Share

FIRST FIGHT

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-03-10 17:43:30

MAYA'T-MAYANG tinatapunan ng sulyap ni Tori si Taj na nakaupo sa tapat niya. As usual ay naroon na naman sila sa paborito nilang tambayan, sa ilalim ng malaking punong mangga na hindi kalayuan mula sa bahay ng nobyo. Kanina pa kasi ito tahimik at tila malalim ang iniisip, o mas tama sigurong sabihin na kahapon pa ito wala sa mood. Napansin na niya iyon nang daanan niya ito sa fire station. Hindi lang niya pinagtuonan ng pansin dahil inisip niyang baka pagod lang ito sa trabaho. Although, wala namang nangyaring sunog kahapon.

Nang hindi makatiis ay nagtanong na si Tori.

"What's with the silence, love?" magaan ang tono na tanong ni Tori kay Taj. "May problema ba?" dugtong niya.

Tumingin sa malayo si Taj bago sumagot. "Bakit, dapat bang magkaroon ng problema?" supladong balik-tanong niya kay Tori. "Ikaw, baka may gusto kang sabihin sa akin. I'm all ears..." padarag pa niyang dugtong.

Nagulat naman si Tori dahil sa tono ng boses ni Taj. Maayos naman ang pagkakataong niya at sa inaasta nito ay alam niyang may nais itong puntohin.

"Excuse me?" pigil ang pagka-inis sa tinig na untag niya sa nobyo.

Tumayo si Taj mula sa pagkaka-upo sa naka-usling ugat ng mangga bago ibinato sa malayo ang hawak na maliit na bato.

"Nothing..." aniya kay Tori.

Tuluyan nang napikon si Tori. Naningkit ang mga mata niya at tumayo na rin. Humakbang siya patungo sa harapan ni Taj saka deretsong tinitigan ang mga mata ng nobyo.

"No," umiiling na aniya rito. "spill it out. Sinimulan mo na, eh." dugtong pa niya.

Tiningnan ni Taj ang nobya mula ulo hanggang paa. Ang klase ng tingin na pinaka-ayaw ni Tori. Bakit? Kasi ganoon ang klaseng tingin ang ibinibigay sa kanya ng asawa ng Daddy niya pati na rin ng half-sister niyang si Shantel. Mga uri ng tingin na tila ba hinuhusgahan pati kaluluwa niya.

"Uh-uh..." umiiling-iling na ani ni Tori bago dahan-dahang umatras. "Please, don't give me that kind of look." babala niya kay Taj.

"What look?" naka-angat ang kilay na tanong ni Taj.

Sa halip na sagutin si Taj ay tumalikod na lamang si Tori. Hangga't maaari ay ayaw niyang patulan ang init ng ulo ng nobyo dahil mas lalo lang lalaki ang isyu. Pero talaga yatang kahit anong pigil ang gawin niya ang masusubok pa rin talaga ang pasensiya niya.

"Don't turn your back on me, Tori."

Hindi makapaniwalang lumingon si Tori. Awang ang mga labing tinitigan niya si Taj.

"Oh, really?" nanunuyang untag niya sa lalaki. "It's Tori now, huh?" dugtong niyang naitaas na lamang ang magkabilang kamay.

"Bakit, hindi ba't Tori naman talaga ang pangalan mo? Or should I call you Victoria —"

Tuluyan nang napatid ang pagpipigil ni Tori. Galit na ring sinalubong niya ang mga tingin ni Taj. "That's it! That's my cue..." aniya ritong bahagya nang tumaas ang tinig. "You know what, this—this whole thing is bullshit already! I wanna go home now." dugtong niya bago padabog na dinampot ang cellphone niyang nakapatong sa ugat ng punong mangga.

"Really? Uuwi ka na hindi natin naaayos 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Taj. Bakas sa tinig niya ang pagkadismaya.

Humarap si Tori kay Taj bago siya mapait na ngumiti. "Ano ba ang aayusin natin? Kasi Taj, hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit mo, eh. Wala akong idea. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema. Like seriously, paano natin aayusin ang isyu na hindi ko naman alam kung ano!" frustrated na'ng sabi niya habang pinipigilan ang mga luhang kaunti na lang ay tuluyan nang kakawala.

"Si Everett..."

Kumunot ang noo ni Tori nang marinig niya ang pangalang binanggit ni Taj. Puno ng pagtatakang tiningnan niya ang kaharap.

"Si Evie? How did you know him?"

Isang mapaklang ngiti ang sumungaw mula gilid ng mga labi ni Taj. "Don't answer my question with another question, Tori." tiim ang anyong aniya sa nobya. "Bakit, dapat bang hindi ko siya kilala?"

Na-i-imposiblehang pinaningkitan ni Tori ng mga mata si Taj. "You're putting words into my mouth, Taj," naiiling at puno ng disappointment sa tinig na aniya rito. "Wala akong sinabing gano'n. I was just asking you—"

"I was the one who asked you first, Tori!" namumula ang mukha na sigaw ni Taj.

Nanlaki ang mga mata ni Tori nang marinig niya ang malakas na boses ni Taj. Umiiling-iling siya bago dahan-dahang umatras. "You're being impossible and so unreasonable—"

"Talaga ba? Ako pa talaga ang unreasonable ngayon?" putol ni Taj sa iba pang sasabihin ni Tori.

Muling sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi ni Tori. "Uuwi na ako. And don't try to follow me or what. I can go home on my own." kita ang sakit sa kislap ng mga mata na aniya kay Taj bago mabilis na tumalikod.

Kumuyom naman ang mga palad ni Taj. Sinapo niya ang kanyang ulo at sinabunutan ang sariling buhok.

