LOGINLETTISIA LORRAINE“Ibigay mo na sa aki–”“Huwag kang lalapit!” sigaw niya at tin*tok niya sa akin ang k*tsilyo.“Bakit mo ba ito ginagawa?” tanong ko sa kanya.“Wala akong ginagawa? Bakit mo ba ako pinagbibintangan?”“I saw you, may ginawa ka. Ano ang nilagay mo d’yan? Para ba sa akin ‘yan? Gusto mo ba akong patayin?” tanong ko sa kanya.“Hindi! Wala! Inutusan lang nila ako, hindi ko talaga gusto itong ginagawa ko. Nasa kanila ang pamilya ko at kapag hindi ko ito ginawa ay papatayin nila ang nanay ko. Kaya sa tingin mo, sa tingin mo ba may choice ako? Wala! Kaya mamatay ka! Mamatay ka na!” sigaw niya sa akin at sinugod niya ako.Ako naman itong nakatayo lang at hinihintay ko siya na saksakin ako pero may bigla na lang umagaw sa hawak niya na kutsilyo.“Nash?” kunot noo na tanong ko dahil nakauwi na pala siya.“Are you okay, love? Nasaktan ka ba?” tanong niya sa akin.“Okay lang ako,” sagot ko sa kanya.Hinawakan ng mga tauhan ni daddy ang katulong namin.“Ano’ng ginawa mo sa anak ko?”
LETTISIA LORRAINEHindi talaga siya umuwi kaya lalo akong nainis sa asawa ko. Napuyat ako sa kakahintay sa kanya pero wala siya. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya at hindi siya umuwi. At hindi ko alam kung uuwi pa ba siya. Gusto ko sanang pumunta sa office niya pero mas mabuti na hintayin ko na lang siya dito sa bahay.Hindi rin siya tumatawag sa akin kaya naisip ko na ilagay na sa maleta ang mga gamit niya at palayasin na lang siya kapag late na naman siya o kapag umuwi siya ng gabi na.“Anak, kanina ka pa nakasimangot d’yan,” sabi sa akin ni mommy.“Kasi ‘yong asawa ko hindi man lang ako naalala. Kapag talaga ako nainis sa kanya ay hihiwalayan ko na siya. Lalo pa may mga pictures online na kumakalat na may kasama siyang ibang babae,” sabi ko kay mommy.“Kasama lang naman. Normal ‘yan dahil businessman ang asawa mo,” sabi sa akin ni mommy kaya napanguso ako.“Pero hindi siya nagparamdam sa akin. No calls, no text at hindi siya umuwi,” sabi ko pa.“Baka sobrang busy
LETTISIA LORRAINE“Anak, gusto mo ba talagang palitan ang pangalan mo?” tanong sa akin ng daddy.“Opo, dad. Gusto ko po sana, puwede po ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.“Of course,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Hindi po sa ayaw ko sa pangalan na binigay ninyo sa akin kundi dahil gusto ko po na magbagong buhay po. Gusto ko na pong kalimutan ang lahat ng mga pangit po naalala ko noon. At ang pangalan na ‘yon ang isa sa mga dahilan. Dahil ang buong akala ko talaga ay siya ang mommy ko. Kung puwede lang po nakalimutan ko na ang lahat ay gagawin ko,” sabi ko sa kanya.“Pero alam ko na pinipigilan ka ng sarili mo dahil sa asawa mo. Dahil sa mga alaala na mayroon ka kasama siya. Na kahit pa hindi malinaw ay alam ko na naging masaya ka. Sorry, kung nangyari ang lahat ng ‘yon, anak ko,” sabi sa akin ni daddy.“Wala ka pong kasalanan, daddy. Ako po ang dapat na magsorry, Kasi po nasaktan kita, kayo ni mommy and thank you kasi alam ko na kahit pa nasasaktan kayo ay mas pinili niyo pa rin na ma
