Share

Chapter 4

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-17 10:48:16

ELYSSA

Nakatungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri at nakikinig sa sermon ni Mamang. Naririndi na ako sa kakasermon niya. Paulit-ulit din lang naman ang mga sinasabi. Sa bawat punta ko sa kanyang opisina ay iisa lamang ang laman ng sermon niya sa akin. Oo, inaamin kong may punto siya. Pero hindi ba puwedeng hayaan na lang niya ako. Alam ko ang tama at mali. Alam ko ang karapatan ko bilang trabahador niya sa club.

"Elyssa, kung gusto mong tumagal bilang waitress dito dapat marunong kang makisama. Marunong mong sayawan ang mga customer! Hindi iyong napapaaway ka lagi. Hindi ko kayang protektahan lagi ang mga trabahador ko rito..."

Napangiwi siya at napabuga ng hangin dahilan para tampalin niya ang mesa gamit ang kamay. Halata yatang hindi ako nakikinig sa kanya. Paano naman kasi, memoryado ko na ang bawat katagang binabanggit niya. Pumapasok na nga lamang sa isang teynga ko at lumalabas sa kabila.

"Elyssa! Hindi na ako nagbibiro. Mawawalan ka talaga ng trabaho kapag nagpatuloy pa ito. Kung hindi lang sa kapatid mo..."

Napataas ako ng tingin sa kanya at tumitig kaya tumahimik si Mamang.

"Elyssa, alam mo naman na..."

Hindi siya makaapuhap ng katagang isusunod kaya muli siyang napabuga ng hangin. Bigla din siyang umamong parang tupa.

"Wala ka na bang sasabihin, Mamang? Kung wala na, puwede na ba akong umalis? Kailangan kong matapos agad sa trabaho. Kailangan kong ibilhan si Ashley ng gamot kaya kailangan kong makaalis agad," ika kong kinuha ang apron na isinabit ko sa upuan bago siya magsimulang manermon kanina.

Napabuntong hininga siya at tumalikod sa akin. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng kanyang drawer. Pagharap niya ay may inabot na siya sa aking isang libong piso.

Umiling ako para tanggihan iyon pero lumapit na siya sa akin, kinuha ang kamay ko at pilit isiniksik ang pera sa nakatikom kong kamay.

"Mamang..."

"Kunin mo, para kay Ashley," malamlam ang mga mata niyang sabi. Tipid na nangiti at tinapik ako sa balikat. "Oh siya, magtrabaho ka na. Umiwas sa gulo!" paalala niya bago ko pa man maisara ang pinto.

Wala sa huwisyong naglakad ako sa madilim na corridor. Tumulo ang luha ko habang mahigpit na hawak ang perang bigay ni Mamang. Napatigil ako at hinayaang tumulo ang luha. Napasandig ako sa dingding at doon, ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Buti na lamang madilim at malayo sa mga tao. Kahit pa humikbi ako ay walang makakakita at makakarinig sa akin.

Ang sakit-sakit at ang bigat sa dibdib habang naaalala ko si Ashley. Bukod kasi sa bulag ito, nasa hospital na naman dahil sa nahihirapang huminga. May butas ito sa puso at nangangailangan siya ng isang operasyon. Kaya nga todo ako sa pagkayod para maisalba ang inosenteng bata. Mahal na mahal ko ang kapatid ko para pabayaan lang. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama. Kahit ikamatay ko pa ang pagkayod nang pagkayod sa trabaho ay titiisin ko maka-ipon lang ng malaking halaga para sa kanya.

Ako na lamang ang inaasahan niya para madugtungan ang buhay na pinagkaloob sa kanya ng Maykapal. Kailangan niyang mabuhay. Para makapagpatuloy rin akong lumaban at gustuhing mabuhay pa. Mas labis ko siyang kailangan para hindi ako tuluyang lamunin ng dilim. Para hindi ako tuluyang sumuko sa hamon ng buhay. Mas kailangan ko ni Ashley kaysa ang kailangan niya ako.

Akala ko walang makakakita sa akin. Pero nang mapahikbi akong muli ay may biglang nag-abot sa akin ng isang panyo. Inaninag ko ang bulto ng taong nakatayo sa harapan ko. Sa tindig pa lang at taas nito ay alam ko na kung sino. Bagaman hindi ko kilala ang pangalan ng lalaki, alam kong siya iyon.

"Salamat," matipid kong saad sabay abot ng panyong nakalahad sa harapan ko. Pinunasan ko ang luha at hindi ko maiwasang masamyo ang mabangong amoy ng panyo niya.

