Share

BE MY GIRL

SAPO ANG ULO na idinilat ni Tori ang kanyang mga mata pero ang mas nakatawag sa pansin niya ay ang sandaling pagsigid ng kirot mula sa kaibuturan ng kanyang pagkababae nang bahagya siyang gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya at wala sa loob na napalingon sa kanyang tabi para lamang lalong mapatunganga nang makita ang natutulog na lalaki sa kanyang tabi. It was Taj!

'Oh, God!'

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Itinaas niya hanggang sa kanyang dibdib ang kumot na nakabalot sa hubad niyang katawan. Hindi pa tuluyang napo-proseso ng utak niya ang lahat pero alam niya sa sarili niya kung ano ang nangyari. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para maging clueless.

Iginala ni Tori ang kanyang paningin at napangiwi siya nang makitang naroon siya sa hindi pamilyar na silid. Nang tumingin naman siya sa labas ay nakita niya mula sa nakasaradong salaming bintana na madilim pa. Nakagilid ang kulay berdeng kurtina na nakasabit roon kaya malinaw niyang nakikita ang labas.

Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha bago namaluktot. Nalukot ang anyo niya nang muling makaramdam ng kirot sa bahaging iyon ng kanyang pagkatao.

"What have I done?" bulong ni Tori sa kanyang sarili bago kinutkot ang kuko sa kanyang hinlalaki at napa-isip kung paano nga ba sila humantong ni Taj sa sitwasyon nila ngayon.

Ang naalala niya ay huminto sila ni Taj sa isang tindahan pagkatapos nilang mag-ikot-ikot gamit ang motor nito. Bumili sila ng maiinom at nagkasundong sa bahay na lang lalaki sila magpalipas ng oras dahil hindi p'wede sa ancestral house nila. Tulog na ang Lolo nito na nang makarating sila sa bahay ng mga ito. Ang sabi ni Taj ay ito raw nagpalaki rito at sa kaisa-isa nitong kapatid na babae. Nanood sila ng movie habang umiinom ng beer at nang magsawa ay nagk'wentohan ng kung ano-ano hanggang sa...

Napangiwi si Tori nang tuluyang maging malinaw sa kanya ang lahat. Shit but she was the one who initiated the kiss! At dahil nakatuon ang atensiyon niya sa pag-iisipan ay hindi niya napansing gising na rin si Taj at nangi-ngiting pinagmamasdan siya. Nagulat pa siya nang bigla na lamang may brasong pumulupot sa beywang niya na naging dahilan para malilis ang kumot na tumatakip sa hubad niyang dibdib.

"Good morning," paos ang boses na bati ni Taj kay Tori bago niya marahang hinila pahiga ang babae gamit ang braso niyang nakapulupot sa beywang nito.

Nang bumagsak sa tabi ni Taj ang babae ay mabilis siyang bumalikwas ng higa at bago pa makapagsalita si Tori ay nakapa-ibabaw na siya rito.

"Hello, my Infinite Star," namamalat ang boses na turan ni Taj kay Tori habang ang magkabilang kamay ay nakatukod sa kama.

"G—Good morning..." pulang-pula ang mukha na ganting bati ni Tori sa mahinang tinig.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano magre-react dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari pero batid din niya sa kanyang sarili na wala siyang pinagsisihan.

"S—Stop it!" Mabuway ang tinig na saway niya kay Taj nang mapansin niyang nakatitig ito sa dibdib niyang litaw na litaw sa paningin nito dahil bumaba hangga ng sa ibabaw ng kanyang pusod ang kumot nang hilahin siya nito pahiga.

"What if I don't?" Namamaos ang tinig na usal ni Taj habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa mga mata ni Tori na tila ba hinahamon ang babae.

Natigilan naman si Tori lalo na nang maramdaman niya ang unti-unting pagkabuhay ng bahaging iyon ng pagkatao ni Taj. Wala sa loob na napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang lalamunan niya. Binasa din niya ng laway gamit ang kanyang dila ang mga labing tila bigla ring natuyot na isa palang malaking pagkakamali dahil tuluyan nang napatid ang pagpipigil ni Taj.

"That's it!" Naubusan ng pasensiyang usal ni Taj bago walang babalang bumaba ang mukha at mapagparusang sinakop ng halik ang mga labi ni Tori. "You are mine, Tori..." bulong niya sa pagitan ng mga halik.

Hindi sumagot si Tori dahil abala siya sa pagtugon sa marahas at tila punong-puno ng pananabik na mga halik ni Taj. Ipinulupot din niya ang magkabila niyang braso sa leeg nito at napaliyad na lamang nang bumaba ang mga labi ni Taj sa kanyang leeg. Nilaro nito ng dila ang ugat niya roon bago unti-unting umangat ang mga labi patungo naman sa likod ng kanyang tainga.

"T—Taj..." pabulong na tawag ni Tori sa pangalan ng lalaking ang mga kamay ay buong pangahas na dinadama ang maselang parte ng kanyang katawan.

