The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-08-25
Oleh:  GiselleOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Peringkat. 4 Ulasan-ulasan
212Bab
3.5KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isang piping manugang na walang silbi… 'yan si Pierre sa mata ng lahat. Ngunit nang malagay sa panganib ang kumpanya ng kaniyang magandang asawa na si Eleanor, ang itinuturing nilang basura ang siyang nagdala ng milagro. Sa isang pitik, nagbago ang ihip ng hangin. Paano haharapin ng pamilya Elizalde ang katotohanang ang lalaking tinapakan nila ay ang nag-iisang tagapagmana na luluhuran ng buong Ciudad de Oro?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Chapter 1

“Pierre?! Bakit ikaw na naman ang sumundo sa akin? Sa dinami-dami ng tao sa bahay, bakit ang isang pipi pa na tulad mo ang ipinadala rito?!”

Inis na hinarap ni Gizelle ang lalaki sa labas mismo ng gate ng kanilang university. Nakasimangot siya habang pabalik-balik ang tingin sa paligid, tila natatakot na may makakita sa kanila.

"Bilisan mo nga, umalis na tayo! Kapag nakita ako ng mga kaklase ko, hinding-hindi ko na alam kung saan ko isusuot ang mukha ko!" mataray na dugtong ng dalaga bago ito mabilis na naglakad palayo.

Tinikom na lang ni Pierre ang kanyang bibig at tahimik na sumunod sa babae.

Nandito lang naman siya para sunduin si Gizelle dahil nakiusap ang asawa niyang si Eleanor. Kadalasan ay si Eleanor ang gumagawa nito, pero dahil nagkaroon ng biglaang meeting sa kompanya, nag-text ito sa kanya na siya muna ang pumalit.

Papunta na sana sila sa sasakyan nang biglang may tatlong magkakabarkadang babae ang humarang sa daan nila.

"Hala, diba si Gizelle Elizalde 'yan, ang beauty queen?" plastic na bati ng isa sa kanila.

Napatigil si Gizelle at agad na nagbago ang reaksyon sa mukha. Sinulyapan niya si Pierre sa kanyang likod at doon na nag-umpisang mag-init ang ulo niya.

Huli na ang lahat. Ang kinatatakutan niyang mangyari ay nagkatotoo na, at ang nakakita pa sa kanila ay ang grupo ng mga babaeng mortal niyang kaaway sa campus.

"Oh, kayo pala. Anong kailangan niyo?" pilit ang ngiting tanong ni Gizelle.

"Wala naman, nagbabaka-sakali lang na mapansin mo kami," pang-aasar ng babaeng may mahabang buhok, sabay baling ng tingin kay Pierre.

Nanlaki ang mga mata nito at exaggerated na sumigaw para marinig ng iba.

"Teka, Gizelle! Huwag mong sabihing ito 'yung palamunin at pipi mong bayaw na isang taon nang nakatira sa inyo? Bakit ka naman nagdadala ng kung sino-sinong basura dito sa school?" patuloy na pang-iinsulto ng babae.

Namula sa matinding hiya at galit si Gizelle. Nagdilim ang kanyang paningin sa mga narinig.

"Ano namang pakialam niyo? Tabi nga riyan! Ang mabuting aso, hindi humaharang sa daan!" singhal ni Gizelle.

Buong lakas niyas itinulak ang babae para makaraan, sabay hila kay Pierre papasok sa kotse at padabog na isinarado ang pinto.

"Paharurutin mo na 'tong sasakyan! Gusto mo ba talaga akong mapahiya nang husto?!" sigaw ni Gizelle habang nagngangalit ang mga ngipin.

Natigilan sandali si Pierre bago tahimik na ini-start ang makina at pinaandar ang kotse.

Mariing ipinikit ni Gizelle ang kanyang mga mata habang dinadamdam ang asar. Rumaragasa pa rin sa kanyang pandinig ang mahinang tawanan ng mga kaklase niya mula sa labas ng bintana, dahilan para mabilis na tumaas-baba ang kanyang dibdib sa galit.

"Bilisan mo pa nga!" muling sigaw ni Gizelle. "Napakabagal mo magmaneho!"

"Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang pumasok sa utak ng ate ko! Bukod sa pinakasalan ka niya kahit wala kang kwenta, wala ka pang trabaho. Isang taon ka nang umaasa sa kanya, tapos pipi ka pa!" patuloy na paglalabas niya ng sama ng loob.

"Kung ako sa'yo, matagal na akong nagpakamatay!" galit na asik ni Gizelle.

Hinihingal si Gizelle matapos isigaw ang lahat ng iyon, ngunit tulad ng inaasahan, walang kahit anong reaksyon si Pierre.

Natawa na lang nang mapait ang dalaga dahil sa pagka-frustrate.

"Sabagay, bakit ba ako nagsasayang ng laway sa isang pipi? Mukhang nababaliw na yata ako," bulong niya sa sarili bago humalukipkip at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Habang nagmamaneho, may kakaibang kislap na dumaan sa mga mata ni Pierre.

Pipi?

Sampung taon na niyang naririnig ang bansag na 'yan mula sa mga tao.

Noong mawala ang kanyang mga magulang, nilapitan siya ng isang misteryosong matanda na may pambihirang kakayahan. Sinabi nito sa kanya na kung gusto niyang mahanap ang mga magulang niya, kailangan niyang tiisin ang lahat ng uri ng hirap at pang-aapi.

Dahil sa labis na pighati, pumayag si Pierre nang walang alinlangan. Doon na ipinasa sa kanya ng matanda ang lahat ng sikretong kaalaman bago ito tuluyang naglaho.

Ngunit may isang mabigat na kapalit ang lahat ng lakas na iyon. Hindi siya pwedeng magsalita sa loob ng eksaktong sampung taon.

Kung susubukan niyang magsalita bago matapos ang takdang panahon, hindi kakayanin ng katawan niya ang enerhiya at maaari siyang sumabog at mamatay.

Mukha mang kwentong pantasya, ito ang totoong dahilan kung bakit tinitiis niyang tawaging pipi ng lahat. Akala ng mga tao ay napipi siya dahil sa walang tigil na pag-iyak noong bata pa siya, nang hindi nalalaman ang malaking sekretong nakatago sa likod nito.

Sampung taon siyang pinagmalupitan at binu-bully ng lahat ng tao sa paligid niya.

Pero ang araw na ito... ang huling araw ng sampung taong pagtitiis.

Huminga nang malalim si Pierre habang nararamdaman ang unti-unting paggalaw ng malakas na enerhiya sa loob ng kanyang katawan.

Simula sa araw na ito, tuluyan na niyang iwan ang bansag na pipi. Bahagyang sumilay ang pananabik sa kanyang puso.

Mabilis na pumasok ang kotse sa malawak na compound ng mga Elizalde. Hindi pa man lubusang humihinto ang sasakyan ay dali-dali nang bumaba si Gizelle.

Habang naglalakad palayo, iwinagayway pa ng dalaga ang kanyang kamay sa harap ng kanyang ilong, na tila ba ang pagsama kay Pierre sa iisang kotse ay parang pagkulong sa kanya sa isang mabahong estero.

Hindi na lamang ito pinansin ni Pierre. In-off niya ang makina, kinuha ang susi, at mabilis na dinala ang mga hakbang patungo sa ikalawang palapag ng mansiyon.

Wala siyang pakialam kung saan magpupunta si Gizelle. 

Sa mga sandaling ito, mas lalong nagiging marahas ang pagdaloy ng enerhiya sa loob ng kanyang katawan.

Sampung taon niyang tiniis ang lahat ng kahihiyan, kaya hindi niya hahayaang masira ang lahat sa huling importanteng sandali na ito.

Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, agad na nahagip ng kanyang paningin ang kalendaryong nakapatong sa mesa. Ngumisi si Pierre, kumuha ng panulat, at marahas na itineksan ang huling numero sa petsa ngayon.

Tapos na ang sampung taon ng pagdurusa.

Agad siyang umupo nang de-kuwatro sa ibabaw ng kama, hinubad ang kanyang pang-itaas na damit, at pumikit nang mariin. 