"Ah!" sigaw niya sabay suntok sa punong mangga. "Goddamit!"

PAGDATING NI TORI sa kanilang ancestral house ay mabilis ang mga hakbang na naglakad siya papasok para lang mapatigil nang bumungad sa kanya ang inang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. Bumuga siya ng hangin bago muling itinuloy ang paghakbang.

"Stop right there, Victoria Herrera..."

Tila pagod na pagod na nahaplos na lamang ni Tori ang batok niya. "Please, not now, Mom," aniya sa ina.

Umismid si Marigold. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang anak bago siya pumalatak. "Lover's quarrel?" tila nakakalokong tanong niya sa anak.

Umikot ang mga mata ni Tori pataas bago muling tumalikod. She's not in the mood argue—at least, now now.

Hindi niya alam na darating ang Mommy niya. Walang binanggit ang Uncle Ansen niya kanina sa kanya pero alam na niya kung bakit ito biglang sumulpot sa San Lorenzo.

"Tigilan mo na iyang kahibangan mo, Tori. I'm telling you—"

Seryoso ang anyong tumigil sa paglalakad si Tori. Muli siyang humarap sa ina na unti-unti namang humakbang palapit sa kanya.

"Or what, Mommy?" malamig ang tinig na putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, Tori," walang kangiti-ngiting ani ni Marigold sa anak. "so I'll stop seeing that guy if I were you, Tori! At hindi siya ang lalaking nababagay sa iyo!"

"At sino sa palagay mo ang nababagay sa akin, Mommy?" namumula ang mukha dahil sa tinitimping galit na balik-tanong ni Tori sa ina. "Tell me! And what's wrong with Taj? He is a good man and—"

"Wala akong pakialam kahit good man pa siya o barumbado, Tori. My point here is, he does not deserve you—"

Pagak na tumawa si Tori. "Really, mum?" nanunuyang tanong niya. "And who deserves me then?" Untag niya bago pinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Si Sid!" pasigaw na tugon ni Marigold sa anak. "Si Sid ang gusto ko para sa iyo!"

"Gusto mo si Sid para sa akin pero si Taj ang mahal ko..." nagsisimula nang tumulo ang mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata na turan ni Tori sa ina.

"Mahal? At ano ang alam mo sa salitang pagmamahal? Kailan mo lang nakilala ang lalaking iyan—"

"I don't care kung kailan ko lang nakilala si Taj basta ang alam ko lang ay mahal ko siya and I can no longer imagine living my life without him!"

"Kahangalan iyan, Victoria!"

Mapait na ngumiti si Tori. "Talaga ba, mum?" nanunuyang tanong niya sa ina. "Kahangalan bang magmahal? Noong pinatulan mo si Dad kahit alam mong may pamilya na siya, dahil din ba 'yon sa kahangalan? Bakit ikaw, p'wede mong gawin ang—"

Hindi na natapos ni Tori ang kanyang sasabihin nang biglang lumipad ang palad ng kanyang ina patungo sa mukha niya. Kaagad na namanhid ang kaliwa niyang pisngi nang tamaan iyon ng malakas na sampal ng mommy niya. Uminit pati ang punong-tainga niya at tila nakarinig siya ng matinis na tunog ng kampana dahil sa lakas ng impact.

Sapo ang kaliwang pisngi na tinapunan ni Tori ng hindi makapaniwalang tingin ang kanyang ina bago hilam sa luha ang mga mata na mabilis siyang tumalikod.

"Victoria!" galit na tawag ni Marigold sa anak. "Victoria, bumalik ka rito—"

"Enough, Marie!" sigaw ni Ansen sa nakababatang kapatid. Kanina pa siya nakikinig sa pagtatalo ng mag-ina at nang makita niyang sinaktan na nito si Tori ay hindi na siya nakatiis. "That's enough!" pag-ulit niya.

Pagalit namang binalingan ni Marigold ang nakatatandang kapatid. "Kasalanan mo ito, Kuya, eh!" sisi niya rito.

Masama ang tingin na sinulyapan ni Ansen si Marigold. "At bakit naging kasalanan ko?" tanong niya rito. "Kanino ba magmamana ng katigasan ng ulo iyang anak mo? At saka bakit, tinamaan ka ba sa sinabi niya? Nakikita mo ba ang sarili mo sa kanya noong pikit-mata mong pinatulan si Christopher kahit alam mong may pamilya na ang lalaking iyon?!"

Namumula ang mukha dahil sa galit na tiningnan ni Marigold ang nakatatandang kapatid. "Bakit napunta sa akin ang usapan?" tanong niya bago nagdadabog na umupo sa sofa.

Umikot ang mga mata ni Ansen. "Hindi ba't totoo naman? Pero huwag kang mag-alala. Binata naman ang boyfriend ng anak mo kaya siguradong wala siyang masisirang pamilya. At saka, pasasaan ba at lilipas din iyan. Pagbigayan mo na lang para hindi kayo nagkagulong dalawa."

"No!" matigas na tanggi ni Marigold. "Iuuwi ko si Tori sa Manila, sa ayaw at sa gusto niya. Kailangan ko siyang mailayo sa lalaking iyon bago pa man maging huli ang lahat!" dugtong niyang nakakuyom ang mga palad.

Hindi siya makakapayag na mapunta lang ang anak niya sa isang hamak na bombero. No way!

Nagkibit ng balikat si Ansen. "Ikaw ang bahala."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hamak na bumbero naku naman mga tao nga naman mapamg maliit ng kapea wagas
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    COURT YOU

    KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    SORRY

    “HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MASTER PLAN

    NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status