ALYJAH POINT OF VIEW
Bigla akong nag-init. Ito yung pakiramdam na hinahanap-hanap ng katawan ko noon pa, simula noong matikman ko ang babaeng iyon. Nagkarelasyon nga ako ng ibang babae sa America pero hindi ko naramdaman ang anumang init na meron ako gaya ngayon. Hindi ko matanto kung libog lamang ba iyon pero ngayon ay nagkakarambola ang bituka ko sa aking tiyan. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Patuloy sa pagsayaw ang babae na ngayon ay lumalambitin na sa tubo. Ang mga kalalakihan ay nagpapaulan ng pera sa entablado. Pinapalakpakan nila ang babae at sinisigawan. "Sige pa baby, igiling mo pa!" sigaw ng isang matanda. Halatang lasing na lasing at gustong pumunta sa taas ng entablado. Agad itong hinawakan ng security na nakapalibot sa stage. Tatlong tugtog ang sinayaw ng babaeng nakamaskara. Hindi pa rin ako makapaniwala sa epekto nito sa akin. Nanood lamang ako pero halatang nagkaroon ng matinding epekto sa akin. I was literally hard under my garments. Agad na umalis ang babae sa entablado nang matapos ang sayaw. Nakatunganga pa rin ako na nakatingin doon kahit wala na ito at may tatlumpong minuto na ang nakalipas. "Ano na 'pre? Natulala ka na riyan?" pangbubuska ni Aiden na nakangisi pa. "Sino iyon?" tanong ko at napatingin ako kay Heron pero kahalikan na niya ang dalawang babae sa tabi. Napailing na lamang ako habang ang kamay niya ay naglalandas na rin sa kung saan. Mukhang doon niya itinutok ang init nang dahil sa napanood kanina. Sabi ni Aiden ay paborito nila ang babaeng sumayaw. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nagpapantasiya sa babaeng iyon, pati itong mga kaibigan ko. Kailan pa kaya sila naging interesado sa kanya? Nagsisimula na rin magka-ingay muli sa loob. Mga musikang ma-indak na ang nakapaimbabaw na maririnig at mga sari-saring kuwentuhan at tawanan. "Walang nakakaalam," sagot ng babaeng katabi ni Aiden nang magawi ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Kahit kami ay hindi namin kilala. Ang may-ari lamang ang nakakaalam ng pagkatao ng babaeng iyon," dagdag niya na lalong nagpamisteryoso sa pagkakakilanlan ng babaeng nakamaskara. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil walang makuhang maayos na impormasyon. Nang may maglapag ng inumin sa aming mesa. Nagtaas ako ng tingin sa isang babae na kasalukuyang nakayuko at kinukuha ang boteng wala ng laman. Nagtama ang mga mata namin ng waitress. Nakadamit ito ng itim na uniporme. Maikli ang skirt na kapag talagang yumuko ay kita ang panloob na suot. Iyon nga lang ang babaeng nasa harap ko ay nakacycling shorts. Nakita ko iyon kanina noong muling yumuko dahil sa nahulog niyang bote sa sahig. "Yssa naman, hanggang ngayon ba naman isa ka pa ring dakilang lampa!" mataray na ika ng nagpakilalang Bev kanina. Nakairap ito sa babaeng patuloy na kumukuha ng boteng napag-inuman na namin. Hindi umimik ang babaeng tinawag niyang Yssa. Nang biglang bumaling ang tingin ng babae sa akin. Napaiwas ako bigla nang irapan niya ako at medyo tinakpan ang nakabuyangyang niyang puwetan sa akin. "Magtatrabaho-trabaho ka rito tapos ganyan ka makaasta. Pa-inosente!" nakaismid kong ika pero sinarili ko na lamang. Umalis na siya sa mesa namin pero lihim ko siyang pinagmasdan. Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw ng babae. Lihim ko rin siyang pinag-aralan. Seksi siya at maganda. Napakainosenteng tingnan ng mukha niya. Parang ang sarap halikan ang mga labi niya. Napansin kong mamula-mula iyon kahit walang lipstick. Naramdaman ko sa aura niya ang pagiging palaban. Natawa na lamang ako sa isiping buti hindi niya ginamit sa mga babaeng bayaran na kasama namin ang pagiging palaban niya. Muli akong uminom habang sinusundan pa rin ng tingin ang babae. Samantalang ang mga kasama ko ay nagmamake-out na sa kani-kanilang upuan. Wala ako sa mood para makipaglandian. Itong bote na lamang ng beer ang ka-lips to lips ko. Kahit malamig ang bibig nito ay napapainit naman niya ang lalamunan at buong katawan ko. Shìt! Bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang imahe ng babaeng nakamaskara kanina. Naglalaro sa isipan ko ang pagsasayaw niya kanina. Mas lalo tuloy akong nag-init. Naibaba ko ng pabagsak ang boteng hawak ko, kumalansing iyon dahil nasagi ang ilan pang bote sa harap ko. Kinuha ko ang aking selpon na pinatay ko kanina. Bawal daw kasi kunan ng video ang babaeng nakamaskara kaya pinapaturn-off nila sa amin. Nang ma-on ko iyon ay bumungad agad ang sunod-sunod na text ni Papa. *Where are you? Sabi ng Tita mo ngayon ang uwi mo. If you're here to make your self a mess. Go back! Wala akong panahon para linisin ang gulong kasasangkutan mo* Nagtiim bagang ako habang muling pinatay ang aking selpon. Ayaw kong makausap si Papa. Ayaw kong ipaalam kung nasaan ako. Ayaw ko siyang makita. "Ano ba?" Boses iyon ng isang babae. Galit ang tono. Napabaling ako sa gawing kaliwa ko kung saan may gulong nangyayari. Hindi masyadong kapansin-pansin dahil nasa sulok na bahagi iyon ng club. Nakapalibot ang limang lalaki sa hindi ko makitang pigura. "Ang arte mo, babayaran ka naman namin eh, bakit ayaw mong makipag-table sa amin?" singhal ng isang lalaki sa babaeng pinalibutan nila. Gusto ko sanang ignorahin na lang at huwag nang dumamay sa gulo. Aalisin ko pa lamang sana ang tingin ko nang makita ko ang babaeng pinagti-tripan nila. Naibaling kasi ng isang lalaki ang mukha nito sa kanan dahil sa malakas na suntok na binigay ng babae. "Waitress lang ako rito. Hindi ako nakiki-table. Hindi ako nagpapabayad!" singhal niya sa mga lalaki. Pilit na umaalis mula sa pagkakapalibot sa kanya. "Alam mong babae ka, nakakairita ka na. Magkano ka ba, ha?" singhal na muli ng isang lalaki. Napatayo ako bigla dahil sinabunutan ng lalaki ang buhok ng babae dahilan para mapatingala ito. Nagtama ang mga mata namin. Imbes na pagmamakaawa ang makita ko sa mga mata ng babae, galit at determinasyon ang naroon. Mukhang hindi takot sa limang lalaki. "Namumuro ka na sa amin ah!" sabi pa ng isa. Sasampalin na sana niya ang babae nang bigla itong sipain sa gitna ng hita ng waitress na iyon. Napasigaw ang lalaki na nakakuha sa atensiyon ng ibang naroon. Kung kanina ay walang nakakapansin ngayon ay pinagtitinginan na sila. "Walang hiya ka!" sigaw ng isang lalaki. Agad akong napahakbang at palapit na sa grupong iyon dahil sa pagsampal ng isang lalaki sa waitress. Hindi makapalag ang waitress dahil hawak siya ng dalawang lalaki sa kamay. "Saan ka pupunta?" dinig kong tanong ni Heron pero hindi ko na siya nakuha pang sagutin dahil mabilis akong tumakbo para puntahan ang babaeng minamaltrato ng mga walang bayag na lalaki. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinagbubuhatan ng kamay ang sinumang babae. Isa pa sanang sampal ang dadapo sa pisngi ng babae pero maagap kong nahawakan ang kamay ng lalaking mataba at may bigote. "Pare, ang babae minahal hindi sinasaktan," saad kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Malaki nga ito pero alam kong puro taba at hangin lang ang inilaki nito. Mas lamang pa rin ako kung muscle sa pangangatawan ang pagbabasehan. Matangakad din ako kaya natatanaw ko na ang bunbunan niyang nakakalbo. "Pwe! Huwag ka ngang makialam dito. Ang babae kapag ayaw sumunod dapat pinapaluhod!" ika niyang ngumisi pa. Pilit hinihila ang kamay na hawak ko. Iniikot ko at nilagutok ang leeg ko dahil sumakit yata sa narinig mula kay taba. Binitiwan ko patulak ang kamay niya at umabante palapit. Siya namang pagsugod ng dalawang kasama pa niya sa akin. Handang-handa na ako roon ng hinawi ng dalawa kong kaibigan ang mga lalaking papasugod. Parang basura lang na itinapon nila Aiden at Heron ang mga ugok. Karate player si Aiden samantalang Teakwondo naman si Heron. Ako lang talaga sa kanila ang hindi mahilig sa sports. Marunong lang talaga akong lumaban dahil sa pakikipagbasag-ulo ko kahit noon pa man. Susugod na sana ang iba nang biglang may pumagitna sa aming mga nakauniporme ng itim. "Ano'ng kaguluhang ito?" Isang matandang babae ang biglang lumitaw mula sa likod ng tatlo pang guwardiya. Maraming kolorete sa mukha at