Share

Chapter 4

Author: jessy
last update Last Updated: 2025-02-27 22:39:36

“Charie teka lang, ano ba?” habol habol ni Sabrina sa kaibigan dahil napansin niyang galit ito.

“Sabrina ano bang ginawa mo?” Inis na hinarap ni Charie ang kaibigan ng makalabas na sila sa bar.

“Oh bakit ako?” 

“Oh e sino? Ikaw itong nanggulo sa party. Alam mo ba kung anong pwedeng gawin nila sa atin mula ngayon?” 

“Ah, at talagang ako pa ang sinisisi mo? Tinulungan lang kita, pinagtutulungan ka na ng mga mayayabang na yon” 

“Pero dapat hindi mo na sila pinatulan, kaya ko naman na ang sarili ko”

“Kaya? Oo. Kaya mong ilubog ang sarili mo mapalapit lang sa mga yon” naiinis na din si Sabrina sa kaibigan, kahit kailan ay hindi niya gugustuhin na may mang-api sa kanila ng kaibigan niya.

“Walang masama kung gustuhin ko yun, Sab” gumaralgal ang boses nito. “Walang masama na pangarapin ko na mapabilang sa kanila, hindi ko man mapantayan, ay ang maramdaman man lang na magkaroon ng kaibigan na kagaya nila” 

“Ch-Charie” bulong nito. “Hindi masama ang gusto mo” bumuntong hininga si Sabrina, tila kinakapa sa kaloob-looban niya ang tamang mga salita na gagamitin para maipaunawa sa kaibigan, na mali ang ginugusto niyang maging kaibigan. “Ipapahamak ka lang nila Charie” 

“Huh, paano mo nasabi? Ay oo, kinalaban mo kase sila, kaya malamang talaga mapapahamak lang ako sa kanila ngayon dahil pati sa akin magagalit na sila” 

“Charie!” Saway nito sa kausap, nararamdaman niya na nami-misinterpet siya ng kaibigan.

“Kung hindi ka nakialam, mapapatawad naman nila ako e. Ano bang feeling mo? Na alam mo ang lahat?” tuluyan ng tumulo ang mga luha nito pero mabilis ding pinahid. “Kaso wala na, sinira mo na. Masaya ka na?” Pagkasabi ay tumalikod na ito at pumara ng taxi. Minabuti ni Sabrina  na huwag na muna itong sundan, hahayaan niya itong magpalipas na lang muna ng sama ng loob.

Sumakay na rin siya ng taxi at nagpahatid sa ospital. Dumiretso siya sa ICU kung saan ay  nananatili ang kaniyang ina.

“Hi Ma, kamusta ka na?” Bati niya sa walang malay na ina habang chinecheck niya ang mga aparatong nakakabit dito.

Gaya ng nakaugalian, ay ikinwento niya sa ina ang mga ganap niya sa maghapon. Alam niyang hindi makakasagot ang ina dahil sa kalagayan nito. Pero umaasa siya na naririnig siya nito at tutulungan nito ang sarili upang magising na at madamayan na siya sa lahat ng pinagdadaanan niya.

“Hi Sabrina” ng lingunin ay si Joy ito. Schoolmate niya ito, nursing student at dito nag iintern.

“Uy Joy. Kakapasok mo lang?” 

“Oo. Sa kabilang room ako mag round, dumaan lang ako dahil nakita kita. Nakadaan ka na ba sa Accounting Department?” ngunit ng mapansin ni Joy ang sobre sa side table ng kama ay alam na niya ang sagot sa kaniyang tanong. “Tss. Hindi ka dumaan dito kanina? Kagabe ko pa iniwan yang  sobre diyan e” turo nito sa sobre.

“Ah oo, dami kasing ganap sa school kanina. After school e pumasok naman ako sa trabaho”

“Hmm, kaya pala. Bago ka umuwi dumaan ka na ha? Urgent yan ang alam ko. Baka ipa stop nanaman nila medication ni Mama mo” tumango na lamang si Sabrina sa kausap. Matapos masigurong okay ang ina ay pumunta na ito sa Accounting Department.

“Sabrina, isang taon na ang Mama mo dito, alam na alam mo na ang sagot sa tanong mo” sabi ng staff matapos tumawad ni Sab sa hinihinging bayad ng ospital.

“Hmm, kulang pa kasi ang pera ko e. 30k pa lang itong hawak ko, habol ko na lang yung 20k bukas, gawan ko paraan pls?” Patuloy na pakikiusap ni Sab.

“Haaay, tatanggapin ko yang 30k, pero isure mo ang kulang bukas. Ang laki na ng balanse niyo dito, halos wala pa nga sa kalahati yang hinihingi sayo”

“Opo, maraming salamat” iniabot na ni Sab ang perang kawiwithdraw niya lang sa atm machine bago pumunta sa Accounting Dept. at lumabas na. 

“Haaay! Buti na lang at nakaipon ako ng 30k sa mga raket ko. Kung nagkataon mababawasan ko pa ang iniipon kong pambayad utang kay Mr. Teng” kausap ni Sabrina sa sarili. 

