"Marry me and I'll pay you ten million pesos." Kaya mo bang mahalin at pakasalan ang matalik na kaibigan ng iyong ama? Isang elementary teacher si Thea Faith Ferrer. Masaya siya sa propesyon at buhay na pinili niya. Ngunit may isang pangyayari ang magbabago sa kanyang buong buhay. Nang biglang magkasakit ang kanyang ama at palubog na sila sa utang kaya nawala na sa kanila ang kanilang kumpanya. Balak siyang ipakasal ng kanyang stepmom sa isang mayamang matanda. Ngunit nang malaman ito ng kanyang ninong ay inalok siya nito. Ito ay si Noah Villamor, isa sa pinakamagaling at pinakamayaman na businessman buong bansa. Ang mag-aalok kay Thea ng isang kasunduan. Ang kasuduan na mag-uugnay sa kanilang dalawa at ito ang KASAL. Mamahalin niya kaya ito o mauuwi lang silang dalawa sa hiwalayan.
View MoreAUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS STORY IS MATURE CONTENT, AGE GAP STORY AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK.
THEA FAITH
“Akin na ang pera! Ibigay mo sa akin!” Sigaw sa akin nang stepmom ko.
“Ano pong pera, auntie?”
“Ang sahod mo,” mabilis na sagot niya sa akin.
“Wala na po akong pera, auntie. Binili ko na po ng mga gamot ni daddy,” sagot ko sa kanya.
“Bakit ba panay ka pa bili ng gamot eh mamatay na rin naman na ‘yan?”
“Anong sabi niyo? Mamatay na? Hindi naman po yata tama na ganyan ang pananalita niyo.” Naiinis na sabi ko sa kanya dahil hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig niya
“Ano pa ba ang aasahan ko sa daddy mo. Palubog na ang company niya, naka-freeze ang mga ari-arian niya na anytime ay kukunin na ng bangko at wala na siyang pera. At ikaw naman wala ka ring silbi! Bakit ka pa ba kasi natatyaga sa pagtuturo mo eh maliit lang naman ang sahod mo?!” Galit na tanong niya sa akin.
“Opo, maliit lang ang sahod ko pero mahal ko ang trabaho. At ang trabaho ko ang nakakatulong sa mga pambili ng gamot ng daddy ko,” sagot ko sa kanya dahil hindi ko hahayaan na insultuhin niya ang propesyon ko.
“Whatever!” Sabi nito at tumalikod na.
Naiwan naman ako na nakatayo na nagpipigil ng galit ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan sa kanya ng daddy ko. May stepsister ako na ubod ng pagka-maldita at siraulo naman ang kapatid nitong lalaki. Ang sarap nilang itapon sa totoo lang. Kung hindi ko lang talaga mahal ang daddy ko ay lalayasan ko sila.
Pero kahit anong gawin ko ay ako ang tunay niyang pamilya. Kaya sa huli ako pa rin ang dapat na mag-alaga sa kanya. Kahit na alam ko na sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon ay hindi ko iiwan ang daddy ko na may sakit dahil hinayaan niya akong gawin ang mga nais ko.
Alam ko na he cares for me kahit pa hindi kami nagkakaroon ng time na magbonding na dalawa. Napa-hinga na lang ako ng malalim at naglakad na paakyat sa room ko. Marami pa akong gagawin dahil busy ako sa school. Kailangan kong magtrabaho dahil ito ang nakakatulong sa akin. Sa amin sa mga expenses dito sa bahay. Minsan ay nakakapagod ng umuwi sa bahay na ito. Kahit pa ito na lang ang mayroon kami. Pero wala eh, kailangan ko pa rin lumaban.
******
“Good morning, daddy.” malambing na bati ko sa kanya.
Alam ko na binabati rin niya ako. Hindi lang niya masabi. Na-stroke ang daddy ko kaya apektado ang buong katawan niya. Bago ako papasok sa trabaho ko ay inaasikaso ko na muna siya. Laking pasasalamat ko rin dahil hindi kami iniiwan ni Yaya Lenie. Siya ang nag-aalaga sa daddy ko kapag nasa trabaho ako.
“Anak, umalis ka na. Ako na ang bahala sa daddy mo. Baka ma-late ka na sa work mo,” sabi niya sa akin.
“Okay po, yaya. Salamat po,” sabi ko sa kanya.
“Daddy, kailangan ko na pong magwork. Si yaya na lang po muna ang mag-aasikaso sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
Tumango ito bilang sagot kaya hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis. Nagmamadali naman akong pumasok sa trabaho ko. Maglalakad pa kasi ako palabas sa subdivision namin dahil nga wala na ang kotse ko. Sa totoo lang ay sobrang nahirapan ako noong una dahil komportable ang buhay ko. May driver na naghahatid sundo sa akin kapag papasok at uuwi na ako galing sa trabaho ko. Noon ‘yon at iba na ngayon, dahil ngayon ay sumasakay na lang ako sa jeep.
