Sa una, hinatid ni Yvonne si Harvey gamit ang kanyang Bentley, ngunit bumigat ang trapiko. Kung kaya, kinuha ni Harvey ang kanyang electric bike mula sa compartment at sinakyan iyon pauwi. Ngunit nasira ang kanyang electric bike, at nahulog siya sa kanal. Mukha siyang kaawa-awa.Maliligo na sana si Harvey at magbibihis, ngunit nakita siya ni Cecilia. Malamig siyang tumawa at sinabing, “Nagpakita rin sa wakas ang taong pinag-uusapan natin. Narito na ang walang kwentang tao! Harvey, nahulog ka ba sa inidoro? Ang baho mo!"Ayaw ni Harvey na maistorbo siya. Nilagay niya ang malaking plastic bag na hawak niya sa sulok ng sala at maliligo na.“Harvey, ang lakas ng apog mong umuwi pa? Anong tingin mo sa pamamahay ko, hotel? Tapos lalayas ka at uuwi kung kailan mo gusto? " Sa sandaling iyon, narinig ni Lilian ang ingay. Nang lumabas siya, hindi malugod ang kanyang ekspresyon sa mukha.‘Kung hindi dahil sa walang kwentang ito, hindi maaagaw ni Zack ang naging malaking ambag ni Mandy! Dahil
"Tama iyan!" Mabilis na naulit ni Cecilia ang sinabi ng isa. "Posibleng gawin ni Harvey ang ganong nakakahiyang bagay. Wala siyang kwenta habang si Don ay isang bangkarote. Posibleng magsabwatan sila. Kung hindi, paanong ligtas at maayos si Harvey ngayon?"“Cecilia! Anghel! Tama na yan!" Sa wakas, hindi na napigilan ni Harvey ang kanyang sarili. Umabante siya at mapagmataas na tinignan ang dalawang babaeng nasa harap niya.Walang duda, sina Cecilia at Angel ay kaakit-akit. Ang isa sa kanila ay seksi, habang ang isa ay cute. Kahit na maldita sila ngayon, kaakit-akit at kaibig-ibig pa rin sila.Nang napansing nakatingin sa kanya si Harvey, napuno ng pagkasuklam si Cecilia. ‘Tong walang kwentang lalaking to! Ang kapal ng mukha niyang tumingin sa best friend ng asawa niya! Isa siyang b*stardo!’"Alam ko sinabi mo sakin to dati. Ang kumpanya ng aking asawa ay nangangailangan ng eight hundred thousand dollars. Kung magagawa kong ibigay ang halagang iyon, luluhod ka sa harap ko at tatawag
Ang mga matalik na kaibigan ni Mandy—sina Cecilia at Angel, ay takot na takot na ang kanilang mga binti ay nanginig. Nakita nila sa harap nila ang eight hundred thousand dollars. Hindi kayang ipisin ang naging epekto ng eksenang iyon sa kanila."Mga mabubuti kong anak, tatawagain niyo na ba akong daddy ngayon?" Ani Harvey habang pumapalakpak at bahagyang nakangiti.Sa sandaling iyon, huminga nang malalim si Cecilia. Bumalik ang kanyang ulirat mula sa labis na pagtataka ngayon lang. Pagkatapos ay tumingin siya kay Harvey, at mapanlait na sinabi, "Harvey, huwag mong isiping hindi ko alam. Binibigyan ka ni Mandy ng pocket money sa loob ng tatlong taong ito. Napakawalang kwentang tao ka talaga. Paano mo naman nakuha ang eight hundred thousand dollars na yan? Baka hindi mo yan nakuha sa maayos at legal na pamamaraan.”Nang marinig iyon, medyo sumimangot din si Mandy. Walang malay niyang hinila si Harvey papasok sa kwarto.Tuliro si Harvey. Ito ang kauna-unahang pagkakataong kusang hinaw
"Hindi niya pwedeng kunin iyon. Mangyayari ba talaga yun dahil sinabi mo? Sino ka ba sa palagay mo? Ikaw ba ang CEO ng York Enterprise? Sa tingin mo ba kamag-anak mo sila dahil ang apelyido mo ay pareho sa kanila? Maraming tao ang may apelyidong Marshall. So ibig sabihin na nito magkakapamilya silang lahat?" Galit na galit si Lilian sa maraming bagay, at napuno siya ng matinding sama ng loob.May sasabihin pa sana si Harvey. Lumabas na ngayon si Mandy sa kwarto. Sinabi niya pagkatapos, "Ma, wala si Harvey doon kanina. Hindi talaga natin siya pwedeng sisihin. Si Zack lahat. Masyado siyang walanghiya. Isa pa, tinulungan ako ni Harvey na humiram ng eight hundred thousand dollars, at tumulong siya sa paglutas ng emergency noong isang araw. Pwede po ba…”“Na ano? Na i-trato siya nang maayos? Tingnan mo ang kanyang mapanirang hitsura! Hindi siya mukhang prinsipe kahit na magbihis siya nang maayos!" Pinagalitan ni Lilian si Harvey. Nakalimutan na niyang banggitin ang diborsyo. “Bilisan mo a