**********

"Bree!” mabilis na napalingon si Sabrina dahil sa ginawang pagtawag sa kaniya ni Mamu. “Ano na?! Tapos ka na bang mag-ayos?” mabilis na sabi nito.

“Oo tapos na!” Tipid na sagot ni Sabrina. 

“Bilisan mo ang kilos! Babagal-bagal” papala-palakpak pa ito habang sinusundan siya palabas ng dressing room.

Umakyat na si Sabrina sa stage at lumapit sa pole at nagrready na sa pagsayaw anumang oras. Nang marinig na ang musikang nakatoka sa kanya ay sinimulan na nitong igalaw ang katawan ayon sa tugtog ng musika.

Mabuti na lamang at may suot siyang maskara, kung kayat hindi nakikita ang karamihan na sa likod ng maskara ng isang babaeng sexyng sumasayaw, ay mga luha na gustong kumalawa dahil sa paggawa ng isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.

Tuloy lang ito sa pagsayaw sa harapan ng mga mayayaman at matatandag lalaki sa loob ng night club. Hanggang sa napukaw ang kaniyang pansin ng isang lalaki sa di kalayuan.

Nakatitig lang ito sa kanya. Malalim ang mga tingin nito na nagdulot ng kaba kay Sabrina. Pakiramdam nito ay anumang oras ay maari siya nitong kainin ng buhay. Sa dilim ng pagilid, ay hindi niya maaninang ang mukha ng lalaki ngunit kapansin-pansin parin ang mga mata nito na hindi mawala ang tingin sa kaniya.

Kamuntikan pang matapid si Sabrina nang sa kaniyang pagtingin muli sa direksyon ng lalaki ay napansin niyang palapit na ito sa kaniya. Halos manikip ang kaniyang dibdib ng tuluyan na itong makalapit sa kaniya at bumulong “See you later”.  Ang malamig na boses nito at mainit na hiningang dumampi sa kaniyang tainga ay nagdulot ng bulta-bultaheng kilabot sa kanya. Kung kaya’t ng matapos ang kanyang sayaw ay halos takbuhin na niya ang pabalik sa dressing room.

Pilit niyang pinakakalma ang sarili habang pinupunasan ang butil-butil na pawis sa noo. Pakiramdam niya ay nakaharap na niya ang lalaki. Hindi lang niya makumpirma kung saan o kailan dahil di na niya nagawang tignan ang mukha nito sa sobrang kaba kanina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 20

    Agad nagpaliwanag si Sabrina kay Charie at gaya ng inaasahan niya ay naunawaan naman siya ng kaibigan. “Medyo hindi ako sang-ayon sa papasukin mo Sab, pero alam ko na kailangan mo talaga si Xavier para makalaya kay Mr. Teng” “Kaya nga e. Pero sa totoo lang natatakot ako, posibleng madamay si Xavier sa magiging galit ni Mr. Teng” makapangyarihan si Mr. Teng, paano kung gawan nya ng masama si Xavier dahil sa pagkaka involves sa kanya. “Hindi naman siguro, makapangyarihan din naman si Xavier. Kayang kaya ng pamilya niya ang masiguro ang safety nila” Totoo naman ang sinabi ni Charie. Kahit paano ay nakakampante na din si Sabrina. “Bakit kaya hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?” “Kay Xavier? Nako huwag na. Baka magkagulo pa” Hindi na ipinilit pa ni Charie ang gusto niyang iparating sa kaibigan dahil may punto naman ito. Nang matapos silang mag-usap ay lumabas na sila ng kwarto at binalikan si Xavier. “Pwede na tayong umalis” Sabi ni Sabrina kay Xavier. Napagkasunduan n

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 19

    “Sir, narito na po tayo sa address na binigay ni Sir Paulo” nang marinig ni Xavier ang sinabi ni Jason ay napasilip sya sa paligid. Nabigla sya dahil ang lugar ay masikip, magkakadikit ang mga bahay at maliliit. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan ng maraming beses ngunit hindi sumagot ang nasa kabilang linya.“Ipagtanong mo nga kung saan dito ang tinutuluyan ni Sabrina” inis na utos ni Xavier. Mabilis naman sumunod si Jason at bumaba ng sasakyan, natanaw nya itong lumapit sa isang matandang babae na nagwawalis ng kanyang bakuran.“Paano kaya nya nakakayang tumira sa lugar na ito” kausap ni Xavier sa sarili na napapailing. “Sir” tawag ni Jason. “Diyan po daw pala nakatira si Sabrina” tinuro ni Jason ang pinakamaliit na bahay. “Maiwan ka na dito Jason, ako na lang ang papasok” pagkasabi ay mabilis siyang bumaba at nagmadali na papunta sa nasabing bahay.Kumatok siya ng ilang ulit at maya-maya ay nagbukas na ng pintuan.“Woah!” Gulat na reaksyon ng babae. Hindi i

