LOGINFive years ago, Elvi was the woman who nursed a blind and broken Lionel Soren Lazaro back to health in a secluded lake house. Before he could regain his sight and see her face, she vanished, leaving him with nothing but a memory. She runs away with something important, she is carrying his child. Now, Lionel is a ruthless billionaire CEO obsessed with finding the woman who saved her. When their paths cross again, he doesn't recognize the face of the woman that saved him, but he recognized her heart.
View More[1]
Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit. Positive. Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim. May anak kami. Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya. Napalingon siya agad, nakakunot ang noo. "Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala. Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot. "W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang." "Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo." Lionel is blind. He lost his sight due to an accident. Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot. "Your face is puffy. Kaya alam kong umiyak ka. What happened?" sambit niya He knows me so well. He'd be such a great dad. "Lio..." nilunok ko ang kaba. "You're going to be a--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa malalakas na katok sa pinto. "Sandali lang, titingnan ko lang kung sino yun." bulong ko at mabilis na tinungo ang pinto Nang buksan ko ito, bumungad sa akin ang ilang tao na pawang nakasuot ng itim na suit. Sa gitna, may isang babaeng naka-sunglasses. Eleganteng siyang nakatayo at may kasamang batang lalaki. Hindi sila mukhang masama, pero hindi rin sila mukhang ordinaryong tao. "You are Emilia Savine Montiel, right?" tanong ng babae. "Nakatanggap kami ng impormasyon na nandito si Lionel Soren Lazaro. Kilala mo ba siya?" dagdag niya Nanlaki ang mga mata ko. "Kayo ba ang... kamag-anak ni Lio?" Tumango siya. "Pasok po muna kayo. Pasensiya na po, medyo masikip lang ang bahay." Bumalik ako sa kusina, halos hindi mapakali. "Lio, may naghahanap sayo. Baka kamag-anak mo sila!" Nabitawan ni Lionel ang pinggan sa kamay niya. Mabuti nasalo ng lababo. "Okay ka lang?" tanong ko. Ngumiti siya pero halatang pilit. "Okay lang. Gusto ko silang makausap." ani nito Inalalayan ko siyang lumabas, at agad siyang sinalubong ng batang lalaking naroon. "Uncle!" sigaw ng bata, yumakap kay Lionel. "Jacob... lumaki ka na ah" bulong ni Lio, habang kinakapkap ang mukha ng bata. Tumayo ang babae. "Anong nangyari sakanya? Hindi siya nakakakita?!" tanong niya sa akin. Inalalayan ko muna si Lio na makaupo bago ko siya sagutin. "Gabi at malakas ang ulan nung natagpuan ko si Lionel sa sasakyan niya na bumangga sa puno. Tatawag na sana ako ng tulong para dalahin siya sa ospital pero nasa kabilang bayan pa ang ospital at walang signal dahil nga sa malakas na ulan. May kaunti akong kaalaman sa panggagamot kaya dinala ko nalang siya sa bahay ko para gamutin siya. Dahil sa mga glass shards na pumasok sa mata niya ay hindi na siya nakakita." kwento ko Halos dalawang buwan na rin simula nung iligtas ko siya sa aksidenteng yun. Akala ko nga ay hindi na siya hahanapin ng mga kamag-anak niya. Wala akong kakayahan ipagamot ang mata niya dahil hindi naman ako mayaman. Tumigil ang babae. "Lionel, you need treatment right now. Mom's going to collapse pag nakita ka sa ganitong kondisyon! The company's in chaos. You have to go back!" Company? Lio owns a company? Somehow, I'm not surprised. Kahit hindi sabihin ay halata naman sa kilos at pananalita ni Lio na galing siya sa mayamang pamilya. "Ate Lindsey..." mahinahong sagot ni Lionel "Pagkatapos ng treatment, babalik ako. Pero ngayon, I need time. I need to pack... with Elvi." Agad naningkit ang mata ng babae. Napalunok naman ako dahil mukhang di ako gusto ng ate ni Lionel. "Isasama mo siya?" Ngumiti si Lionel, at hinawakan ang kamay ko. "She saved me. Kung hindi dahil sakaniya malamang wala na ako ngayon. And...we love each other. Balak ko siya pakasalan pagkatapos ng treatment ko." wika ni Lionel Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ano kayang magiging reaction niya pag nalaman niya na buntis ako? Sigurado ako na maiiyak siya sa tuwa. But then came the fall. "Jacob, kausapin mo muna ang tito mo." Tumingin siya sa akin at marahang sumenyas sakin na lumabas muna. Kinabahan ako, pero sumunod ako agad. "Lio, mag-usap na muna kayo ni Jacob. May aayusin lang ako sa kusina." paalam ko kay Lionel He reluctantly let go of my hand. Imbis na sa kusina at dumiretso ako sa labas ng bahay kung saan naghihintay sakin ang ate ni Lionel. Pagkalabas, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang tinitimbang ako. "How should I call you? Emilia Savine or Elvi?" "E-Elvi po... yun po tawag ni Lio sa'kin." Tumango siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na tatagal ng sobra si Lio sa bahay ko kaya nickname ko lang ang binigay ko sakaniya. "Elvi, thank you for taking care of my brother. Tama siya, kundi dahil sayo ay baka kung ano na ang nangyari sakaniya." Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko pa naman ay sasampalin niya na ako ng pera sa mukha katulad ng napapanood ko sa tv. "But about your relationship with my brother... I won't allow it." Parang may humugot ng hangin mula sa baga ko. "P-po? Kung iniisip niyo po na baka pera lang ang habol ko sakaniya, nagkakamali kayo. Sa katunayan ay hindi ko naman alam na-" "Alam ko. Hindi ako yung tipo ng tao na pipigilan pagmamahal niyo dahil lang magkaiba kayo ng estado sa buhay. But..." "Lionel is already engaged." The world stopped. "It's arranged..." tuloy niya. "Wala siyang gusto sa babae. But the contract is binding. Makapangyarihan ang pamilya ng mapapakasalan niya. If they find out about you, they will ruin you." "Please, for your safety and for Lionel's. Leave him." Ang bawat salita niya, parang karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi pa nga niya alam na magiging ama na siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "I know this is unfair. But disappear. Don't let him find you." Napapailing ako dahil ayaw tanggalin ng katawan at utak ko ang sinasabi niya. Kung kaligtasan ko lang ang problema, hindi ako natatakot. Pero ngayon na may anak na ako, kailangan ko mag doble ingat. Kung totoo ngang makapangyarihan ang pamilya ng pakakasalan ni Lionel, magiging madali lang sakanila kung buburahin nila ako sa mundong 'to. Baka rin may gawin sila ng masama kay Lionel pag nalaman nila na nakabuntis siya ng ibang babae. Sorry, Lio. "Gagawin ko. Para kay Lionel." At para sa magiging anak namin. "Wag kang mag-alala, I will provide you money for your living. Hindi ka na magkakaron ng problema sa pera." sambit pa nito Umiling ako ang tinanggal ang pagkakakapit niya sa kamay ko. "Katulad ng sinabi ko, hindi pera ang habol ko kay Lio. Kaya ko rin suportahan ang sarili ko. Ang mahalaga lang sakin, gumaling si Lio at makakita na siya." "Pumasok na tayo sa loob, baka magtaka na si Lio kung bakit ang tagal ko bumalik." Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Pinigilan kong tumulo ang luha ko habang kinakausap ako ni Lio. Maya-maya pa ay nagsimula mag-aya umalis si Ate Lindsey kay Lionel. Humarap si Lionel sakin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, Elvi!" masayang yaya ni Lionel. "Bibilhan kita ng maraming magagandang damit pagdating natin doon!" Ngumiti ako, para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko ngunit lalo lang itong sumasakit. My sweet Lio, I will miss you. "Mauna ka na, Lio." sambit ko. "Ipapasundo na lang ako ni Ate Lindsey. Kailangan ko pa kasing magpaalam kay Mama. Ayaw ko naman na mag-alala siya sakin pag hindi ako nagpaalam." "Okay, my love. Be safe while I'm gone. Hihintayin kita." He kissed my forehead. He hugged me and I hugged him back...tight and desperate. This might be our last hug. "Are you crying again?" tanong niya, nag-aalala. "I'm just happy na nahanap ka na ng pamilya mo." bulong ko habang pilit ang ngiti. Nang lumingon ako, nandoon si Ate Lindsey. She smiled gently and mouthed 'thank you'. "Lio, let's go! Hinihintay na tayo nila Mom." sambit niya. Inalalayan siya ng mga bodyguard, habang ako'y naiwan. Nang tuluyang sumara ang pinto ng sasakyan, tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa kwintas ko. May pendant ito na half-heart kung saan ang kabiyak ay nasa kwintas ni Lionel. Ito lang ang maiiwan niyang alaala sakin at ang anak namin. Sana mapatawad ako ni Lio at ng anak ko kung ako ang gumawa ng desisyon para sa kanilang dalawa. Pero pinapangako ko na magiging ligtas ang anak ko. This child is what's left of our love. The proof that we happened. That our love existed. So rest assured that I will raise our child well, to make up for the life we couldn't have. ***[EPILOGUE]SAVINE’S POVNakatayo ako sa harap ng isang malaking salamin sa loob ng presidential suite ng isang sikat na hotel sa Tagaytay. Sa labas ng bintana, tanaw dito ang bulkang Taal.Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko ang repleksyon na nasa harap ko. Suot ko ang isang masterpiece na gawa ng isang sikat rin na designer, isang bridal gown na kulay off-white, puno ng intricate na French lace at mga maliliit na dyamante na kumikinang sa bawat galaw ko.Hindi ko mapigilang mapangiti. This is every girl's dream wedding gown."Ate, stop moving! Baka masira ang pagkaka-ayos ng buhok mo." sita ni Vivian habang inaalalayan ang mga stylist koTumingin ako sa kaniya sa salamin. Si Vivian ang tumayong Maid of Honor ko. Suot niya ang isang silk gown na kulay dusty rose. "Kinakabahan ako, Viv." pag-amin ko"Normal lang yan, Ate. Pero look at you. You are the most beautiful bride this country has ever seen. And finally, you're marrying the man who never stopped looking for you." nakangitin
