Share

Kabanata 8

Author: GU Family's Little Bamboo
Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito.

Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’.

Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay.

“Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag.

Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya.

Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito.

“Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran.

“Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pisngi nito at base sa lamig na naramdaman niya, mukhang ilang oras na itong nagaantay sa labas.

“Oo kasi sobrang nagaalala ako na na hindi ka pa umuuwi, eh gabing gabi na. Buti nalang at nandito na,” nakangiting sagot ni Ling Yiran.

Bahagyang umikot ang mga mata ni Yi Jinli. Nagaalala siya kay ‘Jin’ at hindi kay Yi Jinli ng Yi Group. Pero kung malalaman kaya nito na siya si Yi Jinli balang araw, mag-aalala pa rin kaya ito ng sobra para sakanya?

“Medyo ginabi na ako kasi hindi ko kaagad naubos ang mga leaflets. Ang lamig ng mga kamay mo. Akin na, papainitin ko.” Habang nagsasalita, hinawakan ni Yi Jinli ang mga kamay ni Ling Yiran, at kagaya ng ginawa nito sa mga kamay niya noong nakaraan, paulit-ulit niya rin itong kiniskis para gumawa ng init.

Wala pa man ding ilang segundong ginagawa ito ni ‘Jin’, tuluyan ng nawala sa pakiramdam ni Ling Yiran ang lamig. Hindi maitatanggi na sobrang lamig ng panahon, pero….parang biglang uminit ang paligid niya.

“Jin, buti nalang talaga at nandito ka.” Pabulong na sabi ni Ling Yiran.

“Nakatatak na yan sa isip ko ate ha. Sana hindi mo pagsisihan balang araw na sinabi mo yan.” Nakangiting sagot ni ‘Jin’.

“Hindi ko talaga yan pagsisihan. Hmm, okay na yung mga kamay ko. Tara umuwi na tayo at iniitin ko yung pagkain.” Masayang pagpapatuloy ni Ling Yiran habang hinihila si ‘Jin’ pauwi sa apartment niya kaya hindi na niya napansin ang itim na sasakyan na nakaparada sa isang eskinita na hindi kalayuan.

Samantalang si Gao Congming, na nasa loob ng sasakyan ay hindi makapaniwala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata. Si Young Master Yi ay….pinapainit ang kamay ng isang babae…

Sa tanang buhay niya, ngayon niya lang nakita na ginawa ito ni Young Master Yi sa isang babae. Kahit kay Hao Meiyu, na naging fiancé ng Young Master, ay kahit kailan hindi niya nakitang trinato nito ng ganito.

Pero ngayon… Ginagawa ito ni Young Master Yi Kay Ling Yiran. Kay Ling Yiran…. Ang taong naging dahilan ng pagkamatay ni Hao Meiyu!

Kapag naalala niya na sinundo rin ni Young Master Yi sa club ang lasing na lasing na Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang mababaliw na siya.

Ano ba talagang tumatakbo sa isip ni Young Master Yi? Hindi kaya may nararamdaman na si Young Master kay Ling Yiran?

Kinabukasan, sa loob ng opisina ng CEO, habang nirereport ni Gao Congmin kay Yi Jinli ang schedule at mga trabaho ng Young Master sa buong araw, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maya’t-mayang mapatingin sa mga kamay nito.

Sobrang ganda ng mga kamay nito. Mahahaba ang mga daliri at halatang laki ito sa yaman kaya kahit na lalaki si Gao Congmin, hindi niya ipinagkakaila na nagagandahan talaga siya sa kamay ng Young Master.

Pero ang mga kamay rin na ito ay nakita na rin niyang walang kaawa-awang sumakal ng tao na halos mapatay na nito. Walang pakielam ang Young Master kahit mabahiran pa ng dugo ang mga kamay nito, at iniisip niya pa lamang ang mga nakita niya noon ay kinikilabutan na siya.

Kaya… hindi niya inaasahan na makikita niya ang mga kamay nito na papainitin ang mga kamay ng isang babaeng ex-convict.

“Anong mayroon sa mga kamay ko?” Biglang tanong ni Yi Jinli na siya ring gumulat kay Gao Congmin.

“Ah, wala po.” Nang mahimasmasan si Gao Congmin, dali-dali niyang ibinaling ang kanyang tingin sa iba at nag-abot ng isang invitation card kay Yi Jinli. “Young Master, galing po ito sa Hao Family dahil ikakasal na ang Hao at Xiao family at sa loob ng dalawang linggo, kaya gusto sa na ni Chaiman Hao na pumunta ka.”

