ang mata nito at agad na nagpababa at saka tumakbo sa loob ng kwarto.

Im sorry baby. Im doing this for your own good.

After a month of waiting I can already step on a university as a student not just a visitor or a guardian.

"Omg girl! Naeexcite ako nakapag-aral ka na rin ulit sa wakas!" Masayang sabi ni Leny.

"Hinaan mo boses mo Leny at kinakabahan ako. Nung mag enroll ako, ang babata lahat ng mga nandoon, nahihiya ako 22 na ako pero grade 12 pa lang."

"G*ga! Hindi sa edad ang basehan ng pag aaral kaya wag kang ano dyan at saka hoy teh mukha ka lang 17 years old uy." Napairap ako

"17 mo mukha mo, ako pa lolokohin mo teka kailangan ko ng umalis at baka magising na si Akiea."Nagmamadaling sabi ko at baka umiyak yun kapag nakita akong aalis, malate pa ako kung sakali.

Mabuti na lang at isang sakayan lang ang Campus dito kaya di nakakahagard kapag bumyahe. Maaga akong nakarating sa school at parang bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba, parang gusto kong umabsent sa unang araw.

Iba't ibang uniporme ang nakikita sa mga college students samantalang magkakapareho naman ang uniporme ng mga senior high. Akala ko magkaiba gate ng mga kolehiyo at senior high pero iisa lang pala.

Sa laki ng Campus na to kailangan talaga maaga ka sa unang araw para marami kang oras na hanapin ang classroom. Mabuti na lang at nagbigay agad sila ng schedule kasama ng Room number.

"Anak ng 120 12-B Fourth floor, kung mamalasin nga naman napunta pa nga sa fourth floor." Bulong ko

Pagkarating ko sa building namin ay agad kong napansin ang mga estudyante na nagkukumpulan sa isang tabi, ako naman na hindi chismosa ay lumapit para malaman kung anong meron.

"Ay bongga may elevator." Wala sa sariling sabi ko.

"Dapat lang sis, baka himatayin yung mga taga-7th floor yung room." Napatingin ako sa sumagot sa akin.

"Hi! Im Verxia 12- B ABM" Nagulat ako hindi dahil sa magkapareho kami kundi dahil sa kislap na nakita ko sa mga mata niya, bigla akong nanlamig at lumayo sa kanya ng konti.

"T-talaga? Pareho pala tayo." Mahinang sabi ko.

"Oh really? Omg what a great day may friend agad ako. Let's go sabay na tayo, oh! Ayan na..." Di pa ako nakakasagot ng hinatak agad ako nito papasok sa elevator.

Sana namalikmata lang ako, sana di totoo iyon. Ayoko nang makakita ng mga kagaya nila.

Nang makarating kami sa 4th floor ay agad naming nakita ang assigned room sa amin. Pagpasok namin sa room ay puno agad ng ingay maybe because magka-klase rin sila noon nung grade 11 palang sila kay magkakilala na silang lahat di kagaya ko.

"Gosh Im so nervous since Im a transferee. Im always overthinking na baka wala akong magiging friend since di ako friendly but you're a godsend, imagine nagkafriend agad ako." Napangiwi ako sa sinabi nito. Hindi daw friendly? at saka kailan lang kami naging magkaibigan?

Verxia and Leny have the same personality kaya agad akong nakakeep up sa vibes nito, kwento ito ng kwento at ako naman si tango ng tango at nakikinig lang.

Napalingon ako sa paligid ng biglang tumahimik.

"Oh He's already here." Napatingin ako kay Verxia.

"Everyone prepare for your introduction." Napairap ako habang yung iba naman mahinang napareklamo.

Something's off, something's weird and why Am I so uncomfortable right now.

Nakasideview ito habang inaayos ang mga gamit nito sa mesa kaya di ko makita masyado ang muka nito.

Nagulat ako ng bigla itong humarap at agad na napunta sa akin ang mga mata niya. Parang may malakas na hangin na humampas sa akin, napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumigat ang paghinga ko. I am losing my consciounes

"Everyone I am Zekero Williams, your professor for the whole semester."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status