Sinimulan na niyang gisingin at kontrolin ang natutulog na lakas sa kanyang katawan para tuluyang wasakin ang harang na pumipigil sa kanya.

Habang abala si Pierre sa kanyang pagpapakalakas sa kwarto, pumasok naman sa sala ng bahay si Lyra, ang kanyang biyenang babae, kasama ang isang makisig na batang lalaki habang masayang nagtatawanan.

"Sana naman ay nagpasabi ka agad na darating ka ngayon, Evander! Para naman nakapaghanda ako nang maayos," nakangiting wika ni Lyra habang ginagabayan ang bisita paupo sa sofa.

"Maupo ka muna riyan, ipagtitimpla kita ng masarap na kape."

Ang taong dumating ay si Evander, ang anak ng matalik na kaibigan ni Lyra. Gwapo ito, matangkad, at may palaging may ngiti sa mga labi na nagbibigay sa kaniya ng mukha ng isang edukadong lalaki.

"Tita, huwag mo na akong ipaghanda masyado. Kararating ko lang kasi galing abroad kaya dumaan ako para mangumusta at tingnan si Eleanor," wika ni Evander.

Siya na mismo ang kumuha sa lalagyan at nagbuhos ng kape sa sarili niyang tasa.

"Kung hindi lang po ako ipinadala sa ibang bansa para mag-aral noon, baka ako ang nakatuluyan ng anak niyo ngayon," natatawang dugtong ng binata.

Bahagyang napatigil sa pagngiti si Lyra at pilit na tumawa.

Bata pa lang ay kilala na niyas si Evander bilang isang munting henyo sa bayan nila, at pangarap talaga niya itong maging manugang. Hindi niya inaasahan na ipipilit ni Eleanor na pakasalan ang piping lalaking iyon.

"Tita, may dinala nga pala akong regalo para kay Eleanor." Umupo si Evander sa sofa at luminga-linga sa paligid. "Nasaan nga pala siya?"

"Ah, nandoon pa sa kompanya at hindi pa nakakauwi," sagot ni Lyra.

Bakas ang pagkadismaya sa mukha ng binata bago muling nagtanong.

"Paano naman 'yung asawa niya? Nabalitaan ko kasing wala siyang trabaho at dyan lang umaasa sa inyo. Gusto ko sanang makilala kung sino ang nakabihag sa puso ni Eleanor," sabi ni Evander habang nakangiti.

"Sakto nga dahil bibisita sa akin ang district head sa mga susunod na araw. Pwede ko siyang tulungang makahanap ng trabaho," alok pa ng binata na tila ba may mabuting intensyon.

Lalong nairita si Lyra nang marinig ito. Agad siyang sumigaw patungo sa ikalawang palapag.

"Hoy! May bisita tayo dito sa bahay. Hindi mo ba alam kung paano bumaba at bumati?" singhal ni Lyra.

Ngunit dahil nasa gitna ng kritikal na sandali si Pierre, wala siyang naririnig na kahit anong ingay mula sa labas.

Sa kabilang banda, lumabas naman si Gizelle mula sa kwarto niya sa unang palapag nang marinig ang hiyawan ng ina. Agad na dumaan ang inis sa kaniyang mga mata nang makita kung sino ang nasa sala.

"Ma, nag-aayos kasi ako ng mga gamit ko kaya hindi ko napansin na may dumating," paliwanag ni Gizelle.

Tumayo agad si Evander para bumati, ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng dalaga at dire-diretso itong umakyat sa hagdan.

"Ako na ang tatawag kay Pierre," sabi ni Gizelle.

Kahit asar siya kay Pierre, mas ayaw niya kay Evander. Kung papipiliin siya sa pagitan ng isang langaw na hindi nakakapagsalita at isang langaw na walang tigil sa maugong na pag-ingay, mas pipiliin pa rin niya ang una.

"Sabihin mo bumaba siya rito ngayon din! Kailan pa siya naging ganyan kayabang na hindi man lang marunong humarap sa bisita?" galit na utos ni Lyra habang nakatitig sa hagdanan.

"Tita Lyra, huwag na po kayong magalit. Hindi naman kasi madaling putulin ang kasunduan sa kasal, lalo na't mapilit si Eleanor na pakasalan si Pierre," panunuyo ni Evander, ngunit may halong pang-aasar ang kaniyang tono.

Dahil dito, mas lalong nagdilim ang mukha ni Lyra at tuluyang nawala ang natitira niyang pasensya para sa kaniyang manugang.

Nasiyahan naman si Evander sa naging reaksyon ng matanda. Ang tanging layunin lang niya ngayon ay ipakita sa piping lalaki na napakalayo ng agwat nilang dalawa, at ipamukha kay Lyra kung gaano naging kamalian ang pinili nilang manugang.

Habang umaakyat, walang alam si Gizelle sa planong panghihiya ni Evander. Nakasimangot niyang hinarap ang nakasarang pinto ng kwarto ni Pierre.

"Palaging nakasara ang pinto kahit nasa loob ng bahay, napaka-engot talaga," reklamo ng dalaga.

Walang katok-katok niyang binuksan ang pinto, ngunit laking gulat niya nang makita si Pierre na nakaupo nang de-kuwatro sa kama na walang suot na damit.

"Ah! Manyakis!" tili ni Gizelle sabay labas at padabog na isinarado ang pinto habang namumula ang mukha.

"Pierre, nababaliw ka na ba? Nasa bahay ka tapos wala kang damit at hindi mo pa ni-lock ang pinto! Pinapababa ka ni Mama dahil may bisita, bilisan mo!" sigaw ng dalaga bago patakbong bumaba sa sala.

Kahit galit, hindi maalis sa isip ni Gizelle ang hubog ng katawan ni Pierre na tila ba isang bodybuilder. Agad niyang itinaktak ang kaniyang ulo para mawala ang mga imaheng iyon.

"Pababa na ba?" tanong ni Lyra nang mapansing walang sumusunod kay Gizelle.

"Papunta na," walang gana at pabalang na sagot ng dalaga sabay upo sa sofa.

Sa kabutihang palad, hindi naabala si Pierre sa biglaang pagpasok ni Gizelle at matagumpay niyang nalagpasan ang sampung taon ng pagtitiis. Kasunod nito ay ang pag-alingasaw ng isang mabahong amoy sa kaniyang paligid.

Nang tingnan niya ang kaniyang sarili, nakita niyang nababalot ang kaniyang balat ng maitim at madungis na likido.

"Mukhang tuluyan nang natanggal ang dumi sa katawan ko," bulong ni Pierre.

Paos at gumaralgal ang kaniyang boses, katunog ng isang lumang tape recorder na gasgas na, ngunit sapat na iyon para magdulot ng kakaibang kilabot. Alam niyang normal lang ito dahil isang dekada siyang hindi nagsalita, at babalik din ito sa dati sa mga susunod na oras.

"Tita, ganyan ba talaga palagi katigas ang ulo ni Pierre dito sa bahay?" tanong ni Evander habang nakangisi.

Lalong nagngitngit ang bagang ni Lyra sa hiya at galit dahil sa patutsada ng binata. Isang manugang lang na nakikitira ang nagbibigay sa kaniya ng ganitong kahihiyan sa harap ng bisita.

Tumayo na si Lyra para sana personal na ayusin at hilahin pababa si Pierre nang biglang lumitaw ang lalaki sa itaas ng hagdan.

Agad na bumaling ang tingin ni Evander sa kaniya, at hindi nito mapigilang magpakita ng matinding panghahamak.

"Ang isang katulad niya ay hinding-hindi magiging karapat-dapat para kay Eleanor," bulong ng binata.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasan

Hyla Luntao
Hyla Luntao
Bagal ng update
2026-08-02 12:48:29
1
0
Ilocana
Ilocana
highly recommended
2026-07-18 19:10:09
1
0
Warrior
Warrior
ang tagal ng update
2026-08-19 15:44:06
0
0
Amira Ferrer
Amira Ferrer
mganda sana kaso bagal mag update tapos kunti pa
2026-07-11 10:15:35
1
1
212 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status