“Okay lang, Thea. Magiging okay rin ang lahat,” kausap ko sa sarili ko.
Nang makarating na ako sa school kung saan ako nagtuturo ay kaagad akong napangiti dahil sa mga students ko na mga cute.
“Good morning, teacher Thea.” nakangiti na bati sa akin ng grade one students ko.
“Good morning sa aking mga pretty and handsome babies,” malambing na bati ko sa kanila.
Sa totoo lang ay sila talaga ang nagpapasaya sa akin. Dahil sa lumaki ako na mag-isa lang ay mahilig talaga ako sa mga bata. Sila ang safe haven ko, ang nagpapagaan ng lahat sa buhay ko. Sa kanila ko nararamdaman ang pagmamahal dahil ang lambing talaga ng mga students ko.
“Teacher, ang pretty mo po talaga.”
“Thank you po, pero mas pretty ka po.” nakangiti na sabi ko sa cute na cute kong students.
“Teacher, may boyfriend ka na po ba?”
“Bakit mo po tinatanong?”
“May pogi po akong kuya, teacher,” nakangiti na sagot niya sa akin kaya napangiti ako.
“Ako rin po, pogi rin po ang kuya ko.”
“Mga anak, open your book on page 60,” nakangiti na sabi ko dahil kukulitin na naman nila akin.
Mabuti na lang talaga at masunurin ang mga ito. Nagsimula na kami, para sa akin ay nakaka-relax ang magturo sa mga batang ito. Gusto rin talaga nilang matuto. Kaya naman masaya ako na nakikinig sila sa akin. Pero nang nasa sa kalagitnaan na ako ng klase ay nakatanggap ako ng tawag mula kay yaya.
“Anak, inatake na naman ang daddy mo. Nandito kami ngayon sa hospital,” sabi niya sa akin.
“Papunta na po ako, yaya.” sabi ko sa kanya.
“Mga anak, behave lang kayo dito ha. Lalabas muna si teacher,” sabi ko sa mga students ko.
“Okay po, teacher.”
Mabilis akong lumabas dahil kailangan kong pumunta sa principals office para magpaalam na kailangan kong puntahan ang daddy ko. Sa totoo lang ay natatakot ako ngayon. Pangatlong beses na kasing inatake ang daddy ko. Laking pasasalamat ko dahil pinayagan naman ako ng principal namin kaya naman mabilis akong pumunta sa hospital.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang daddy ko na nasa emergency room.
“Yaya, ano po ang nangyari sa daddy ko?”
“Galit na galit ang stepmom mo at inaway niya ang daddy mo. Hanggang sa muli na namang inatake ang daddy mo,” umiiyak na sagot sa akin ni yaya.
Naikuyom ko ang mga palad ko sa galit. Hanggang sa biglang dumating ang stepmom ko.
“Sumama ka sa akin,” sabi niya sa akin.
“Saan po?”
“Magpapakasal ka na,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
“A–Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko magpapakasal ka na!” sagot niya at pilit akong hinihila paalis.
THEA FAITH “Mommy, ready ka na po ba na magkaroon ng baby?” tanong niya sa akin kaya tumingin ako kay ninong.Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ano ba ang isasagot ko? Talaga naman eh, pasaway talaga ang gurang na ito. Pinapahirapan niya talaga ang buhay ko.“Love, bakit hindi mo sinasagot ang tanong ng anak natin?”“Ayaw mo po ba, mommy? Ayaw mo po bang magkaroon ng anak?” tanong sa akin ni Elli na bigla na lang naging malungkot ang mga mata niya.“Baby, hindi po sa ayaw ko. Hindi pa sa ngayon, hindi pa namin napag-uusapan ng daddy mo ang tungkol sa bagay na ‘yan,” sagot ko sa kanya.“Pero gusto mo po ba na magkaroon ng anak?”“Of course po, gusto ko po,” sagot niya sa akin.“Wait ko na lang po ang kapatid ko,” sabi niya kaya ako itong tumingin sa ninong ko at inirapan ko siya pero tumawa lang siya.“Don’t worry, baby dahil soon magkakaroon ka na ng kapatid,” sabi pa niya sa bata na talagang gusto niyang umasa ito sa mga gusto niya.Pero paano kung gusto nga niya na magkaroon
