"Yvonne, pakipasa ang mensahe. I-terminate ang proyekto ng automotive city na tinalakay kaninang umaga. " Sinabi ni Harvey York at hindi man lang siya tumingin kay Kevin Quinn."Opo!" si Yvonne Xavier ay simpleng tumugon.Matapos ilagay ang old-model na cellphone sa mesa, tiningnan ni Harvey si Kevin na halos nakaluhod na sa sahig sa sandaling ito, at nakangiting sinabi, “Mr. Quinn, bakit ka nakayuko sakin? Isa akong walang kwentang basura. Hindi ko kayang tingnan ito."Hindi naglakas-loob si Kevin na tumayo. Mahina siyang tumawa. "Mr. York, anong sinasabi mo? Hindi mo ba sinabi mo lang ngayon? Kung makikiusap akong bumalik ka, luluhod ako at tatawagin kang ama…”“Huwag na. Hindi ako ganun kamalas na magkaroon ng isang anak na tulad mo." Kinaway ni Harvey ang kamay niya.“Oo, oo. Hindi ako karapat-dapat. Hindi ako karapat-dapat. Napaka ignorante ko noon, pero alam ko nang si Mr. York ay isang mapagbigay na tao. Maawa ka sakin. " Nanigas ang mukha ni Kevin.Walang pakialam si Harv
“Hindi na. Hindi na.” Sabi ni Kevin. “Baka isiping may masamang nangyayari dito kung tatawagan mo ang mga pulis. Baka maapektuhan ang negosyo kung hindi natin maipaliwanag… Ako nang bahala sa kanya. Bigyan ko na lang siyang pera para paalisin siya. Ayoko nang magsayang pa ng oras sa taong tulad niya…”Naramdaman ni Kevin na mababasa na ng malamig na pawis ang kanyang shirt habang nagsasalita siya.‘Kasalanan mo lahat ito! Bilang best friend ni Mandy, hindi mo alam ang tungkol sa totoong pagkatao ng kanyang asawa at pinilit mo pa akong ligawan siya. Sabik na sabik ka na bang mamatay ako?’“Pinsan, bakit ka pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” Hindi alintana ni Angel ang lahat at nagtatakang nagtanong.“Medyo mainit ang panahon, medyo mainit…” Awkward na sagot ni Kevin.“Ay, ayos lang pala kung ganon. Oo nga pala, hindi mo siya kailangang bigyan ng malaki, pwede na ang thirty dollars… Sigurado ka na kay Ate Mandy. Nandito ako, siyempre tutulungan kita para makuha mo siya!” Gumawa si An
"Oo, oo!" Mabilis na tumango si Kevin. Hindi na siya naglakas-loob na isipin pa ang tungkol sa investment ngayon.Pagkaraan ng ilang sandali, pinalabas niya si Harvey mula sa showroom at nakita siyang nagmamaneho papalayo sakay ang Panamera. Doon lang namalayan ni Kevin na basang basa ang buong katawan niya sa pawis.“Mr. Quinn, hindi ko maintindihan kung bakit ka…” Mukhang tuliro ang little chief.Sampal!Sinampal siya ni Kevin. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo kapag may kung anuman akong ginagawa? Tandaan mo! Kung sinuman ang magpapakalat o magsasalita tungkol sa nangyari ngayon, papatayin ko siya!”***Pagkaalis sa automotive city, napansin ni Harvey ang oras na medyo late na. Kung kaya, hindi na siya bumalik pa sa kumpanya. Sa halip, pumunta siya sa mall para mamili pagkatapos mag-send ng mensahe kay Mandy, at inihanda ang binili niya pauwi ng bahay.Sa kabilang banda, medyo nahihiya si Mandy nang malamang uuwi na si Harvey. Gayunpaman, mabilis niyang tinapos ang kanyan
Makikilala ni Lilian ang taong ito kahit maging abo ito dahil siya ang walang kwentang live-in son-in-laws—si Harvey! Hindi dahil sa hindi pa siya nakakita ng Porsche, pero ang kanya ay isang entry-level model, na nagkakahalaga ng halos isang daang libong dolyar.Gayunpaman, ang minaneho ni Harvey ay special edition Panamera na ang presyo ay humigit-kumulang four hundred thousand dollars. Ang kotse ni Mandy ay maliit lamang ang halaga kumpara doon. Kahit na ang pamilya Zimmer ay nagpapatakbo ng malaking negosyo, second-class family pa rin sila. Mahirap para sa mga ordinaryong tao ang magbayad ng ganitong halaga upang makabili ng kotseng tulad nito.Ang kotseng ito ay pwedeng ituring na dream car ni Lilian. Kung kaya, hindi siya makapag-react kahit na lumabas ang kanyang walang kwentang son-in-law sa kotse.Walang pakialam dito si Harvey. Sa halip, lumakad siya at binati si Mandy habang may bitbit sa kanyang kamay. "Nakabalik na ako."Medyo nataranta din si Mandy. Tumingin siya kay
