Share

Kabanata 15

Author: A Potato-Loving Wolf
Noong una kakaiba ang pakiramdam ni Mandy sa loob niya ng makaramdam siya ng init sa kanyang puso sa sandaling ito. Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang naranasan sa kanyang puso.

May pakiramdam siya na ang mga rosas na pinadala kahapon ay galing kay Don. Tutal inamin na ni Don ito ngayon, tama nga talaga siya tungkol sa bagay na ito.

Hindi niya inaakala na si Don ay talagang gagawin ang sinabi niya. Nagsalita lang siya tungkol sa mga Prague rose kahapon ng umaga. Kung gayon, ang mga rosas ay ipinadala sa kanya sa hapon at kasama ang Heart of Prague sa loob nito.

Ang bagay na ito ay hindi madaling mahanap. Kung kaya, pinagplanuhan niya na ito ng matagal na panahon, tama ba?

Kahit na alam ni Mandy na hindi siya pwedeng tumanggap sa pagpapakasal na ito dahil sa kasal na siyang babae, naantig pa din siya at nahihiya.

“Hoy, nakita niyo ba iyon? Sobrang nakakatawa yung ekspresyon ni Harvey! Nagulat siya! Hahaha!”

Samantala, si Zack ay tumayo, tinuro ang direksyon kung nasaan si Harvey at tumawa.

Maraming tao ang nakakita sa ekspresyon ni Harvey at kinantiyawan siya pagkatapos marinig ang mga salita ni Zack.

Totoo, ang mukha ni Harvey ay nandidilim sa sandaling ito. Hindi dahil sa kung ano pa man, ngunit dahil sa sobrang walang hiya si Don. Nagpanggap siya na nagpadala at kinuha ang pinaghirapan niya. Hindi ba siya nahihiya na mahuli?

“Mr. Xander, tignan mo ang ekspresyon ng ating live-in son-in-law. Hindi ba’t mukhang gusto ka niyang sapakin?” Pagpapatuloy ni Zack.

“May lakas ba siya ng loob? Isa siyang duwag. Sa tingin ko hindi siya maglalakas loob na sapakin ka Mr. Xander, tama ba? Hahaha!”

“Wala siyang tapat para sayo Mr. Xander. Kung naglakas loob siya na gawin ito, gugulpihin niya ito hanggang sa mamatay siya!”

“Bakit? Wala ka bang lakas ng loob magsalita? Natatakot ka ba?” Tumawa si Zack. “Harvey, isa ka talagang talunan. Andito siya para sa asawa mo ngayon gabi at wala ka man lang masabi ni isang salita tungkol dito. Isa ka talagang malaking kapalpakan?”

“Hahaha!”

Ang lahat ng nasa paligid ay lalong tumawa ng malakas ng matapos siyang magsalita.

Nandilim ang mukha ni Mandy. Siya pa din ay asawa ni Harvey sa pangalan lamang. Kung si Harvey ay pinapahiya, kung gayon siya ay din ay ganun din tulad niya. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana niya dinala siya dito.

Si Lilian na siyang nasa tabi lang ay mayabang na nakatingin kay Harvey. “Bakit? Gusto mo pa din bang magalit? Kung maglalakas loob ka na manggulo ngayong gabi, tignan natin kung ano mangyayari sayo!”

“Harvey, bakit ka ba natatakot sa iyong mother-in-law? Wala ka bang lakas ng loob na magsabi ng kahit na ano? Sige na, magsalita ka. Ano ang opinyon mo sa pagalok ng kasal ni Mr. Xander kay Mandy? Sumasang ayon ka ba o tutol? Sige na, sabihin mo ang nasa isip mo!”

Ayaw na pakawalan ni Zack si Harvey. Gusto niya na paglaruan siya at pahiyain siya. Talagang natutuwa si Zack dito.

Nakatingin si Harvey kay Zack matapos marinig ang kanyang mga sinabi. Mabagal niyang sinabi, “Okay, kung gusto mo na sabihin ko ito, sasabihin ko. Pagusapan natin ang ibang bagay mamaya. Ngunit ako ang siyang nagpadala ng Heart of Prague kay Mandy. Ayokong kahit na sino ang magangkin dito.”

Ang buong villa ay natahimik sa sandaling ito. Madaming tao ang nakatitig kay Harvey sa pagdududa na para bang nakasalubong sila ng multo.

“Hahaha…”

May taong nagsimulang tumawa matapos ang ilang sandali at sumunod na ang lahat sa pagtawa pagkatapos.