THEA FAITHPumasok na siya sa loob ng banyo. Ako naman ay inayos na ang bag ko. Dahil alam ko na magbibihis siya ay lumabas na ako, ang bilis naman kasi niyang matapos sa maligo. Ayaw ko naman na panoorin siya habang nagbibihis, tapos na rin naman ako kaya walang ng dahilan para manatili ako dito.“Good morning, Ma’am. Inayos na po namin ang baon mo,” nakangiti na sabi ng katulong.“Thank you po,” nakangiti na sabi ko sa kanila.May orange juice rin sila na ginawa para sa akin. Na touch naman ako sa ginawa nila. Kapag hindi ako busy ay makikipag-bonding ako sa kanila. Umupo na lang ako sa dining room para kumain pero naghintay ako ng kaunti dahil gusto ko na may kasabay si ninong.Tama nga ako dahil bumaba siya at kumain na kaming dalawa. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa umalis na kami. Gusto ko sana na sa likuran ako uupo pero naka-lock kaya naman sa tabi na niya ako umupo.Nakakabingi ang katahimikan. Pero wala eh, wala rin naman kasi kaming pag-uusapan na dalawa. Hanggang sa n
THEA FAITH“Ninong, stop! Ano po ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil hinalikan na naman niya ako. Tapos kakaiba pa ang halik niya para siyang may galit sa paraan ng halik niya.Tumigil siya at walang pasabi na pinatakbo na ang sasakyan niya. Ako naman itong nagulat dahil hindi pa ako nakapag-suot ng seatbelt ko. Kaya mabilis ko itong inayos at napakapit ako sa braso niya. Dahil feeling ko gusto na niyang paliparin ang kotse niya.Nang napansin niya ang kamay ko ay bigla na lang bumagal ang takbo ng kotse niya. Nakahinga naman ako ng maayos dahil sobrang kinakabahan talaga ako. Feeling ko kasi ay gusto na niya na mamatay na kami. Hindi man lang siya takot na mabangga.“Hindi ka na papasok bukas,” sabi niya sa akin at kahit kalmado siya ay alam ko na galit siya.“Ano po ba talaga ang problema? Bakit po ba ayaw mo akong gawin ang bagay na nagpapasaya sa akin?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko talaga malaman ang dahilan niya.“Dahil ayaw ko na nakikita na–”“Na ano po? Na sinusu
THEA FAITH“Tumigil ka na sa trabaho mo,” bigla niyang sabi sa akin na ikinagulat ko.“Po?”“I said stop working,” sabi niya ulit sa akin kaya tama talaga ang narinig ko na sinabi niya.“Ayaw ko, gusto ko magtrabaho. Pumayag ka naman noon kaya bakit ayaw mo na ngayon. Ano po ba ang dahilan kaya mo ako pinapatigil?” tanong ko sa kanya.“Dahil ayaw ko lang,” sagot niya sa akin.“Ninong, hindi naman puwedeng dahil sa ayaw mo lang. Dahil lang sa ayaw mo kaya dapat susundin kita, ang unfair mo naman.” sabi ko sa kanya at sa sofa ako humiga.“Bakit ka nand’yan?” tanong niya sa akin.“Hindi ako tatabi sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Kung ayaw mo, ‘di ‘wag,” sabi niya at humiga na siya sa may kama niya.Masama ang loob ko sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit ba nagbabago na siya. Hindi naman siya ganito pero habang tumatagal ay nagiging diktador na siya. Gusto na niya akong diktahan sa mga kailangan kong gawin. Parang ayaw na niya akong gawin ko ang mga gusto ko. Pumikit na ako para matulog. D
THEA FAITH“Tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong niya sa akin.“Malapit na po,” sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita–”“Huwag na, ninong. Ako na la–”“Tulungan na lang kita,” sabi bigla ng principal namin kaya nagulat ako.“Naku, Sir. Ako na po, malapit na po akong matapos,” nakangiti na sabi ko sa kanya.Nang tumingin naman ako kay ninong ay nagulat ako dahil nakakunot ang noo niya na para bang naiinis siya. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Kahit pa sabihin ko na ‘wag silang tumulong ay tinulungan pa rin nila ako. Ako naman itong nahihiya. Ayaw ko kasi na maging dahilan ito ng chismis dito sa trabaho ko. Kakausapin ko na lang mamaya si ninong para naman hindi na ito maulit pa. Nahihiya kasi ako, nahihiya ako na maging laman ng mga usapan dito. Lalo na single itong principal namin.“Sir, mauna na po ako.” paalam ko sa principal namin.“Ingat ka,” nakangiti na sabi niya sa akin pero nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ni ninong palayo sa