Bangong mamahalin. Sabagay ang club namin ay hindi basta-basta. Malalaking tao at mayayaman ang mga nakapasok at ekslusibo lamang sa mga nakarehistro sa club. Parang piputsugin ito sa labas pero kapag nasa loob na ay makikita ang pagiging sosyalin. Mula sa inumin, sa mga palamuti hanggang sa mga babaeng nagpapa-table at mga babaeng nagpapabayad. Hanggang sa amin na mga waitress.

May mga test rin kaming ginagawa buwan-buwan lalo na sa mga nagpapakama sa customer.

"Sorry kung naistorbo kita. Nawawala yata kasi ako. Hinahanap ko ang washroom 'nyo." Ang mababa at baritonong boses nito ay tila lumamutak sa aking sikmura. Napakaguwapong pakinggan na kahit nakapikit ako nang magsalita siya ay alam kong guwapo. Madilim ang paligid pero naaninag ko ang nakangiti niyang mukha.

"Nawawala ka nga, sa dulo roon dapat kumaliwa ka," saad kong itinuro kung saan ito galing.

Humalakhak siya at napakamot sa ulo.

"Ah!" Napatango-tango siya at muling humalakhak.

"Tuloy, naistorbo ko ang moment mo. Napagalitan ka ba?" kaswal lang na tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsalita dahil ayaw kong magkuwento. Hindi ko siya kilala kaya mas nanaisin kong tumahimik kahit pa nga nakita niya ako sa ganitong sitwasyon. Ipininid ko ang aking bibig dahil sa kahihiyang nakita ako ng isang estranghero sa mahinang kalagayan.

"Salamat sa panyo. Regular guest ka ba rito? Ibabalik ko na lamang pagkatapos kong labhan." Inilagay ko sa aking bulsa ang panyo at naglakad na patungo sa club.

Humabol siya sa akin at sumabay sa paglalakad ko. Tahimik namin binaybay ang madilim na corridor na tanging ang ilaw sa loob ng club ang naging tanglaw. Nang magliwanag na ay humarap ako sa kanya.

"Doon ang banyo." Tinuro ko ang gawing kaliwa.

"Salamat uli," sabi kong tinalikuran na siya.

"Sandali."

Napapitlag ako sa paghawak niya sa kamay ko at pagpigil sa akin. Tila ba may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Agad kong hinila ang aking kamay. Dahilan ng gulat niya sa mukha at pagkapalis ng ngiti niya sa labi.

"Sorry, I don't mean to hold..."

"May tatanungin ka pa ba?" putol ko sa sasabihin niya. "Magtatrabaho na kasi ako," dagdag ko para hindi naman siya masyadong mapahiya sa ginawa ko. Baka akala niya pinandidirihan ko siya.

Pilit siyang nangiti at muling napakamot sa batok. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ngayong maliwanag na, mas lalo pala siyang guwapo. Kahit tipid ang ngiti niya halata ang maliit at bilog nitong biloy sa magkabilang pisngi. Medyo pangahan ito. Makapal ang kilay pero nababagay sa mapupungay niyang itim na mata. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Mukhang alaga sa gym. Nasa saktong parte kasi ang muscles niya lalo na kung sisipating mabuti. Kanina ko pa siya lihim na pinag-aaralan nang mag-serve ako sa kanila. Guwapo siya at nakuha niya ang atensiyon ko. Pero hanggang doon na lamang iyon.

"Huwag na!" Kapagdaka'y pag-atras niya sa sasabihin. Itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko na lang at ayaw nang magtanong.

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Sabihin mo na. Mahirap iyan kapag hindi mo nailabas. Baka lumabas sa ibang parte ng katawan mo dahil pinigilan mo," pagbibiro ko para pagaanin ang usapan.

Napakunot noo siya sa akin. Hindi nakuha ang ibig sabihin ng biro na sinabi ko. "Baka mautot ka kapag pinigilan mo." Pilit akong tumawa sa joke kong wala din naman katuturan. "Tanungin mo na baka kasi mautot rin ako kakaisip kung ano ang gusto mong sabihin," sabi kong tinitigan ang mata niya. May malawak na ngiting nakapagkit sa mga labi ko. Bilang pasasalamat sa panyong ipinahiram niya ay sasagutin ko anomang tanong iyon.

Ngumiti siya, ngayon ay hindi na pilit. Lalo tuloy lumabas ang biloy niya. Pero ang mga mata niya.

"Hmmm, mahirap nga mautot lalo na at nakikitira lang ako sa kaibigan ko," ika niyang natatawa na at may pahimas pa sa batok.

