Share

Kabanata 11

Author: GU Family's Little Bamboo
Wala ng nagawa sina Ling Guozhi, Fang Cuie, at Ling Luoyin, kundi ang magkatinginan nalang dahil hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Gusto pa sanang magwala ni Fang Cuie, pero bigla siyang pinigilan ni Ling Guozhi. “Halika na. Siguro ex-convict din ang lalaking yan! Marami talagang klase ng tao sa kulungan. Malay ba natin kung nakulong din yang lalaking yan?”

Nang marinig ito ni Fang Cuie, dismayado nitong sinabi, “So, papalampasin nalang natin ‘to?”

“Maghintay nalang tayo. Kapag pinag’initan nalang ni assistant Director He si Luoyin, tsaka nalang tayo mag-isip ng susunod na hakbang.” Pangungumbinsi ni Ling Guozhi dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na hamunin ang lalaking naka engkwentro.

Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at pabulong na sinabi, “Talaga bang….ex-convict din ang lalaking yun?” Kahit na hindi niya masyadong naaninag ang itsura ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong bangs, sigurado siyang gwapo ito nang masilip niya ang mga mata nito.

Isa pa, pakiramdam niya nakita niya na ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan at kung kailan.

Artista rin kaya siya?

Sa loob ng apartment, nahihiyang tinignan ni Ling Yiran si ‘Jin’ at sinabi, “Salamat.” Kung hindi dumating si ‘Jin’, malamang bugbog sarado na siya ng tatay niya ngayon.

“Hindi mo ako kailangang pasalamatan, Ate. Diba yun naman talaga ang dapat kong gawin?” Sagot ni Yi Jinli habang nakatingin sa namamagang bukong-bukong ni Ling Yiran. “Hindi pa yan magaling ah. Tara hilutin ko ulit ng safflower oil.”

Habang nagsasalita, kinuha niya ang safflower oil at muli, maingat niyang minasahe ang paa nito.

Nabalot ng katahimikan ang buong apartment hanggang sa muling magsalita si Ling Yiran, “Ayaw mo ba akong tanungin kung sino yung tatlong yun at kung anong pakay nila?”

“Hindi ako magtatanong kung ayaw mong magkwento,” sagot ni Yi Jinli.

“Hmm hindi naman sa ayaw. Yung lalaki dun ay yung tatay ko, tapos yung dalawang babae naman ay yung step-mother at half sister ko,” panimula ni Ling Yiran. “Pero mula ngayon, hindi na sila konektado sakin.”

Nang hindi sumagot ang kausap, nagaalangang nagpatuloy si Ling Yiran, “Wala ka na bang ibang itatanong?” Ngayon hindi na niya maitatago na dati siyang nakulong dahil paulit-ulit itong pinagsisigawan kanina ng tatay niya.

Natigilan si Yi Jinli sa pagmamasahe at tinignan si Ling Yiran, “Ano bang gusto mong itanong ko sayo, Ate?”

Dahil sa naging tingin at sagot ni Yi Jinli, muling nabalot ang paligid ng katahimikan.

Pero sinubukang kumalma ni Ling Yiran at huminga ng malalim para magkwento. “Nakulong ako ng tatlong taon dahil sa kasong drunk driving, at kakalaya ko lang.”

Karamihan, kung hindi man lahat, iniiwasan at nagbabago ang trato sakanya sa tuwing sinasabi niya na kalalaya niya lang sa kulungan, na para bang kinamumuhian at pinandidirihan siya ng mga ito.

“Pero si Jin….siya rin ba….” Habang hinihintay ang magiging reaksyon ni ‘Jin’, parehong-pareho ang kaba na naramdaman niya noong hinihintay niya sa trial court ng hatol sakanya.

“Talaga?” Walang emosyon nitong sagot habang nagpapatuloy sa pagmamasahe.

“Hmm… Yun lang?” Gulat na gulat na tanong ni Ling Yiran. “Okay lang sayo?”

“Bakit naman hindi? Ang sabi ng ate ko, hanggat tinatawag ko siyang ate, aalagaan lang namin ang isa’t-isa, at wala kaming ibang dapat isipin.”

Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa naging sagot ni ‘Jin’, pero ang dahil sa mga sinabi nito, bigla siyang napanatag, at maging siya ay hindi niya rin alam kung bakit niya naramdaman ‘yun. “Jin, sobrang swerte kong nakilala kita.”