THEA FAITHItong yaya ko talaga. Ang buong akala ko ay may kakampi ako pero mali ako dahil siya pa nga ang unang nang-aasar sa akin. Aalis na lang siya ay inaasar pa rin niya ako. “Yaya, ingat ka po sa biyahe. Tumawag ka agad kapag nakarating ka na sa inyo,” sabi ko sa kanya.“Tatawag agad ako, anak.” nakangiti na sabi niya at niyakap niya ako.Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pinipigilan ko ang mga luha ko dahil papasok pa ako sa trabaho at ayaw ko naman na mugto ang mga mata ko. Ayaw ko rin naman na umiyak na naman si yaya. Nag-iyakan na kami kagabi tapos ngayon ulit.“Kumain ka muna ng breakfast, anak.”“Sa school na lang po, yaya.”“Kumain na muna tayo bago umalis,” seryoso na sabi ni ninong.“Pero kasi–”“Hindi ka aalis ng hindi ka kumakain,” sabi niya at nauna na siyang pumasok sa loob ng dining area.Ako naman itong sumunod na lang. Tinutulak rin kasi ako ni yaya. Umupo na agad ako at kumain na ako. Kasi naman nagmamadali na ako. Ayaw ko kasing ma-late.“Dahan-dahan lang, baka
THEA FAITHMabilis naman akong bumalik sa room ni yaya dahil ayaw ko naman na sa paglabas ulit ni ninong ay nandito ako. Mas okay na wala na ako para naman hindi na niya ako maabutan dito sa room niya.“Oh, bakit pawis na pawis ka? Mainit ba?” tanong sa akin ni yaya.“Po? Hindi po,” sagot ko sa kanya.“Eh, bakit pawis na pawis ka?” tanong niya sa akin.“Kakatapos ko lang po maghilamos, yaya.”“Weh, di nga?” halatang inaasar pa niya ako.“Yaya, ang kulit mo rin.”“May nangyari sigu–”“Wala po ah!”“Ang defensive mo, anak.” natatawa na sabi niya sa akin kaya naman ako itong napanguso na lang sa narinig ko mula sa kanya,Hindi na ako nagsalita. Humiga na lang ako sa kama at hinintay ko na tumabi sa akin si yaya. Ilang sandali ay humiga na siya.“Anak, hindi ako makapaniwala na sobrang bilis lang talaga ng mga araw.” sabi niya sa akin.“Bakit naman po, yaya?”“Kasi noon ang cute-cute mo pa. Ngayon ang ganda-ganda mo na at may asawa ka na. Parang kailan lang pero ang saya lang, masaya ako n
THEA FAITH“Noah!”Mabilis na lumapit sa amin si Doc Michelle at yumakap na naman siya sa asawa ko. I mean sa ninong ko. Pasimple ko namang binawi ang kamay ko sa ninong ko para bigyan siyang ng chance na yakapin pabalik ang jowa niya.“Hindi mo sinabi na pupunta ka rin pala dito?” tanong pa niya kay ninong.“Biglaan lang–”“Ano pala ang ginagawa niyo dito? At bakit kasama mo siya?” sunod-sunod na tanong niya kay ninong.“Bumili kami ng working table niya,” sagot ni ninong.“Condolence pala, Thea.” sabi niya sa akin.Ngumiti na lang ako bilang sagot sa kanya.“Okay lang ba kung sumabay ako sa inyo kumain?” “Sasabay raw siya sa atin?” pabulong na tanong sa akin ni ninong.“Bakit mo ako tinatanong?” tanong ko rin sa kanya.“Baka kasi magselos ka,” pabulong pa rin na sagot niya sa akin.Gusto ko siyang samaan ng tingin pero hindi ko ginawa dahil may kasama kami ngayon.“Actually, pauwi na kami. Sige, mauna na kami sa ‘yo,” sabi niya kay Doc Michelle at bigla na lang niya akong hinila paa
THEA FAITH “Ano ba ang–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakalapat na naman ang labi niya sa labi ko. Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Itong lalaking ito talaga. Ang hilig hilig magkiss. Na para bang gusto ko ang ginagawa niya. Tinutulak ko siya pero bigla na lang niyang hinawakan ang dalawa kong pulsuhan at nilagay sa itaas ng ulo ko ang mga kamay ko. Hindi tuloy ako ngayon makagalaw sa ginagawa niya.“N–Ninong, tumigil ka na nga. Pinagsasamatalahan mo na ako,” sabi ko sa kanya.“Kiss lang naman, ang damot mo. Hindi ka nga marunong humalik,” sabi niya at nasaktan ako dahil totoo naman.Paano ba naman kasi wala naman akong nahalikan pa na lalaki. Siya pa lang ang unang humalik sa akin. Kahit pa nasa tamang edad na ako ay inosente ako sa mga ganitong bagay.“Hindi nga ako marunong kaya ‘wag mo na lang akong halikan,” sabi ko sa kanya.“Puwede naman kitang turuan para maging marunong ka–”“Ninong, nilalandi mo ba ako?” tanong ko sa kanya.“Ano sa tingin mo?”“
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments