Share

Chapter 5

Penulis: jessy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-27 22:40:28

“Bree, ipinatatawag ka ni Mamu” maarte at may pagsusungit na tawag sa kaniya ni Stacey. Dancer din ito dito sa club na malaki ang inis sa kaniya. Dahil ang tingin sa kaniya nito ay kakumpitensya.

“Bakit daw?” simpleng tanong ni Sabrina sa kausap.

“Aba ewan ko! Edi puntahan mo ng malaman mo!” inirapan siya nito at mabilis na lumabas na ng dressing room. 

Hinanap kaagad ni Sabrina si Mamu at mabilis na nilapitan.

 “Mamu tawag mo daw ako” malapad ang naman ang ngiti na sinalubong siya ni Mamu.

“Oo Bree, may nagrequest kase sayo ngayon sa vip room! Ang gwapo. Masyado mo kasing ginalingan” halos kiligin pa si mamu habang sinasabi ang balita kay Sabrina.

Nagulat si Sabrina. “Vip room?? Napilitan lang akong pumasok dito para sa nanay ko at dahil isa ito sa kondisyon ni Mr. Teng, pero hindi para ibenta ang katawan ko” nasabi ni Sabrina sa kanyang isip.

“Vip room?” bakas ang pagtataka sa itsura ni Sabrina. Tumango lang si Mamu at ngumiti. “Mamu, nalimutan mo na ba? May usapan kami ni Mr. Teng na hindi ako magpapa VIP room” 

“Oo Bree! Pero ngayon lang naman natin ito.” Tumingin tingin muna ito sa paligid bago tinuloy ang pagsasalita “Malaki ang offer ni Sir Pogi. 50kyaw kaya diko na matanggihan” namilog ang mga mata ni Sabrina sa halagang narinig.

 “O diba ang laki?” wika ni Mamu ng mapansin ang pagkagulat niya. “Wag kang mag-alala at 10kyaw lang ang kukunin ko. Ito ang 40kyaw hawakan mo na” sabay abot ng pera kay Sabrina. “Sige na kunin mo na” tinanggap na niya ito dahil naisip niya ang kailangan niyang bayaran sa ospital, sakto din na exam week nila kaya kailangan niyang magbayad ng tuition. Kabayaran na din nila sa apartment at mga bills.

“P-pero Mamu” bakas parin ang pag-aalala ni Sabrina. Natatakot siya para sa kaniyang sarili dahil paano kung may gawin ang lalaki sa kaniya.

“Jusko naman Bree! Wag ka ng magpa bebe. Inabisuhan ko na yon, safe ka. Mag-uusap lang kayo” wika ni Mamu ng marealize niya na ito ang ikinatatakot ng dalaga.

Napahigpit ang hawak niya sa perang nasa kamay niya ngayon. Ito ang sagot sa problema niya sa ngayon. . 

“Dalian mo na, baka mainip ang customer. Dalhin mo na yang mga gamit mo para doon ka na din makapag palit ng damit at dumiretso uwi kana pagtapos mo doon.” halos ipagtulakan na ni mamu si Sabrina papuntang vip room “Sa likod ka na dumaan mamaya” habol pa nito sa kaniya

Kabadong kabado si Sabrina habang papunta sa kwartong inilaan sa kanila. Sa isang taong pagtatrabaho niya rito ay ngayon lamang siya papasok sa vip room. Kadalasan kase ay tine-table lang siya, kwentuhan at inom lang, bola-bola, tip tapos uwi na.

Balot ng kaba niyang pinasok ang madilim na kwarto na walang ideya kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob.

 “Hi” bati niya sa lalaki. 

"You are?" seryosong tanong nito sa kaniya. Hindi niya makita pa ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya. Nakatayo ito sa may bintana, nakatanaw sa labas habang hawak ang isang baso ng alak.

"Bree" tipid niyang sagot. Ito ang binigay ni Mamu na pangalan sa kaniya. 

Umupo siya sa sofa at pilit pinapakalma ang sarili. Sabi naman ni Mamu ay safe siya, kaya iisipin na lamang niya ay normal na pag table na lang ito ng mga customer sa kaniya.