“Hahaha, ang batang ito ay sobrang nakakatawa. Sabi niya na siya ang bumili ng Heart of Prague. Alam niya ba kung magkano ang bagay na iyon?”

“Madaming tao ang nagsasabi na tanga siya, ngunit hindi ko ito pinaniwalaan. Ngayon, naniniwala na ako. Ang batang ito ay baka sinipa sa ulo ng isang baboy!”

“Oh my gosh! Sobrang walang hiya! Ang lakas ng loob mo na sabihin na ikaw iyon pero si Mr. Xander ang nagpadala nito...”

Sa kalagitnaan ng lahat, tanging ang mga mata lang ni Don ang nanginig. Subalit, mabilis siyang kumilos at kaagad na ngumiti ng pabiro.

Hinahampas ni Zack ang lames. Tumatawa habang kumikilos paatras at paharap. Tumatawa siya at tinuturo si Harvey. “Harvey, ang galing mong magpanggap. Sabihin mo sakin, sobrang irita ka ba kay Don na hindi na gumagana ang iyong utak? Sa tingin mo ba may maniniwala sayo? Kaya, kahit na kung ako ay medyo maniniwala sayo, kung gayon sabihin mo sakin, saan mo nakuha ang bagay na ito?”

“Inutusan ko ang isang tao na bilhin ito,” Kalmadong sinabi ni Harvey. Tinanong niya sa mga York kung pwede nilang ipadala ang bagay na ito, kung kaya binili niya ito.

“Tinanong mo ang isang tao para bilhin ito?” Pinipigilan ni Zack ang kanyang tawa. Tapos sinabi niya, “Sabihin mo sakin, magkano ang ginastos mo?”

“Libre lang iyan. May nagbigay nito sakin dahil kailangan niya tulungan ko siya na ayusin ang mga bagay-bagay.” Kalmadong sabi ni Harvey.

“May humingi ng tulong sayo at ibignigay ito sayo?” Kakakalma pa lang ni Zack at ngayon nagsimula nanaman siyang tumawa.

Hahahaha, ang lahat ng tao ay nagtatawanan nanaman!

Ang Harvey na ito ay nakakatawa!

‘May humingi ng tulong sa kanya at binigay ito sa kanya? Hindi niya siguro tinitignan ang kanyang sarili sa salamin. Sino ang hihingi ng kanyang tulong sa kanyang mahinang itsura? Anong kaya niyang gawin?’

“Sabihin mo sakin, ano ang tulong na hinigi niya?” Patuloy na sinabi ni Zack na may nangaasar na tingin.

“Gusto niya akong maginvest.” Sabi ni Harvey, “Gamit ang investment ng York Enterprise.”

“Pfft...” Nabuga ni Zack ang kanyang laway. “Harvey, sa tingin mo ba masasali ka sa York Enterprise ng dahil sa ang apelyido mo ay York din? Gising ka na ba talaga?”

Si don na kanina pa nanunuod ay tumingin na kay Harvey sa sandaling ito, na may nangungutyang ekspresyon sa kanyang mukha. “Talunan, sinasabi mo bang kaya mong magdesisyon na gamitin ang pera ng kumpanya namin? Dapat pagisipan mo kung ano ang mga sasabihin mo. Ang lakas ng loob mo na magpanggap na kabilang ka sa kumpanya namin—York Enterprise? Napagisipan mo na ba ang resulat ng ginagawa mo?”

“Resulta ng gagawin ko? Don, isa ka lang middle-level na empleyado. Nanloloko at nabobola ka din gamit ang pangalan ng York Enterprise. Naisip mo na ba ang resulta ng ginagawa mo?” Mayabang na sinabi ni Harvey.

Inirapan siya ni Don, “Talunan ka talaga. Para kang palaka sa balon at wala kang alam. Hindi mo maiintindihan ang aking posisyon sa kumpanya. Ako ang project manager ng York Enterprise. Kahit papaano ⅓ ng limang bilyong dollars ang dadaan muna sakin bago magpatuloy ang investment.”

“Talunan, naiintindihan mo ba kung ano ibig sabihin nito?” Sobrang galit si Don. “Ibig sabihin nito na ako ang siyang nagdedesisyon sa pagtaas at pagbagsak ng karamihan sa mga pamilya at negosyo sa Niumhi!”

Humahangang nakatingin si Zack kay Don. Itinuro niya si Harvey at pinagalitan ito. “Harvey! Ang lakas ng loob mong magsalita ng wala kang nalalaman? Pinapahiya at sinisiraan mo ang Zimmer family!”

“Si Mr. Xander ay elite ng York Enterprise. Paano mo na lang pagdududahan ang kanyang katayuan sa kumpanya?”

