ALYJAH POINT OF VIEW
Ang mainit na hangin ng Maynila ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa Ninoy Aquino International Airport. Mula sa kumpulan ng mga taong palabas ay nakisiksik ako para makita ang kaibigan kong susundo sa akin. Si Aiden. Nagpalinga-linga ako dahil hindi ko siya makita agad. Paano, sa dami ng nagsisiksikang tao palabas doon para hanapin rin ang kani-kanilang mga sundo. Kumakaway na parang nakakita ng artista ang loko noong makita niya ako. Tang ìna! may placards pa na nagsasabing 'Welcome back bro.' May kalokohan na namang naisip ang gàgo. Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa trip ng kaibigan kong sinto-sinto. Wala talagang magawa sa buhay. Napapailing akong lumapit sa kanya. Parang ayaw ko na ngang lumapit pa pero no choice ako. "Welcome back, bro," sabi niya na nakabuka ang dalawang kamay. Kinunutan ko siya ng noo at dismayadong tinitigan siya. "Para saan iyan?" tanong ko at binalewala ang kanyang nakabukang kamay. Napalingon pa ako sa mga napapalingon sa gawi namin. Paano ay nakuha na ang mga atensiyon. Baka akalain pang siyota ko siya, sarap bigwasan. "Para sa yakap! Bakit gusto mo ba iba ang nakabuka?" balik-tanong niyang binukaka pa ang paa. Pareho nang nakabuka ang kamay at paa at mukha na talaga siyang tangà "Gàgo!" Sinuntok ko siya sa tiyan dahilan para mapayuko siya. Hindi na talaga nagbabago ang lalaking ito. Gàgo pa rin hanggang ngayon kahit anim na taon na ang nakararaan. Walang pinagbago. "Ouch! Ganyan ka ba mag-thank you at magsabi ng I miss you too, bro?" Kunwaring nahihirapan siyang magsalita dahil sa suntok kong mahina lang naman. Hindi na ako umimimik at binuksan na lamang ang harapan ng kotse niya. Hinayaan ko siyang ilagay ang gamit ko sa likod. Hindi naman marami iyon, dalawang maleta lamang. Agad siyang tumalima at sumakay na rin pagkatapos. Magsasalita pa sana siya noong itaas ko ang aking kaliwang kamay para pigilan siya. Kadarating ko lang at ayaw ko munang marinig ang parang armalite na bibig niya. Pumikit ako dahil gusto kong makapagpahinga. "Tsk! Tatanungin ko lang kung saan kita ihahatid. Sa mansiyon 'nyo ba o may specific na lugar ang gusto mo?" Itinuloy pa rin nitong ibuka ang bibig kahit pinigilan ko na. Napabuntong-hininga ako. "Sa Condo mo!" sagot kong hindi nagmumulat ng mga mata. Ayaw kong umuwi sa bahay. Ayaw kong makita ang isang tao. Alam kong hindi makapaniwala ang tingin sa akin ni Aiden. Alam ko rin na ayaw niya kaya hindi na ako tumingin pa. Wala naman siyang magagawa kundi sumunod dahil alam niya ang dahilan kaya ayaw kong umuwi. Sunod-sunod ang narinig kong pagbuntong-hininga ni Aiden. "Mukha bang boarding house ang Condo ko? Noong nakaraan si Heron. Ngayon ikaw naman!" Reklamo niya. Hindi ko siya pinakinggan. Naglagay pa ako ng headphone sa teynga ko para hindi ko na siya marinig pa. Pinikit ko ang mga mata ko ng mas mariin at hindi inaasahang maiidlip ako. Nagising na lamang ako sa marahang pagyugyog sa balikat ko at bumungad sa akin ang nakakalokong ngiti ni Aiden. Malapit pa anh mukha niya sa akin. Itinulak ko siya bahagya at nagpalingon-lingon para tingnan ang paligid. "The fuck! Nasaan tayo?" tanong ko dahil nakikita ko ang mga nakahilerang babae sa daan. Sa likuran nila ay mga gusali na napapalamutian ng maraming ilaw. May mga larawan ng babaeng n*******d. Maingay rin sa palagid. May mga bumubusina, pawang mga nag-aagawan kung saan maipaparada ang kani-kanilang sasakyan. Ang nakahilerang mga babae ay pawang naka-panty at bra lamang. Hindi makapaniwala at kunot-noong napatingin ako kay Aiden. Gusto ko siyang suntukin dahil sa malaking