Share

Kabanata 31

Biglang nanigas ang katawan ni Yi Jinli, pero hindi siya pumalag at hinayaan lang si Ling Yiran yakapin siya nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sobrang panatag ng pakiramdam niya....

Pakiramdam niya kapag kasama niya si Ling Yiran ay hindi siya si Yi Jinli na tinatawag ng lahat na Young Master....

"Jin, diba sabi mo hindi mo ako iiwanan kahit kailan? Ako rin. Hinding hindi kita iiwanan. Kahit ano pang mangyari balang araw, nandito lang ako para sayo."

"Hindi mo ba talaga ako iiwanan kahit anong mangyari?" Pabulong na sagot ni Yi Jinli.

"Oo naman," walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran.

"Hindi ka ba matatakot sakin?"

"Bakit naman ako matatakot sayo? Ang bait bait kaya ng Jin ko, kaya nga gustong gusto kitang mas makilala pa eh." Natatawang sagot ni Ling Yiran.

'Jin ko.... Bakit sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang ito ay pakiramdam ko pag-aari niya ako.... Kung ibang tao siguro ang nagsasabi nito, magagalit ako, pero dahil siya....parang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status