Hindi niya tuloy alam kung saan nanggagaling ang kiliting nararamdaman niya. Kung sa mapanuksong pagkagat-kagat ba nito sa tainga niya o sa pilyong paglaro mga daliri nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Hmm," mahinang anas ni Taj na tila ba tinatanong si Tori kung bakit nito tinatawag ang pangalan niya.

"P—Please..." usal niyang puno ng pakiusap sa tinig.

'Oh God but she wants him badly...'

Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Taj ngunit ang mga daliri ay patuloy sa mapanuksong paglaro sa bahaging iyon ng pagkababae ni Tori.

"Say it," utos ni Taj kay Tori habang naka-igting ang mga panga. "And look at me, love,"

Idinilat ni Tori ang kanyang mga mata bago tumingin kay Taj. Puno ng pagsusumamong umarko ang balakang niya na tila ba may inaabot bago muling nagsalita.

"I want you, damn it!" naiinis na sikmat ni Tori kay Taj na mahina namang natawa nang makita ang kislap ng pagkapikon sa mga mata ng babae.

"Say it again, love..."

Napasimangot si Tori dahil sa kanyang narinig. Asar na hinampas niya ang balikat ni Taj bago niya ito itinulak palayo sa kanya ngunit kaagad ding napatigil nang biglang may pumasok na panauhin sa minahang nasa pagitan ng mga hita niya. Nanlaki ang mga mata ni Tori at nahigit din niya ang kanyang paghinga lalo na nang maramdaman niya ang dahan-dahang paggalaw ni Taj sa ibabaw niya.

"Be my girl, love," Turan ni Taj sa pagitan ng mabagal na pagtaas-baba ng kanyang balakang sa ibabaw ni Tori.

Hindi sumagot si Tori dahil halos hindi na niya maibuka ang kanyang bibig. Labis-labis ang sensasyong nararamdaman niya kaya halos hindi na siya makapag-isip nang maayos pero nagawa niya pa ring tumango nang sunod-sunod at walang pag-aalinlangan. And with that, Taj thrust even harder and deeper.

"Oh, gosh!" singhal ni Tori nang maramdaman niya ang mainit na bibig ni Taj sa ibabaw ng dibdib niya.

Nilaro din ng malikot na dila ni Taj ang maliit na korona doon habang ang pang-ibabang katawan ay patuloy sa mabilis na pagtaas-baba. Wala sa loob na humigpit ang pagkakayakap niya sa likod ng lalaking kaniig. Bumaon ang may kahabaan niyang kuko roon nang maramdaman niya ang mas lalong pagtindi ng pamumuo ng tensiyon mula sa kaloob-looban niya.

She wanted more!

"Taj...Taj..." parang hibang na paulit-ulit na tawag ni Tori sa pangalan ni Taj.

Muli namang umangat ang ulo ni Taj at ginawaran ng masuyong halik ang mga labi ni Tori. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Tori sa likod ni Taj maging ang pagkaka-angkla ng mga binti niya sa magkabilang hita ng lalaki.

"Oh, Tori..." anas ni Taj bago tuluyang ibinagsak ang apat na magkakasunod na ulos sa pinakamabilis na paraan.

Sabay pa silang napa-ungol nang maramdaman nila ang halos magkasunod na pagsabog ng likido mula sa loob nila.

Saglit na parehong hindi nakagalaw sina Taj at Tori. Nanatili lamang silang magkayakap at kapwa naghahabol ng hininga. Nang kahit paano ay makabawi, dahan-dahang umalis mula sa ibabaw ni Tori si Taj pagkatapos niyang bigyan ng magaang halik sa noo ang babae.

Saglit na nagkatitigan sina Taj at Tori bago sila matamis na ngumiti sa isa't-isa. Inabot ng una kamay ni Tori at dinala iyon sa mga labi niya para gawaran ng masuyong halik.

"Now, go back to sleep..." Turan ni Taj bago niya niyakap si Tori.

PALINGA-LINGANG naglakad si Tori patungo sa likod na bahagi ng ancestral house nila kung saan mayroong maliit na punong mangga na nakatanim. Isang linggo na rin ang relasyon nila ni Taj at magkikita silang dalawa ngayon pero ang problema ay hindi siya makadaan sa gate dahil nakaupo sa terrace ang Uncle niya kaya nga sa back door siya dumaan palabas ng bahay.

Malikot ang mga matang tiningnan niya ang paligid at nang masigurong walang tao ay kaagad siyang umakyat sa punong mangga. Hindi siya marunong umakyat ng puno pero wala siyang ibang choice. Naghihintay na si Taj sa kanya. Binilinan niya ito kanina nang mag-usap sila sa cellphone. Ang sabi niya ay sa bandang likod ng ancestral house ito maghintay sa kanya. Bagamat nagtataka ay pumayag naman ang lalaki. Palagi naman kasi siya nitong sinusundo at nakakapasok din naman sa bahay nila kahit pa nga obvious na ayaw itong harapin ng Uncle niya. Ito ang unang beses na binilinan niya itong maghintay sa labas at sa bandang likod pa. Hindi na siya magtataka kung magtatanong si Taj sa kanya mamaya.