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 18

    Maagang pumasok sa school si Sabrina, marami syang activities ang namissed noong mga nakaraang araw kaya susubukan nya itong ipakiusap sa mga prof para mapagbigyan syang habulin ang mga ‘to.Napatigil sya paglalakad ng mag vibrate ang cellphone nya. Nakatanggap ng sya ng text message at mabilis nya itong binuksan. “Unknown number?” mahinang tanong ni Sabrina sa sarili.[I need your answer, ASAP]Kahit walang pangalan ay alam niya kung kanino nanggaling ito. Hindi na rin sya nagtaka kung paano nito nakuha ang numero nya dahil kaibigan ito ng boss nyang si Paulo.[Nag-iisip pa ako] tipid na reply nya dito.Itinago na nya ulit ang cellphone at nagtuloy sa kanyang klase.Kaagad nyang kinausap ang mga prof at maswerteng pinagbigyan sya ng mga itong makahabol. Nang matapos ang klase ay nagmadali syang nagpalit ng uniform para pumasok sa bar. Naisip nya na magpaalam na lang na makapg out ng mas maaga para magawa ang mga activities sa school at maipasa kaagad kinabukasan.Ngunit laking gulat

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 17

    “Xavier, napansin ko napapadalas ka dito. Is something bothering you?” tanong ni Paulo nang walang sabi-sabi ay lumitaw nanaman ang kaibigan sa bar. Tumayo ito sa kanyang office table at lumipat sa couch katabi ng kaibigan. Tiningnan lang sya ni Xavier, nag-iisip kung sasabihin ba sa kaibigan ang problema o hindi. Pero naisip nya na baka sakaling may maipayo itong maayos sa kanya.“Si Papa, gusto na nya talagang hayaan sa akin ang kompanya” nagsimulang magsalita si Xavier habang si Paulo ay seryosong nakikinig. “And?” sagot ni Paulo.“Ililipat na din ito sa pangalan ko” sabi ulit ni Xavier.“Oh, congrats! Matagal mo na din naman yan pinatatakbo, ngayon magiging sa’yo na talaga” sinalinan pa nito ng alak ang kanilang mga baso. Iinumin na sana nya ang kanya nang mapansin seryoso ang mukha ng kaibigan.“Bakit parang hindi ka masaya?” takang tanong ni Paulo. “Hindi mo ba gustong mapa sa’yo ang kompanya?”“Gusto syempre. Matagal ko na yang inaasam, alam mo yan”“Yun naman pala e! Bakit ga

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 16

    “Bree, request ka don sa table na yon” Sinundan ng tingin ni Sabrina ang direksyon na tinuturo ni Mamu. Napailing sya ng makita ito.“Tss. Mamu baka pwedeng iba na lang?” “Wag ka ngang maarte. Pumunta ka na don, bilisan mo” halos ipagtulakan na sya ni Mamu pumunta lang sa table ni Xavier.“Ano nanaman kailangan mo saken?” naiinis na tanong ni Sabrina dito.“Akala mo ba gusto kong makita ka?” masungit na sagot nito.“Yun naman pala e, alis na ako ha?”“We have to talk” walang emosyong sabi nito. Umupo na sya sa upuan kahit hindi pa sya pinapaupo ng lalaki.“Tungkol san?” masungit paring sagot ni Sabrina.“How much?” “Anong how much pinagsasasabi mo?” nagtatakang tanong ni Sabrina sa lalaki.“This is f*c*ing sh*t!” napasabunot pa si Xavier sa sariling buhok.“Yes, it is. Labo mo kausap. Dyan ka na nga!” tumayo na si Sabrina, aalis na sana sya ng muling magsalit si Xavier. “Be my wife!”Gulat na gulat si Sabrina sa sinabi nito. Ilang beses syang ininsulto ng lalaki tapos ngayon aaluk

  • My secret affair (A life and death contract)   Chapter 15

    “Jackie!” Masayang sinalubong ni Myka si Jackie sa kanyang coffee shop.Magbubukas ng panibagong branch si Myka at plano nyang gawing investor si Jackie.Napagkasunduan nila na dito sa coffeeshop na magkita at mag-usap para maobserbahan na din ni Jackie kung good investment ba ang kanyang coffee shop.“Akala ko dika na darating e” sabi nito kay Jackie.“Daming pinagawa ni Xavier sa office, ngayon lang ako nakatakas, tss!” sagot nito. Ang totoo ay wala naman masyado trabaho sa opisina, ayaw lang sana nyang umalis dahil naroon si Xavier sa opisina. Kung hindi lang sana sya interesado sa proposal ni Myka ay hindi na sana nya ito sinipot.“Ow, speaking of Xavier, nabanggit ng manager ko na madalas daw dito si Xavier” excited na kwento ni Myka. Nakikita kase nya ‘to as advantage para lalong magkainteres si Jackie sa business nya.“I see. Maybe doing his meetings, to be honest naman kasi very nice ang ambiance shop mo ha?” sincere na puri nito sa shop ni Myka.“Hmm, thank you. Anyway, madal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status