“So, how long you’ve been working here, Bree?” tanong ulit ng lalaki sa kaniya na hindi siya nililingon. 

“Isang taon na din” tipid paring sagot ni Sabrina.

“Oh! Matagal tagal na din pala” sabi ng lalaki bago uminom ng alak sa baso niya. Pakiramdam niya talaga ay pamilyar ang lalaki sa kaniya. “Kasing tagal ng pagtatrabaho mo sa bar ng kaibigan ko”

Sa sinabing iyon ng lalaki ay nabigla siya, at kinabahan na din ng marealize na ito yung lalaking pinadugo niya ang nguso sa bar. Kaya pala ito pamilyar.

“Sabi na nga ba at ikaw yan e” sa pagkakataong ito ay nakaharap na ito sa kaniya. “Kahit may suot kang maskara kanina, alam ko ikaw yon, hindi ko pwedeng malimutan ang babaeng may utang sa akin”

“U-utang? May utang ba ko sa’yo? Nagpapatawa ka” sarkastikong sagot ni Bree dito.

“You hurt me” walang emosyong sabi nito. Dahil dito ay kinabahan si Sabrina.

“Sasaktan din ba ako nito?” tanong niya sa isip niya.

“Try this, masarap ‘to” sabay abot nito ng alak sa kaniya.

“Sorry, di ako umiinom e”

“Nagttrabaho ka sa club, pero hindi ka umiinom?” May pagdududa sa tono ng lalaki.

“Bakit required ba?” pabalang niyang sagot dito.

 “Sige na wag ka ng mahiya” inaabot na niya ng pilit ang baso.

“Pasensya na. Pero hindi talaga ako umiinom” tinulak ni Sab ng mahina ang kamay ng lalaki na may hawak ng baso. 

Mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya, ibinato nito ang baso na nagpagulat sa kaniya. Pero mas laking gulat nya ng bigla na lamang siya nitong hawakan sa magkabilang pisngi at halikan sa labi. Nabigla man ay mabilis na nakakilos si Sabrina upang itulak ang lalaki. 

“Ano ba? Bakit mo–” ngunit muli lamang nitong sinakop ang labi niya. Sa pagkakataong ito ay hawak na ng lalaki ang mga kamay niya kung kaya’t nahirapan siyang magpumiglas. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib sa takot na hindi na makawala sa lalaki at kung anong gawin pa nito sa kaniya. Pero ilang sandali pa ay binitiwan na siya nito. 

“Huwag kang mag-alala, ipinatikim ko lang naman sa iyo kung gaano kasarap ang alak” sabi nito matapos siyang bitiwan at ngumisi pa ito sa kaniya.

Hindi na siya nag dalawang isip pa at sinampal niya ito.

 “Bastos!” sigaw niya dito.

Nabigla na lamang si Sabrina ng hawakan ng lalaki ng mahigpit ang kamay niya. “Bastos?” Sabay tawa na parang nang iinsulto. “Ibinabandera mo nga ang katawan mo sa harap ng maraming lalaki. Tapos ngayon, bastos ako?!” lalo pang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

“Aray ko, please bitiwan mo ako” pakiusap ni Sabrina sa lalaki. Ngunit tila bingi ito at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak dahilan para maiyak na si Sabrina sa sakit.

“Huh? Umiiyak ka? Diba matapang ka?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 20

    Agad nagpaliwanag si Sabrina kay Charie at gaya ng inaasahan niya ay naunawaan naman siya ng kaibigan. “Medyo hindi ako sang-ayon sa papasukin mo Sab, pero alam ko na kailangan mo talaga si Xavier para makalaya kay Mr. Teng” “Kaya nga e. Pero sa totoo lang natatakot ako, posibleng madamay si Xavier sa magiging galit ni Mr. Teng” makapangyarihan si Mr. Teng, paano kung gawan nya ng masama si Xavier dahil sa pagkaka involves sa kanya. “Hindi naman siguro, makapangyarihan din naman si Xavier. Kayang kaya ng pamilya niya ang masiguro ang safety nila” Totoo naman ang sinabi ni Charie. Kahit paano ay nakakampante na din si Sabrina. “Bakit kaya hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?” “Kay Xavier? Nako huwag na. Baka magkagulo pa” Hindi na ipinilit pa ni Charie ang gusto niyang iparating sa kaibigan dahil may punto naman ito. Nang matapos silang mag-usap ay lumabas na sila ng kwarto at binalikan si Xavier. “Pwede na tayong umalis” Sabi ni Sabrina kay Xavier. Napagkasunduan n

