Share

JEALOUS

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-03-09 22:43:03

"CARE TO TELL me if what was the "sneaking" all about?"

Napatigil sa akmang pagkagat ng hiniwang mangga si Tori nang marinig ang tanong na iyon ni Taj. Ibinaba niya ang hawak bago ipinagpag ang magkabilang kamay saka bumuga ng hangin. So here it is! The so-called "love is not all about rainbow and butterflies" thing.

Tumayo si Tori mula sa pagkakasalampak sa matigas na lupang sinapinan ni Taj ng kumot, sa ilalim ng malaking punong mangga. Naroon sila sa may kalawakang bukirin ng Lolo ng lalaki kung saan may mga nakatanim na punong mangga. Well, Guimaras is not gonna be Guimaras if you can't see all the mangoes around; not all but at least, mostly.

"So?" muling untag ni Taj sa nobya habang nilalaro sa kamay ang patay na damo.

Halos isang linggo na rin simula nang maging opisyal ang relasyon nila kahit walang nangyaring ligawan, it doesn't matter. Ang mahalaga naman ay pareho nilang alam na mahal nila ang isa't-isa sa kabila ng ikli ng pagkakakila nila. Kilala na rin ng Lolo niya si Tori pati ng kapatid niyang si Giorgia dahil ilang beses na niyang naisama sa bahay nila ang nobya. Nakapunta na rin naman siya sa ancestral house ng mga Herrera at maayos naman siyang tinanggap ng Uncle nito kahit dama niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.

"Love, I'm asking you," naiinip at nag-aalala nang tawag ni Taj kay Tori na sa ikalawang pagkakataon ay muling bumuga ng hangin. Mas lalo tuloy siyang nag-aalala. "May problema ba?" tanong niya habang nakatingala sa nakatayong nobya.

Humarap si Tori kay Taj bago ngumiti ngunit kaagad na napansin ng huli na hindi iyon umabot sa mga mata ng babae. Dahil doon ay mas lalong tumibay ang hinala niyang may problema nga.

"Baby, c'mon," seryoso ang boses na turan niya kay Tori. "spill it out." aniyang nakakunot na ang noo na napatayo na rin.

Ipinulupot naman ni Tori ang isa niyang braso sa leeg ni Taj habang ang isang kamay ay umangat para plantsahin ang gatla sa noo nito na gawa ng pagkakakunot.

"It's Mom," tugon niyang pilit na ginagawang masigla ang tinig. Ayaw niyang mag-alala si Taj o mag-isip ng kung ano-ano. "but it's nothing. I can handle it."dugtong niya bago siya tumingkayad at mabilis na ginawaran ng matunog na halik ang tungki ng ilong ng nobyo

Umangat ang kilay ni Taj. Bakas sa anyo ng lalaki na hindi ito naniniwala sa sinabi ni Tori.

"Are you sure?" nagdududang tanong niya. "If there's something I can do just—"

Nilagay ni Tori ang hintuturo niya sa mga labi ni Taj para patigilin ito sa pagsasalita. Muli siyang ngumiti pero sa pagkakataong ito ay siniguro niyang mukha talaga siyang masaya. She's no Tori Herrera, the Infinite Star who is also known for her chameleon mood for nothing.

"Shhss," pabulong niyang usal. Muli siyang tumingkayad at pinagdikit ang mga noo nilang dalawa ni Taj na nakayuko naman sa kanya. 5'11" ang height ng boyfriend niya kaya palagi siyang nakatingkayad dahil 5'4" lamang ang taas niya. "There's really nothing to worry about, love." pagsisiguro niya sa mahinang tinig.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Taj bago niya niyakap si Tori. Hinalikan niya ang ulo nito bago muling nagsalita. "Are you sure?" hindi pa rin kumbinsindong tanong niya.

Natawa si Tori dahil sa kakulitan ni Taj.

"But of course, love. I promise..."

Muling humugot ng malalim na buntong-hininga si Taj bago tumango-tango. "Okay, if you say so," turan niya kahit ang totoo ay hindi pa rin siya naniniwalang wala talagang problema. He could see it in her eyes pero ayaw pang magsalita ni Tori ay hindi na muna niya ito pipilitin. O baka nag-o-overthink lang siya. "I love you..." bulong niya bago yumuko para magtagpo ang mga mata nila ng nobya.

Nangislap ang mga mata ni Tori kasabay ng pagsilay ng matamis na ngiti mula sa mga labi nito.

"I love you too, Taj Sebastian!" malambing na tugon ni Tori bago niya sinalubong ang mga labi ni Taj nang tuluyan iyong lumapat sa mga labi niya.

Ipinikit ni Tori ang kanyang mga mata at hinayaan niyang muli siyang tangayin ng masarap na pakiramdam na tanging si Taj lang ang makakabigay sa kanya.

SAN LORENZO FIRE STATION

"So, totoo nga ang balita," nakangising turan ni Oxygen na papasok pa lang ng pinto.

Dalawang palapag ang fire station ng San Lorenzo. Ang ibaba ay lalagyan ng mga gamit nila sa pag-apula ng apoy at ang itaas naman ang pinaka-opisina nila.

"Tungkol saan?" tanong ni Taj na bakas sa tinig ang pagtataka.

Mas lalo pang lumawak ang ngisi na nakaguhit sa mga labi ni Oxygen sabay nguso sa hawak ni Taj na cellphone.

"From country songs to pop, huh." puna ni Oxygen bago nilapag sa ibabaw ng mesa nito ang dalang lunch box na hinatid ng girlfriend nitong si Lorie.

