Allyson's P.O.V
Pagkatapos ng tawag ay kaagad na inayos ko ang gamit ko. Dahan-dahan akong nagligpit ng mga gamit habang iniisip kung ano ang maganda kong gawin ngayon sa bahay. Sigurado ako na hindi maagang uuwi sa bahay si Travis kaya malaya kong magagawa lahat ng plano ko. Naitext ko na rin kay Zia lahat ng kailangan ko at ibibigay niya na lang daw mamaya sa tapat ng bahay ni Travis.
"Flare?" napahinto ako sa aking pag-aayos at napalingon sa aking likod kung saan nagmula ang boses.
"You're still here!" manghang saad ni Austin.
Peke akong napangiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga gustong manatili pa rito at hintayin ang kapatid niya pero wala akong magawa dahil ito ang may hawak ng kompanya.
"Yes, pero aalis na rin ako." ani ko dito.
Umupo naman ito sa kaharap kong upuan kaya wala akong ibang choic
Travis P.O.V"Masyado ka atang komportable kaya nakakalimutan mo na ang trabaho mo. Ibabalik na kita sa pamilya mo at hahanap na lang ako ng bagong assistant." ani ko dito at isabg batuk na naman ang natanggap ko.Ewan ko ba kung ano ang utang na loob ko sa lalaking 'to at pinapayagan ko lang siyang batukan ako. Ako na nga itong kumuha sa kaniya mula sa mga magulanh niya para lang mailigtas siya sa magulong mundo tapos ako pa 'tong palaging nababatukan."Marunong ka lang mambanta ng tao pero mismong asawa mo hindi mo nga kayang hawakan sa leeg. Matapang ka lang sa mga kalalakihan pero napakahina mo kay Allyson." ani nito at sinabayan pa talaga ng pag-iling.Matagal ko na ring naisip ang sinabi niya dahil kahit ako ay nalilito sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang maging mapagmataas kay Allyson. Di hamak naman na kahit mas mayaman siya, ako dapat an
Third Person's P.O.V"I know hindi ka pa nakakamove-on." ani ni Allyson at saglit naman na napatigil si Matt bago lumabas ng diretso."Don't worry, itetext kita kapag may lakad si kuya mamaya. You can surely get the endorsement Allyson." saad ni Austin at sinundan ang kapatid.Napailing na lang si Allyson sa nangyari. Alam naman niya na hindi basta-bastang ibibigay ni Matt ang kontrata dahil siya ang dahilan kung bakit pinagalitan ito ng ama.Sa kabilang banda naman ay ang pag-uusap ni Chad at ang inutusan nitong imbestigador. May ibinigay itong folder kay Chad na agad naman niyang binuksan at binasa ang nakasulat sa loob. Patuloy lang siya sa pagbabasa nang biglang kumunot ang noo niya dahil sa nabasa."Sigurado ka ba sa balitang 'to?" kunot noong tanong ni Chad habang inulit basahin ang nakasulat.
