Share

Kabanata 14

Author: A Potato-Loving Wolf
Nakatingin ang lahat doon. At nakita nila si Don na nakasuot ng magandang damit at ang kanyang buhok ay nakasuklay papunta sa likod. Mukha siyang gwapo at matalino. Mayroon siyang hawak na reagalo sa kanyang kamay at naglalakad siya papasok ng nakangiti.

“Salubungin natin si Mr. Xander ng masigabong palakpakan!” Sumigaw ang isang batang lalaki.

Iba’t ibang klase ng pagsisigaw ang biglaang narinig.

Kapansin-pansin na ang isang batang talentadong lalaki tulad ni Don ay mas kikilalanin at sasalubungin ng Zimmer family kumpara kay Harvey.

Ang importante pa, maaari niyang tulungan ang Zimmer family!

Sa sandaling ito, ang buong Zimmer family ay nakatingin kay Don na para bang siya ang Diyos ng Yaman!

Nakangiti si Don at kumaway sa mga tao sa paligid niya. Mukha siyang bituing naglalakad sa red carpet at mukhang taong mataas ang lipad.

“Senior Zimmer, pasensya na sa pagabala sayo. Nagpunta ako dito ng hindi iniimbita. Subalit, diretso akong tao. Kaya, magsasalita ako kung mayroon akong gustong sabihin!”

Si Don ay ambisyosong nakangiti. Malakas niyang sinabi, “Nagustuhan ko si Mandy sa unang beses ko siyang makita, ngunit sa kasamaang palad, naikasal siya sa isang walang kwenta!”

“Tinuturing ko ang kasal na ito bilang biro ng tatlong taon. Ngunit gaano kasakit na ba ang naranasan ni Mandy? Mahal ko si Mandy. Ayokong makita siya na magtiis sa ganitong paghihirap. Kung kaya, nandito ako ngayon para sabihin ito sa harap ng buong Zimmer family...”

Huminga ng malalim si Don. “Gusto kong pakasalan si Mandy. Gusto ko siyang mapasaya!”

Nabigla niya ang buong kwarto. ‘Si Don Xander ay sobrang tapat na tao. Wala siyang binigay na respeto kay Harvey! Si Harver ay nandito din ngayon.‘

‘Subalit, pagisipin mo ito ng maigi, si Harvey, ang live-in son-in-law ay walang kwenta naman. Bakit pa ba rerespetuhin ni Don ang tulad niya? Hindi siya takot na bastusin siya.’

Siguradong sobrang pikon na si Harvey ngayon. Sobrang malas naman talaga niya!

“Iniisip ko si Mandy nitong nakaraang mga taon!” Patuloy pa ni Don. “Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kanya. Nagdala ako ng aking pinaghirapan sa ilang taon ngayon...”

Mabagal na binuksan ni Don ang regalo habang nagsasalita. Mayroong check na nasa loob nito at ang numero na nakasulat dito ay nakakagulat.

“Ito ay cash check ng sampung milyong dollars. Hanggang handa si Mandy na pakasalan ako, ito na ang aking regalo para sa pagtanggap ng pagpapakasal!” Malakas na sinabi ni Don. “Kahit na ang aking pag-aari na lagpas pa sa milyong dollars ang halaga ay maaaring ilagay sa ilalim ng pangalan ni Mandy.”

“Ano?!”

Ang lahat ay nabigla at ang kanilang mga mukha ay namutla.

Ang mga tao sa Zimmer family ay kinuha ang check at inabot ito kay Senior Zimmer. Ang mata ng lahat ay kuminang sa sandaling ito.

Ang sampung milyon ay siguradong hindi malaking bagay para sa Zimmer family. Kahit na second-class family sa Niumhi ang Zimmer family, ang mga asset nito ay higit pa sa bilyong dollars.

Subalit, si Don ay nagawang makapaglabas ng sampung milyon cash! Para sa kahit na sinong kilalang pamilya, karamihan ng capital ng pamilya ay mga fixed asset. Kulang sila sa liquidity o masyadong mababa ang kanilang liquidity.

Kunin na natin ang Zimmer family kung halimbawa, maganda na magkaroon ng ilang milyon sa kanilang libro.

Kung ang Zimmer family ay makakakuha ng cash mula kay Don, maaari nilang maangat ang lebel ng kanilang negosyo.

Samantala, ang tingin ng lahat ay napunta kay Mandy. Ilan sa mga babae ay umaasa na sila ang nasa posisyon ni Mandy ngayon.

“Sobrang romantiko nito! Sampung milyong dowry!”

“Isang bagay ang pera. Ngunit ang pinaka importanteng bagay ay magkaroon ng puso...”

“Oo, ang klase ng pagmamahal na ito ay nakakainggit. Bakit walang sinuman ang ganito nagtuturing sakin?!”