makapal ang make-up. Ang buhok ay kulot at buhaghag. Cool lang kaming tatlo na nakatayo roon at nagkunwaring walang alam. Ang matandang babae ay bumaling sa limang lalaki na halos mababanaagan na ng takot sa mukha. Ang babaeng waitress naman ay nakayuko lamang. "Yssa, ano namang gulo ang pinasok mo?" Galit at halatang dismayado ang tono ng boses ng matandang babae. Pakiwari ko ito ang may-ari ng club. Hindi umimik ang waitress. Parang naputulan ng dila na nakatungo lamang. "Paki-ban ang limang ito sa club." Isang bakla ang sinabihan ng matandang babae. Ang manager yata ng club. "Yes mam," sagot nito at agad na tumalima. Nakamasid lamang kami habang iginigiya ng mga guwardiya ang limang lalaki. Nabaling ang tingin ko sa babae na palihim na sumusulyap sa gawi ko. "At ikaw naman, Yssa. Sumunod ka sa opisina ko," tawag ng matandang babae sa babaeng palihim na sumulyap muli sa gawi ko. Tumango ito pagkatapos at sumunod na. Sinundan ko siya ng tingin. Bago pa man siya mawala sa paningin ko ay sumulyap muli siya sa akin at ngumiti. "Salamat," sabi niya na nabasa ko na lamang sa pamamagitan ng kanyang bibig. Tinanguhan ko siya. Kakaibang pakiramdam ang biglang hatid niya sa akin.ELYSSA Nakatungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri at nakikinig sa sermon ni Mamang. Naririndi na ako sa kakasermon niya. Paulit-ulit din lang naman ang mga sinasabi. Sa bawat punta ko sa kanyang opisina ay iisa lamang ang laman ng sermon niya sa akin. Oo, inaamin kong may punto siya. Pero hindi ba puwedeng hayaan na lang niya ako. Alam ko ang tama at mali. Alam ko ang karapatan ko bilang trabahador niya sa club. "Elyssa, kung gusto mong tumagal bilang waitress dito dapat marunong kang makisama. Marunong mong sayawan ang mga customer! Hindi iyong napapaaway ka lagi. Hindi ko kayang protektahan lagi ang mga trabahador ko rito..." Napangiwi siya at napabuga ng hangin dahilan para tampalin niya ang mesa gamit ang kamay. Halata yatang hindi ako nakikinig sa kanya. Paano naman kasi, memoryado ko na ang bawat katagang binabanggit niya. Pumapasok na nga lamang sa isang teynga ko at lumalabas sa kabila. "Elyssa! Hindi na ako nagbibiro. Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag nagpatulo
ALYJAH (Spg alert)Sabay kaming umuwi ni Aiden at ako na rin ang nag-drive sa kotse niya dahil lasing na siya. Si Heron naman ay nag-hotel kasama ang dalawang bebot na ka-table niya kanina.Buti na lang at hindi pa nagpapalit ng address itong si Aiden kahit anim na taon na ang nakalilipas na wala ako. Pagkababa ko ay hinayaan ko na lamang ang maleta at ilang gamit ko sa compartment ng kotse niya. Tanging bagpack ang dinala ko at inakay na siya papasok sa bahay niya.Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang isang kagila-gilalas na tanawin! Parang binagyo ang condo unit ni Aiden. Napailing akong inakay siya hanggang kuwarto at binagsak siya sa kama. Hindi ko na pinag-aksayahang tanggalin ang kanyang sapatos. Iniwanan ko na lamang siya roon na matulog at muling lumabas doon.Napabuga ako ng hangin dahil kahit gusto ko na rin magpahinga ay hindi ko naman magawa. Paano ba naman kasi kahit sofa niya ay hindi mahigaan sa nagkalat na mga damit. Ni hindi ko nga alam kung malinis ba o marumi ang mga
BABAENG NAKAMASKARASabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club na pinagtatrqbahuan ko. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang limampong anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya. Pinili para i-table at bayaran. Suwerte nga ba?Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid.Hindi ako nakikipagteybol o nakikipaglandian sa mga customer. Pagkatapos ng sayaw, dapat ay aalis na ako. Ayaw kong makipag-usap kahit pa marami ang nagre-request at magbayad ng malaki. Kaya lang ay iba ang matandang ito. Bukod sa malaki ang bayad niya sa ora