Samantala, nakapila si Harvey para mamili ng milk tea. Nag-ring ang kanyang cell phone. Rinig ang boses ni Yvonne sa kabilang linya. "CEO, may nag-upload ng video ni Zack na itinaboy sa internet. Kinukwestyon na tayo ng mga netizen, masyado daw tayong malupit. Kailangan ba nating magsagawa ng isang press conference para maipaliwanag ito?"Nag-isip sandali si Harvey at sinabi, “May kuha ba sa meeting room sa araw na iyon? Takpan na lang ang mukha ng babaeng nasa front desk at humanap ng magpo-post nito online.”"Opo!" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne nang marinig niya iyon. ‘Si CEO talaga ang CEO. Ang bilis niyang nalutas ang isang malaking isyu sa dalawang pangungusap lang. Bakit hindi ko naisip iyon?'Binaba na ni Harvey ang cellphone at hindi na hinintay ang papuri ni Yvonne. Kinuha niya ang kanyang milk tea at handa nang umuwi.Bigla siyang nakarinig ng tili ng preno sa likuran niya sa paglalakad niya sa gilid ng kalsada. Isang Audi A4 ang biglang huminto sa likuran ni Harvey at h
“Oo, Brother Howard, ang galing mo. Nakahanap ka ng trabahong may annual salary na seventy six thousand dollars. Paano niya—isang live-in son-in-law, maiintindihan ang mga ito?!” Ang babaeng may makapal na make-up ay ubod ng yabang na tila ay nakatagpo siya ng isang mayamang asawa.Gulat na tumingin si Harvey kay Howard. Mukhang may talento ang taong ito.Akala ni Howard ay naiinggit si Harvey nang makita ang kanyang tingin. Nagpakumbaba siya at sinabi, “Huwag mong inisin ang dati kong kaklase. Swerte lang ako. Ang pinsan ko—si Don Xander ay isang senior executive ng York Enterprise. Pinadala niya dati sa kumpanya ang resume ko, at tingin ng kumpanya ay mahusay ako. Kaya kinuha nila ako. Wala yun.”Si Howard ay ubod ng yabang nang binanggit niya ang York Enterprise. Kung sabagay, alam ng lahat na ang mga York—and top family ng Niumhi ang nasa likod ng York Enterprise. Magkakaroon siyang promising career kung makakapag-trabaho siya kasama ang isang maimpluwensyang pamilya.Napatigil
"Isa pala siyang live-in son-in-law. Isa siyang kahihiyan sa mga kalalakihan!""Hoy, sinasabi ng gwapong ito na ang live-in son-in-law na ito ay tinukso ang mga kaklase niyang bumili ng mamahaling wine sa kanilang reunion dinner. Pero, hindi siya nagtagumpay na lokohin ang mga kaklase niya. Pinagyayabang niya pang may hinayaan siyang i-waive ang bill para sa kanila.”"Paanong may ganong tao? Kahihiyan siya sa mga kalalakihan!""Napaka-walang kwentang basura! Bakit hindi na lang siya sagasaan?"Pinag-tsitsismisan sila ng mga tao, at agad nagalit si Harvey.‘Napakaganda ng mood ko ngayon. Lumabas lang ako para bumili ng milk tea ng asawa ko. Paano kami nagkita ng tangang ito? Bakit hindi ko alam na ungas si Howard?'Mas naging arogante ang babaeng katabi ni Howard ngayon.Nang malapit nang magpatuloy si Howard, maingat na nilapag ni Harvey ang milktea sa lupa. Malamig niyang sinabi, "Howard, binabalaan kita dahil kaklase kita, huwag mo nang palakihin ito!"“Bakit? Anong kaya mong
Lumaki ang ulo ni Howard at sinadyang ilagay sa speaker mode ang cellphone niya para marinig ng lahat. Pagkatapos ay umubo siya at sinabi nang malakas, “Manager, sabi niyo ba pinirmahan na ng CEO ng York Enterprise ang appointment letter ko?”Ang mga usisero ay nakatingin kay Howard na may paghanga nang sinabi niya ang mga salitang iyon.“Sinabi ng elite na to na magtatrabaho siya sa York Enterprise na may annual salary na seventy-six thousand dollars!”“Tiyak na siya ay galing sa senior management, at maganda ang kanyang kinabukasan!”“Ito ang ibig sabihin ng maging matagumpay habang bata pa. Sabi daw na ang York Enterprise ay napaka-demanding kahit sa paghahanap ng security guard nila. Isa pa, napakaraming koneksyon ng kumpanyang ito. Ang mga nakakapasok sa kumpanya ay mga industry elite!”Sa sandaling ito, maraming tao ang naiinggit sa kanya at nais na mapunta sa pwesto niya.Sa sandaling ito, ang may makapal na make-up na nakatayo sa tabi ni Howard ay nakatingin sa kanya na m