LOGINCELESTINE'S POVEVERYTHING seems like a dream. Parang kahapon lang nang isumpa ko si Brent dahil sa ginagawa niya sa akin noon tuwing wala si Mommy. I was twenty-five, but see how things and time changed things. Also changed me.Three years had passed.The freaking three years of my life. Those first years and the remaining years before, I wasted because of Brent Echavez and Ezekiel Bellevera."Miss Celes, nakahanda na po si Miss Francine."Napatango ako sa nag-assist na saleslady. Kasalukuyan kaming nasa isang fashion boutique. Bumukas ang nagsisilbing kurtinang tumatakip sa isang cubicle. Iniluwa niyon si Francine na nakasuot na ngayon ng puting bestida.I don't know what struck me. I just get up on my feet. Frozen but not shaken. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang namanhid ang mukha ko nang makita si Francine. Pakiramdam ko ay kaming dalawa ang ikakasal. Agad akong napailing at inalis ang anumang isipin.Kung wala lang kami sa pampublikong lugar, baka ikinulong ko na si Francinc
NOTE: PLEASE HAVE SOME TIME TO READ.***************Hello everyone,I hope everything is great and having a good time reading the continuation of this book. This book started in 2021 and is just ending in 2026 na. Six years in the making. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami na ang huminto; maraming naghanap ng update. But those freaking years I stopped writing, believe me, I regretted. Hindi ako nag-focus sa career. I was lost. I was insanely not normal.By this chance... I want you all to get your attention, and I'll dedicate my life again sa passion ko. Determining to produce stories kahit alam kong marami na rin ang nagbago.I dedicate this last chapter story to Miss Lisa Brown. Thank you for giving me a chance to present this story to my readers and become part of your theme.Just a hint about the next chapter...I came in last. Baka masipa na ako dahil sobra na ang haba. It's supposed to be 118 in total. But I just left it hanging. Cliffhangers.NOT A SAINT was produce
CELESTINE'S POV NAPATINGALA ako nang marahas na bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagakan ko.Men in a police uniform armed with guns came to my rescue. Then two familiar faces arrived after them. Anne and Barbie.The tears kept running down my face when I remembered the last conversation Karina and I had."S-Si Karina... iligtas natin siya. "Nagmamakaawa ang tinig ko nang salubungin sila.Nagkatinginan ang dalawang magkasintahan na parang huli na ako sa balita.Napahagulgol ako ng iyak sa klase ng expression sa mga mukha nila. Huli na ba ang lahatHinubad ni Anne ang jacket na suot niya, isinampay sa likod ko, saka niya ibinalot sa akin. That jacket did not give comfort. Yes, it is warm, but it didn't do anything at all."Mabuti pang umuwi na muna tayo para kumalma ka," said Anne, trying to change the tension and the topic. Ano ba ang nangyayari at ayaw nilang sagutin?"No," mariing tugon ko. "Kailangan kong malaman kung ano na ang lagay ni Karina." Napasabunot pa ako sa sariling
KARINA'S POVPAPADILIM na ang paligid, bumababa na ang araw kasunod ang pagbaba at pagkuha ko ng pangdipensa ni Zeke sa kanyang sarili. Tuluyan kong naagaw iyon sa kanya."No," pagmamatigas niya at nakababa ang ulo. "Hindi kita kayang pakasalan."Dumilim ang anyo ko sa pagmamatigas niya. "Kung gayon ay isa sa atin ang dapat nang mawala, Zeke."Wala akong pakialam kung hanggang kamatayan o kahit impyerno ay magsama pa kami."Mag-drive ka!" sigaw ko sa driver na napilitang sumunod at minaniobra ang sasakyan. Nakatutok pa rin ang ulo ng baril kay Zeke.Hindi ko napaghandaan ang pang-aagaw rin ni Zeke. Naiputok ang baril at tumama iyon sa isang lalaking nasa harap namin. Bumagsak ito, at hindi ko sigurado kung nawalan na ng malay. Bahala na kung saan siya natamaan. Ang mas mahalaga ngayon ay mapasaakin si Zeke sa kahit na anong paraan. Sisiguraduhin kong wala akong kaagaw.Hindi ako nagpatalo. Pilit kong kinukuha ang baril hanggang muli iyong pumutok. Sa pagkakataong iyon ay tumama naman
KARINA'S POVNAKATALI sa likod ang mga kamay ko, nakatalukbong ng sako, kaparehong anyo nang sapilitan naming isinama si Celestine.Hindi na ako puwedeng umatras. Narito na ako at inihatid na ako ng mga kakosa o katropa ko. Sila man ay nag-aalala sa puwedeng mangyari sa akin. Nabanggit ko naman sa kanila na isa rin itong paraan upang makakuha kami ng pera kay Zeke. Kahit gawa-gawa ko lang iyon at hindi ko sigurado kung makaliligtas ako sa bagsik ng aking mahal na si Zeke.Sa likod ng sako ay nagdarasal ako na hindi niya ako mabuko. Suot ang gloves na lalong nagpapainit sa mga kamay ko. Namamasa, may bahagyang panginginig. Alam ko kung paano magalit si Zeke. Alam ko na rin ang kahinaan o ang baho niya. Wala ng atrasan at hindi ako puwedeng mabigo.Naaaninag ko sa sako ang nakalatag na marriage contract nang sabihin niyang pirmahan ko iyon. Napangiti ako. Ito ang kanina ko pa hinihintay. Ngunit hindi puwedeng magpahuli. Dapat akong lalong mag-ingat at hindi ipahalatang hindi si Celestin
KARINA'S POV NAKATUTOK ang mga mata ko sa sinusundang sasakyan. Hindi ko hahayaang makawala sa akin ang abogado. Napakuyom ang malamig kong palad nang maalala kung paano pumalpak ang walang kwentang abogado. Ayaw kong makulong si Zeke pero ito na yatang abogado na ito ang pinakawalang kwentang nilalang. Pinahid ko ang kumawalang luha sa mga mata ko. Hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Kailangan ng anak ko ng isang ama. "Itabi mo kuya," sabi ko sa driver na agad sumunod sa sinabi ko. Galing sa city jail ang abogado. Sumakay ng sariling saksakyan, nag-drive, hanggang sundan ko kung saan ang baba niya. Nang makitang opisina nito na isang Law firm, agad na rin akong umibis ng sasakyan. Suot ang bull cap, ini-adjust ng mga daliri ko iyon para matago ang mga mata ko, saka iniangat ang zipper ng suot kong university jacket, abot hanggang leeg. Bago pa man siya makapasok sa loob, sumalubong na sa tagiliran niya ang hawak kong bali.song at ako ay nakaalalay sa likuran niya. "Ano ang sin