Umikot ang mga mata ni Taj dahil sa narinig. Yes, he's been listening to Tori's song for almost a week now and he just learned to love her music. Alam ni Oxygen na hindi siya nakikinig sa ibang genre ng kanta maliban sa country songs at tanging western music lang ang pasok sa panlasa niya kaya hindi na siya nagkakataka kung tinutukso siya ng kaibigan niya ngayon.

"And?" bale-walang untag ni Taj. Ayaw niyang patulan ang panunukso nito dahil tiyak na hindi siya nito titigilan.

Sasagot pa sana si Oxygen nang mula sa pinto ay narinig nila ang pamilyar at maarteng boses ng isang babae. Sabay pa silang napatingin doon maging ang ilan pa nilang kasama na naroon din nang oras na iyon.

"So how does it feel to be linked to a well-known, one and only Infinite Star?"

"Karla!" bati ni Oxygen na kaagad na bumalik sa mesa nito nang makitang tuluyan nang humakbang papasok ang babae.

Anak ng Mayor ng San Lorenzo si Karla at hindi lingid sa lahat ng ka-trabaho ni Taj na malaki ang pagkakagusto nito sa lalaki. Patunay ang hindi maitagong selos sa boses ni Karla nang magtanong ito kay Taj tungkol sa pagkaka-dikit ng pangalan nito kay Tori.

"Pare, parating na si Tori, remember," bulong ni Oxygen kay Taj bago tuluyang bumalik sa mesa nito.

Napahilamos na lang si Taj sa mukha niya. Malapit na ang lunch break at may usapan sila ni Tori na sabay silang kakain. At kilala niya si Karla. Tiyak niyang hindi kaagad ito aalis lalo na mang makita niya ang bitbit nitong pagkain na nakabalot sa paper bag.

"At sa ating Star chicka," anang boses ng kilalang showbiz reporter na si Royie Alvarado. "totoo nga bang may ilalabas na bagong kanta ang kilalang Duke of the R&B na si Everett Lozares at ayon pa sa chicka ay makakasama niya raw dito ang Infinite Star na si Tori Herrera. Wow, this is going to big!"

Natuon ang pansin ni Taj sa nakabukas na TV nang marinig niya ang pangalan ng nobya. Kumunot ang noo niya nang ipakita ang picture ni Tori na may kasamang lalaki. Parehong nakangiting ang dalawa at tila may sariling mundo dahil nakatitig pa ang mga ito sa isa't-isa habang magkahawak-kamay. Nang makita niya ang mga letrang nasa ilalim ng larawan ay nabasa niya ang pangalang "Everett and Tori".

"Ouch..." kunwaring nasasaktan na usal ni Karla na kagaya ni Taj ay nakatutok din ang mga mata sa screen ng TV.

Tapos na ang balita tungkol sa dalawang sikat na singer pero nanatiling nakatitig doon si Taj.

"Karla, tigilan mo 'yan." hindi nakatiis na saway ni Oxygen nang makitang hindi na maipinta ang mukha ni Taj.

Naiintindihan niya ang kaibigan. Ito ang unang beses na may nakita itong ibang lalaki na kasama si Tori. Hindi niya ito masisi kung pangibabawan ito ng selos ngayon lalo pa nga't kitang-kita sa picture na tila hindi lamang ordinaryong kaibigan ni Tori si Everett Lozares. At tiyak niyang mas magiging malala ang sitwasyon kung magpapatuloy sa panggagatong si Karla.

Inirapan ni Karla si Oxygen bago muling itinuon ang atensiyon kay Taj.

"I bet, hindi mo rin kilala si Everett Lozares kagaya ng hindi mo rin kilala si Tori noong una mo siyang nakita, tama?" may nakakalokong ngiti sa mga labi na sabi ni Karla habang nilalaro ng mga daliri ang dulo ng buhok nito. "Well, isa lang naman siya sa mga nauugnay sa pangalan ni Tori Herrera but of course, pinaka-matindi pa rin niyang kaagaw ang anak ng Crystal Music na si Sid Rodriguez."

Tumingin si Taj kay Karla. Bakas sa mga mata niya ang kislap ng pinaghalong selos at pinipigilang galit.

"Get out of my sight, Karla..." may diin sa tinig na aniya sa babae.

Wala siyang pakialam kahit anak pa ito ng Mayor. Mainit ang ulo niya kaya wala siya sa mood na magpasensiya.

Alam naman niyang bago siya nakilala ni Tori ay may nauna na sa kanya pero hindi pala siya handa. Hindi niya pala kayang may iba itong nginingitian at may ibang humahawak sa kamay nito.

"Ops!" nagkukunwaring bulalas ni Karla. "Sorry, did I—"

"I said, out!" singhal ni Taj sa babae.

Napatigil naman si Karla. "Ouch..." usal niya sabay sapo ng dibdib. "concerned lang naman ako pero sige, aalis na ako."

Nang tuluyang mawala si Karla sa paningin niya ay sunod-sunod na bumuga ng hangin si Taj para pakalmahin ang sarili. Bigla tuloy niyang naalala ang nag-aalalang anyo ni Tori kahapon. Batid niyang may gustong sabihin sa kanya ang nobya pero sa kung akong dahilan ay nagbago ang isip nito. Tungkol ba iyon kay Everett Lozares? At si Sid Rodriguez, sino naman ang lalaki sa buhay ng nobya niya?

Ah, mas lalong nginatngat ng selos ang puso niya lalo na nang muling pumasok sa isip niya ang picture ni Tori kasama si Everett Lozares. Damn it!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Yan Ang di maiwasan SELOS
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status