Madaming tao ang pinag uusapan ang tungkol dito. Naiinggit ang mga lalaki. Naiinggit ang mga babae.

Lalo na para sa mga babae, nababaliw sila kay Don.

Si Lilian at Xynthia ay nakatingin kay Don ng masaya. Kung sabagay, talentado siya at gwapong lalaki. Ilang libong beses siya mas mahusay kay Harvey.

Nagpatuloy si Don. “Mandy, nakatanggap ka ba ng Prague roses na may Heart of Prague na kasama kahapon? Iyan ay regalo mula sakin!”

Si Don ay puno ng pride pagdating dito.

Ang spy sa kumpanya ni Mandy ay pinaalam sa kanya ang tungkol dito kahapon.

Nagpanggap siya bilang nagpadala matapos na makumpirma niya ang taong nagbigay ng regalo ay hindi pinaalam ang kanyang pagkatao. Maniniwala ang lahat sa kanyang sinasabi.

“Ano? Ang Heart of Prague?!”

“Ang maalamat na Heart of Prague?! Ito ba ang siyang sinusuot ni Mandy ngayon> Masasabi na mayroong isang ganito lang sa isang mundo. Ito ay napakahalaga, ngunit hindi ibinibenta. Hindi ito mabibili ng pera! Mr. Xander, nakakabilib ka...”

“Ito, ito, ito...”

Madaming babae ang napapahanga ng mapunta ang kanilang tingin kay Mandy.

Ang Heart of Prague, ang maalamat na alahas! Ito ay magkasamang disenyo ng kilalang mga maestro ng sining. Ito ay kilala bilang kayamanan ng Prague. Hindi nila inaakala na lilitaw ito dito ngayon.

Biglang tumayo si Harvey. Sa sandaling ito, galit na siya.

Masyadong walang hiya itong si Don! Siya ang nagregalo ng Heart of Prague sa kanyang asawa. Ang lakas ng loob niya na magsinungaling na ito ay kanyang regalo?

Ang mas nakakainis pa ay na ang lahat ay naniniwala sa kanya!
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5782

    Isang oras ang lumipas, umalis si Harvey York sa istasyon ng pulisya nang walang galos.Kung hindi niya ginamit ang kanyang koneksyon kay Dutch Cobb, nakakuha na ang Surrey family ng ilang kilalang abogado mula sa labas ng lungsod para asikasuhin ang sitwasyon.Sinampal ni Harvey si Conrad Surrey sa mukha pero hindi naman siya masyadong nasaktan sa kabila ng nakakahiyang bagay na ginawa niya. Sadyang walang sapat na ebidensya si Conrad para kasuhan si Harvey sa simula pa lang.Gayunpaman, hindi lang nakialam si Conrad sa tirahan ng Surrey family, nagdala pa siya ng mga ilegal na baril sa loob. Sa ilalim ng mga kondisyong ito, kailangang harapin ang sitwasyon nang may pag-iingat at kasiguraduhan.Kung hindi, kailangang makulong si Conrad at ang iba pa sa loob ng ilang taon."Hindi ko akalaing madadamay ka sa problema ng Surrey family, Harvey..."Lumabas si Harvey sa pintuan bago mabilis na dumating ang Surrey family.Tumango si Lennon Surrey kay Harvey na may kakaibang tingin.“

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5781

    Pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Conrad Surrey…At ito ay problema ng Surrey family…Agad na sumimangot ang kapitan.Masyadong maraming tao ang damay dito.Sapat na ang apat na malalaking tribo sa pagpapagulo sa sitwasyon. Kasama ng green card…Sino man ang masasangkot ay malalagay sa malaking gulo.“Lahat ng naninirahan sa bansa ay susunod sa mga batas nito.“Anuman ang iyong pagkatao, wala kang pagpipilian kundi ang sumunod.”Itinuro ni Harvey York si Conrad."Biglang lumitaw ang lalaking ito at tinakot ako na ibigay ang kuwintas na binili ko sa auction! Nagkakahalaga ito ng 1.3 bilyong dolyar, alam mo!“Nagsimula na akong sumagot bago pa man ilabas ng mga taong ito ang kanilang mga baril, nakahanda silang kalabitin ang gatilyo!“Takot na takot ako ngayon!“Kung hindi ako nagpakabait, baka binaril na ako ngayon!“Pakiusap! Gawin mo ang kailangan mong gawin! Panindigan mo ang katarungan, para sa akin!Ngumisi si Harvey habang basta-basta niyang inilipat ang sis