"A..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila palapit sa katawan niya. Halos hindi ako makahinga sa naramdamang kaba. Bigla ring may naghabulan na kabayo sa dibdib ko. Malakas ang pintig bigla ng puso ko.

Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Napatingala ako sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa gawi kung saan ako naroon kanina. Ibinaling ko ang tingin ko roon.

May lasing na lalaking pasuray-suray. Nasa gitna kasi kami nag-uusap kaya siguro hinila niya ako para hindi mabangga.

Agad akong humiwalay sa kanya at umayos ng tayo. Alam kong namumula na ang pisngi ko dahil sa nangyari. Nilaro ko ang aking daliri para pakalmahin ang sarili.

"Sorry..."

"Ayos lang," agap kong saad at muling tumingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin at para bang tinatantiya kung magtatanong pa ba.

Tumikhim ito at nag-alis ng bara sa lalamunan.

"T-he mask wo... ahmmm! K-kilala mo ba iyong babaeng nakamaskara?" Napabuga siya ng hangin pagkatapos masabi ang gusto.

Hindi ako agad nakaimik sa tanong niya. Natawa ako ng lihim. Akala ko may pag-asa ako sa isang ito. Isa rin pala sa nahumaling sa babaeng nakamaskara.

Nginitian ko siya. "Hindi eh," tipid kong sagot saka iniwanan na siyang nakatayo roon. Naisip kong iba talaga ang karisma ng babaeng nakamaskara. Lahat ay nahuhumaling dito.

Napalabi akong nagbalik sa trabaho. Sayang.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Mukang hindi magkapatid sina Yssa at Ashley.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Wife Is My Father's Mistress   SPECIAL CHAPTER 3

    Elyssa POINT OF VIEW Pinagmamasdan ko ang aking mag-ama habang naglalaro. Family time namin ngayon, isang buong araw ang dapat gugulin namin para makasama ang isa't isa. Nagta-trabaho si Aly samantalang nag-aaral naman ako kaya tuwing linggo, kailangan walang anumang sagabal. Kami lang muna dapat. Gusto ng asawa kong makapagtapos ako para maging katuwang niya sa negosyong iniwanan ni Lauro, este ng biyenan kong lalaki sa amin. Napailing ako dahil hindi pa rin ako nasasanay na tawagin siya bilang biyenan ko. Nasasagwaan akong tawagin siyang Papa gaya ng gusto nila Ali na itawag ko sa kanya. Siguro nga, hindi na rin mabubura sa sistema ko iyon. Kumaway ako nang kumaway ang mag-ama ko sa akin. Tinuturuan kasi ni Ali si EJ magbisikleta. Nang marinig ko ang pagtunog ng selpon ko. Nang tignan ko iyon, tumatawag si Ashley sa messenger. Agad kong pinindot ang video call. "Ate!" masayang bati agad ni Ashley. Napangiti ako dahil lumalaking napakaganda ni Ashley. Mukha na itong dal

  • My Wife Is My Father's Mistress   Special Chapter 2

    Alyjah Point of View Pagod na pagod ako na naupo sa sofa. Sinandal ko ang aking likod at pumikit saglit. Wala ang mag-ina ko dahil may appointment sa doktor si Elyjah Gabriel.Gusto kong magtampo, paanong sa mismong kaarawan ko pa at hapon ang appointment ng anak namin? Hindi pa ako binati ng asawa ko at nakalimutan yata na kaarawan ko.Ang tahimik ng buong bahay at wala talagang nakaalala. Nakakatampo, di bale, hindi ko patutulugin asawa ko para sa birthday gift na gusto ko.Nagmulat ako at napasulyap sa aking relo. Alas siyete na, madilim na rin sa labas pero wala pa sila. Saang lupalop sila nagsusuot.Tatayo na sana ako nang biglang nag-brown out. Brown out nga ba? Dahil hindi pa ako nakaka-adjust sa dilim ay may pumaibabaw ng malamyos na saliw ng musika.Bigla ang paglitaw ng nakatalikod na nakaitim na bulto ng tao at nagsimulang gumiling. Alam kong gumigiling kahit hindi ko masyadong maaninag dahil sa dilim dahil sa padyak ng takong na suot niya.Natawa na lamang ako at umayos