Noong sandaling ‘yun, hindi nalayan ni Ling Yiran ang bakas ng sa y amula sa mga mat ani na ngumiti si ‘Jin’.

Pagsapit ng linggo, dumalaw si Qin Lianyi sa apartment ni Ling Yiran at nang makita niya si ‘Jin’, hindi siya makapaniwalang pulubi talaga ito.

Kahit na nakasuot lang ito ng isang ordinaryong jacket at mumurahing pares ng sapatos, na halatang parehong binili sa ukay-ukay, bagay na bagay pa rin dito dahil sa ganda ng katawan nito.

Mas matangkad pa siguro ito sa 180 cm, at ang ganda ng korte ng mukha, kahit pa natatakpan ng buhok nito ang mga mata nito, sobrang nakakatulala pa rin ang kagwapuhan nito.

Ngayon lang nakakita si Qin Lianyi ng lalaki na may ganun kagandang mga mata at sa totoo lang, mas gwapo pa ito kumpara sa mga artist ana nakikita niya sa TV, at isa pa, magaling rin itong sumagot.

“Ganyan ba ang pulubi?”

Kaya dali-dali niyang hinila si Ling Yiran sa isang gilid at pabulong na nagtanong, “Sigurado ka ba talagang pulubi siya na wala ng mauuwian? Baka naman artista o model yan ha.”

“Hindi lahat ng gwapo ay nagaartista o nagmomodel,” Natatawang sagot ni Ling Yiran.

Habang pinipilit intindihin ang mga bagay-bagay, naisip ni Qin Lianyi na mahirap din talagang pumasok sa showbiz. “Kasama mo siya lagi diba, mamaya may balak ka jan ha!”

Pabirong inirapan ni Ling Yiran ang kaibigan. Dati natatakot ang kaibigan niya na baka may gawin sakanyang masama si ‘Jin’? Eh bakit ngayon parang mas natatakot na ito na siya ang may gagawing masama kay ‘Jin’.

“Mas bata siya sa akin ng ilang buwan at nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya.”

Lumapit si Qin Lianyi kay Yi Jinli. “Magiging prangka ako sayo ha? Pwede kang tumira dito, pero mangako ka sakin na wala kang gagawing masama kay Yiran. Alam mo, ayaw na ayaw niya ng mga manloloko at kapag nalaman naming manloloko ka, ako mismo ang tatawag ng pulis para ipahuli ka!”

“Lianyi, ano ba yang pinagsasbai mo? Hindi magsisinungaling sakin si Jin,” Nahihiyang sabat ni Ling Yiran.

“Gaano na kayo katagal na magkakilala? Linawin muna natin ha. Jin, narinig mo ba ang sinabi ko?” Tanong ni Qin Lianyi kay Yi Jinli.

“Sige”, sagot ni ‘Jin’.

Nakangiti lang ng bahagya at walang pagdadalawang isip na sumagot ng “oo” si ‘Jin’.

At dahil dito, biglang nailang si Qin Lianyi dahil pakiramdam niya ay parang pinagbabantaan siya nito.

“Pulubi nga lang talaga siya, masyado lang akong maraming iniisip,” pagpapanatag ni Qin Lianyi sa sarili niya. Pero bago siya umalis, muli niyang binulungan si Ling Yiran na magiingat at tawagan lang siya kapag kailangan nito ng tulong.

Pagkaalis ng kaibigan, nahihiyang sinabi niLing Yiran kay ‘Jin’, “Pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko. Nag-aalala lang siguro siya sa akin.”

“Kaibigan mo siya kaya kahit anong sabihin niya, hindi ko mamasamain,” Sagot ni Yi Jinli. Sa totoo lang, sa loob- loob niya, natatawa nalang siya sa mga akusasyon nito sakanya. “Okay naman ba ang pagkakaibigan niyo?”

“Alam mo ba yung tinatawag na ‘life-saving straw? Yung kapag nalulunod ka na, tapos wala kang mahawakang kahit ano, pero may bigla kang nahilang straw. Kahit na hindi ka maiaangat ng straw nay un, kahit papaano magkakaroon ka ng pag-asa… Para sa akin, si Lianyi yung straw na ‘yun.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status