ngisi niya sa labi habang tinataas baba ang kilay. Nakapameywang pa ang loko na nasa labas na ng kotse. "Mag-enjoy muna tayo. Alam kong marami ka nang natikmang babae sa America pero iba pa rin ang mga babae rito sa atin," palatak niya na nakapagpailing sa akin. Gusto ko na talaga umuwi at makapagpahinga. Kung bakit kasi hindi ko naisipang magpahanap ng sariling condo sa mga kaibigan ko. Ngayon ay no choice ako kundi sumama dahil siya ang may sasakyan at siya ang may-ari ng tutuluyan ko. "Bumaba ka na riyan, nasa loob na si Heron naghihintay. Ngayon kasi ang show ng paborito naming dancer." Nauna na itong umalis kaya wala akong nagawa kundi bumaba at sumunod. Ipinakita ni Aiden ang isang black card sa guard at lumingon sa gawi ko habang papalapit. Alam kong sinabi niyang kasama niya ako kaya hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pang pumasok sa loob. Kailan pa kaya naging regular ang mga mokong kong kaibigan sa lugar na ito? It's been six years noong una kaming tumapak sa lugar na ito. And it's memorable. Madilim ang paligid pagpasok ko. Punong-puno ng tao ang club at halos panay kalalakihan, mapabata man o matanda ay naroon. Napaisip akong sikat ang sinasabi nilang papanoorin dahil sa dami ng tao. Kinawayan ako ng dalawa kong ugok na kaibigan. Nasa pinakaunahan silang teybol. Harap na harap talaga ang puwesto nila at talagang pinaghandaan. Napailing akong tinungo iyon pagkatapos kong mai-off ang selpon ko. Inobliga kaming i-off iyon bago tuluyang makapasok. Nang makaupo ay pinagbuksan ako ni Heron ng isang bote ng beer. "Welcome back, Ali!" nakangiting bati niya sa akin sabay abot ng bote. Nagsalubong ang kilay ko dahil long hair na siya ngayon at nakalugay pa. "Ang baho mo tignan, bro!" palatak ko. Iba na talaga ang nagbubuhay malaya at naglulustay lang ng pera ng mayamang magulang. Tsk! "Mind your own business, bro," sagot niyang medyo seryoso. Tumango na lamang ako at agad na tinungga ang alak. Humagod ang init nito sa aking lalamunan. Mapait pero masarap sa pakiramdam. Puma-party ako sa America pero iba pa rin talaga sa pinas gaya ng sabi ni Aiden. Mas masaya dahil totoong mga kaibigan ang kasama ko. Nang biglang may lumapit sa aming tatlong mga babae. Naupo sa kandungan ni Heron ang isa. Sa tabi ni Aiden ang isa pang babae at sa akin naman nagtungo ang isang babaeng masasabi kong seksi pero walang appeal. Hindi ko type. "Hi pogi," bati niya sa akin at naupo sa tabi ko. Tinanguhan ko ito at umusog ako nang bahagya. "I'm Bev," saad niyang may pahimas sa hita ko. Pasimple kong iniiwas ang hitang hinaplos niya at umusog na muli palayo. Nahalata niya ang ginawa ko kaya napasimangot ito at tumingin sa dalawa kong kaibigan na nakamasid sa akin. "Pagpasensiyahan mo na Bev. Malamig pa iyan dahil pagod at kagagaling lang biyahe." Napairap ako sa sinabi ni Heron. Muli ko na lamang tinungga ang bote ng beer. "Halika na lang dito, Baby," anyaya ni Heron sa babaeng nasa tabi ko. Agad-agad namang tumayo ang babae sa tabi ko at padabog na umupo sa gitna ni Heron at Aiden. Nagkibit-balikat na lamang ako at itinuon ang pansin sa alak at pulutan. Masarap ang sisig na nasa harap ko. Sabayan pa ng musikang nakakapaglambot ng tuhod dahil sa nakakalibog na saliw nito. Bagay na bagay sa lugar na kinaroroonan namin. Nang biglang parang naging excited ang lahat nang umilaw ang entablado. Doon lang ang parteng maliwanag. May pole sa gitna pakiwari ko ay gagamitin ng inaabangan nilang dancer para sa pagsasayaw nito. Maging sina Aiden at Heron ay halatang excited at nakikisigaw sa mga tao. Nang biglang nagsimula na ang isang saliw ng musika na