Share

11: He's back

Flare Joshel

Sinasamantala ko ang araw na walang pasok. Maaga pa lang, naririnig ko na ang mga kapitbahay naming nag-aaway. Katapat namin sila ng bahay. Nagbabatuhan ng mga kagamitan nila sa bahay.

Tumapat ako sa bintana ng kuwarto ko at naupo sa tapat niyon upang siliipin ang mga tao sa ibaba. Nakapuwesto ang kuwarto sa ikalawang palapag. Nakaupo ako sa tabi ng bintana habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Natatanaw ko ang mga kapitbahay namin sa baba habang kumakain ng marshmallows.

Ito talagang mag-asawang kapitbahay naming, lagi na lang nag-aaway. Babaero kasi ang lalaki kaya nagseselos ang babae. Ang edad nila, tantiya ko, mga nasa kuwarenta pataas na.

Nakita ko kung paano hampas-hampasin ni Aling Loreta ng sandok ang asawa niyang si Juancho. Kinukompronta ng babae kung sino 'yong nakita ng kapitbahay nila na kasama ni Kuya Juancho sa mall.

"Hala, sige banatan mo," I cheered her wife. Tama lang iyan sa mga babaero. Kung pwede nga lang sana ipatapon sila sa bermu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status