“Harvey, inaabisuhan kita na humingi ng tawad kay Mr. Xander. Kung hindi, ikaw ay malalgay sa malaking problema mamaya!”

“Mr. Xander, huwag mo na siyang pansin masyado. Hindi niya naiintindihan kung gaano karangal ang pagkatao mo!”

“Dahil nandito ka, madali na para sa Zimmer family na makakuha ng ilan sa mga project funds...”

Nanatiling tahimik si Harvey.

Hindi mapigilan ni Harvey na mangutya habang nakikita ang mga nakakadiring mukha ng mga tao ng Zimmer family. Tumingin siya kay Don at sinabi. “Narinig ko na ang limang bilyong dollars ay hawak ng buo ng bagong presidente ng York Enterpirse. Kaya ba ng isang middle-level na empleyadong tulad mo na makialam sa bagay na ito?”

Nainis si Don. “Nagpapanggap ka ba na nakakaalam ng mga panloob na usapin ng aming kumpanya? Ako ang kanang kamay ng bagong presidente. Nasa akin ang buong tiwala niya.”

Hindi pa nakita ni Don ang bagong presidente. Subalit, hindi ito pumigil sa kanya para umarte sa harap ng Zimmer family, dahil alam niya na wala silang lakas ng loob na pagdudahan ang kanyang sinasabi.

Malakas na tumawa si Harvey. “Pinagkakatiwalaan ka ba ng bagong presidente? Don, sobrang galing mong magsinungaling!”

Napahinto si Don. Kahit ang Zimmer family ay hindi maglalakas loob na kwestunin ang kanyang sinasabi, bakit ba ang live-in son-in-law ay mukhang alam ang lahat?

Tinignan niya ng maigi si Harvey ng ilang beses. Kinumpirma niya na si Harvey ay walang alam tungkol kanyang bagong presidente. Mayabang niyang sinabi, “Kung gayon, sinasabi mo ba na kilala mo ang aming bagong presidente? Kahit na si Senior Zimmer ay hindi maglalakas loob na sabihin ang ganyang mga salita, sino ang nagbigay ng tapang para sabihin mo iyan?”

“Mr. Xander, huwag mo na siyang pansinin. Masyado siyang walang hiya at hindi niya alam kung saan siya lulugar!”

“Nababaliw na siya. Hindi mo na siya kailangan pang pagtuunan ng pansin.”

“Well, well, well, tignan mo ang ekspresyon niya, akala niya mukha siyang magaling...”

“Tama na iyan!” Sumimangot si Senior Zimmer kaunti. Mayabang na tumingin kay Harvey. “Harvey, wala kang karapatan na magsalita dito. Sa tingin mo ba mahusay ka? Umalis ka na dito!”

“Oo, umalis ka dito! Huwag ka ng magkalat pa dito!”

“Sinisira mo ang imahe at reputasyon ng Zimmer family!”

Ngumiti si Don. Kinumpas niya ang kanyang kamay para patigilin ang lahat. Tapos sinabi niya, “Talunan, hindi kita aapihin ngayon. Pagbibigyan kita...”

“Hanggat masasabi mo kung sino ang presidente ng aming kumpanya, ako ang hihingi ng tawad sayo! Ngunit… kung hindi mo kaya, gagapang ka palabas ng mga pintuan ngayon!”

Naiisip na ni Don na gumagapang si Harvey palabas ng gate matapos niyang sabihin ito. Ang bagong presidente ay kakakuha lang sa kumpanya ngayon at siya ay napakamisteryoso. Hindi niya din alam ang pangalan ng bagong presidente. Paano na lang malalaman ito ni Harvey?

“Mr Xander sobrang bait mo naman. Handa kang bigyan siya ng pagkakataon. Maraming salamat sa pagpapakita ng kaunting respeto sa Zimmer family!”

“Harvey, huwag ka ng maging walang hiya. Dalian mo at humingi ka ng tawad kay Mr. Xander!”

“Harvey, sino ka ba sa tingin mo?!” Tumayo si Lilian, tinuro siya at sinabi, “Sino ang nagbigay ng karapatan sayo na gawin ang kung ano na gusto mo dito? Sa tingin mo ba napakahusay mo? Ang lakas ng loob mo na magturo dito? Umalis ka na ngayon!”

Hahaha!

Ang lahat ng mga tao sa paligid ay tumatawa. Kahit ang kanyang mother-in-law ay tumanging bigyan siya ng respeto. Mas mabuti kung mamatay na lang ang live-in son-in-law na ito.