Nang tuluyang maka-akyat ay tumulay si Tori sa isang sanga na nakayungyong sa pader. Mahigpit siyang humawak sa isa pang sanga habang dahan-dahang gumapang patungo sa pader. Nang hindi sinasadyang napatingin siya sa ibaba ay napangiwi na lamang siya. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Ni minsan ay hindi niya nakita ang sariling nag-aala gagamba sa itaas ng puno ng mangga para lang makatakas at makipagkita sa boyfriend niya.

Oo, mahal niya si Taj. Love at first sight or whirlwind romance, kung ano man ang tawag sa nararamdaman niya para sa lalaki ay wala siyang pakialam. Basta ang alam niya ay mahal niya si Taj at ilalaban niya ito sa Mommy niya kahit na ano ang mangyari. At ngayon lang niya napagtanto na wala pala sa tagal ng pagkakakilala ang pag-ibig. If it hits you, then it really hits you!

Nakahinga ng maluwag si Tori nang matiwasay at buhay niyang narating ang pader. Maingat siyang umapak sa ibabaw ng pader bago tumingin sa kalsada. Kaagad siyang napangiti nang makita si Taj na nakasandal sa motor nito. Pinasadahan niya ng tingin ang anyo nito at kaagad niyang nakalimutan ang hirap niya sa pag-akyat sa punong mangga. Ah, napaka-guwapo talaga ng mahal niya.

Nakasuot ng itim na pantalon si Taj na butas sa bandang tuhod. Pinaresan iyon ng lalaki ng puting semi-fitted V-neck white shirt na bumagay dito. May suot din itong bonnet na kulay itim sa ulo na nagbigay rito ng supladong impresyon. Hay, sino ba naman ang hindi mai-inlab sa bebe niya?

Pigil ang kilig na sumutsot si Tori para kunin ang atensiyon ni Taj na nilalaro naman ang key chain sa daliri nito.

"Psstt!" medyo mahina ang tinig na tawag niya kay Taj. "Love, over here..." aniya pa sabay kaway ng kamay habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa sanga ng mangga.

Gulat namang napatingin sa gawi ni Tori si Taj. Saglit pang napatunganga ang lalaki nang makita ang nobya sa ibabaw ng pader. Like, come on... she's Tori Herrera and seeing her like that is somehow crazy and amazing.

"Hey, love!" Muling tawag ni Tori nang makitang hiindi kumikilos si Taj.

"Jesus Christ, love!" bulalas ni Taj nang makabawi sa pagkabigla. "What are you doing there?" nag-aalala at tarantang tanong niya sabay tawid sa kalsada para makalapit sa pader.

"Sneaking?" nag-aalangang sagot ni Tori.

Muling napatanga si Taj. "And why are you sneaking?" kunot ang noo at puno ng pagtatakang tanong niya sa nobya.

"Because—" saad ni Tori ngunit kaagad ding tumigil. Mamaya na lang siya magpaliwanag. "Ah, just help me get down here first." utos niya sa boyfriend.

"Just jump," utos ni Taj kay Tori na nanlaki naman ang mga mata. "sasaluhin kita, love. Don't worry..." dugtong niya nang mapansin ang alinlangan sa mukha ng nobya.

Dahil may tiwala naman si Tori kay Taj ay sinunod niya ang sinabi nito. Pikit-matang bumitaw siya sa hinawakang sanga at tumalon.

Humanda naman si Taj para saluhin si Tori at nang bumagsak ang nobya sa mga bisig niyang nakalahad ay hindi niya muna ito ibinaba.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa nobya.

Dahan-dahan naman dumilat si Tori at nang makitang karga siya ni Taj ay kaagad na sumilay ang matamis na ngiti sa magkabilang sulok ng mga labi niya. Ikinawit niya ang isang braso sa leeg ng nobyo bago niya inangat ang ulo at mabilis na ginawaran ng magaang halik ang labi nito.

"Yep!" sagot ni Tori. "Now, put me down..."

Maingat naman ibinaba ni Taj si Tori saka niya pina-ikot ang nobya.

"Let's go, love, before—" napatigil sa pagsasalita si Tori nang mapansin ang ginagawa ni Taj sa kanya. "What are you doing?" takang tanong niya habang umiikot.

"I'm just checking if you have bruises." sagot ni Taj na patuloy sa pagsuri sa katawan ni Tori. Inangat pa niya ang braso ng nobya para makita kung walang sugat sa siko nito.

Saglit na natigilan si Tori bago napangiti. Jesus, pero gusto niyang mangisay dahil sa kilig.

"Wala, love," tugon ni Tori pero inangat niya ang magkabilang kamay at ipinakita rito ang namumulang mga palad. "but my hands stings." nakangusong dugtong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status