Babaeng NakamaskaraMalungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club.Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida."Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya." Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw."Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko. Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak."Alam kong sinusundan mo ako. Kaya kahit hindi ko s
ELYSSA POINT OF VIEW Pangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam niya kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos niya sa pagkaka-hospital. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya. Hinaplos ko sa braso si Papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog. Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin. "A-nak..." Mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si Papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya. "Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam, niyakap ko muna siya ng mahigpit at agad na umalis. Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magkapera. Kung patatagalin ko pa si Ashley sa hospit
ALYSSA POINT OF VIEW Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tingnan siya lalo na at sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon. Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko. "Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko. Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit? Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hang
"Elyssa, buti narito ka na. Kailangan ko nang umalis!" Isinara niya ang bag at isinukbit iyon sa balikat. Binigyan ko siya ng espasyo para makadaan palabas ng counter. Ako naman ay pumasok pagkatapos niyang makalabas. "Mag-iingat ka pauwi!" sigaw na bilin ko nang malapit na siya sa pinto. Inayos ko naman agad ang gamit ko sa ilalim ng counter. Nakakatuliro ang magbantay lalo na at madalang lang naman ang bumibili. Hindi naman ako puwedeng matulog. Nakabukas lang ang store ng bente kuwatro oras dahil ang nakapalibot dito ay mga motel at inn kung saan nagchecheck-in ang mga tao. Karamihan ay mga nagsho-shorttime at kailangan ng makakain at maiinom. Pinatay ko ang oras ko sa pagbabasa ng goodnovel stories sa selpon ko. Naki-connect ako sa kapitbahay na motel kaya libre ako sa wifi. Ngayon nga ay hooked na hooked ako sa binabasa kong story. Billionaire's bed warmer ang title. Malapit na ring matapos kaya naman nakatutok ako sa bawat update. Nakakatatlong istorya ako kapag walang bum
Pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay saka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki ay sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya. Nakaupo siya sa bakanteng kama at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay. "Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa paanan ng hospital bed na kinaroroonan niya habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Agad kong itinago sa aking likod ang may sugat na kamay. "Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya. "Okay lang, nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti..." "Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas na pinto.
Sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis na tinungo ni Meriam ang gate ng bahay dahil wala si Nanay Minda. Nagulat siya nang mapagbuksan ang isang magandang dalaga na sa tantiya niya ay kalahati lamang ng kanyang edad. "Mrs. De Silva? Puwede ba kitang makausap?" Malakas ang presensiya ng dalaga, mukhang palaban at kung ano man ang sadya nito sa kanya ay kinakabahan na siya. May kung anong kutob ang naramdaman niya. "Alam ko ang kalagayan ninyo ni Lauro, at kung maaari ay pakawalan mo na siya!" Nagulat si Meriam sa tinuran ng babaeng nagpakilalang Anassa. Ayon dito, siya raw ay kasintahan ni Lauro. Babaeng mahal nito. Umiling si Meriam at bahagyang natawa. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang sinasabi ng babae. Kahit napakakomplikado ang buhay mag-asawa nila ni Lauro, alam niyang hindi nito magagawa ang magloko. "Miss, bata ka pa. Malawak ang mundong naghihintay sa iyo. Kung ano man ang nararamdaman mo kay Lauro,kalimutan mo na. Pamilyadong tao ang minamahal mo," malumana
