Allyson's P.O.V
Pagkarating namin sa bahay kanina y nagmadali akong pumasok at umakyat sa aking kwarto. Minabuti kong maliho muna bago matulog. I'm sure pagod na si Travis kaya makakatulog siya kaagad kapag hindi niya naalala ang nangyari ngayon. Wala rin ako sa mood makipagtalo ngayong gabi dahil bukod sa gutom ako, medyo naasiwa ako sa presensya ni Austin kanina.
Hindi sa iniisip ko na may gagawin siyang masama, pero pakiramdam ko ay may iba siyang pakay sa 'kin. Plano ko pa naman sanang matulog ng maaga ngayon, pero mukhang hanggang plano lang ang lahat. Dahil sa kaiisip sa tunay na pakay ni Austin ay hindi ko magawang makatulog. Napagdesisyunan ko na bumaba muna upang kumuha ng gatas.
Awtomatikong napakunot ang noo ko nang makitang nakabukas pa ang ilaw sa sala. Magkatabi kasi ang sala at kusina.
"Bakit gising ka pa? Masyadong namang lukot na lukot ang mukha
Chad's Point of View"Nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula. Gusto kong maalala ang pagsasama namin ni Allyson noon. I want to remember everything, including the painful part."Naaawa ako sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang maalala si Allyson, pero hindi naman pwedeng biglain ang utak niya dahil baka mas lalo lamang niya itong makalimutan."Anong gusto mong itulong ko? I'll try to help you in any way I can." saad ko kay Travis. Atleast, I'm trying to help him kahit hindi ko alam kung may maitutulong ba talaga ako."How do I look seven years ago?"Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nagpapalit ng cellphone. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang folder ng mag-asawa. Ako kasi ang nagsilbing photographer nila noon. Ngayon lang bumalik sa aking isipan na hin
Travis Point of View"Tratohin mo na lang siya na parang reyna at nag-iisang babae sa buhay mo. Samahan mo siya sa lahat ng ginagawa niya at huwag mo siyang iiwan kahit ano man ang mangyari. Iparamdam mo sa kaniya ang pagmamahal mo dahil tiyak magugustuhan 'yan ni Allyson. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napakadali lang naman pala ng dapat kung gawin. Pinapahirapan pa talaga ako.Tumayo ako at inayos ang damit ko. Kailangan ko ng umuwi upang pagsilbihan ang nag-iisa kong asawa."Anong ginagawa mo? Saan ka naman pupunta?" pigil ni Chad sa 'kin at hinawakan ang laylayan ng damit ko upang mapansin ko talaga siya."Uuwi malamang. Sisimulan ko sa paghihintay sa kaniya sa bahay. Siguro naman ay maramdaman na niya ang pagmamahal ko." sagot ko kay Chad at inalis ang kamay niya. Malapit na kong m
Travis Point of ViewSabay kaming napalingon ni Allyson sa labas dahil sa pabalik-balik na door bell. Lumayo naman kaagad si Allyson sa 'kin kaya tumayo ako."Mauna ka na lang munang kumain. Ako na ang titingin kung sino ang nasa labas." bilin ko kay Allyson at tumango naman siya.Inis kong binuksan ang pinto ng bahay at diretsong tiningnan ang labas ng gate. Wala naman akong nakikitang tao kaya siguro hindi matangkad ang tao. Binuksan ko ang labas ng gate at napatingin sa batang nakatayo sa labas. Bihis na bihis ito at diretso ang tingin sa 'kin. Ano na naman kaya ang ginagawa ng batang 'to dito?"Anong ginagawa mo dito ng ganito ka aga?" kunot noo kong tanong kay Tyrell.Oo, si Tyrell ang nandito sa labas ng bahay. Walang kasamang yaya at mukhang tumakas pa 'to galing sa paaralan. Bulakbol kahit bata pa.