Kung ito ay dati, siguradong masunuring humingi na ng tawad si Harvey.

Subalit, sa sandaling ito, ang gilid ng bibig ni Harvey ay napangiti, Mayabang na nakatingin siya kay Lilian.

Akala ni Mandy na kakaiba ito. Matagal na niyang kasama si Harvey ng tatlong taon. Matagal na siyang mahina. Hindi niya inaakala na hindi niya makikilala si Harvey sa sandaling ito.

Tumayo si Harvey at tumingin sa paligid. Hindi na niya matiis ang mga pangit na itsurang iyon.

Huminga siya ng malalim at mayabang na sinabi, “Hindi ba’t gusto niyong malaman kung sino ang bagong presidente ng York Enterprise?”

“Sige! Sasabihin ko sa inyo ngayon!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (21)
goodnovel comment avatar
Nonilon Magbitang
yap it's ok naiintindihan ko po..nag hirap din kayo sa pag gawa nito..but easy payment ay kung May cash ako sa sa aking sim..ok po naiintindihan ko marami Pong salamat...
goodnovel comment avatar
Roderick Alandy
maganda talaga ang story naka2xchallengge mangulikta nang bunos araw pro d bali nah atleast nakakabasa ako everyday thanks padin sa apps na eto ......
goodnovel comment avatar
jen_26jen
Grabi na chapter 2k Ahahha.. Paano kaha tumakbo story nito?? Pina ikot lang yata.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5564

    ”Nakipagsabwatan ang John family sa Evermore?”Ngumiti si Shepard kay Karina Joyner.“Partikular, nakikipagtulungan si Blaine sa Coraal Revered.”Kumibot ang mga mata ni Blaine John.“Tama na ang kalokohan!“Narinig ko na ang Evermore ay may sampu sa mga Revered at Twelve Earthly Branches!“Hindi kailanman makikialam ang magkabilang panig sa negosyo ng bawat isa!“Paano mo malalaman kung nakikipagtulungan ako sa Coraal Revered?!“Bukod pa riyan, kung talagang taga-Evermore ka, bakit mo pa sinasadyang ibubunyag ang lahat ng ito?!”Ngumiti si Shepard.Sa pangkalahatan, hindi ko rin malalaman iyan.Kahit gawin ko pa, hindi ako magbabanggit ng anuman.Gayunpaman, nakikipagtulungan ka sa kanya para patayin ako!Kung magtatagumpay ka, lubos na makokontrol ng pamilyang John ang Golden Sands, baka pati na rin ang buong Gangnam, sa tulong ng Evermore.Hahayaan lang ng pamilyang John na sakupin ng Evermore ang Gangnam pagkatapos noon!"Sa gayon, ang Evermore ang magbibigay sa pami

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5563

    ”Ikaw…”Kumibot ang mga mata ni Master Morgraine.Hindi ako naniniwalang alam mo! ”0.1 onsa ng dahon ng eucommia, 0.3 onsa ng balat ng dalandan, at isang snow rose...Sapat na!Agad nagdilim ang mukha ni Master Morgraine.Huwag ka nang magsabi pa!Mamamatay ka dahil sa paglalantad sa pormula ng Immortal Pavilion! ”Lahat ay nagpakita ng kakaibang tingin pagkatapos marinig ang galit na mga salita ni Master Mograine.Nagsisimula na ba siyang mag-panic? 'Malaki ang impluwensya ng "Evermore." Sino ang nakakaalam kung may mga espiya kayong nakatanim sa Immortal Pavilion? "sigaw ni Blaine John.Kung mayroon, natural lang na alam mo ang pormula!Sinusubukan mo bang siraan ang aking tiyahin dahil lang diyan?Nangbibiro ka ba?Sa tingin mo ba may maniniwala sa iyo dito? ”Tumayo si Ibuki Masato bago nagpalabas ng malamig na tawa.Siyempre, walang maniniwala sa kanya!Hindi niya nga mapatunayan ang kanyang pagkakakilanlan! ”Tumawa si Shepard.Dahil hindi ka naniniwala sa ak