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 19

    “Sir, narito na po tayo sa address na binigay ni Sir Paulo” nang marinig ni Xavier ang sinabi ni Jason ay napasilip sya sa paligid. Nabigla sya dahil ang lugar ay masikip, magkakadikit ang mga bahay at maliliit. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan ng maraming beses ngunit hindi sumagot ang nasa kabilang linya.“Ipagtanong mo nga kung saan dito ang tinutuluyan ni Sabrina” inis na utos ni Xavier. Mabilis naman sumunod si Jason at bumaba ng sasakyan, natanaw nya itong lumapit sa isang matandang babae na nagwawalis ng kanyang bakuran.“Paano kaya nya nakakayang tumira sa lugar na ito” kausap ni Xavier sa sarili na napapailing. “Sir” tawag ni Jason. “Diyan po daw pala nakatira si Sabrina” tinuro ni Jason ang pinakamaliit na bahay. “Maiwan ka na dito Jason, ako na lang ang papasok” pagkasabi ay mabilis siyang bumaba at nagmadali na papunta sa nasabing bahay.Kumatok siya ng ilang ulit at maya-maya ay nagbukas na ng pintuan.“Woah!” Gulat na reaksyon ng babae. Hindi i

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 18

    Maagang pumasok sa school si Sabrina, marami syang activities ang namissed noong mga nakaraang araw kaya susubukan nya itong ipakiusap sa mga prof para mapagbigyan syang habulin ang mga ‘to.Napatigil sya paglalakad ng mag vibrate ang cellphone nya. Nakatanggap ng sya ng text message at mabilis nya itong binuksan. “Unknown number?” mahinang tanong ni Sabrina sa sarili.[I need your answer, ASAP]Kahit walang pangalan ay alam niya kung kanino nanggaling ito. Hindi na rin sya nagtaka kung paano nito nakuha ang numero nya dahil kaibigan ito ng boss nyang si Paulo.[Nag-iisip pa ako] tipid na reply nya dito.Itinago na nya ulit ang cellphone at nagtuloy sa kanyang klase.Kaagad nyang kinausap ang mga prof at maswerteng pinagbigyan sya ng mga itong makahabol. Nang matapos ang klase ay nagmadali syang nagpalit ng uniform para pumasok sa bar. Naisip nya na magpaalam na lang na makapg out ng mas maaga para magawa ang mga activities sa school at maipasa kaagad kinabukasan.Ngunit laking gulat

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 17

    “Xavier, napansin ko napapadalas ka dito. Is something bothering you?” tanong ni Paulo nang walang sabi-sabi ay lumitaw nanaman ang kaibigan sa bar. Tumayo ito sa kanyang office table at lumipat sa couch katabi ng kaibigan. Tiningnan lang sya ni Xavier, nag-iisip kung sasabihin ba sa kaibigan ang problema o hindi. Pero naisip nya na baka sakaling may maipayo itong maayos sa kanya.“Si Papa, gusto na nya talagang hayaan sa akin ang kompanya” nagsimulang magsalita si Xavier habang si Paulo ay seryosong nakikinig. “And?” sagot ni Paulo.“Ililipat na din ito sa pangalan ko” sabi ulit ni Xavier.“Oh, congrats! Matagal mo na din naman yan pinatatakbo, ngayon magiging sa’yo na talaga” sinalinan pa nito ng alak ang kanilang mga baso. Iinumin na sana nya ang kanya nang mapansin seryoso ang mukha ng kaibigan.“Bakit parang hindi ka masaya?” takang tanong ni Paulo. “Hindi mo ba gustong mapa sa’yo ang kompanya?”“Gusto syempre. Matagal ko na yang inaasam, alam mo yan”“Yun naman pala e! Bakit ga

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 16

    “Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 15

    “Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status