[34]SAVINE'S POVNapakabilis ng mga pangyayari. Isang linggo matapos ang sunod-sunod na revelation sa Malvaran. Heto ako ngayon, suot ang isang elegant champagne-colored dress na pinili mismo ni Vivian para sa akin. Habang nakatingin sa salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Parang hindi talaga bagay sakin ang mga ganitong mamahalin na damit.Ngayong gabi kasi, inimbitahan ako ng mga Lazaro sa isang dinner sa mansion nila. Hindi lang ito basta dinner, ito ang pormal na pagpapakilala sa amin ni Liovie sa buong angkan nila. Kasama ko si Mama, na kahit halatang kinakabahan at paulit-ulit na inaayos ang bestida niya. Narito rin ang mga magulang ko, sina Mr. and Mrs. Constantino, at si Vivian. Nakakatuwa nga kasi tuwing nagbobonding kami ay napapansin ko na mas binibigyan na nila ng atensyon si Vivian.Pagpasok pa lang namin sa malawak na living room, ang atensyon ng lahat ay agad na napunta sa katabi ko, si Liovie. Nakasuot siya ng blue na dress na may ribbon sa likod."Oh my
[33]SAVINE’S POVRamdam ko ang panginginig ng sarili kong mga tuhod habang nakatingin sa dalawang taong nakatayo sa harap namin. Sila ang mga Constantino. Ang mga taong madalas kong makita sa balita, isa sa mga pinakasikat na tao sa mundo ng negosyo. Si Belinda Constantino at Phillip Constantino.Pero ngayon, hindi sila mukhang bilyonaryo. Mukha silang normal na magulang na sa wakas ay nakita na ang anak nilang matagal na nawawala."Vienna..." wika ng babaeng nasa harap koParamg akong nakatitig sa sariling mata ko habang tinitingnan ko siya. May pagkakahawig kaming dalawa."My daughter, you're alive! You are really alive." naiiyak na dagdag niyaDahan-dahan silang lumapit. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yayakapin ko ba sila o ano? Hindi ko alam."Ah pasok po muna tayo sa loob." pag imbita ko sakanilaNapansin ko na nasa likod lang nila si Vivian na pirming nanonood lang samin.Naupo sila sa maliit naming sofa. Hindi naaalis ang tingin nila sakin. Paramg aabot
[32]SAVINE'S POVHindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi. Sino ba naman ang makakatulog kung ang lalaking limang taon mong pinagtataguan ang kayakap mo matulog.Madaling-araw na nang nakatulog kami ni Lionel dahil sa sobrang pagod at emosyon.Pero bago pa man tuluyang sumikat ang araw, narinig ko na ang kalansing ng mga kagamitan sa maliit naming kusina. Dahan-dahan akong bumangon, tinitiyak na hindi magigising si Liovie na mahimbing pa ang tulog sa tabi ko. Paglabas ko ng kwarto, ang amoy ng bacon at pancakes ang sumalubong. Doon ko nakita si Mama Emiliana. Nakatayo siya sa gilid ng kusina, tulala at parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Pinapanood niya si Lionel na seryosong-seryoso sa pagluluto.Lionel Soren Lazaro, ang bilyonaryong madalas makita sa mga business magazine, ay kasalukuyang nakasuot ng kaniyang lukot na polo mula kagabi. Nakatupi ang manggas hanggang siko, at seryoso siyang nagpiprito habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang mg
[17]LIONEL'S POV The cold night air was quickly replaced by the warmth of the Cultural Center, thick with the scent of expensive champagne. But no matter where I stood, all I could feel was the warmth of her touch on my palms.It was a lapse in judgment. Nagpadala ako sa emosyon na kahit kailan a
[15] Tonight is the Hospital's Gala Night. Habang nakatitig ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakaharap sa akin. Suot ko ang emerald green gown at yung 4.8 million na kwintas. Kahit ako ay nagulat sa paraan ng pagkinang nun tuwing natatapatan ng ilaw. "Mommy! You look like a Que
[10]Nakatayo lang ako, naninigas ang buong katawan habang nakatingin sa kanila. Parang bawat segundo ay unti-unting pinapatay ang kung anong pag-asa na natitira sa loob ko. Pero nang mag-angat ng tingin si Lionel at magtama ang mga mata namin, nakita ko ang biglang pagbabago sa ekspresyon niya. I
[11]Tahimik kaming nakasakay ni Liovie sa elevator. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang supot ng gamot ni Mama. Ang bawat palapag na nadadaanan ng elevator ay parang bumibilis, pero ang isip ko, naiwan pa rin sa lobby. Pagpasok namin sa kwarto, agad akong sinalubong
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.