"Ang kapal ng mukha mo, Harvey!" "Ang lakas ng loob mong insultuhin ang Five Virtues Temple ng ganyan!" Napuno ng galit si Scarlett. "Kung saan-saan ka sumusuot at nandaraya ka para manalo sa laban! Sa tingin mo malakas ka dahil dun?!" "Sa tingin mo walang makakatalo sa'yo?!" "Bumalik ka na lang kapag natalo mo ang God of War ng Island Nations nang patas!" Tumingin si Harvey kay Scarlett at bahagyang ngumiti. "Tanga ka ba, Scarlett?" "Sinong nagsabing pwede lang akong lumaban nang harapan?" "Sinong nagsabing hindi kakayahan ang pag-iwas?" "Kapag sumunod tayo sa sinabi mo, kapag nilagay ko ang baril na'to sa isa sa mga ulo nila, ibig sabihin hindi sila pwedeng umilag! Tama?" "Kapag ginawa nila yun, maituturing itong salamangka, tama? Tapos sa kung anong dahilan, isa tong pandaraya para sa'yo?!" "Iniinsulto mo ba ang sarili mong katalinuhan o ang sa mga Islander kapag nagsasabi ka ng mga basurang kagaya niyan?!" "Bilang kumakatawan sa Five Virtues Temple, paanon
Maghintay ka lang, Harvey! Hindi pa tayo tapos dito!" "Babawi ang Longmen's Law Enforcement!" "Kapag iniulat ko to sa Elder Group, titiyakin namin na magbabayad ka sa pagtatraydor mo sa bansa mo!" Handa nang umalis ng mga elite at mapagmataas pa rin sila sa kabila ng pagkatalo nila. Naningkit ang mga mata ni Harvey sa kanila nang may malamig na titig. Pagkatapos ay humakbang siya paharap bago lumitaw sa harapan ni Mitchell. Nang hingi nagdadalawang-isip, ibinuwelo ni Harvey ang palad niya. Pak! Wala man lang oras si Mitchell para makakibo ay hindi niya rin naiwasan ang sampal. Nakalipas siya kaagad habang sumisigaw. "Sinabi ko ba na pwede kang umalis?" Naghalukipkip si Harvey, wala siyang pakialam. Malamig ang mukha niya. Nagpabago-bago ang emosyon sa mukha ni Mitchell. Sa huli, pinilit niyang tumayo habang nagngingitngit sa galit. "Sino ka ba sa tingin mo, Harvey?!" galit niyang sigaw. "Sa tingin mo kaya mong gawin ang kahit na anong gusto mo dahil sinusuportah
Bang!Bumigay ang mga binti ni Mitchell at bumagsak ang tuhod niya sa lapag. Kalmadong lumapit si Harvey sa kanya bago dinampot ang phone na nasa harapan niya. Pagkatapos ay tinapik niya siya sa mukha. "Mukhang hindi ka makakakuha ng backup." "Bilang head ng Longmen's Law Enforcement, magagawa ko nang ipataw ang husga ko bago ang lahat. Lalo na't may espesyal akong permiso." "Mamamatay ka rito." Hinawakan ni Harvey ang leeg ni Mitchell gamit ng kanan niyang kamay. Ito ang huling paggalang niya kay Mitchell: ang panatilihing buo ang bangkay niya. …Nagpunta si Mitchell sa Hong akong kasama ng Sword Saint ng Shinkage Way para maghiganti. Gayunpaman, tahimik na natapos ang insidente at umarte ang lahat na parang walang nangyari. Pagkatapos makontrol ang Longmen's Law Enforcement, kaagad na nagbago ang organisasyon sa utos ni Harvey. Kahit na nasa Hong Kong pa rin siya, sapat na ang isang tawag para ipadala ang mga pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan mula sa Longmen
"Bahala na ang iba, maging ang mga Sword Saint ng Island Nations ay napatay niya!" "Sa ganitong sitwasyon, kailangan nating kumalma para magtagumpay." "Kahit paano natin siya banggain, kailangan may plano tayo." "Kung hindi, magkakamali tayo at makakatakas siya…" "Baka makahanap pa siya ng pagkakataong gumawa ng gulo!" Pagkatapos ang maraming laban, pamilyar na si Vince sa mga taktika ni Harvey. Kahit na gustong-gustong patayin ni Scarlett si Harvey, umaasa pa rin si Vince na makakakalma ito. Sinigurado niyang siya mismo ay kalmado sa kabila ng lahat. Huminga nang malalim si Scarlett at nahimasmasan. Pagkatapos, sinabi niya nang mahina, "Kapag hindi natin siya maitumba nang palihim, itutumba na lang natin siya sa harap ng marami" "Parehong pagmamay-ari ng mga York ang Hong Kong at Las Vegas. Sigurado akong ang isang hayop na mula ng Country H ay hindi mahirap patayin!" "Siguradong matutumba mo siya, Vince!" "Kapag hindi mo nagawa, kukuha na lang tayo ng mga eksper