LAURO POINT OF VIEW Tinititigan ko si Ashley kasama si Meriam habang naglalaro sa parke. Hindi ko akalain na darating pa sa buhay ko ang ganitong kaligayahan. Akala ko, hindi na ako makakaranas na muling mahalin. Akala ko si Elyssa lang ang huling magmamahal sa akin. Babalik rin pala ako sa babaeng una kong minahal ng labis. Oo, minahal ko ang ina ni Ali. Minahal ko ngunit nasaktan lamang ako. "Nakikiusap ako, Lauro. Ikaw na lang ang umatras. Ayokong makasal sa hindi ko mahal," nagsusumamo niyang saad. Pinuntahan niya ako sa aking opisina para lamang makiusap na huwag pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama. Kinuyom ko ang aking kamao. Noon pa lang ay gusto ko na siya. Kaya bakit ko palalagpasin ang binigay na tyansa ng kanyang ama na maging akin siya. Gagawin ko na lamang ang lahat para mahalin niya ako. "Patawad, Meriam. Alam mo kung anong nararamdaman ko sa iyo. At kahit na ayawan ko ang ama mo, sigurado akong ipapakasal ka rin naman sa iba. Kaya ako na lamang." Nanlilisik ang
ALYJAH POINT OF VIEW Agad na dinaluhan si Ely pagdating namin sa klinika. Nagtaka pa ako dahil inuna siya bago ang ibang naroon at nakapila. "Anong nangyari?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin. "Nahematay po," sagot ni April nang hindi ako makapagsalita. "Okay, pakitawagan si doktor Jimenez. Pakisabi, nandito ang girlfriend niya." Tila bumagal ang paligid ko sa narinig. Girlfriend? Nino? Tama ba ako ng rinig? "Sir, dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala kay Miss Elyssa." Pigil sa akin ng nurse. Magsasalita sana ako at ipakilala ang sarili ko bilang a-sa-wa ni Ely ngunit agad niya akong tinalikuran. Naiwan na lamang akong napatulala roon at nakatitig sa pinto kung saan dinala si Ely. May napansin pa akong nagmamadaling pumasok na babaeng naka-gown ng pang doktor. Nanghihina akong napaupo sa mga bangko sa labas at nanatiling naghihintay ng resulta. Napapaisip pa rin kung sino ang doktor Jimenez at bakit girlfriend niya si Ely? Wala naman sa report na binigay ni Heron
ALYJAH POINT OF VIEW Magkaharap kaming nakaupo ni Ely sa isang mesa. Dahil sa nangyari kanina ay minabuting isara nang maaga ang karinderya. Malamlam ang mga mata kong nakatitig lamang kay Ely. Ayaw kong kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Gusto kong mangiti ngunit umuurong iyon sa tuwing mataman siyang tititig sa akin. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit blanko ang kanyang mukha na bumaling sa akin pagkatapos ko siyang maringgan nang malalalim na buntong hininga. "Bakit ka narito?" tanong niya. Hindi ko kinahihimigan ng galit ang kanyang boses ngunit halata kong hindi siya masaya na narito ako. Sino ba naman kasi ang magiging masaya na bigla na lang magpapakita ang taong nanakit sa kanya? "Ely," ika kong nais hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Agad niyang inalis doon para iiwas sa paggagap ko. Muli ko siyang pinakatitigan. Bawat anggulo ng mukha niya ay sinaulo kong muli. Hindi ko siya nakalimutan ngunit pakiramdam ko, iba ang bab
ALYJAH POINT OF VIEW Kahit gustuhin kong puntahan agad si Ely, I've been caught of some business work and couldn't go. Isali pa ang biglang pagdating ni Papa. Ang paghingi niya ng tawad at ang planong maagang pagreretiro. At ang desisyon niyang manatili na sila ni Ashley sa America, kasama si Mama. I just couldn't believed at first! Akala ko talaga ay nagkaroon lamang sila ng closure. Hindi ko talaga inakala na magkakabalikan sila at gustuhin ni Mama na manatili sa tabi ni Papa, kasama pa ang anak ni Papansa ibang babae. I'm not against it. Hindi ko nga lamang talaga maintindihan. Pero hindi ko muna poproblemahin iyon. I want what is mine back to me. I want Ely no matter what. Balak kong hindi muna agad magpakita kay Ely. Ayaw ko siyang gulatin at baka bigla na naman siyang mawala. Pero minabuti kong malapit lang sa kanya kaya umupa ako ng isang kuwarto dalawang pinto lang ang layo sa kanyang tinitirhan. Sa unang araw ay para akong stalker na nakasunod sa kanya. Suot ko ang i