“Kasal?” Tanong ni Yi Jinli habang nakatitig sa invitation card.

Alam naman ni Yi Jinli ang intensyon ng mga Hao kung bakit siya gustong papuntahin ng mga ito. Minsan na rin silang na engage ni Hao Meiyu, ang panganay na anak ng mga Hao. Pero alam niya rin na bago ang aksidente, nagkaroon ng relasyon sina Xiao Zigi at Ling Yiran. Pero dahil gusto siyang makita ng mga ito… “Sige, pumunta tayo.”

Hindi na sumagot si Gao Congming at tinandaang maigi ang sinabi ng Young Master.

Kinahapunan, sinamahan ni Gao Congming si Yi Jinli sa isang pribadong ospital sa Shen City. Limitado lang ang pumupunta sa ospital na ito at lahat mayayaman at matataas ang mga reputasyon sa lipunan.

Huminto si Gao Congming sa may bandang pintuan ng isang kwarto, at hinayaan si Yi Jinli na pumasok sa loob.

Kilang kilala ni Gao Congmin ang matandang lalaki na nasa loob ng kwarto. Minsan itong nangibabaw sa buong mundo at sa Shen City, kontrolado nito ang lahat, maging ang hangin at ulan, pero isang araw, ang nagiisa nitong anak na lalaki ay biglang lumayas ng bahay para sa isang babae.

Pagkalipas ng maraming taon, abo at isang bata nalang ang umuwi sa mansyon ng mga Yi.

Sa loob ng kwarto, tinignan ni Yi Jinli ang matandang lalaki na nakahiga sa kama. Ang matandang ito, na dapat tinatawag niyang ‘lolo’ , ay nakasuot ng hospital gown habang may swerong nakatusok sa isa nitong kamay. Araw-araw, pahina ito ng pahina at papayat ng papayat.

Tinignan ni Master Yi ang nagiisa niyang apo at hinang-hinang sinabi, “Nandito ka na.”

“Opo, nandito na ako,” sagot ni Yi Jinli.

Nagtitigan lang ang mag ‘lolo’ na para bang pareho silang sanay na sanay sa ganung klaseng katahimikan.

Pagkatapos ng ilang minuto, muling nasalita si Master Yi. “Nabalitaan ko sa secretary ko na ikakasal na raw ang Hao at Xiao family?” Kahit na nakaratay na ang matanda sa ospital, araw-araw pa ring nagrereport ang kanyang secretary sakanya.

“Ikakasal na sila sa loob ng dalawang linggo at nagpadala sila ng invitation,” sagot ni Yi Jinli.

“Pupunta ka ba?”

“Bakit naman hindi?”

Nagulat si Master Yi sa naging sagot ng apo, at makalipas ang ilang minuto, natatawa siyang nagpatuloy, “Tama yan. Mabuti naman at hindi ka kagaya ng tatay mo.”

Mula noong mamatay si Hao Meiyu, wala ng ibang babaeng nakausap ang apo niya sa loob ng tatlong taon kaya bilang lolo, nagaalala siya na baka matulad ito sa anak niya na sobrang kinain ng pagmamahal nito sa isang babae, at dumating sa punto na hindi nito matanggap ang pagiisa ng Hao at Xiao family.

Lalo na ex-girlfriend pa ni Xiao Zigi ang pumatay kay Hao Meiyu.

Alam ni Yi Jinli ang ibig sabihin ng lolo niya na ‘Hindi ka kagaya ng tatay mo’ kaya sumagot siya, “Hindi kami pareho, at kahit kalian hindi ako magiging katulad niya.”

Hinawakan ng matanda ang kamay ni Yi Jinli. Bakas sa kulu-kulubot nitong mga daliri ang panghihina nito. “Tandaan mo yang mga sinabi mo ngayon. Huwag kang gagaya sakanya. Kung nakinig lang sana siya sa akin, hindi sana siya…”

Puno ng galit at pagkasuklam ang mga mata ni Master Yi habang sinasabi ang mga ito, na sa sobrang gigil ay hindi na niya namalayang naibaon na pala niya ang kanyang mga kuko sa kamay ng apo, na siyang nag-iwan ng mga pulang marka.

Samantalang si Yi Jinli ay parang walang nararamdamang sakit at palihim na ngumisi. Hinding hindi niya ipagpapalit ang lahat ng maroon siya para sa isang babae at kahit kailan hindi niya nakikita ang sarili niya na magmamahal ng isang tao ng sobra sobra hanggang sa wala ng matira sakanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status