Matagal nang nakarting sa opisina si Yvonne. Nakasuot siya ng transparent na white suit sa araw na iyon. Nang makita niyang papasok si Harvey sa opisina, pinaghanda niya siya ng isang tasa ng tsaa. Sinabi niya pagkatapos, “CEO, ang mga Zimmer ay nagpadala ngayon ng isang taong pangalan ay Zack ihatid ang kontrata satin. Gusto mo bang tingnan ito?”"Hindi na kailangan." Ni hindi tumingala si Harvey. “Sabihan mo siyang lumayas siya. Kung maglalakas-loob ulit siyang pumasok sa aking kumpanya, bugbugin at putulin ang mga binti niya!”"Alright!" Hindi na nangahas si Yvonne na nagtanong pa tungkol dito. Si Mr. York ay palaging sigurado sa kanyang desisyon. Hindi rin ito ang unang araw niyang magtrabaho para sa kanya.***Sa reception room. Si Zack may mukhang medyo malungkot. Pakiramdam niya ay minalas siya nang mabangga niya si Harvey ngayon lang. Ngayon ang York Enterprise ay hindi man lang nag-abala sa kanya, at iniwan siya doon ng halos kalahating oras. Bahagya siyang nainis at akma
Mukhang nalaman na ni Zack ang katotohanan. “Tama iyan! Baka ganon. Wala nang ibang posibilidad. Kung hindi, paano natin maipapaliwanag na mukhang tunay ang kontrata? Pero napakatanga nila. Hindi nila naisip na malalantad ang kanilang kasinungalingan kaagad…”“Oo! Maaaring ito ang nangyari. Senior Zimmer, papuntahin sila dito, nang malaman natin ang katotohanan dito.""Totoo yan! Mahabang panahon na nating alam na ang live son-in-law na iyon ay isa lamang walang silbing tao. Hindi ko inasahang nagpunta siya roon at naging magnanakaw. Isa pa, paanong nag-uwi si Mandy ng pekeng kontrata? Isang malaking kahihiyan ito para sa mga Zimmer!"Inulit ng mga tao mula sa mga Zimmer ang sinabi ng iba. ‘Sumobra na si Mandy. Fifty million dollars na investment ito. Marami sa ating maaaring makakuha ng maraming benepisyo at magkaroon ng isang marangyang buhay dahil doon. Ang kapal ng mukha niyang magdala ng isang pekeng kontrata at lokohin tayo! Tama lang na maparusahan siya nang matindi!'Ang mu
'Paanong ang isang walang silbing taong tulad niya ay kayang bumili ng kahit anong kotse sa automotive city?'“Ganito na lang, sir. Tingnan mo lang ang disposisyon mo. Sa palagay ko bagay ang kotseng ito sayo. "Mababa ang tingin ang magandang sales girl kay Harvey. Partikular niyang tinuro ang isang Porsche Panamera na hindi kalayuan, ngumiti, at sinabi, “Heto po. Pwede niyo pong i-test drive ang kotseng ito. Kung walang babaeng tatalon papasok sa kotse mo habang nagmamaneho ka, baka kailangan niyo nang isipin kung nakakatakot ang hitsura mo.”Natuwa si Harvey. Naglakad siya roon at tiningnan ang kotse. Sinabi niya pagkatapos, "Hindi na masama. Pero matagal na rin ang huling beses na nagmaneho ako ng kotse. Bakit hindi mo ako i-set para sa isang test drive? Kung okay ito, kukunin ko ito."“Test driver? Para sayo?”Tawa nang tawa ang magandang sales girl. Hindi niya sukat akalaing may isang taong walang kahihiyan tulad niya. Ang kapal ng mukha niyang humingi ng test drive ng isang k
“Alright! Sasabihan ko siya Mr. Quinn na lumayas siya agad!" Mabilis na tumango ang supervisor. Pagkatapos ay tumalikod siya at galit na inirapan si Harvey. Sinabi niya pagkatapos, "Sir, umalis ka na ngayon. Hindi ka welcome dito. Kung hindi mo alam kung paano umalis, ipapa-escort ka namin sa mga security guard...”Ayaw ni Harvey na maistorbo siya. Humakbang lang siya at tinitigan si Mandy, na nakatayo sa harapan niya.“Harvey? Bakit ka nandito?" Bumalik ang ulirat ni Mandy ngayon lang. Nang makita niya si Harvey, bahagyang nanginig ang magandang pigura niya. Napuno siya ng galak at awkwardness sa sandaling iyon.Kahit siya ay nagtataka kung bakit mayroon siyang mga ganitong nararamdaman.Malinaw na ramdam niya ang pagiging superyor sa harap ni Harvey dati. Ngayon sa di malamang dahilan, malugod sa kanyang mata ang makita si Harvey. Ngayon ay madalas na siyang nalulungkot kapag hindi niya siya nakikita.Ang mahalaga ay, medyo na-ilang at nag-aalala siya nang makita siya ni Harvey