ALYJAH POINT OF VIEW "Ely!" Bumalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis na naman ako kahit pa malamig naman sa kuwarto dahil may aircon. Umusod ako at nilapat ang likod sa headboard. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inalala ang aking panaginip. Iyon na naman. Hinahabol kong muli si Ely habang mabilis na papalayo sa akin. Masaya siyang lumalayo habang ako naman ay tila nakagapos at hindi siya maabot kahit anong pilit kong abutin siya. Napahagulgol ako sa aking mga kamay. Dala siguro ito ng galit ko sa kanilang dalawa na ngayon ay masaya nang nasa ibang bansa. Masaya na silang nagsasama ngayon ni Papa, ni hindi ko gustong makibalita dahil alam kong masasaktan ako. Pero inaamin ko sa sarili kong hindi lamang galit itong nasa dibdib ko. Alam kong nagsisisi ako dahil hinayaan ko na lamang sila. Ipinaubaya ko ang babaeng mahal ko sa sarili kong ama. Na-mi-miss ko si Ely. Na-mi-miss ko ang presensiya niya sa buhay ko. Ang positibong hatak niya sa pagkatao ko. Ngayon kasi, tila
Babaeng Nakamaskara/Elyssa POINT OF VIEW Apat na buwan na ang aking tiyan. Nasa klinika ako ni Braden dahil nakaramdam ako ng matinding hilo kaya dinala ako roon ni Nanay Joy. Ang balak kong pag-alis ay hindi nangyari, lalo na noong nakompromiso ang kalagayan ko at ng anak ko. "Hindi ka talaga nakikinig sa akin Elyssa!" galit na singhal sa akin ni Braden. Pinagbawalan na niya akong magbuhat ng mabigat ngunit hindi ko sinunod kaya dinugo ako. "Matanda na si Nanay Joy. Alangan naman siya ang pagbuhatin ko ng basket ng gulay," pamimilosopo ko kay Braden na halatang ikinairita niya. "Magpa-ultrasound ka. Tignan natin kung anong lagay ni baby..." bumuntong hininga siya. "Tsk! Hindi ka kasi nag-iingat. Akala ko ba siya na lang ang kayamanang meron ka, tapos pinapabayaan mo naman sarili mo!" muli niyang sumbat sa akin na ikinalabi ko. Sa klinika niya rin ako nag-ultrasound. General doctor siya at siya ang may-ari doon. Katabi ko siya habang kasalukuyan akong nakahiga at tinitignan an
BABAENG NAKAMASKARA POINT OF VIEW Hindi ko alam kung kakayanin ko ang araw-araw na pangungulila. Sa ngayon ang kailangan ko ay mabuhay na malayo sa lahat. Sa isang maliit na kuwartong inuupahan ko, kinalap ko ang gamit ko papunta sa aking trabaho. Nagawa kong makapasok sa tindahan ng mga gulay. Maliit lang ang kita pero ayos na kesa sa wala. Walang-wala kasi ako ngayon. Ang perang naipon ko mula sa pagsasayaw noon ay tila bulang naglalaho. Hindi ko pa man nahahawakan ay napupunta na sa mga utang. Utang na hindi naman ako ang nakinabang. Nang maayos na ako'y naglakad na ako patungo roon. Labin-limang minutong lakad. Wala akong pambayad sa trycicle kaya nanaisin ko na lamang lakarin iyon. Mainam pa na ehersiyo sa kalagayan ko. Tatlong linggo na rin ako kay Aling Joy. Mabait siya at itinuturing niya akong parang anak, hindi niya ako itinuring na iba nang mapadpad ako sa bayan nila. Bayan ng Sta. Lucia. "Sana ay makarami tayo," puno ng pag-asang sabi niya at naupo na sa monoblock c
ALYJAH POINT OF VIEW I am ready to listen. Bubuksan ko na ang isip ko para intindihin at subukang paniwalaan ang sasabihin ni Ely. I want her to tell me everything, walang halong kasinungalingan. Kahit na masaktan ako'y pakikinggan ko siya. Bubuksan ko ang kaisipan ko para sa kanya. Hindi ko man lubos na mapatawad si Papa, at least masasabi kong kaya kong paniwalaan si Ely. Kaya ko siguro siyang intindihin. My heart told me to trust her completely. Kung iiwanan niya si Papa para sa akin, we may have a happy ending. Huwag lang gumitna sa amin ulit si Papa. I am sure, makakapagsimula kaming dalawa. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko pauwi sa bahay. Wala akong ibang naiisip kundi si Ely at makausap ito. Panay ang lunok ko nang makababa na ako sa kotse. Nasa garahe na ako ng bahay at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nanlalamig at pinagpapawisan ang aking palad. Matagal na rin kasi ang isang buwan na hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung gaya pa ba siya na hinihintay