NASH TYLER“CONTINUATION OF FLASHBACK)“Siya si Zia? Ang tunay na Zia,” sambit ko at naikuyom ko ang mga palad ko sa galit dahil niloko nila ako. Hindi ko ito kayang palampasin.Ngayon na alam ko na ang asawa ko ang tunay na Zia ay hindi ko na bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ang imbestigador na kinuha ko. Pinadampot ko na agad siya sa pulis kasama ang impostor niya.“Mr. Villamor, siya po talaga ang pinapahanap mo, siya po talaga!”“Mabubulok ka sa kulungan, kayong dalawa,” sabi ko sa kanya.“Nash, please. ‘Wag mo ako isali. I’m sorry nagkamali ako pero naging classmate mo talaga ako noon. Naging classmate niyo ako ni Allezia noon,” sabi niya sa akin.“Kaya pala alam mo ang ibang bagay tungkol sa kanya. Pero kahit pa naging classmate kita at dapat mong pagbayaran ang kasalanan mo kaya pasensyahan na lang tayong dalawa,” sabi ko sa kanya.“Nash, please. I’m sorry.”Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako. “Fabio, where’s my wife?” tanong ko sa kapatid ko dahil silang dalawa
NASH TYLER(FLASHBACK)“Bro, restroom lang ako,” narinig ko na sabi sa akin ng kaibigan ko.“Okay, bro. Bahala ka,” sabi ko sa kanya dahil alam ko naman ang gagawin niya doon.Ako naman ay uminom lang pero nang maubos ang alak ko ay lumapit ako papunta sa may bar counter at bumili pa ako ng alak.“Isa pa po, kuya.” narinig ko ang malamyos na boses ng isang babae.Medyo madilim dito pero nang lumingon siya sa akin ay nagtama ang mga mata naming dalawa.“Zia,” mahina na sambit ko.“Sure ka ba na kaya mo pa, Miss? Mukhang lasing ka na eh,” sabi ng bartender.“Kaya ko pa po, kuya. Isa pa. Please,” sabi niya pero nakatingin siya sa akin.“Ang gwapo mo,” sabi niya sa akin kaya mas lalong lumakas ang t*bok ng puso ko.“What did you say? Who are you?’ sunod-sunod na tanong ko sa kanya.Alam ko na lasing ako pero alam ko rin na tama ang isip ko.“Ako, ako si Lettisia Lorraine Mallen,” sagot niya sa akin.“Mallen?”“Yes, Mallen ako. Bakit, kilala mo ba ako?” tanong niya sa akin.“Pareho ang ku
NASH TYLER“Tita Lib, ano ba ang gagawin ko?” tanong ko sa tita ko dahil sinadya ko siyang puntahan ngayon.“Ang dapat mong gawin ay magstay, kung ‘yan ang nais ng asawa mo. Sa tingin mo ba ang pagtakas ang solusyon sa lahat? Sa tingin mo ba ang pagkulong sa kanya ay naging maganda? Kapag aalis kayo ay hindi pa rin naman kayo malaya, wala pa rin namang kalayaan kaya ang mas mabuting gawin ay ang harapin niyo para matapos na,” sagot niya sa akin.“Tutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya.“Kaya mo na ‘yan,” sabi niya sa akin.“Pero–”“Matalino ka kaya alam mo na kaya mo. At isa pa kilala mo na ang kaaway ng pamilya ng asawa mo. Hindi puwedeng mangialam ang mga agent sa mafia,” sabi niya sa akin.“Bakit po?”“Alam ko kasi na kaya niyo na ‘yan? Wala namang kailangan na iba, kundi ang matapos na lang ito,” sabi niya sa akin.“Ayaw rin naman niyang umalis. Gusto niyang makasama ang pamilya niya,” sabi ko sa tita ko.“Sa tingin ko ay tama siya. Sa tingin ko ay mali na magsayang na naman