mabagal. Lumabas ang isang nakatalikod na babae. Nakapulang roba na maaninag pa rin ang katawan dahil sa nipis ng tela. Nagpagiling-giling ang babae. Ang indak ng katawan nito ay nakakaengganyo lalo na ang paggiling ng balakang nito kahit nakatalikod. Napalunok ako dahil mukhang tinatablan ako ng karisma ng babaeng pinagpapantasyahan ng karamihan. Ang smooth ng galaw niya. Sa bawat indayog ng balakang at puwetan niya ay napapakagat-labi ako at talagang nakatutok ang mga mata ko. Nang humarap ito ay talagang napanganga ako at nagulantang. Napaka-sexy ng babae na nakapulang bra at lace na panty. Mabibilog ang mga hita nito na binagayan ng mahahabang legs. Ang dibdib nito ay hindi ganoong kalakihan pero talagang nakakadala sa bawat indayog at pagtalbog nito sa pagsayaw. Ngunit ang nakaagaw talaga sa akin ng pansin ay ang mukha nitong natatakpan ng maskara. O naging interesado ako dito dahil nakasuot ito ng maskara. Para bang bumalik sa akin ang isang nakaraan na kahit gaano ko na gustong kalimutan ay paulit-ulit kong naaalala. Paulit-ulit akong dinadalaw lalo na sa mga panaginip ko. Paulit-ulit na hinahanap ng katawan ko. Ang babaeng nakatalik ko six years ago.Elyssa POINT OF VIEW Pinagmamasdan ko ang aking mag-ama habang naglalaro. Family time namin ngayon, isang buong araw ang dapat gugulin namin para makasama ang isa't isa. Nagta-trabaho si Aly samantalang nag-aaral naman ako kaya tuwing linggo, kailangan walang anumang sagabal. Kami lang muna dapat. Gusto ng asawa kong makapagtapos ako para maging katuwang niya sa negosyong iniwanan ni Lauro, este ng biyenan kong lalaki sa amin. Napailing ako dahil hindi pa rin ako nasasanay na tawagin siya bilang biyenan ko. Nasasagwaan akong tawagin siyang Papa gaya ng gusto nila Ali na itawag ko sa kanya. Siguro nga, hindi na rin mabubura sa sistema ko iyon. Kumaway ako nang kumaway ang mag-ama ko sa akin. Tinuturuan kasi ni Ali si EJ magbisikleta. Nang marinig ko ang pagtunog ng selpon ko. Nang tignan ko iyon, tumatawag si Ashley sa messenger. Agad kong pinindot ang video call. "Ate!" masayang bati agad ni Ashley. Napangiti ako dahil lumalaking napakaganda ni Ashley. Mukha na itong dal
Alyjah Point of View Pagod na pagod ako na naupo sa sofa. Sinandal ko ang aking likod at pumikit saglit. Wala ang mag-ina ko dahil may appointment sa doktor si Elyjah Gabriel.Gusto kong magtampo, paanong sa mismong kaarawan ko pa at hapon ang appointment ng anak namin? Hindi pa ako binati ng asawa ko at nakalimutan yata na kaarawan ko.Ang tahimik ng buong bahay at wala talagang nakaalala. Nakakatampo, di bale, hindi ko patutulugin asawa ko para sa birthday gift na gusto ko.Nagmulat ako at napasulyap sa aking relo. Alas siyete na, madilim na rin sa labas pero wala pa sila. Saang lupalop sila nagsusuot.Tatayo na sana ako nang biglang nag-brown out. Brown out nga ba? Dahil hindi pa ako nakaka-adjust sa dilim ay may pumaibabaw ng malamyos na saliw ng musika.Bigla ang paglitaw ng nakatalikod na nakaitim na bulto ng tao at nagsimulang gumiling. Alam kong gumigiling kahit hindi ko masyadong maaninag dahil sa dilim dahil sa padyak ng takong na suot niya.Natawa na lamang ako at umayos
Sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis na tinungo ni Meriam ang gate ng bahay dahil wala si Nanay Minda. Nagulat siya nang mapagbuksan ang isang magandang dalaga na sa tantiya niya ay kalahati lamang ng kanyang edad. "Mrs. De Silva? Puwede ba kitang makausap?" Malakas ang presensiya ng dalaga, mukhang palaban at kung ano man ang sadya nito sa kanya ay kinakabahan na siya. May kung anong kutob ang naramdaman niya. "Alam ko ang kalagayan ninyo ni Lauro, at kung maaari ay pakawalan mo na siya!" Nagulat si Meriam sa tinuran ng babaeng nagpakilalang Anassa. Ayon dito, siya raw ay kasintahan ni Lauro. Babaeng mahal nito. Umiling si Meriam at bahagyang natawa. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang sinasabi ng babae. Kahit napakakomplikado ang buhay mag-asawa nila ni Lauro, alam niyang hindi nito magagawa ang magloko. "Miss, bata ka pa. Malawak ang mundong naghihintay sa iyo. Kung ano man ang nararamdaman mo kay Lauro,kalimutan mo na. Pamilyadong tao ang minamahal mo," malumana
LAURO POINT OF VIEW Tinititigan ko si Ashley kasama si Meriam habang naglalaro sa parke. Hindi ko akalain na darating pa sa buhay ko ang ganitong kaligayahan. Akala ko, hindi na ako makakaranas na muling mahalin. Akala ko si Elyssa lang ang huling magmamahal sa akin. Babalik rin pala ako sa babaeng una kong minahal ng labis. Oo, minahal ko ang ina ni Ali. Minahal ko ngunit nasaktan lamang ako. "Nakikiusap ako, Lauro. Ikaw na lang ang umatras. Ayokong makasal sa hindi ko mahal," nagsusumamo niyang saad. Pinuntahan niya ako sa aking opisina para lamang makiusap na huwag pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama. Kinuyom ko ang aking kamao. Noon pa lang ay gusto ko na siya. Kaya bakit ko palalagpasin ang binigay na tyansa ng kanyang ama na maging akin siya. Gagawin ko na lamang ang lahat para mahalin niya ako. "Patawad, Meriam. Alam mo kung anong nararamdaman ko sa iyo. At kahit na ayawan ko ang ama mo, sigurado akong ipapakasal ka rin naman sa iba. Kaya ako na lamang." Nanlilisik ang
ALYJAH POINT OF VIEW Agad na dinaluhan si Ely pagdating namin sa klinika. Nagtaka pa ako dahil inuna siya bago ang ibang naroon at nakapila. "Anong nangyari?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin. "Nahematay po," sagot ni April nang hindi ako makapagsalita. "Okay, pakitawagan si doktor Jimenez. Pakisabi, nandito ang girlfriend niya." Tila bumagal ang paligid ko sa narinig. Girlfriend? Nino? Tama ba ako ng rinig? "Sir, dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala kay Miss Elyssa." Pigil sa akin ng nurse. Magsasalita sana ako at ipakilala ang sarili ko bilang a-sa-wa ni Ely ngunit agad niya akong tinalikuran. Naiwan na lamang akong napatulala roon at nakatitig sa pinto kung saan dinala si Ely. May napansin pa akong nagmamadaling pumasok na babaeng naka-gown ng pang doktor. Nanghihina akong napaupo sa mga bangko sa labas at nanatiling naghihintay ng resulta. Napapaisip pa rin kung sino ang doktor Jimenez at bakit girlfriend niya si Ely? Wala naman sa report na binigay ni Heron
ALYJAH POINT OF VIEW Magkaharap kaming nakaupo ni Ely sa isang mesa. Dahil sa nangyari kanina ay minabuting isara nang maaga ang karinderya. Malamlam ang mga mata kong nakatitig lamang kay Ely. Ayaw kong kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Gusto kong mangiti ngunit umuurong iyon sa tuwing mataman siyang tititig sa akin. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit blanko ang kanyang mukha na bumaling sa akin pagkatapos ko siyang maringgan nang malalalim na buntong hininga. "Bakit ka narito?" tanong niya. Hindi ko kinahihimigan ng galit ang kanyang boses ngunit halata kong hindi siya masaya na narito ako. Sino ba naman kasi ang magiging masaya na bigla na lang magpapakita ang taong nanakit sa kanya? "Ely," ika kong nais hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Agad niyang inalis doon para iiwas sa paggagap ko. Muli ko siyang pinakatitigan. Bawat anggulo ng mukha niya ay sinaulo kong muli. Hindi ko siya nakalimutan ngunit pakiramdam ko, iba ang bab