Share

Kabanata 32

Sa totoo lang, alam niya ang posibilidad pero palaging dinadasal ni Ling Yiran na huwag muna sana niyang makita sina Hao Yimeng o si Xiao Zigi dahil hindi pa siya handa.

Kung ano ang itsura ni Hao Yimeng noong unang beses niya itong nakita, ganun pa rin ang itsura nito ngayon... Maganda, makapal mag makeup at fashionista.... Sikat itong artista kaya marami itong fans sa Shen City.

At kahit noong inutusan nito ang iba niyang kakosa na tanggalan siya ng kuko, fashionista pa rin ito kaya angat na angat talaga ito sa madilim niyang selda.

Batang bata ang istura... Sobrang ganda...

Pero ang nakakatawa sa lahat ay... ang magandang mukha ring ito ang nagparanas sakanya ng impyero...

Si Hao Yimeng ang demonyo sa panaginip niya na pinipilit niyang takbuhan pero palagi siyang nahhabol.

"Iniisip ko kung sino itong babaeng 'to. Yimeng, diba siya yung hampas-lupang pumatay sa kapatid mo? Ha ha ha totoo nga ang karma. Hindi ako makapaniwala na sanitation worker nalang siya ngayon. Eeew.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status