Allyson's Point of View Pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad akong dumiretso sa bahay ni Zia. Ang sabi kasi ng yaya ni Tyrell na umuwi daw itong malungkot at galit. Siguro ay inaway na naman siya ni Travis. "Allyson," Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Travis. Hindi ako sigurado kung nag-aalala ba ang mukha niya o ano dahil medyo madilim na rin naman at hindi masyadong maliwanag ang kinatatayuan niya. "Anong ginagawa mo dito?" awtomatiko kong tanong. Hindi ko nga alam na alam pala niya ang bahay ni Zia. Nakaramdam naman ako ng panlalamig sa aking naiisip. Baka ay pinaimbestigahan niya si Tyrell o 'di kaya ay nagdududa siya sa 'kin? "Hindi na sana ako pupunta dito, pero may dapat kang mala
Allyson's Point of View"Don't worry Mr. Tan. Ako mismo ang maghahatid kay Allyson sa bahay niyo mamaya. Hindi mo sila mapaghihiwalay kahit na anong gawin mo." saad ni Zia at bumuntong hininga si Travis bago lumabas ng bahay.Ilang minuto rin ang itinagal ng pag-iyak ni Tyrell hanggang sa unti-unti siyang natahimik. Inihiga ko siya sa paa ko upang mahimbing siyang makatulog. I need to say sorry to him bukas."Ako ang nahihirapan sa sitwasyon ng mag-ama mo." pahayag ni Zia. Tipid akong ngumiti sa kaniya."Halata naman kasi na gustong-gusto ni Tyrell na makasama ang tatay niya tapos si Travis naman ay masyadong matayog ang paniniwala sa kaniyang sarili. He's full of pride to admit that he likes him." malungkot niyang dagdag at hinaplos ang pisngi ng anak ko.&
Allyson's Point of ViewBuong araw akong hindi pinaalis ng bahay ni Travis. Ang sabi niya sa 'kin ay dapat daw iponin ko ang lakas ko para sa birthday party ng Lola niya mamaya."Anong klaseng party ba ang pupuntahan natin at kailangan ko pa talaga ng lakas? Hindi naman yata ako makikipag-away 'di ba?" pangungulit ko kay Travis habang binibilang niya ang mga box ng damit na inihatid ni Chad kanina.Mas natataranta pa nga siya sa isusuot ko keysa sa 'kin. Hindi ko nga inaasahang sampung box ang ipapadala ni Chad dahil sa inutusan siya ni Travis."Hindi naman ako papayag na makipag-away ka. Ang akin lang naman ay hindi ka magmukhang pagod mamaya. Well, sa isang private villa ang dinner mamaya at halos lahat ng nandun ay mga malalapit na kaibigan ni Lola." paliwanag niya habang binibilang naman ang mga sapatos na binili niya para sa 'kin.
Allyson's Point of ViewSunod kong kinuha ang huling damit sa box na sa tingin ko ay papasa sa standards niya. Pormal ang hitsura ng damit, pero masyadong maikli para sa tangkad ko."Itigil mo na nga lang 'yan. It's not elegants at all." saad niya kaya inirapan ko ito. Padabog kong ibinalik ang damit sa walk-in closet."In that case, bakit mo pa naisipang utosan si Chad na ihatid ang mga damit na 'to dito?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya.Pinahirapan niya pa ang tao sa utos niya. Ako tuloy ang naawa kay Chad."Sinabihan ko lang siya na bumili ng pormal na damit para sa 'yo. Malay ko bang wala pala siyang taste pagdating sa pamimili ng damit." sagot niya at hinalungkay pa ang ibang damit na hindi ko naipapakita sa kaniya.
Allyson's Point of View"Masyado kang swerte sa apo mo. Sigurado akong maraming babae ang naghahabol sa kaniya." saad ng isang babaeng kaedad ni Lola.Ano bang gusto nitong iparating? Hindi sa guilty ako, pero alam naman nito na ako ang asawa ni Travis at talagang sinabi niya pa na maraming naghahabol na babae kay Travis."My grandson is excellent. Siya ang namahala sa buong kompanya kahit na bata pa lang siya at malapit na ring maglabas ng bagong project ang kompanya. My grandson is very filial. Sinabihan ko na siya na ayos na sa 'kin ang simpleng party pero ginawa niya talagang engrande. Masyadong matigas ang ulo." saad ng kaniyang Lola.Ewan ko ba kung napa-praning ako, pero pakiramdam ko ay may ipinapahiwatig ang lola niya sa sinabi niya.Iniwas ko ang tingin ko nang mahagip ng mata ko ang pagpasok ni Luigi