  • My Wife Is My Father's Mistress   Epilogue

    Sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis na tinungo ni Meriam ang gate ng bahay dahil wala si Nanay Minda. Nagulat siya nang mapagbuksan ang isang magandang dalaga na sa tantiya niya ay kalahati lamang ng kanyang edad. "Mrs. De Silva? Puwede ba kitang makausap?" Malakas ang presensiya ng dalaga, mukhang palaban at kung ano man ang sadya nito sa kanya ay kinakabahan na siya. May kung anong kutob ang naramdaman niya. "Alam ko ang kalagayan ninyo ni Lauro, at kung maaari ay pakawalan mo na siya!" Nagulat si Meriam sa tinuran ng babaeng nagpakilalang Anassa. Ayon dito, siya raw ay kasintahan ni Lauro. Babaeng mahal nito. Umiling si Meriam at bahagyang natawa. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang sinasabi ng babae. Kahit napakakomplikado ang buhay mag-asawa nila ni Lauro, alam niyang hindi nito magagawa ang magloko. "Miss, bata ka pa. Malawak ang mundong naghihintay sa iyo. Kung ano man ang nararamdaman mo kay Lauro,kalimutan mo na. Pamilyadong tao ang minamahal mo," malumana

  • My Wife Is My Father's Mistress   Special Chapter 1

    LAURO POINT OF VIEW Tinititigan ko si Ashley kasama si Meriam habang naglalaro sa parke. Hindi ko akalain na darating pa sa buhay ko ang ganitong kaligayahan. Akala ko, hindi na ako makakaranas na muling mahalin. Akala ko si Elyssa lang ang huling magmamahal sa akin. Babalik rin pala ako sa babaeng una kong minahal ng labis. Oo, minahal ko ang ina ni Ali. Minahal ko ngunit nasaktan lamang ako. "Nakikiusap ako, Lauro. Ikaw na lang ang umatras. Ayokong makasal sa hindi ko mahal," nagsusumamo niyang saad. Pinuntahan niya ako sa aking opisina para lamang makiusap na huwag pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama. Kinuyom ko ang aking kamao. Noon pa lang ay gusto ko na siya. Kaya bakit ko palalagpasin ang binigay na tyansa ng kanyang ama na maging akin siya. Gagawin ko na lamang ang lahat para mahalin niya ako. "Patawad, Meriam. Alam mo kung anong nararamdaman ko sa iyo. At kahit na ayawan ko ang ama mo, sigurado akong ipapakasal ka rin naman sa iba. Kaya ako na lamang." Nanlilisik ang

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 69 End

    ALYJAH POINT OF VIEW Agad na dinaluhan si Ely pagdating namin sa klinika. Nagtaka pa ako dahil inuna siya bago ang ibang naroon at nakapila. "Anong nangyari?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin. "Nahematay po," sagot ni April nang hindi ako makapagsalita. "Okay, pakitawagan si doktor Jimenez. Pakisabi, nandito ang girlfriend niya." Tila bumagal ang paligid ko sa narinig. Girlfriend? Nino? Tama ba ako ng rinig? "Sir, dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala kay Miss Elyssa." Pigil sa akin ng nurse. Magsasalita sana ako at ipakilala ang sarili ko bilang a-sa-wa ni Ely ngunit agad niya akong tinalikuran. Naiwan na lamang akong napatulala roon at nakatitig sa pinto kung saan dinala si Ely. May napansin pa akong nagmamadaling pumasok na babaeng naka-gown ng pang doktor. Nanghihina akong napaupo sa mga bangko sa labas at nanatiling naghihintay ng resulta. Napapaisip pa rin kung sino ang doktor Jimenez at bakit girlfriend niya si Ely? Wala naman sa report na binigay ni Heron

  • My Wife Is My Father's Mistress   Chapter 68

    ALYJAH POINT OF VIEW Magkaharap kaming nakaupo ni Ely sa isang mesa. Dahil sa nangyari kanina ay minabuting isara nang maaga ang karinderya. Malamlam ang mga mata kong nakatitig lamang kay Ely. Ayaw kong kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Gusto kong mangiti ngunit umuurong iyon sa tuwing mataman siyang tititig sa akin. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit blanko ang kanyang mukha na bumaling sa akin pagkatapos ko siyang maringgan nang malalalim na buntong hininga. "Bakit ka narito?" tanong niya. Hindi ko kinahihimigan ng galit ang kanyang boses ngunit halata kong hindi siya masaya na narito ako. Sino ba naman kasi ang magiging masaya na bigla na lang magpapakita ang taong nanakit sa kanya? "Ely," ika kong nais hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Agad niyang inalis doon para iiwas sa paggagap ko. Muli ko siyang pinakatitigan. Bawat anggulo ng mukha niya ay sinaulo kong muli. Hindi ko siya nakalimutan ngunit pakiramdam ko, iba ang bab

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status