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5562

    Bumuntong hininga si Shepard.“Hindi ko mapapatunayan na ako si Shepard…“Pero naniniwala ako na maya-maya lang ay gagawin mo ‘yun.”“Tutulong ako? Mangangarap ka!" sigaw ni Master Mograine nang malamig.Ngumiti lang si Shepard.“Alam ng lahat na bukod sa pinuno ng Immortal Pavilion, mayroon ding apat na elders.“Si Master Mograine ang pinakamababa sa kanilang lahat.Ang lahat ay nagtawanan.“Siguro napakabobo mo para isipin na makakatulong ito sa iyo! Alam ng lahat 'yan!”“Huwag kang magmadali.“Hindi pa ako tapos dito.“Alam ng lahat na may Apat na Elders mula pa noong sinaunang panahon.“Pero hindi alam ng karamihan na ang mga elder ang kumakatawan sa apat na pinakatanyag na pamilya sa Immortal Pavilion!“Si Master Morgraine ay kabilang sa pamilyang John. Sa kabila ng hindi pagiging bahagi ng mga pamilya ng Immortal Pavilion, nanatili pa rin siyang isa sa mga nakatatanda. Hindi ba kayo nagtataka diyan?”Bahagyang tumango ang mga tao sa underworld. Ang sinabi ni Shepard

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5561

    Lumabas si Master Mograine bago tuluyang nagsalita.“Sinasabi mo ba sa amin na siya si Shepard pagkatapos kumuha ng random na nakasaksi?“Sino pa nga ang makakapagpatunay na nagsasabi ka ng totoo?!”Ngumiti lang si Harvey.“Hindi ko kailangang gawin 'yan.“Magbubukas si Shepard sa lahat.Pagkatapos, sinulyapan ni Harvey si Shepard.Sa iyo ang palapag.Nasa sa iyo kung maililigtas mo ang iyong buhay, o hindi.Ngumiti si Shepard.Huwag kang mag-alala. Nagtutulungan na tayo ngayon.Wala akong balak umatras.Pagkatapos, humakbang siya pasulong bago siya pumikit-pikit sa paligid.“Tsk! Tsk! Karamihan sa mga kilalang personalidad ng Gangnam ay narito, nakikita ko!“Puro mga pamilyar na mukha ang narito!“Hindi na masama! Magaling!”“Tama na ang daldal!Napakasama ng naging ekspresyon ni Blaine nang malamig siyang tumingin kay Shepard.Paano mo mapapatunayan na taga-Evermore ka?At hindi lang basta-basta aktor na kinuha ni Harvey? ”"Alam mo ito, Batang Guro John," sagot n

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5560

    Napabuntong-hininga si Harvey York pagkatapos marinig ang sagot ni Damon John.“Magiging ganito ka ba ka-makasarili?”Nanghamak si Damon. Malinaw na nawalan na siya ng interes sa pakikipag-usap kay Harvey.“Tama! Ganoon nga!" Sigaw ni Blaine.Ano pa nga ba ang magagawa mo tungkol diyan?Umalis ka na rito!Hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataon! ”Tumango si Harvey bago humakbang pasulong na nakataas ang ulo.Sige! Dahil hindi makikipagtulungan sa atin ang pamilya John...Kung ganoon, hindi ko na kailangang isaalang-alang ang mga kontribusyon ng pamilya sa bansa."Bahala na ang pamilyang John!Kung gusto mo ng away, heto na ang pagkakataon mo!Kasalukuyang nag-snap ng daliri si Harvey.Halika! Dalhin dito si Shepard at ang ikalabindalawang sangay ng Evermore! ”Evermore?!Si Shepard?!Ang ikalabindalawang sangay?! 'Hindi mabilang na tao ang napasinghap bago kusang lumingon upang tingnan si Harvey.Ano ang kinalaman nito sa Evermore? '‘Hindi ba siya nagsasal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5559

    ”Tama na, kayong lahat!" sigaw ni Damon John nang malamig.Umupo siya sa kanyang upuan, galit na galit na nakatingin.Ako ang unang pinuno ng gobyerno!May karapatan akong magpasya kung ano ang mangyayari sa Golden Sands!Kung kailangan ko pang patunayan ang kawalang-sala ng pamilya dahil sa ilang random na akusasyon...Wala na tayong oras para gawin ang iba!"Sabihin ko sa iyo ang isang bagay! Kung walang tunay na ebidensya, kahit ang Nine Great Elders ng bansa ay hindi pinapayagang maghanap sa atin!Kung magrereklamo ka pa...Pababagsakin ko ang anim na Pamilyang Hermit mula sa mundo!"Huwag mong isipin na takot ako sa iyo dahil lang malapit nang maging isa sa Dakilang Matatanda si Eliel Braff!Kung hindi ako interesado na maging pinuno, sa palagay mo ba talaga may pagkakataon siya?!Mga mangmang na hangal!"Paano mo nagawang gamitin ang kapangyarihan ng Longmen para salakayin ang bahay ko?!"Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob?! ”Malungkot ang itsura ni Damon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status