Share

CHAPTER TWENTY-TWO

“KUNG ano man ang mga nasabi ko sa iyo kahapon. Totoong lahat iyon. Hindi ko iyon gawa-gawa para magpaawa. Sana maintindin mo,” muli niyang sabi.

Hindi pa rin ako umiimik habang siya naman ay sa kalsada na ang focus sa pagda-drive.

“Ihinto mo na lang dito,” mababa ang tinig na sabi ko nang makatapat siya sa building kung saan ay okupado ko.

“Dito ka ba nakatira?”

“Salamat sa paghatid,” tugon ko na hindi sinasagot ang tanong niya.

Itinulak ko na ang pinto ng sasakyan at agad din ay bumaba saka dumiretsong pasok sa loob.

Pagdating ay binati pa ako ng guard na nakapansin sa akin.

“Ma’am dumating po ang pina-deliver ninyo. Inilagay na lang po muna namin dito sa loob ng kwarto namin. Gusto n’yo po bang ipaakyat. Iniwan lang kasi ng deliver guy. Sinabihan ko na huwag iiwan at hintayin na lang kayong bumalik pero matigas ang ulo.”

Tumango lang ako sa sinabi ng guard. “Paki-akyat na lang please.”

“Yes, ma’am,” magalang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status