"Hindi siya maswerte. Sadyang may itsura lang siya, sapat na para maging alagain." Puno ng inis ang mukha ni Vince. "May nasagap akong balita mula sa Nanyang Gang. Sinusubukan ng taong ito na kumapit sa Cobb family!" "Tingin ko magaling si Harvey sa pagsipsip kay Dean, napili siya bilang susunod na head ng pamilya!" "Ang lalaking iyon ay isinilang para maging alagain!" "Tingnan mo. Si Yoana, Leslie, Irene… napakaramjng babae sa Hong Kong ang baliw na baliw sa kanya, handa pa silang kalabanin ako!" "Sayang lang at ang mga alagaing tulad niya ay kailanman hindi mauunawaan kung paano gamitin ang kapangyarihan." "Kailangan niyang magbayad sa pagbebenta ng kanyang katawan!" Pagkatapos marinig ang mga panlalait ni Vince kay Harvey, gumaan na ang pakiramdam ni Scarlett. Para naman kay Vince, mayroong panghahamak sa kanyang mga mata nang tingnan niya si Scarlett. Kung talagang si Harvey ay isa lamang alagaing yao, imposibleng marating niya ang puntong ito. Sayang at hindi
Nitong alas tres ng madaling-araw, habang natutulog pa ang lahat… Ilang mga Tesla X ang huminto nang tahimik sa tapat ng Three Seasons Hotel. Mga babae at lalaking nakasuot ng itim ang nasa loob ng kotse habang walang emosyon. Nakaupo sila nang diretso habang ang titig nila ay napakalamig. Si Scarlett ang nangunguna sa kanila. Sinadya niyang magsuot ng madilim na damit noong gabing iyon, malinaw na naipapakita ang nakakaakit niyang katawan. Sayang at nakatuon ang pansin ng mga tao niya sa pagpatay. Wala silang pakialam sa kanyang kagandahan. Pagkatapos suminghal, naglabas si Scarlett ng isang laptop at tiningnan ang datos sa loob. Bukod sa hardin sa itaas ng bubong, ang presidential suite lamang ang nasa itaas ng Three Seasons Hotel. Habang sinusundan niya ang pamamalakad ni Yoana, ang buong lugar ay puno ng mga elite ng Dragon Palace. Nakabantay sila doon para panatilihing ligtas si Harvey. Si Harvey na kagagaling lamang sa isang matinding laban sa isang Sword Saint,
Nilabas ng tauhan ang kanyang phone habang nagsasalita. Marami ang laman nito. Hindi lamang nakunan ang pagbili ng Harvey ng pagkain, makikita pang nakahiga siya sa kwarto nang hindi sinasara ang bintana. Makikita rin ang mga dinadaanan ng mga elite, malinaw na makikita ang kanilang posisyon. "Magaling! Napakagaling!" "Tingin mo ang galing galing mo na Harvey?" "Diba tinalo mo ang Sword Saint at naagaw mo ang pwesto ni Head Bauer?" "Bakit mukhang pagod na pagod ka ngayon?!" "Kung wala ang tulong ni Dean, gusto kong makita kung paano ka pa makakapagpanggap!" Muling humudyat si Scarlett at kaagad na lumabas ng kotse ang mga tao. Tinuro ni Scarlett ang dalawang pinuno ng grupo. "Number One, magsama ka ng ilang tao para pumasok sa mga fire exit. Siguraduhin mong mababantayan mo sila." "Number Two, dalhin mo ang mga tao mo at bantayan mo ang elevator. Walang makakapasok o makakalabas." "Ang mga matitira, samahan niyo ako sa rooftop garden para itumba ang mga elite!"
"Tawagin niyo si Head York ngayon na!" "Dali! Tumawag kayo ng pulis!" Pumasok sa loob ang mga elite. Nang makita ito ni Scarlett, ngumisi siya. 'Wala talagang kwenta si Harvey!' 'Maging ang mga guwardiya niya ay mga duwag! Hindi sila mismo lumabas, pero napili pa nilang tumawag ng pulis?' 'Gaano sila kawalang kwenta para sabihin ito?' Hindi nagsayang ng oras si Scarlett at hinawi ang hawak niyang spada. Makikita ang isang malamig na ngiti sa kanyang labi. "Sugod!" Nasa tatlompung tao ang naglabas ng kanilang mga spada mula sa kanilang baywang bago sumunggab paharap. Ang presidential suite na makikita sa itaas ng Three Seasons Hotel, ay nasa 1,600 square feet ang laki. Kaagad na napaligiran nila Scarlett ang lugar. Sa sandaling ito, pakiramdam niya si Harvey ay parang isa lamang isda. Ngunit pagkatapos matalo nang maraming beses, hindi nasta nagpabaya si Scarlett. Hinudyatan niya ang iba na ilabas ang kanilang mga baril, bago ilabas ang sarili niyang baril. Pagka