Third Person's P.O.V"You'll have the endorsement for my project." ani ni Matt at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Dala-dala ni Matt ang maliit na mikropono."No way! Sinabi mo sa 'kin kanina na sa 'kin mo ibibigay ang endorsement Mr. Velasco." angal ni Sofia pero parang walang narinig si Matt.Dala ng inis ay tumayo si Sofia at akmang lalapitan si Matt pero humarang si Allyson. Galit na tiningnan ni Sofia si Allyson."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakataas kilay na tanong ni Sofia pero nanatiling blangko ang ekspresyon ni Allyson."Hinaharangan ka
Third Person's P.O.V"Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na ako pa rin ang asawa mo bago ka gumawa ng bagay na ikakagalit ko." seryosong saad ni Travis kaya napairap si Allyson.Medyi nagulat din si Travis sa kaniyang simabi. Wala talaga siyang balak na sabihin 'yun pero kusa nalang lumabas sa kaniyang bibig."Ayan, gusto mong ipagdamot ako pero palagi mo na lang sinasabi na kasal lang tayo sa papel. Haler! Travis tumatanda na 'ko kaya kailangan ko na rin maghanap ng ipapalit sa 'yo kung wala ka rin namang planong magtagal sa buhay ko." supladang saad ni Allyson at napakunot noo naman si Travis.Galit na tiningnan ni Travis si Allyson na ngayon ay nakataas ang kilay sa kaniya. Sa mukha ng dalaga ay parang naghahamon ito ng away."Sa papel o hindi, asawa pa rin kita Allyson kaya itigil mo 'yang binabalak mo kung gusto mo
Third Person's P.O.VNanginginig si Sofia habang sinusubukang tawagan ang kaibigang si Yuri. Nakakailang buntong hininga siya bago may sumagot sa kabilang linya."Yes Fia?""Finally sinagot mo na rin ang tawag ko."Napaupo si Sofia sa sofa at maluha-luhang hinintay ang isasagot ng kaibigan."Why? Anong nangyari sa 'yo? Where are you?"Hindi mawawala kay Yuri ang mag-alala para sa kaibigan. Hindi nito alam kung ano ang nangyayari sa kaniya dahil madalang naman itong magsumbong sa kaniya, maliban na lang kung hindi na nito kaya ang problema."Nawala sa 'kin ang kontrata kaya nagalit ako kay Allyson at muntik ko na siyang masagasaan." sumbong ni Sofia at napasinghap si Yuri sa narinig pero napalitan rin nang pagngisi.Biglang nagbago ang mabait na Yu
Third Person's P.O.V"I'm going to announce the divorce. Mas importante sa 'kin ang kompanya." ani ni Travis.Nanlaki ang mata ni Chad. Alam niya na nasaktan ang kaibigan pero hindi pa naman sigurado kung totoo ba ang balita."Alam kong wala ka ng tiwala sa 'kin bilang assistant mo pero kahit bilang kaibigan lang Trav, pakinggan mo ang sasabihin ko." ani ni Chad.Nanatiling tahimik si Travis habang nakakuyom ang kamao. Hindi niya gustong awayin ang kaibigan dahil may naitulong naman ito sa kanita kahit papaano."Pagkatapos kong malaman ang nangyari ay kaagad akong nagpadala ng tauhan sa Italya. Ngayon ang itinakda kong oras upang kunin ang nasagap niyang balita. Magaling ang tauhan ko kaya sigurado akong susunod siya sa usapan." buntong hininga bago nagpatuloy sa sasabihin. "Just wait dude para nam
Travis P.O.V"Kung titingnang mabuti, ikaw ang pumatay sa sarili mong anak."Nagmistulang sirang plaka at pabalik-balik ang sinabi ni Chad sa 'kin. Napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ko dati sa kaniya para iwan niya 'ko? Masyado ba akong mapagmataas sa kaniya?"Kailangan mo ng pumasok. Hindi makakatulong sa inyong dalawa kung hindi mo siya kakausapin."Napabuntong hininga ako at napatingin sa bahay. Kasalukuyan akong nasa sasakyan habang kasama si Chad na kanina pa nagrereklamo dahil gusto niya ng umuwi sa bahay niya."Nahihiya na 'kong kausapin siya. Masyadong masasakit ang mga salitang binitawan ko sa kaniya kanina."Naramdaman ko ang pagtapik nito kaya napabuntong hininga ulit ako. Pakiramdam ko ay wala na 'kong mukhang ihaharap sa kaniya ngayon. Masyadong nakakahiya ang lahat ng pinag
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Naparami 'ata ang pag-inom ko kagabi kaya ngayon ay parang binibiyak ito. Naisipan kong bumaba muna ng kwarto para kumuha ng tubig. Naubusan kasi ako ng tubig sa kwarto ko."Good morning!"Agad akong napamulat ng mata matapos marinig ang boses ni Travis. Medyo nagulat pa ako nang makitang nakaupo ito sa hapag kainan habang nakangiting nakatingin sa 'kin. Ano na naman kaya ang binabalak nito ngayon?"Morning" kaswal na sagot ko at kumuha ng sariling tubig. May inilagay kasi siyang tubig sa lamesa."Napaaga gising ko kaya nagluto na lang ako ng breakfast." ani nito at napatingin naman ako sa kaniya sabay tango. Wala naman kasi akong maisip na sagot."How are you naman? Sumobra ata sa capacity mo ang nainom mo kagabi." tanong nito.