로그인“Ano ba? Tangina naman nito eh! “Why ang kulit mo? I told you I can cook nga!” “Anong I can cook? Gaga ka ba? Hindi ka nga kumikilos sainyo, tapos mag luluto ka rito? Baka gusto mo sunugin condo ni Jazie? Aba Cassandra mahiya ka naman!” “Ano ba? Pakielamera ha! Mag vovolunteer ba ako kung hindi ako marunong mag luto?!” Kanina pa ako gising pero nanatili akong nakahiga sa kama ko dahil hanggang dito rinig ko ang sigawan ng mag pinsan. “Tignan nalang natin sinong mananalo sakanilang dalawa,” nalingunan ko si Jazie na naka tayo na pala sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako sa kama ko at bahagya akong natawa. “Goodmorning buntis, nagising ka ba sakanila?” inaantok kong tanong sa kanya. Agad siyang umiling. “Kanina pa ako gising, tinamad lang akong lumabas ng kwarto,” sagot naman niya. “Buti naman nagka sundo na sila,” sambit ni Jazie, tatango na sana ako pero narinig ko na naman ang boses ni Almea. “Ano ba Cassandra! Ayusin mo nga! Tanginang kaartehan ‘yan!” “Ang aga nagmumura
Habang nag aayos kami ng pang hapunan namin ay may biglang nag door bell, nagka tinginan kaming dalawa ni Almea. “Si Cassandra?” tanong ko. Nagkibit siya ng balikat. “Tignan natin,” “May tao?” sabat ni Jazie nang marinig niya ang doorbell ng unit niya na tumutunog. Tumango ako at ako na ang nag bukas ng pintuan. Dalawang tao ang nadatnan namin sa labas, si Rocco at si Cassandra. “What are you doing here, Rocco?” malamig kong tanong sa kanya. Nakita ko ang marahang pag lunok niya. He was about to open his mouth to talk but no words came from him. I am utterly disappointed to him actually, it’s been what? Three days since we left tapos ngayon niya lang naisipan na puntahan ako?“Wala ba you sasabihin kuya?! Ako na nga! Why did you go here pa kasi?!” narinig kong nag salita si Cassandra. Bahagya kaming nagka titigan ni Almea. Bumuntong hininga nalang siya, pati ako dahil mas nakakahilo pala talaga kapag personal mo na siya maririnig mag salita. “Why are you even here, Cass?” napi
“It’s been days, hindi ka pa niya tina tawagan?” tanong ni Almea sa akin. Nakita niya siguro ang pag tingin tingin ko sa cellphone ko. Tamad ko siyang nilingon. “Hindi siya ang hinihintay kong tumawag,” nata tawang sagot ko. Hindi si Rocco ang hinihintay ko. “Eh sino?” “Ang doctor ni Jazie,” naka ngusong sagot ko. Nginuso ko ang tiyan ni Jazie na mas lalong lumaki ngayon. Tumango naman siya na parang naintindihan ang sinabi ko. I clicked my tongue. “Besides, hindi naman siya worth it hintayin, if hanggang dito nalang arrangement namin, it’s fine, wala akong pakielam sa kanya.” “Really?” pinaningkitan niya ako nang mata. Natatawa ko siyang hinampas. “Aray! Bakit ba!” natawa na rin siya sa ginawa ko at bahagyang napailing. “Anong meron? Bakit kayo nag tatawanan?” nag tatakhang tanong ni Jazie sa amin nang lumapit siya sa amin. Sabay namin siyang nilingon ni Almea. Pinakita ko ang cellphone ko. “Akala niya si Rocco ang hinihintay kong tumawag,” naka ngiwing sagot ko. Nabahiran
Pagod na pagod kami ni Almea habang nasa byahe kami papunta sa condo ni Jazie, nasabihan ko na rin siya na makikitira muna kami sa condo niya, masaya naman siya dahil mas gusto niya na may kasama siya sa condo niya, lalo na sa kondisyon niya ngayon. “Welcome, welcome!” naka ngiting sambit ni Jazie nang makita niya kami ni Almea sa labas ng condo niya. Pagod kaming humilata ni Almea sa sofa niya. “Ano bang nangyari sa inyo? Bakit parang pagod na pagod kayo?” naka ngiwing tanong ng buntis sa amin. “We are really tired! I am Almea by the way, Anastasia’s bestfriend,” naka ngiting pakilala ni Almea sa sarili niya. Tumango naman si Jazie at nakipag kamay sa pagod na si Almea. “Jazie, tropa rin ni Anastasia,” sambit naman ni Jazie. “Ano bang nangyari? Gaga ka! Ang alam ko nasa palawan kayo ng boyfriend mo?” “Umuwi ako, kami pala” “Bakit?” kuryosong tanong niya sa akin. Umupo siya sa pang isahang sofa habang nakatitig sa akin. Hindi ata niya ako iiwan kung hindi ko sasabihin sa kanya.
“Gusto mo bang umuwi na?” bulong sa akin ni Almea. Ilang oras na kaming nandito, at ni anino ni Rocco ay hindi ko man lang nakita. “Uuwi na ako,” nakangiwing sagot ko. Tumango si Almea sa akin. “Sasama ako pauwi, wala na rin naman akong gagawin dito,” sagot nito sa akin. Tumango ako at napagka sunduan naming mag kita sa port maya maya dahil kukunin lang namin ang mga kagamitan namin. Dali dali akong bumalik ng villa, dahil hindi ko inalis sa maleta ko ang mga damit ko ay agad kong kinuha ito at ang iilang mga gamit ko na nasa shoulder bag ko. Walang pagdadalawang isip ako na umalis ng villa at nakipag kita kay Almea sa port. “May tickets na tayo pauwi, mag babarko tayo,” sagot niya sa akin. Tumango ako at nag simula na kaming umakyat sa barko dahil naayos naman na ni Almea lahat. Nasa iisang kwarto kami, dalawa ang kama kaya iyon na ang kinuha namin, nilagay lang namin sa loob ang mga gamit namin, pagkatapos ay lumabas na rin kami. “Everything is suffocating,” naka ngising samb
“Where were you last night?” bulong sa akin ni Almea. Nakatabi kami ngayon sa isang pahabang lamesa kung saan nag b-breakfast kaming lahat. Ayoko na sanang sumama dahil kumpleto raw ang pamilya ni Rocco, kaso ayaw ko namang maging bastos kaya sumama nalang ako. “Pinuntahan ako ni Rocco,” pabulong kong sagot sa kanya. Palihim naman niyang tinignan si Rocco at inirapan. “Epal talaga ‘yan kahit kailan,” “Hayaan mo na, iniwan mo rin naman ako kagabi,” naka ngiwing sumbat ko sa kanya, ngumisi naman siya sa akin. “Worth it, nalapitan ko ang crush ko kagabi,” Sasagot pa sana ako nang biglang sumabat si Rocco sa usapan namin. “What are you two whispering about?” sabat nito dahilan mapa tingin sa amin ang mga malapit sa upuan namin. “Probably men and their escapades last night,” nakangiwing sagot ng tiyahin ni Rocco. Tumaas nang kusa ang kilay ko habang nakatitig ako kay Rocco. “My escapades last night were with Rocco, tita. Should I let him narrate what we did last night? Para matahi