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5780

    “Aaagh!”Napasigaw si Conrad Surrey sa sakit nang mapaatras siya.Pulang-pula ang kanyang mukha habang nanginginig ang kanyang katawan. Puno ng pagkagulat ang kanyang mga mata habang nakatingin siya kay Harvey York.Pagkatapos niyang bumalik, hindi niya inaasahang makakaranas siya ng ganitong kalaking pagkatalo kahit na may kaalaman siyang magagamit laban sa Surrey family.‘Sinampal ako ng payatot na ‘yun?‘Napakalakas ng mga koneksyon ko, napaka makapangyarihan ng pagkatao ko, tapos sinampal niya ako?’Hindi nagtagal, natauhan si Conrad habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.“Anong karapatan mong sampalin ako, hayop ka?!“Hindi mo ba alam na…”Pak!Winasiwas ni Harvey ang likod ng palad niya paharap, na nagpabagsak kay Conrad sa lupa. Hindi na siya nag-abala pang makipag-usap nang masinsinan kay Conrad.“Ano ngayon kung sinampal kita?“Hindi ko ba pwedeng gawin ‘yun?”“Halika! Patayin mo ako ngayon mismo!”Galit na galit si Conrad. Nagpunta siya rito para lang mag

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5779

    ”Walanghiya ka! Paano mo nagawang kumampi sa pinakadakilang traydor ng outskirts?!”Nagpakita ng malagim na ekspresyon si Ernie Surrey.“Hindi mo ba alam na ang kanyang disipulo, si Creed, ay pumunta rito para gumawa ng gulo?! Hindi na siya babalik pa!”“Syempre, alam ko ‘yun!”Nagkibit-balikat si Conrad Surrey.“Kung wala ito, malamang hindi ako makakabalik!“Pero iba ako!“Isa lang siyang walang utak na barbaro!“Pero ako, ginagamit ko ‘to…”Tinapik ni Conrad ang kanyang ulo.Ngumiti siya nang makita niya ang pamilyang Surrey na ganap na nagagalit.“Bibigyan kita ng isang araw, tanda.“Gusto kong makita na lahat ng ari-arian ay na-liquidate at nailipat sa akin.“Tama. Kukunin ko rin ang One-Eyed Bead at ang Nine-Eyed Bead.“Sana naman ay makumbinsi mo si Sir York dito.“Sa huli, ang kayamanan ng isang tao ay ang kanyang sariling kapahamakan.”Ikinumpas ni Conrad ang kanyang kamay bago humarap kasabay ang kanyang mga kasama.Kung ikukumpara kay Asher Klein, ang kanyan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5778

    Sinulyapan ni Lennon Surrey ang sinasabing ebidensya bago nagpakita ng nakakakilabot na ekspresyon.Ang ebidensya ni Conrad Surrey ay naglalaman ng halos isang daang taong kasaysayan ng pamilya, na may karagdagang patunay upang suportahan ang lahat.Sa madaling salita, halos imposible para sa kanila na ipaliwanag ang lahat.Pagkatapos mapagtanto iyon, nanlumo ang puso nina Lennon, Ernie, at Aria Surrey.“Naging bahagi ka rin ng pamilya, Conrad. Dapat alam mo na wala sa pamilya ang lahat ng iyan..." sabi ni Lennon.“Ikaw ang nagdala ng Six-Eyed Bead dito.”“Sinong nagsabi na ‘yun ang kaso?”Hinagis ni Conrad ang ilang mga larawan sa mesa.Agad na tumingin si Harvey bago nakita ang mga larawan ng ilang Eyed Beads sa loob ng tirahan ng Surrey family.Ang mga pamilyar sa pamilya ay makikilala ang lugar kahit na ang loob lang ng bahay ang ipinapakita sa mga larawan.“Ang katotohanan ay nagiging kathang-isip…“Kapag naging kathang-isip ang katotohanan.”Ngumiti si Conrad.“Sabih

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5777

    Dahan-dahang lumabas mula sa likod ang isang payat na lalaki.Nakasuot siya ng suit, ngunit parang maluwag ito sa kanya.Hawak niya ang isang leather briefcase na may iba't ibang uri ng alahas.Inilagay niya ang maleta sa mesa sa harap ni Lennon Surrey bago dahan-dahang binuksan ito.Pasimpleng sumulyap si Harvey York bago niya nakita ang ilang mapa ng balat ng tupa na nanilaw na, ang ilan sa mga ito ay iginuhit din ng kamay.Mayroon ding butil na may anim na tuldok na nakikita dito.‘Ang Six-Eyed Bead!’Galit na galit na binagsak ni Lennon ang kanyang kamay sa mesa."Hayop ka! Sabi ko na nga ba ikaw ang kumuha ng kayamanan ng pamilya!“Ang lakas ng loob mong dalhin ito dito!“Akala mo ba na walang makakagalaw sayo?!”“Tch tch tch…”Umiling si Conrad Surrey.“Napakaraming taon na ang lumipas, pero galit ka pa rin tungkol dito?“Hindi ‘yan ang paraan para mapabuti ang kalusugan mo, hindi ba?”“Walang hiya ka!“Nababaliw ka na!”Napuno ng galit sina Ernie Surrey at Aria

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status